Share

CHAPTER 120

last update Last Updated: 2025-10-25 22:06:52

Mainit ang araw ngunit malamig ang pakiramdam ni Aurelia sa loob ng sasakyan. Ang bawat kanto na nililiko niya ay parang may mata na nakamasid. Sa likod ng salamin, naroon pa rin ang itim na kotse—malayo pero hindi nawawala. Parang anino na hindi niya maalis sa kanyang paningin.

Nakapikit siyang huminga, pinilit kumalma. “It’s fine, maybe it’s just coincidence…” bulong niya sa sarili, ngunit kahit sa tono ng kanyang tinig ay ramdam niya ang pagdududa.

Iniliko niya ang sasakyan papasok sa mas mataong daan, sa tapat ng café na madalas nilang kainan ni Anchali tuwing Sabado. Nagpark siya, naghintay. Ilang segundo… walang gumagalaw. Ngunit nang tumingin siya muli sa rearview mirror, wala na roon ang itim na kotse.

Nanlambot ang kanyang mga daliri sa manibela, parang biglang nawala ang lahat ng lakas. “Okay,” bulong niya, “kalma lang, Aurelia. You’re fine.”

Ngunit hindi pa man niya natatapos ang paghinga, biglang bumukas ang pintuan ng café, at isang pamilyar na pigura ang lumabas—matangka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 123

    Ang gabi ay bumagsak na sa siyudad, madilim at tahimik maliban sa mga ilaw na kumikislap sa labas ng bintana ng opisina ni Xavier. Ang basag na mesa ay nananatiling saksi sa unos na dumaan ilang oras pa lamang ang nakalipas. Ngunit sa ngayon, ang mga luha ay napalitan ng apoy. Si Xavier Andrada ay nakaupo sa gilid ng mesa, ang siko ay nakapatong sa tuhod, ang telepono’y mahigpit sa kamay. Nakatitig siya sa itim na screen ng device, nanginginig ang mga daliri. Sa likod ng kanyang mga mata, hindi nawawala ang imahen ni Aurelia — duguan, nanghihina, ngunit matatag. At si Anchali, nakayakap sa laruan, umiiyak habang tinatawag siya ng “Daddy.” Huminga siya nang malalim. Wala na siyang oras para sa emosyon. Hindi ngayon. Sa isang marahas na galaw, pinindot niya ang numero na matagal na niyang iniiwasang tawagan. Tumunog ang linya—isang beses, dalawang beses, tatlo—hanggang sa may sumagot na pamilyar na boses, paos at malamig. “Hindi ko inakalang tatawag ka ulit, Kuya.” “Samuel.” Tahim

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 122

    Malamig ang hangin sa opisina ni Xavier, ngunit ang pawis sa kanyang sentido ay hindi maipaliwanag. Nakaalalay sa mesa ang mga kamay niya, nanginginig, habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang telepono ni Aurelia — walang sagot, walang tugon, tanging tahimik na beep na parang kumakain sa utak niya.“Sir,” sabi ni Ramil, ang chief security niya, halos hindi makatingin. “Sinuyod na namin ang buong paligid ng village. Wala po silang iniwang bakas. Dalawang van lang ang nakita sa CCTV, parehong walang plate number.”“Gaano kalayo na sila?” malamig ang boses ni Xavier, pero sa ilalim niyon ay naroon ang naglalagablab na galit.“Hindi namin matukoy, sir. Nagpalit po sila ng ruta tatlong beses. Paglabas ng subdivision, nawalan na kami ng visual.”Tahimik. Tila huminto ang oras. Ang tik-tak ng relo sa dingding ay parang mabigat na hampas sa dibdib niya.Sa isang iglap, binagsak ni Xavier ang kamao sa mesa, sumabog ang tunog ng basag na salamin mula sa basong nadaganan ng kamay niya.“Find th

