Share

Chapter 005

Penulis: ExDealers
last update Tanggal publikasi: 2026-08-01 16:40:55

ZANIYAH

Parang hindi agad naintindihan ng utak ko ang sinabi niya.

Mistress?

Ibig sabihin, may asawa na siya at gusto niya akong maging kabit?

Matagal na kaming wala. At wala akong karapatang magalit kung nagpakasal siya sa ibang babae.

Pero paano naman ako?

Habang hinihintay ko ang pagbabalik niya, may iba na pala siyang pinakasalan?

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “Ano’ng sinabi mo? Gusto mo akong maging kabit?”

“Oo,” agad niyang sagot.

Napatawa ako at malamig ko siyang tiningnan.

“Talagang nawala ka nang limang taon para bumalik at alukin ako ng ganito?” tanong ko. “Ano ako sa tingin mo, Aamon? Isang babaeng mabibili mo dahil lang marami kang pera?”

Malamig na ngumisi si Aamon.

“Galit ka dahil binili kita. Pero kung si Riven ang nanalo, baka ngayon ay nagmamakaawa kang sana ako na lang ang bumili sa iyo. Hindi ba?”

Napakuyom ang mga kamay ko. “Putang ina mo,” mariin at seryoso kong sabi.

Hindi man lang siya natinag sa mura ko. Kinuha lamang niya ang baso ng alak at tahimik na uminom.

“Hindi ako papayag,” sabi ko. “Hindi ako magiging kabit ng kahit sino, lalo na sa’yo!”

“Tatlong taon na kaming kasal ni Megan at hindi siya magkaanak dahil baog siya. Ilang beses naming sinubukan ang IVF, pero nabigo lang kami.”

Kinuha ni Aamon ang folder at binuksan iyon sa pahinang may markang pula. Iniharap niya sa akin ang kontrata at itinuro ang ilang salitang nakasulat roon.

“Kailangan ko ng tagapagmana, Zaniyah.”

Napatitig ako sa kanya at napaatras ako. “Hindi ako magdadala ng anak para sa iyo at sa asawa mo! ” 

Humigpit ang panga niya, ngunit nanatiling mababa ang boses niya. “Kapag hindi ako nagkaroon ng anak, mawawala sa akin ang Carrington Empire. Ang posisyon ko, mga kompanya, at lahat ng iniwan ng pamilya ko ay mapupunta sa ibang tagapagmana.”

“Problema mo iyon!”

“Magiging problema mo rin iyon kapag tumanggi ka. Hindi mo mababayaran ang utang ninyo kay Mr. Langford. Gusto mo ba iyon?” malamig niyang sabi.

“Mukhang wala na ring pakialam sa iyo ang mga magulang mo at wala ka na rin mapupuntahan. Ipinagbili ka na nila, hindi ba?” dugtong niya.

Napamura ako sa ilalim ng aking hininga. Pati ba naman iyon, alam niya?

Napalunok ako at lalo pang hinigpitan ang pagkakuyom ng mga kamay ko.

“Talagang walanghiya ka,” bulong ko.

“Kapag nabuntis ka, ililihim natin ang kalagayan mo sa lahat,” patuloy niya. “Sa publiko, ipapahayag naming naging matagumpay ang pinakahuling IVF procedure ni Megan.”

Napailing ako. Hindi ako makapaniwala kung gaano kadali para sa kanya na sabihin ang lahat.

“Sa pribado kong villa ka titira. Walang makakaalam kung nasaan ka, at may mga doktor, nurse, at staff na mag-aalaga sa iyo. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo. Bibigyan din kita ng unlimited credit card para mabili mo ang anumang gusto mo. Habang buntis ka, hindi mo kailangang magtrabaho o mag-alala sa mga gastusin.”

Saglit na napahinto si Aamon saka siya nagsalita.

“Kapag nanganak ka, ibibigay mo sa amin ang bata.”

Parang huminto ang puso ko. Naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko. 

“At ano ang mangyayari sa akin pagkatapos?” tanong ko.

“Malaya ka nang umalis.”

Maikling salita lang ang sagot niya, pero sapat iyon para tuluyang mabasag ang natitira kong pag-asa na baka may kabutihan pa sa lalaking nasa harap ko.

“Wala ka talagang puso,” sabi ko.

