LOGINKaagad na inabot saakin ang kompletong details ni sir Eros. Kailangan ko raw iyong masaulo bago ang kanyang business trip sa Iloilo. Mahigpit nilang habilin saakin na dapat ay mas mauna raw akong magising lagi.
Nang makaupo ako sa desk ay madali akong gumawa ng file. Agad akong napalingon sa babaeng meztiza na kapapasok lamang sa department. Nakita kong papasok siya sa loob ng opisina ni sir Eros.
Lahat kami rito ay iisa lang ang iniisip. Ikakama niya na naman siguro iyon. Wala nang bago. Gusto kong magtanong ulit kay manang Rosa kung bakit naghiwalay sila ni Kathy at naging babaero siya.
"Ms. Cervantes. May importanteng call si sir Eros from chairman Eison, pwede bang paki-notice siya sa intercom?" Utos saakin ng isang engr.
"Sir, may bisita ata si sir Eros." Giit ko.
"It's a call from the chairman. Kaya sobrang importante."
Gusto kong umapila dahil alam ko kung anong kababalaghan na naman ang nangyayari sa loob ng opisina ni sir Eros. Baka masisante na ako kapag naulit na naman ang nangyari na pag-istorbo ko sa kanila ng katalik niya.
Ilang beses ko nang tinawag sa intercom ngunit wala pa ring sumasagot. "Ganon na ba katindi ang ginagawa nila?" Mahina kong bulong.
Kaya dahan dahan akong lumapit sa pinto ng opisina ni sir Eros ang kumatok ng tatlong beses. Nang wala akong marinig na response mula sa loob ang napahugot ako ng malalim na hininga saka dahan-dahang pinihit ang pinto.
Pikit mata akong pumasok dahil ayokong makita ang malaswang imahe ni sir Eros na n*******d kasama ng mestizang babae.
"Analeia, stop fooling around. Anong ginagawa mo rito?" Iritang sita ni Eros sa akin habang pikit mata akong naglalakad.
Iminulat ko ang aking mga mata ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang makitang nakaupo lamang ang babae sa receiving area habang may pinipirmahan naman si sir Eros.
"Thank you cousin!" At bineso ng babae si Eros.
Nang makalapit saakin ang babae ang malaking ngisi ang iginawad niya. "Analeia, right?"
Nagtataka naman akong tumango.
"No wonder why he's to tight up lately." At mas lumaki pa ang ngisi niya.
Nang maiwan kaming dalawa ni sir Eros ay naging awkward ang paligid.
"Sir, may urgent call daw po si Chairman kaya pumasok na po ako rito sa opisina niyo. 'yon lang naman po ang sadya ko sir." Paliwanag ko.
Hindi tinanggal ni sir ang mariin niyang titig saakin habang kinukuha ang cellphone. "Dad..."
Kaya naman ay yumuko na ako at aalis na sana ngunit mabilis na hinapit ni sir Eros ang maliit kong bewang at isinampa sa kanyang mesa.
Mariin niyang hinawakan ang isa kong hita kaya hindi ako makababa. Sa sobrang kaba ay hindi ako makagalaw. Habang siya ay busy na kausap sa kabilang linya si sir Eison.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa hita ko. Napapikit na lamang ako nang may maisip. Maugat ang kamay niya that made it even more sexy...tapos idagdag pa ang mamahalin niyang relo.
Kayang kaya ng kamay niyang sikupin ang isa kong hita. Napapikit na lamang ako sa ideyang naisip. Walangya ka Analeia! Magiging kapatid mo yan!
"Yes, dad. I'll submit it tomorrow. Yes. I'm going home with her." May accent na english ang pagkakabigkas ni sir Eros.
"What are you thinking." Malamig na tanong ni Eros saakin at mariin niyang pinisil ang hita ko dahilan kung bakit ako napamulat ng mata.
"You are thinking something dirty? Akala mo siguro ay gumagawa ako ng kababalaghan dito?"
Sa takot ay mabilis akong umiling. "Nako sir, hindi po! Baka po busy kayo tapos maiistorbo ko kayo kaya ganon po ang kinikilos ko kanina."
"Nakasara ang mata mo. Baka akala ko nakikipag-sex na naman ako?" Prangkang tanong niya saakin.
Hindi ako sanay na pag-usapan ang ganoong bagay kaya naman ay agad akong pinamulahan. Nakita kong natigilan siya at mabilis na pinasadahan ang aking mukha pababa saaking leeg ngunit bumalik ulit ang titig niya sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang pagpisil niyang muli sa aking hita. "Kung lahat ng babaeng papasok dito ay nakikipag-sex ako, that also includes you right? Kaso magiging kapatid kita at hindi kita type." Malamig niyang saad at mariing inipit ang mga hita ko sa table.
