LOGINAgad akong hinila ni Nigel at itinago sa kanyang likod na para bang pinorpotektahan niya ako mula kay sir Eros. Hindi pa rin nawala ang kaba ko mula sa aking sistema nang paglalagyan bigla na lamang akong sugurin ni sir Eros.
"Nigel, stay out of here." Mariing banta ni sir Eros. "No, Eros. You are hurting Analeia. You should be nice with your step-sister." Mariin ding balik nito. Kita ko kung paano kumunot ang noo ni sir Eros at mariing tumingin sa kanyang pinsan at bago saakin. Napayuko na lamang ako dahil nakakatakot talagang salubungin ang kanyang mga delikadong titig "Step-sister? May pang-uuyam sa kanyang boses. "Then, kung kinukunsidira mo nang kapatid ko siya, then let me teach her a lesson!" Angil ni Eros at mabilis akong hinila palayo kay Nigel. "It's family matter, stay out of here, Nigel." Malamig na banta ni Eros at mahigpit hawak niya saaking palapulsuhan at sapilitang hinila ako papasok sa kanilang mansyon. Kahit naka sideview lang siya saakin ay kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga na para bang isang maling salita o galaw ko lamang at tiyak na sasabog na siya. Kaya kahit masakit ang paraan ng paghawak niya saakin ay nanahimik na lamang ako. Wala rin akong ideya kung bakit ganon na lamang siya kagalit saakin......
Padarag niyang binitawan angh aking palapulsuhan at madilim akong tinignan. May halong hinanakit, pandidiri at pangmamaliit ang kanyang mga mata.
Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil masyadong mabigat ang kanyang mga titig. Nakakatakot at nakakapanghina ng tuhod.
"Who told you to wear that.....dress?" Pilit niyang kalma na tanong saakin at napapikit pa ito sa pagtitimpi.
"Sir Eros, pasensya na po. Wala po kasi kaming maipahiram na damit kay ma'am Analeia kaya napilitan po kaming ipahiram sa kanya ang white dress ni Kath----", pagtatanggol saakin ng isang kasambahay.
Agad naman pinutol ni Eros ang paliwanag nito na para bang may pangalan itong iniiwasan. "It's alright manang Rosa. Sa susunod po, ipaalam niyo sana muna saakin lalo na kapag importanteng bagay." Mahinahong sagot ni Eros at tuluyan nang umalis.
Agad akong nilapitan ng kasambahay at marahang hinwakan ang dalawa kong kamay. "Nako ma'am Analeia, paumanhin po sa nangyari. Hindi ko naman po aakalain na ganon ang magiging reaksyon ni sir Eros nang makita niya ang lumang damit ni ma'am Kathy."
Marahan akong ngumiti at umiling. "Nako po manang, naiintindihan ko po. Tsaka huwag niyo po akong tawagin na ma'am. Trabahante lang din ako ng mga Freniere."
Iyon lamang sana ang sasabihin ko ngunit may isa pang bagay ang gusto kong tanungin. "Sino po pala si Kathy?"
Nakita kong naging ligalig si manang Rosa at tinignan muna ang paligid bago nagsalita. "Nag-iisang ex-gilfriend ni sir Eros. Last year lang po sila naghiwalay. Sayang lang po at ikakasal na sana sila ngayong taon." Bulong saakin ni manang Rosa.
Napatakip na lamang ako ng bibig sa gulat. Hindi ko akalain na kaya rin palang magmahal ni sir Eros. Parang galit na galit siya sa mundo at siya yong tipo ng lalaki na hindi mag-seseryoso sa iisang babae lamang.
"Analeia" tawag saakin ni mama. Kasama niya si sir Eison pababa ng hagdanan.
"Good morning, hija. Samahan mo kami ng mama mo na mag-breakfast. I called Eros to join us." Nakangiting salubong ni sir Eison.
"Good morning din po. Hindi po ako makakasabay sa inyo kumain. Kailangan ko na pong umuwi muna sa apartment para mag-handa sa trabaho." Magalang na paalam ko sa kanila.
Mabait si sir Eison, ngunit may parte pa rin saakin na hindi ko pa rin matanggap ang desisyon ni mama. Siguro mahirap din para saakin dahil hindi kami mayaman at alam kong malaki ang tyansang mahuhusgahan kami ni mama.
......
Nang makauwi ako sa apartment ay nagulat ako sa mga pagbabago nito. May passcode na ang pintuan at may censor na rin ang mga bintana. Double security ang ginawa ng mga tauhan ni sir Eison sa apartment.
