Share

CHAPTER 13

Hindi malaman ni Jossa kung ano ang nag-udyok sa kanya para magpahinuhod sa nais mangyari ni Lemuel. Nang akayin siya ng binata patungo sa silid nito ay hindi na siya nagprotesta. May agam-agam sa simula ngunit nang mailapat ni Lemuel pasara ang pinto ng kwarto nito at agad siyang hinalikan ulit ay tinangay na ng hangin ang ano mang matinong katwirang mayroon siya sa kanyang isipan.

Malalim, mapang-angkin at agresibo ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Magkalapat pa ang kanilang mga labi nang dahan-dahan siyang igiya ni Lemuel palapit sa pang-isahang papag nito. The moment her legs touched the edge of his bed, it should have been a wake up call for her. Dapat ay naalarma na siya sapagkat alam niyang oras na maihiga siya roon ng binata, hindi na niya mapipigilan ang nais nitong mangyari.

But Jossa became submissive. Nagpadala siya sa init na nadarama at hinayaan si Lemuel na tuluyan siyang maihiga roon. Sumunod sa kanya ang binata at halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status