“Pagkatapos mong maisilang ang bata, makakatanggap ka ng isa pang one hundred million pesos.”

Gulat akong napatingin sa kanya.

“Hindi malalaman ng mga magulang mo ang tungkol sa ikalawang bayad,” dagdag niya. “Direkta itong mapupunta sa iyo. Pwede kang magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa kung gusto mo.”

Napatingin ako sa limang maletang puno ng pera. Alam kong diretso iyong mapupunta sa pamilya ko. At tama si Aamon—wala na rin akong ibang mapupuntahan. 

Kapag tinanggap ko ang alok niya, mabubuhay ako nang marangya. Titira ako sa isang pribadong villa, may sariling doktor, nurse, at mga katulong na mag-aasikaso sa akin. Ang kailangan ko lang gawin ay dalhin at isilang ang tagapagmana niya. Pagkatapos, makakaalis ako dala ang perang sapat para makapagsimula ng bagong buhay.

Para sa iba, napakagandang alok niyon.

Pero para sa akin, hindi ko alam kung sulit ba ang lahat ng iyon kapalit ng anak na kailangan kong isuko.

“Paano ba gagawin iyon?” tanong ko. “IVF procedure ba?”

Akala ko, iyon ang pinakaligtas at pinakalohikal na paraan. May asawa siya. Ang kailangan lang naman niya ay isang tagapagmana. Walang dahilan para may iba pang mangyari sa pagitan namin.

Ngunit nanatiling tahimik si Aamon.

Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Masyadong diretso. Masyadong malamig.

“Aamon?” tawag ko nang hindi siya agad sumagot.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso sa mesa at humakbang palapit sa akin.

“Hindi tayo gagamit ng IVF,” mariin niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. “Kung ganoon, paano?”

Huminto siya sa harap ko. Sapat ang lapit niya para maramdaman ko ang init ng katawan niya at maamoy ang pamilyar niyang pabango.

Hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ko nang sabihin niya ang mga salitang tuluyang nagpahinto sa paghinga ko.

“Sa natural na paraan natin gagawin iyon," malamig na ngiting tugon niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 015 (SPG)

    ZANIYAHDahan-dahan niya akong inilapag sa kama nang hindi pinuputol ang pagkalapat ng kanyang mapupulang labi sa akin. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang kanyang mga halik. Ganito pala ang feeling ng mga taong naghahalikan, masarap at nakakaloko. Hindi ba galit ako sa kanya, bakit ngayon hindi ko man lang magawa na itulak siya palayo. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ang ginagawa ni Aamon sakin.Hindi ko namalayan na naka patong na pala siya sa ibabaw ko. Unti-unti kong naramdaman ang matigas niyang alaga nang dahan-dahan niyang ikiskis iyon sa mamasa-masa kong hiyas. "Ohhh" ungol ko ng bigla niyang idiin ang kanyang pagkalalaki sa akin. Habang tumatagal mas lalo akong nalulunod sa sarap ng kanyang mga halik. Unti-unting bumababa ang mga halik niya sa aking leeg habang hinahaplos ang malulusog kong mga suso. Para akong mababaliw at hindi ko maipalawanag ang aking nararamdaman. Ibinaba niya ang kanyang kamay papunta sa laylayan ng aking bathrobe at dahan-dahan niyang tin

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 014

    ZANIYAHPagkapasok namin sa hotel room, agad akong dumiretso sa bathroom. Gusto ko lang talagang makaligo dahil nanunuot na sa balat ko ang lamig mula sa ulan.“Mauna na akong maligo,” sabi ko habang hawak ang doorknob. “Parang mamamatay na ako sa lamig.”“Go,” sagot ni Aamon habang inilalapag ang cellphone at wallet niya sa side table.Hindi na ako naghintay pa at agad kong isinara ang bathroom door.Mainit ang shower kaya kahit paano ay nawala ang panginginig ko. Pero matapos kong maligo, saka ko na-realize na wala pala akong pamalit na damit.Napatingin ako sa basang dress at underwear ko.Great.Wala akong choice kundi isuot muna ang bathrobe ng hotel.Paglabas ko ng bathroom, nakita kong nakaupo si Aamon sa gilid ng kama. Napatingin siya sa akin nang bumukas ang pinto kaya bigla akong nailang.“Bakit?” tanong ko habang hinahawakan nang mas mahigpit ang sinturon ng bathrobe.“Nothing,” sagot niya habang tumatayo. “Ako naman.”Pumasok siya sa bathroom at isinara ang pinto.Habang n