Mabilis ang kanyang buntong hininga at napapikit. Naamoy ko rin ang whiskey mula sa kanyang hininga.
Nakainom si sir Eros! Kaya pala madaldal!
Nakaramdam ako ng kaba nang mas lalo niya akong inipit ang lumipat sa kabilang hita ko ang hawak niya. Fuck! Bakit hindi ako pumapalag.
"Sir! Lasing po ata kayo!" Malakas na saad ko.
Doon ay para siyang nahimasmasan at biglang lumayo saakin na para bang napapaso siya sa nangyari.
"Leave me alone." Malamig niyang utos.
Kaya naman ay wala akong sinayang na oras ay lumabas ang opisina niya. Wala na ang mga tao sa department. Time out na rin kasi.
Napahawak ako saaking dibdib. Anong nangyari kanina? HIndi normal iyon. Ganoon ba talaga si sir Eros kapag lasing? Kahit sino hinahawakan niya? May pagka tarantado din iyon!
"Magsisimba ako sa linggo. Makasalan na talaga ako. Letche na yan!" Giit ko at nagligpit ng gamit.
Magpapack- up din ako mamaya dahil bukas makalawa na ang business trip. Bukas ay busy kami dahil may site visit ang ilang engineers at sasama ako sa pag-inspect.
Nang nasa harap na ako ng Moreau building ay nakita ko ang text ni mama na may dinner daw mamaya sa mga Freniere, kailangan ko raw pumunta dahil andoon ang iba nilang kamag-anak.
Hindi ko iyon pinansin. Puro pangmamaliit lang ang maririnig ko mamaya kaya bakit pa ba ako pupunta. Mabilis kong itinago ang cellphone at papara na sana ng taxi ng may biglang itim na SUV ang sumulpot sa gilid ko.
Bumaba ang window ng backseat. Nakita ko kaagad ang malamig na mata ni sir Eros. Nakaigting panga.
"Get in. Matigas talaga ang ulo mo. We have family dinner." Malamig niyang usal.
Wala akong nagawa kundi sumakay. Bubuksan ko na sana ang front seat ngunit humurit pa siya.
"Sit here with me." Mariin niyang utos.
Nang makapasok kami sa loob ay napaharap ako kay sir Eros. "Sir, hindi niyo po dapat binayaran ang apartment. Kaya ko naman pong magbayad e. Kunin ko na lang po ang bank account at number niyo." At nilahad ko ang aking kamay at masungit siyang napatingin roon."Alright." At binigay niya.Nang ma-transfer ko na ang pera ay pinapupo ko muna siya sa maliit naming sala. "Pasensya kana sir, maliit lang itong apartment namin." Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa buong sala. "Ano pala ang sinasabi kanina ng landlady mo? Inaabangan ka ng mga tambay doon? And still you want to live here?" May inis sa tono ng boses niya."May mga gwardiya naman diyaan sir, wala lang sila ngayon kaya kala mo open area itong saamin." Sagot ko. Dahil iyon naman ang totoo. Iniwan ko siya muna sa baba at umakyat ako para kunin ang mga kailangang gamit. Ilang araw lang naman ako roon kaya iilang damit lang ang dinala ko. Pati na rin ang mga files sa trabaho ay isinama ko na. Nang pababa ako ay nakita
Hindi ako nakatulog buong gabi hanggang sa oras ng flight namin. Nakita ko na bagong ligo si sir Eros na para siyang bagong tao. Hindi na ito lasing at naka-damit ng maayos. Hindi na katulad ng postura niya kagabi na lasing, magulo ang damit at tuliro ang mga mata. Busy ito sa kanyang cellphone. Mukhang nakaka-usap niya nga si Katherine. Baka magbabalikan pa sila. Hindi nakatakas sa mata ni Klare ang hitsura ko. "Puyat na puyat ah!" Sita niya at kiniliti ako sa bewang. "May tinapos akong report." Dahil iyon naman ang totoo. Hindi na ako makatulog dahil sa lintek na halik ni sir Eros kaya naman naghanap na lang ako ng makakapagabalahan. "Siguro pinuyat ka ni Leo no! Aba! Callmate mo siguro?" At humalakhak ito. Nakita kong napatingin sina sir Larce at sir Eros sa direksyon namin. "Hindi nga, Klare. May insomnia lang talaga ako.""Imbento ka! Nagka-insomnia ka nong nakita mo ex mo? Oyyy hindi pa nakaka-move on." At hinampas hampas pa ako. "Kaya hindi nakatulog yan kasi nagkiss mu
