MasukZANIYAH
Matagal kong hinintay na makita siyang muli. Ilang taon kong inisip kung ano ang sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Akala ko, sisigawan ko siya. Sasampalin. Tatanungin kung bakit niya ako iniwan nang walang paliwanag.Pero ngayong narito na siya, ni hindi ako makagalaw.
“Going once,” sabi ng auctioneer.
Hindi inalis ni Aamon ang tingin sa akin.
“Going twice.”
Humigpit ang mga daliri ko sa gilid ng maikling dress na suot ko.
Hindi ba niya ako nakilala?
O nakilala niya ako, pero wala lang talagang halaga sa kanya ang nangyayari?
Itinaas ng auctioneer ang martilyo at mariin iyong ipinukpok sa mesa.
“Sold for one hundred million pesos to Mr. Aamon Carrington!”
Umalingawngaw ang malakas na tunog ng martilyo sa buong silid.
Nagsimulang magpalakpakan ang ilang lalaki. Narinig ko rin ang mga bulungan tungkol sa napakalaking halagang ibinayad ni Aamon para sa akin.
Pero halos wala akong marinig.
Iisang salita lang ang paulit-ulit sa isip ko.
Sold.
Nabenta ako sa lalaking ex-boyfriend ko.
Lumapit ang dalawang guwardiya at hinawakan ako, pero tulala lang akong nakatitig kay Aamon. Kung kanina ay palaban ako, ngayon ay hindi ko na alam kung paano kikilos.“Dalhin siya sa VIP room,” utos ng auctioneer.
Bumalik ako sa huwisyo. Agad akong nagpumiglas nang sapilitan nila akong ibinaba sa stage habang sinusundan ako ng mga tingin ng mga lalaking nabigo sa bidding. Ang ilan ay nakangisi, habang ang iba ay halatang naiinis kay Aamon dahil inagaw niya ako sa kanila.
Hindi ko na muling nilingon ang mga iyon. Kay Aamon lang nakatuon ang mga mata ko.
Nauna siyang naglakad palabas ng auction room. Hindi man lang siya lumingon upang tingnan kung sumusunod ako.
Dinala nila ako sa isang tahimik na hallway sa ikalawang palapag. Makapal ang carpet sa sahig at puro mamahaling painting ang nakasabit sa dingding. Huminto si Aamon sa harap ng isang malaking p***o. Binuksan iyon ng isang guwardiya.Pagpasok namin, bumungad sa akin ang isang malawak na VIP room. May mahabang sofa, maliit na bar, at malalaking bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina. Sa gitna ay may mahabang mesa kung saan nakahilera ang limang malalaking itim na maleta.
Bukas ang mga iyon. Puno ng pera.
Napalunok ako nang makita ang makakapal na bungkos ng tig-iisang libong piso.
Isang daang milyon.
Iyon ang halagang ibinayad ni Aamon kapalit ko.
Isinara ng mga guwardiya ang p***o. Nawala rin ang babaeng nagdala sa akin sa dressing room. Naiwan kaming dalawa ni Aamon sa loob.
Tahimik siyang lumapit sa bar at nagsalin ng alak sa isang baso.
Parang normal lamang ang lahat para sa kanya. Parang wala siyang biniling tao ilang minuto lang ang nakalipas.
“Aamon.”
Huminto ang kamay niya, ngunit hindi siya lumingon.
Nag-init ang dibdib ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Mas malinaw ko na ngayon ang mukha niya.
Marami na ang nagbago sa kanya. Mas matalim na ang hugis ng panga niya at mas malamig ang mga mata niya. Wala na rin ang magaan na ngiting dati niyang ibinibigay sa akin.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napakuyom ang mga kamay ko nang mapansin kong sandaling tumigil ang tingin niya sa suot kong damit.
Mabilis kong niyakap ang sarili ko.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko. “At bakit mo ako binili?”
Uminom muna siya bago inilapag ang baso. Nanatili siyang kalmado kahit halos sumabog na ako sa galit.
“Pumunta ako rito dahil may kailangan ako,” sagot niya.