Saktong pagpasok ko ay ang pagtunog ng cellphone ko. Ganoon na lamang kalaki ang pagmulat ng aking mga mata nang makitang na-add na ako sa group chat ng engineering team. Nakita kong naroon din si sir Eros.
Magiging amo ko na talaga siya at wala na akong takas. Ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay kaapg nalaman ng iba na magiging stepbrother ko si sir Eros.
Nang matapos ang mga dapat gawin sa apartment ay maaga na akong pumasok. Nasa bakuna pa lamang ako ng glass door ay kitang kita ko na sa loob ang pagdidiskusyon ng mga tao sa loob.
Nakita ako ng bading na assistant ni sir Eros kaya naman ay mabilisan niya akong kinaladkad papunta sa gitna ng lahat.
Kaya naman napatingin silang lahat saakin na para bang nakikiusap at nagmamakaawa.
"What about her? She's perfect for the job, right?" Maarteng saad ng assisstan ni sir Eros na si sir Larce.
"It will be a one week trip, sir Larce and sir Eros is so sensitive in everything." May diin ang saad ng isang matanda. "Paano na lang kung mahimatay ito? Sa nipis niyang yan nako."
"Alright miss Analeia. May proposal job kami sayo na isang linggo lang naman. Can you be a temporary P.A of sir Eros? May business trip siya sa IloIlo at ikaw lang ang naisip namin na pwedeng mag-fill ng trabaho." Nakangiting saad ni sir Larce.
"Okay lang naman po saakin. Pero okay po ba kay Eros na ako ang maging P.A po niya?" Tanong ko.
Dahil kulang nalang ay mandiri saakin ang lalaking iyon. Kulang na lang ay magtakip siya ng mata kapag nakikita ako. Kaya paano pa kaya kapag naging P.A niya ako? Baka masisante pa ako nang wala sa oras.
"Being you my personal assisstant hasno problem with me. Why do you have problem with it?" Malamig na tanong ni sir Eros at sumingit sa usapan.
Lahat ay nanahimik at nakatitig lamang saakin na para bang inaantay nila akong magsalita dahil kung hindi pati rin sila ay damay.
"It's my pleasure, sir." Pormal kong sagot.
Kita ko ang lamig ng titig niya saakin. "Send her all my details. If she made a mistake during my trip, the whole team of this office will paid for her failure."
Try me sir Eros. Iyan ang bulong ko saaking isipan.
Nang makapasok kami sa loob ay napaharap ako kay sir Eros. "Sir, hindi niyo po dapat binayaran ang apartment. Kaya ko naman pong magbayad e. Kunin ko na lang po ang bank account at number niyo." At nilahad ko ang aking kamay at masungit siyang napatingin roon."Alright." At binigay niya.Nang ma-transfer ko na ang pera ay pinapupo ko muna siya sa maliit naming sala. "Pasensya kana sir, maliit lang itong apartment namin." Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa buong sala. "Ano pala ang sinasabi kanina ng landlady mo? Inaabangan ka ng mga tambay doon? And still you want to live here?" May inis sa tono ng boses niya."May mga gwardiya naman diyaan sir, wala lang sila ngayon kaya kala mo open area itong saamin." Sagot ko. Dahil iyon naman ang totoo. Iniwan ko siya muna sa baba at umakyat ako para kunin ang mga kailangang gamit. Ilang araw lang naman ako roon kaya iilang damit lang ang dinala ko. Pati na rin ang mga files sa trabaho ay isinama ko na. Nang pababa ako ay nakita
Hindi ako nakatulog buong gabi hanggang sa oras ng flight namin. Nakita ko na bagong ligo si sir Eros na para siyang bagong tao. Hindi na ito lasing at naka-damit ng maayos. Hindi na katulad ng postura niya kagabi na lasing, magulo ang damit at tuliro ang mga mata. Busy ito sa kanyang cellphone. Mukhang nakaka-usap niya nga si Katherine. Baka magbabalikan pa sila. Hindi nakatakas sa mata ni Klare ang hitsura ko. "Puyat na puyat ah!" Sita niya at kiniliti ako sa bewang. "May tinapos akong report." Dahil iyon naman ang totoo. Hindi na ako makatulog dahil sa lintek na halik ni sir Eros kaya naman naghanap na lang ako ng makakapagabalahan. "Siguro pinuyat ka ni Leo no! Aba! Callmate mo siguro?" At humalakhak ito. Nakita kong napatingin sina sir Larce at sir Eros sa direksyon namin. "Hindi nga, Klare. May insomnia lang talaga ako.""Imbento ka! Nagka-insomnia ka nong nakita mo ex mo? Oyyy hindi pa nakaka-move on." At hinampas hampas pa ako. "Kaya hindi nakatulog yan kasi nagkiss mu