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 121

    Maganda ang simula ng araw.Ang langit ay kulay asul, walang ulap, at ang mga dahon sa hardin ng mga Andrada ay marahang sumasayaw sa ihip ng hangin.Tahimik ang bahay, puno ng liwanag ng umagang tila walang banta.Nakaayos na si Xavier sa harap ng salamin, suot ang navy suit na madalas nitong gamitin kapag may importanteng meeting.Mula sa kama, pinagmamasdan siya ni Aurelia habang sinusuklay ang buhok.“Magandang umaga,” sabi niya, ngiting may pagod. “Ang aga mo na namang gising.”Ngumiti si Xavier, lumapit, at marahang hinalikan siya sa noo. “I have to finalize a few things before lunch. Promise, babalik ako agad.”“Be careful,” mahina niyang sabi, sinusundan ng tingin ang asawa na lumalakad palabas ng silid.Sa sandaling iyon, normal ang lahat — parang wala nang dapat katakutan.Si Anchali naman ay masayang kumakain ng pancake sa ibaba, kumakanta pa ng tunog mula sa cartoon na napanood nila kagabi.Nakangiti si Aurelia habang inaasikaso ito, walang ideya na iyon na pala ang huling

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 120

    Mainit ang araw ngunit malamig ang pakiramdam ni Aurelia sa loob ng sasakyan. Ang bawat kanto na nililiko niya ay parang may mata na nakamasid. Sa likod ng salamin, naroon pa rin ang itim na kotse—malayo pero hindi nawawala. Parang anino na hindi niya maalis sa kanyang paningin.Nakapikit siyang huminga, pinilit kumalma. “It’s fine, maybe it’s just coincidence…” bulong niya sa sarili, ngunit kahit sa tono ng kanyang tinig ay ramdam niya ang pagdududa.Iniliko niya ang sasakyan papasok sa mas mataong daan, sa tapat ng café na madalas nilang kainan ni Anchali tuwing Sabado. Nagpark siya, naghintay. Ilang segundo… walang gumagalaw. Ngunit nang tumingin siya muli sa rearview mirror, wala na roon ang itim na kotse.Nanlambot ang kanyang mga daliri sa manibela, parang biglang nawala ang lahat ng lakas. “Okay,” bulong niya, “kalma lang, Aurelia. You’re fine.”Ngunit hindi pa man niya natatapos ang paghinga, biglang bumukas ang pintuan ng café, at isang pamilyar na pigura ang lumabas—matangka

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 119

    Mataas na ang araw nang magising si Aurelia. Dumadaloy ang ginintuang liwanag sa mga kurtina, dumadampi sa malamig na sahig ng silid nila ni Xavier. Ang tunog ng mga ibon sa labas ay tila musika ng panibagong araw, at sa gilid ng kama, mahimbing pa ring natutulog si Anchali, nakayakap sa maliit na stuffed bear na ibinigay sa kanya ng ama.Dahan-dahang tumayo si Aurelia, iniiwasang mag-ingay. Ang buhok niya’y malambot na bumagsak sa balikat, at sa kanyang hakbang ay may halong antok pa. Nang lingunin niya ang kabilang bahagi ng kama, napansin niyang wala roon si Xavier.“Again…” mahina niyang sabi sa sarili, pilit pinipigilan ang pag-aalala. Kahit pa sanay na siyang maagang bumababa ito para sa mga tawag sa opisina, may kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanya ngayon—isang hindi mapangalanang kaba.Mula sa hagdan, naririnig niya ang mahinang kaluskos ng mga tauhan sa kusina. Naamoy niya ang bagong timplang kape, at sandaling ngumiti. Ngunit bago pa siya makapunta roon, napansin niyan

  • His Runaway Obsession   CHAPTER 118

    Habang kumakain kami, si Anchali ay walang tigil sa pagkukuwento ng nangyari sa school—kung paano siya tinawag ng teacher para mag-lead ng morning prayer, at kung paano siya binigyan ng gold star sa math quiz. Si Xavier naman ay buong pusong nakikinig, nakangiti, paminsan-minsan ay humahaplos sa buhok ng anak namin.Ako, nakatingin lang sa kanila, at sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, nakaramdam ako ng kapayapaan.“Papa, next week daw may Family Day sa school!” sabi ni Anchali habang sumubo ng kanin. “Pwede ka bang sumama?”“Of course, baby,” sagot ni Xavier agad. “I wouldn’t miss it for the world.”Napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka? Baka may meeting ka ulit—”“Wala akong mas mahalaga kaysa sa inyo,” putol niya sa akin, sabay ngiti. “Promise.”Tahimik akong tumango. Sa loob-loob ko, gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya—na tapos na ang mga lihim, na ito na ang Xavier na handang maging totoo at buo sa amin.Pagkatapos ng hap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status