Natawa ako nang mapait. “Ilang taon kang nawala tapos bigla kang babalik para bilhin ako?”
“Wala itong kinalaman sa nakaraan natin, Zaniyah.”
Lalong kumulo ang dugo ko.Bago ko pa napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kanya at mabilis kong itinaas ang kamay at sinampal siya.
Tumaginting ang tunog niyon sa tahimik na silid.
Bahagyang napaling ang mukha ni Aamon.
Napahinga ako nang mabilis habang nanginginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung dahil iyon sa takot o galit.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
“Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging pag-aari mo,” mariin kong sabi.
Humakbang siya palapit.
Kusang napaatras ang mga paa ko, ngunit mabilis niyang nahawakan ang pulsuhan ko bago pa ako makalayo.
“Huwag mo akong hawakan!” sigaw ko.
Sandaling tumigil ang tingin niya sa mga mata ko.
May kung anong malamig na ngiting dumaan sa mukha niya, ngunit mabilis din iyong nawala.
Binitiwan niya ang pulsuhan ko.
“Kung ibang lalaki ang nanalo sa bidding, baka hindi ka na nakatayo nang maayos ngayon.”
Napabuga ako ng hangin at natawa. “Dapat ba akong magpasalamat sa iyo dahil niligtas mo ako?”
Lumapit siya sa mesa at kinuha ang isang folder na nakapatong sa tabi ng mga maleta.“Hindi kita iniligtas, Zaniyah.”
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko.
Alam kong wala akong dapat asahan sa kanya. Pero masakit pa ring marinig iyon mula sa lalaking minsang nangakong hindi niya ako pababayaan.
“Kung gayon, ano ang tawag mo sa ginawa mo?” tanong ko.
Inilapag niya ang folder sa harap ko.
“Isang kasunduan kaya binili kita.”
Napatingin ako sa folder. May pangalan ko sa unang pahina.
ZANIYAH CASTRO
Sa ilalim niyon ay ang malalaking salitang—
CONFIDENTIAL CONTRACT
Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko pa man nababasa ang nilalaman, nagsalita na si Aamon sa malamig at mariing boses.
“Be my mistress, Zaniyah.”
ZANIYAHParang hindi agad naintindihan ng utak ko ang sinabi niya. Mistress?Ibig sabihin, may asawa na siya at gusto niya akong maging kabit?Matagal na kaming wala. At wala akong karapatang magalit kung nagpakasal siya sa ibang babae.Pero paano naman ako?Habang hinihintay ko ang pagbabalik niya, may iba na pala siyang pinakasalan?Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “Ano’ng sinabi mo? Gusto mo akong maging kabit?”“Oo,” agad niyang sagot.Napatawa ako at malamig ko siyang tiningnan.“Talagang nawala ka nang limang taon para bumalik at alukin ako ng ganito?” tanong ko. “Ano ako sa tingin mo, Aamon? Isang babaeng mabibili mo dahil lang marami kang pera?” Malamig na ngumisi si Aamon.“Galit ka dahil binili kita. Pero kung si Riven ang nanalo, baka ngayon ay nagmamakaawa kang sana ako na lang ang bumili sa iyo. Hindi ba?”Napakuyom ang mga kamay ko. “Putang ina mo,” mariin at seryoso kong sabi.Hindi man lang siya natinag sa mura ko. Kinuha lamang niya ang baso ng alak at tahimik
ZANIYAHMatagal kong hinintay na makita siyang muli. Ilang taon kong inisip kung ano ang sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Akala ko, sisigawan ko siya. Sasampalin. Tatanungin kung bakit niya ako iniwan nang walang paliwanag.Pero ngayong narito na siya, ni hindi ako makagalaw.“Going once,” sabi ng auctioneer.Hindi inalis ni Aamon ang tingin sa akin.“Going twice.”Humigpit ang mga daliri ko sa gilid ng maikling dress na suot ko.Hindi ba niya ako nakilala?O nakilala niya ako, pero wala lang talagang halaga sa kanya ang nangyayari?Itinaas ng auctioneer ang martilyo at mariin iyong ipinukpok sa mesa.“Sold for one hundred million pesos to Mr. Aamon Carrington!”Umalingawngaw ang malakas na tunog ng martilyo sa buong silid.Nagsimulang magpalakpakan ang ilang lalaki. Narinig ko rin ang mga bulungan tungkol sa napakalaking halagang ibinayad ni Aamon para sa akin.Pero halos wala akong marinig.Iisang salita lang ang paulit-ulit sa isip ko.Sold. Nabenta ako sa lalaking ex-boyfriend