Napatango-tango na lamang ako. Siguro ay mahal pa talaga ni sir Eros si Katherine kaya hindi pa siya nagse-seryoso. Ayaw ko rin namang tanungin kay Larce ang dahilan ng break ng mga ito."Sana pala sinabi mo muna bago ko siya make-up-an. Nakakaiya rin kasi 'yong ginawa ko. Parang nagimbala ko ang privacy niya." Seryoso kong saad.Nahihiyang ngumiti saakin ito. "Sorry, Analeia, nextime hindi na kita hahatakin. Gusto ko lang ma-confirmed kung naka-move on na si sir at mukhang hindi pa talaga." "Tara na guys! Let's dance! Deserve natin ito! Woooh! Uuwi na rin sa wakas!" At hinila kami ni Klare.Lakad takbo kaming pumunta sa may bonfire. Naroon na ang mga tutugtog pati na rin ang mga staff na sasayaw. Nakita kong nakaupo si sir Eros at pinapagitnaan niya ng mga babae. May hawak siyang baso ng whiskey at nakakalahati niya na ito.Mas magandang iiwas ako sa kanya. Iba ang galaw nito kapag nakainom siya. Na para bang katauhan niya iyon na hindi dapat makita ng sinuman. Napatingin siya sa
Malalim akong napalunok bago nakapagsalita. "Ah, yes po sir. Civil naman po ang pakikitungo namin sa isat-isa. We are good po sir Eison." I gave him the assurance para hindi niya na kami alalahanin ni sir Gabriel. "I'm glad to hear that hija. Pwede bang pag-uwi niyo galing Iloilo sumabay ka na kay Eros dito sa mansion? Gusto ko sanang mag-stay ka muna rito hanggang sa formal event ng engagement namin ng mom mo, is that okay to you, Analeia?" "Huwag po kayong mag-alala sir Eison. Sasabay na po ako kay sir Eros pagbalik po diyaan." Magiliw na sagot ko.Nang matapos ang tawag ay agad ko naman binigay kay sir Eros ang cellphone niya. "Here's the deal. We must pretend na we are sweet and caring sa isa't-isa. Dalawa lang ang babae saaming magpipinsan, all are men. You can bond with the girls and stay away from the boys." Utos niya."Pati sina sir Nigel at sir Tres, iiwasan ko po?" "Of course. The big event will happen in just three days. So stop messing around, Analeia. Maybe I don't
Akala ko ay papakawalan niya na ako pagkarating namin sa tapat ng unit niya ngunit hindi nangyari iyon."Sir Eros!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong hinila papasok sa kanyang unit.Noon pa man, noong unang araw kong magtrabaho sa Moreau, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal at lalong hindi ko kayang makasama siya sa iisang lugar lamang. Iba ang nararamdaman ko at mas lumala iyon ngayong nagkakaroon na kami ng interaksyon dahil saaming mga magulang. "Shh. Stop shouting, Analeia. We are going to talk into something. I think parehas tayong magkikinabang." At natitigan ko ang malalim niyang. Ang mga mata niyang napaka-misteryoso. Para akong kinihila nito. He is hypnotyzing me and I'm afraid that I'm half giving in."Makikinig po ako sir." Maikling kong sagot. Imbes na tumayo lamang siya saaking harapan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit saakin dala-dala ang baso ng kanyang whiskey. Hindi siya nakuntento at umikot pa ito saakin. Pakira
"Sir. Nag-aalala lang po iyon sa presentation namin bukas. Syempre kapag may nangyaring masama saakin, e diba sayang ang project?" Pag-deny ko sa akusasyon ng kausap ko. "Analeia, ayos ka lang ba? Muntik nang magpatawag ng rescue team si sir Eros dahil may masamang panahon tapos stranded pa kayo sa isla." Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang dumating si sir Eros. "Analeia, come with me." Malamig niyang utos. Tatayo na sana ako ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong binuhat ako ni sir Eros. Pati sina Klare at sir Larce ay nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni sir Eros. Kaya sa sobrang ka ba ay hindi na ako humihinga."You can breath. Dadalhin ka namin sa clinic." Paliwanag niya. Nang maipasok niya ako sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng isang doctor."Sir, please dito niyo na lang po ipaupo ang girlfriend niyo." Utos ng doctor.Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit binuhat ulit ako ni sir Eros at dinala sa kabilang bed. Nang







