"Magkano ang perang gusto mo?" nakataas ang kilay ni Mrs. Corpuz nang tanungin niya ako. Napalunok ako at hindi tumugon sa tanong."Sumagot ka!" tumaas na ang boses niya dahilan kung bakit nagdesisyon na akong magsalita."Hindi ko po kailangan ng pera dahil hindi po ako makikipaghiwalay kay Jake..." nanginginig kong sabi.Masama niya akong tinitigan. "Makikipaghiwalay ka dahil inuutos ko," mariin niyang sabi. Umiling ako.Bumuntong-hininga siya na parang naiinip na siya habang kausap ako at gusto na niyang matapos na kami."So magkano nga ang gusto mo?"Hindi ulit ako tumugon."Sumagot ka dahil kakailanganin mo ang pera sa ipapagawa ko sa 'yo."Napaawang ang labi ko.Ano ang ipapagawa niya at kailangan ko ng pera? Nakita niya siguro sa mga mata ko ang kalituhan kaya nagsalita siya ulit."Magpapakalayo ka. Two weeks lang naman. Pagbalik mo siguradong wala na kayo ng anak ko.""Hindi po ako aalis," mahinang sabi ko. "Aalis ka! Sa ayaw at sa gusto mo!"Nagsimulang humapdi ang mga mat
Pagdating namin sa condo ni Jake ay kaagad kaming nagtalik. Wala na kaming sinayang na pagkakataon. Nagyayakapan kaming dalawa ng ilang sandali pagkatapos naming gawin iyon. Pero napabalikwas ako ng bangon nang may biglang tumawag sa aking cellphone. Mabuti na lang at nasa gilid lang din ng kama ni Jake ang bag ko kaya madali kong nahanap ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot ang tumawatag. Nakita ko sa screen na si Nanay iyon."Mia? Ano itong mga pagkain na pinadala ni Jake?" iyon ang bungad niyang tanong sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakalimutan ko pa lang itext si Nanay tungkol doon. Nawala na kasi iyon sa isipan ko dahil naituon ko ang atensiyon sa ibang bagay..."Pinadeliver po 'yan ni Jake, Nay." Napalingon ako kay Jake nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa lantad kong baywang."Ha? Bakit daw? Para saan 'to?""Diyan po siya sa bahay kakain ng hapunan mamaya."Bumangon na rin si Jake at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran at marahang hinahali
"OMG, Mia! Ang PDA ninyo ni Sir Jake!" eksaheradang sabi ni Andrea habang nasa magkabilang pisngi niya ang kanyang mga palad."Sorry," mahinang sabi ko. Uminit ang buong mukha ko dahil sa hiya."Nakakainis kayo." Sinimangutan niya ako. "Hindi niyo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng makakakita. Nakakainggit kayo kung alam niyo lang." Malakas siyang tumawa pagkatapos. Lumapit na siya sa akin at niyugyog ako. Napatawa na ako. Si Joyce ay umiiling-iling lang sa naging reaksiyon ni Andrea."May pa gano'n na kayo, ha! Dati smack lang, ngayon torrid na." Napayuko na ako habang natatawa pa rin. Nagtaka ako nang tumigil na si Andrea sa pagyugyog sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakatingin na siya sa isang kamay ko.Noong mga nagdaang mga buwan ay suot ko ang ibinigay ni Jake sa akin na singsing. Hindi iyon napansin ni Andrea. Ngayon lang niya napagtuonan ng pansin ang daliri ko dahil dalawa na ang suot ko."Totoo nga talaga 'yong sinabi ni Sir Jake sa hall. Niyaya ka n
"Nabusog ka ba?" iyon ang tanong sa akin ni Jake nang tumulak na kami pauwi."Oo," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay kaunti lang ang nakain ko. "That's good."Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil naniwala siya sa sinabi ko at hindi siya nagduda. Hindi niya rin kasi napansin kanina na wala akong gana habang kumakain dahil natuon ang atensiyon niya sa usapan nila ng Daddy niya."We will eat there again next time."Napalunok ako at napabaling na lamang sa labas ng bintana. Nilibang ko ang sarili ko sa mga madadaanan naman. Doon ako nakatingin pero nasa ibang bagay ang isipan ko.Magkikita ulit kami ni Mrs. Corpuz at pagsasalitaan na naman niya ako ng mga masasakit na salita."Maybe pagbalik ko na lang or depende..." dagdag niya. Naging mahina ang boses niya."Kailan ka ba aalis?" mahinang tanong ko. "Bukas sana but it was moved to wednesday.""Bakit na-move?""Because I said so."Bumaling ako sa kanya at nadatnan ko siyang nakatingin na sa akin."I don't want to go tomorrow. I want to
"Mamaya na ba talaga?" kabado kong tanong."Why? May problema ba?"Napalunok ako. "Wala naman..." Hindi ko pinahalata sa kanya na hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari. Iniisip ko pa lang na makikita ko ang Mommy niya na si Mrs. Corpuz ay natatakot na ako. Oo at sinabi ko sa sarili ko na kahit saktan niya ulit ako tatanggapin ko. Pero hindi ko talaga mapigilan ngayon ang kabang nararamdaman.Hapon na kami tumulak ni Jake mula sa condo niya. "I told Mom and Dad na kasama kita," sabi niya habang nagmamaneho siya. Papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Narinig ko nga kanina habang nasa loob ako ng comfort room na may kausap siya sa kanyang cellphone. Ngayon ko lang nalaman na ang parents niya pala ang tumawag sa kanya. Tipid lang akong tumango bilang tugon sa sinabi niya."Jeff will also bring his fiancee to be," patuloy niya.Tumango ulit ako."Hey," malambing niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Bumaling ako na ako sa kanya. "Hmmm?" "Are you okay?" Mabilis akong tumang
Nang magtanghalian na ay nag-order na lang si Jake ng aming lunch dahil wala nang oras para magluto. Doon kami kumain sa kusina niya habang nakakandong ako sa kanya ng patagilid. Nakapulupot ang magkabila kong braso sa leeg niya habang nakapulupot din ang isa niyang braso sa baywang ko. Ang isang kamay naman niya ay ang ginagamit niya para masubuan ako ng pagkain. Gustong-gusto niya talaga kapag kumakain kami ay ganito ang posisyon namin."Ganito din ba ang posisyon natin kapag kumain ka ulit sa bahay namin?" mapanukso kong sabi."Bakit? Gusto mo ba?" nakangisi niyang tanong sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Just tell me if you want us to be like this in front of your parents, walang problema sa akin."Hinampas ko siya sa balikat at malakas akong napatawa. Napatawa na rin siya.Hindi namin 'to gagawin sa harapan ng magulang ko. Nakakahiya kaya. Okay lang kapag ganitong kaming dalawa lang, pero kapag may ibang makakakita, hindi pwede.Sinubuan niya ako ng kanin at ulam at hab