ZANIYAHMaayos ang pagkakaayos ng buhok ni Riven Hayes at mukhang nasa late twenties. Guwapo ang mukha niya, pero walang kahit anong kabaitan sa mga mata niya. Nakasandal lang siya sa upuan habang umiikot ang baso ng alak sa isang kamay.Parang walang halaga sa kanya ang dalawampung milyong binanggit niya.Napakunot ang noo ng ilang lalaki.“Hoy, Riven!” sigaw ng isa. “Nakakuha ka na ng isa kanina!”Nagtawanan ang ilan.“Ibigay mo naman sa amin ang isang ito! Bakit kailangan mo pa ng dalawa?”Ngumisi si Riven habang nakatingin sa akin.“Magkaiba sila,” sagot niya. “At mas gusto ko ang isang ito.”“Dahil virgin pa?” natatawang tanong ng isang lalaki.Hindi na siya sinagot ni Riven. Muling nagtawanan ang mga lalaki.“Puwede mo namang ipahiram sa amin pagkatapos!” sigaw ng isa mula sa likuran.“Baka kailangan niya ng maraming kalaro para matutong sumunod!”Mas lalo silang nagtawanan.Nagsikip ang sikmura ko. Parang gusto kong masuka.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang mabili
ZANIYAH“Bitawan ninyo ako!”Buong lakas akong nagpumiglas, pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ng dalawang guwardiya sa magkabilang braso ko. Sinubukan kong sipain ang isa, ngunit dahil sa taas ng suot kong takong, muntik pa akong matumba.“Hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ko. “Hindi ninyo ako puwedeng ibenta!”Wala man lang silang pakialam sa sinasabi ko.Parang wala silang naririnig habang sapilitan nila akong inilalakad patungo sa stage.“Tumigil ka na,” malamig na sabi ng babaeng nagdala sa akin doon. “Wala ka nang magagawa.”“Hindi ako bagay na puwede ninyong ibenta!”“Bayad na ang utang ng pamilya mo kapag natapos ito, Zaniyah.”Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa corset na suot ko, pero mas nakakasakal ang mga matang nakasunod sa akin.Lahat ng lalaki sa loob ng silid ay nakatingin sa akin.Walanghiya.Parang hindi ako tao sa paningin nila. Parang isa lamang akong bagay na inilabas upang suriin bago bilh
ZANIYAHHindi ako madaling matakot, pero may mali talaga sa lugar na ito.Ilang beses ko nang sinabi iyon sa sarili ko mula nang sunduin ako ng dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit. Wala silang masyadong sinabi habang nasa biyahe kami. Ni hindi nga nila ipinaliwanag kung anong klaseng trabaho ang gagawin ko.Basta ang sabi lang nila, may naghihintay sa akin.At kapag natapos ko raw ang trabaho ngayong gabi, mababayaran na ang utang ng pamilya ko.Pero kung trabaho talaga ang ipinunta ko rito, bakit ako nakatayo ngayon sa loob ng isang dressing room?Napatingin ako sa paligid.Napakalaki ng silid. Kulay ginto ang frame ng salamin, maliwanag ang mga bombilyang nakapalibot dito, at may mahabang mesa na puno ng mamahaling make-up, pabango, at kung ano-anong kagamitan sa pag-aayos ng buhok.Parang nasa backstage ito ng isang fashion show.“O, Zaniyah. Ito ang isuot mo.”Napalingon ako sa babaeng sinundan ko kanina.Naka-fit na itim na dress siya at mataas na takong. Maayos ang pagkak