Napatango-tango na lamang ako. Siguro ay mahal pa talaga ni sir Eros si Katherine kaya hindi pa siya nagse-seryoso. Ayaw ko rin namang tanungin kay Larce ang dahilan ng break ng mga ito."Sana pala sinabi mo muna bago ko siya make-up-an. Nakakaiya rin kasi 'yong ginawa ko. Parang nagimbala ko ang privacy niya." Seryoso kong saad.Nahihiyang ngumiti saakin ito. "Sorry, Analeia, nextime hindi na kita hahatakin. Gusto ko lang ma-confirmed kung naka-move on na si sir at mukhang hindi pa talaga." "Tara na guys! Let's dance! Deserve natin ito! Woooh! Uuwi na rin sa wakas!" At hinila kami ni Klare.Lakad takbo kaming pumunta sa may bonfire. Naroon na ang mga tutugtog pati na rin ang mga staff na sasayaw. Nakita kong nakaupo si sir Eros at pinapagitnaan niya ng mga babae. May hawak siyang baso ng whiskey at nakakalahati niya na ito.Mas magandang iiwas ako sa kanya. Iba ang galaw nito kapag nakainom siya. Na para bang katauhan niya iyon na hindi dapat makita ng sinuman. Napatingin siya sa
Malalim akong napalunok bago nakapagsalita. "Ah, yes po sir. Civil naman po ang pakikitungo namin sa isat-isa. We are good po sir Eison." I gave him the assurance para hindi niya na kami alalahanin ni sir Gabriel. "I'm glad to hear that hija. Pwede bang pag-uwi niyo galing Iloilo sumabay ka na kay Eros dito sa mansion? Gusto ko sanang mag-stay ka muna rito hanggang sa formal event ng engagement namin ng mom mo, is that okay to you, Analeia?" "Huwag po kayong mag-alala sir Eison. Sasabay na po ako kay sir Eros pagbalik po diyaan." Magiliw na sagot ko.Nang matapos ang tawag ay agad ko naman binigay kay sir Eros ang cellphone niya. "Here's the deal. We must pretend na we are sweet and caring sa isa't-isa. Dalawa lang ang babae saaming magpipinsan, all are men. You can bond with the girls and stay away from the boys." Utos niya."Pati sina sir Nigel at sir Tres, iiwasan ko po?" "Of course. The big event will happen in just three days. So stop messing around, Analeia. Maybe I don't
Akala ko ay papakawalan niya na ako pagkarating namin sa tapat ng unit niya ngunit hindi nangyari iyon."Sir Eros!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong hinila papasok sa kanyang unit.Noon pa man, noong unang araw kong magtrabaho sa Moreau, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal at lalong hindi ko kayang makasama siya sa iisang lugar lamang. Iba ang nararamdaman ko at mas lumala iyon ngayong nagkakaroon na kami ng interaksyon dahil saaming mga magulang. "Shh. Stop shouting, Analeia. We are going to talk into something. I think parehas tayong magkikinabang." At natitigan ko ang malalim niyang. Ang mga mata niyang napaka-misteryoso. Para akong kinihila nito. He is hypnotyzing me and I'm afraid that I'm half giving in."Makikinig po ako sir." Maikling kong sagot. Imbes na tumayo lamang siya saaking harapan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit saakin dala-dala ang baso ng kanyang whiskey. Hindi siya nakuntento at umikot pa ito saakin. Pakira
"Sir. Nag-aalala lang po iyon sa presentation namin bukas. Syempre kapag may nangyaring masama saakin, e diba sayang ang project?" Pag-deny ko sa akusasyon ng kausap ko. "Analeia, ayos ka lang ba? Muntik nang magpatawag ng rescue team si sir Eros dahil may masamang panahon tapos stranded pa kayo sa isla." Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang dumating si sir Eros. "Analeia, come with me." Malamig niyang utos. Tatayo na sana ako ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong binuhat ako ni sir Eros. Pati sina Klare at sir Larce ay nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni sir Eros. Kaya sa sobrang ka ba ay hindi na ako humihinga."You can breath. Dadalhin ka namin sa clinic." Paliwanag niya. Nang maipasok niya ako sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng isang doctor."Sir, please dito niyo na lang po ipaupo ang girlfriend niyo." Utos ng doctor.Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit binuhat ulit ako ni sir Eros at dinala sa kabilang bed. Nang