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 013

    ZANIYAHBasang-basa kami nang tuluyan kaming makapasok sa sasakyan ni Aamon. Pagkasara ko ng pinto, saka ko lang naramdaman kung gaano kalamig ang katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko at halos mangatal ang mga tuhod ko habang nakaupo sa passenger seat.Siguro dahil lang iyon sa aircon.Napansin ni Aamon ang panginginig ko kaya agad niyang hininaan ang aircon. Pagkatapos ay sumulyap siya sa backseat at inabot ang coat niyang nakapatong doon.“Here,” sabi niya habang iniabot iyon sa akin. “Isuot mo muna.”Napatingin ako sa coat bago ko iyon tinanggap. “Thanks,” maikli kong sagot habang isinusuot iyon sa balikat ko.Doon ko lang napansin na wala na pala siyang suot na coat nang bumaba siya ng sasakyan kanina. Naka-white polo lang siya ngayon, at dahil basang-basa rin iyon sa ulan, halos dumikit na ang tela sa katawan niya.Napadako ang tingin ko sa dibdib niya.Putang ina.Hapit na hapit ang polo sa katawan niya kaya kitang-kita ang hulma ng dibdib niya. Hindi ko namalayang bumaba pa

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 012

    CHAPTER 12ZANIYAHBandang alas-singko y medya, nasa waiting area pa rin ako.Mahigit isang oras na simula nang umalis si Aamon. Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala pa ring tawag o message mula sa kanya.Nagtext ako.[Are you done?]Walang reply.Pinilit kong huwag mainis.Sinabi naman niyang one or two hours.Bandang alas-sais y medya, tumawag ako.Hindi niya sinagot.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang cellphone sa kandungan ko.May emergency lang siya, Zaniyah. Huwag kang praning.Pero pagsapit ng alas-siyete y medya, hindi na talaga ako mapakali. Halos tatlong oras na mula nang umalis siya at ni isang message, wala.Paminsan-minsan, napapatingin ako sa glass doors ng clinic sa tuwing may headlights na dumadaan sa labas.Pero walang Aamon.Bandang alas-otso y medya, nagsimula nang magligpit ang mga staff. Lumapit sa akin ang receptionist habang may hawak na ilang folders.“Ma’am Zaniyah, may susundo pa rin po ba sa inyo?” magalang nitong tanong habang pasulyap na tumitingi

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 011

    CHAPTER 11ZANIYAHPagkatapos ng appointment namin sa clinic, hindi agad kami bumalik sa villa.“Where are we going?” tanong ko habang pasulyap-sulyap kay Aamon na tahimik lang na nagmamaneho.“Kakain,” maikli niyang sagot nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.Napakunot ang noo ko at sumandal sa upuan. “Hindi ba puwedeng sa villa na lang tayo kumain?” tanong ko.“Babalik tayo sa clinic mamayang hapon para sa complete laboratory results mo,” paliwanag niya habang patuloy sa pagmamaneho. “Mas malapit dito ang restaurant.”Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang nakaayos na naman sa isip niya ang buong schedule namin kaya wala rin namang saysay makipagtalo.Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa harap ng isang sikat at mamahaling restaurant na ilang beses ko nang nakikita sa social media. Hindi ko pa man nakikita ang menu, pakiramdam ko isang order lang dito, ilang araw na agad na kita ng karinderya namin.Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng manager.“Good afternoon, Mr. Carrin

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 010

    ZANIYAHKinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at hindi ko alam kung dahil naninibago lang ang katawan ko sa lugar o dahil hindi pa rin matahimik ang isip ko sa lahat ng nalaman ko kahapon.Pagbangon ko, inayos ko agad ang kama gaya ng nakasanayan ko sa bahay. Kahit may mga staff naman dito na siguradong gagawa niyon para sa akin, hindi ako sanay na iniiwan lang na magulo ang higaan ko. Pagkatapos, naligo ako at nagsimulang mag-ayos.Isang simple lang na pink halter-neck midi dress na may maliliit na floral prints ang pinili kong isuot. Ipinares ko iyon sa puting flat shoes na may maliit na bow. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status