Hope you could also read Mafia Boss' Wildest Desire (Alejandro Lebedev's story). Check my fb account for info...
Hindi na mabilang ni Jossa kung makailang ulit na niyang sinubukang pihitin ang doorknob ng pinto sa kanyang kwarto. Sa muli ay bumagsak ang kanyang mga balikat nang mapagtantong naka-lock pa rin iyon mula sa labas.Tears suddenly formed in her eyes as the realization hit her. Talagang ikinulong siya ng kanyang ama sa sarili niyang silid!Matapos ng naging sagutan nila kahapon ay agad siyang umakyat. Hindi na niya alam kung anong oras umalis ang mag-amang Santiago. Hindi na siya nag-abala pang bumaba at hinayaan na lang ang sariling ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng pag-iyak.Ang akala ni Jossa ay hinayaan muna siya ni Eduardo na magpalipas ng hinanakit kaya hindi siya nito sinundan pero nagkamali siya. Nakarinig na lang siya ng ingay mula sa labas na wari ay may inilalagay sa may pintuan. She hurriedly stood up from her bed to know what was going on. Doon niya lang napagtantong naglalagay ng kandado sa labas ng kanyang kwarto upang mai-lock siya sa loob.Sinubuk
Dumiretso si Lemuel sa isang exit gate ng eskuwelahang kinaroroonan nila. Maliit lang iyon na tanging mga tao lamang ang puwedeng dumaan at hindi naman maraanan ng mga sasakyan. Tuloy-tuloy doong lumabas ang binata habang hawak pa rin siya nito sa kanyang kamay. Hindi na nagtanong ng ano pa si Jossa. Hinayaan niyang ito na ang mag-akay sa kanya paalis. Ang mahalaga para sa kanya ay makapag-usap sila ni Lemuel na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit.Mula sa gate na kanilang nilabasan ay tinahak nila ang patungo sa kabilang kalsada. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang eskinitang patungo pa yata sa maraming kabahayan. Bahagyang may kalayuan na rin iyon mula sa pinanggalingan nila. Doon na huminto si Lemuel at agad siyang hinarap. Puno ng maraming katanungan ang mukha nito pero kasabay niyon ay nasilip niya rin ang pag-alala."Ano ang nangyari, Jossa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka na muling pumunta sa bahay namin
"She is what?!"Halos mapasigaw si Eduardo nang marinig niya ang resulta ng ginawang pagsusuri ng doktor kay Jossa. Marahas pa siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkagimbal na naramdaman. Ni hindi pa nga humuhupa ang galit na nadarama niya kanina, tapos hayun at sasalubong pa sa kanya ang balitang iyon ng doktor.Nakadama si Eduardo ng galit kanina nang malamang hindi na kasama ng kanyang tauhan si Jossa. Isang malaking katangahan para sa kanya na natakasan pa ito ng isang babae. Kung wala lang sila sa pampublikong lugar ay nakatikim na sa kanya ng matatalim na salita ang bantay ng dalaga.But Eduardo held himself. Maliban sa maraming tao at ayaw niyang maging laman ng usap-usapan, araw din iyon ng eleksiyon at hindi niya nais na masira ang kanyang pangalan sa kanilang bayan. Nagpigil siya ng galit at inaya na lang ang mga tao niya na hanapin si Jossa. Nasisiguro niya naman na hindi pa nakalalayo ang dalaga mula sa eskuwelahan.At hindi nga siya nagkamali. Dumoble an
Lumipas ang ilang araw na sa loob ng kulungan nanatili si Lemuel. Halos hindi niya mapaniwalaan na nasa ganoon siyang sitwasyon. Nahaharap nga siya sa kasong rape na kung paano nangyari ay hindi niya maproseso.Mismong si Jossa raw 'di umano ang nagsalita laban sa kanya. Ayon sa abogadong nakuha ng kanyang Tatay Simeon ay malakas ang laban ng kabilang kampo sapagkat may ilang ebidensiya raw na hawak ang mga Lodado. Mga ebidensiya iyon na hindi niya malaman kung saan nanggaling.Kasintahan niya si Jossa. Mahal niya ito at ramdam niyang ganoon din ang nadarama ng dalaga para sa kanya. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit siya nahaharap ngayon sa ganoong krimen. Paano nito nasabing pinagsamantalahan niya ito gayung pareho nilang ginusto ang namagitan sa kanilang dalawa? Hindi niya ito ginamitan man lang ng dahas sapagkat may relasyon sila ng dalaga.Sa loob ng mga araw na nakakulong si Lemuel ay laging nariyan para sa kanya si Simeon. Dama niya ang labis na pag-aalala nito para
Matuling lumipas ang ilang buwan. Ni hindi pa malaman ni Jossa kung paano niya naitawid ang bawat araw na nagdaan. She's alive, she's breathing yet she didn't know how she was able to survive each day.Halos mag-iisang taon na mula nang mapilitan siyang magsalita laban kay Lemuel. Nahatulan ito ng korte at nakulong sa kasong hindi naman nito ginawa. Gustuhin man ni Jossa na itama ang lahat ay hindi niya magawa. Mula nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa kanila ni Lemuel ay hindi na siya nawalan ng bantay. Laging sinisiguro ni Eduardo na hindi na siya makakawala ulit mula sa mga tauhan nito.Yes, it has been almost a year. Matapos ng mga nangyari ay dinala siya ng kanyang ama sa Manila at kahit hindi siya pabor ay doon na siya nanatili hanggang sa makapanganak. She gave birth to her daughter--- to Lianna.True to Eduardo's words, hinayaan na siya nitong ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis kapalit ng pagsasalita niya laban kay Lemuel. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin siya pinayag
Siniguro muna ni Jossa na mahimbing ang tulog ni Lianna bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Karga niya ito at maya't maya ang marahan niyang paghele sa kanyang anak upang hindi ito magising. Mabilisan niya rin itong pinalitan ng damit kanina upang masiguro na hindi ito lalamigin kapag nailabas niya sa bahay na iyon.Maingat siyang sumilip sa labas. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Brix pero wala nga ang dalawang tauhan ng kanyang ama sa labas ng kanyang silid. Slowly, as if making sure that she won't make any noise, Jossa started to walk. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang sa pasilyo hanggang sa marating niya ang hagdan. Iginala niya pa muna ang kanyang paningin sa paligid bago tuloy-tuloy nang bumaba.Ang sabi ni Brix ay sa may lanai siya dumaan. Hindi niya gustong pagdudahan ang kanyang kaibigan. Talagang malapit naman sila ng binata kahit pa maraming pagkakataon niyang tinanggihan ang pag-ibig nito. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang ipah
Napabuntong-hininga si Jossa bago humakbang patungo sa kusina. Naramdaman niya ang pagsunod ni Brix at alam niyang naghihintay ito ng mga sasabihin niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip na magkuwento ay pinagtuunan niya muna ang pagkuha ng dalawang tasa saka humarap ulit sa binata."You want some coffee?" alok niya kahit pa nagsisimula na rin naman siyang magtimpla para sa kanilang dalawa.Brix just shrugged his shoulders. "What happened, Jossa? Saan mo siya nakita?""Sa restaurant kung saan kami kumain ni Lia," tugon niya. "Si Lia ang una niyang nakita. Nagkabungguan sila nang pauwi na kami.""And? Did the two of you talk?"Nahinto siya sa ginagawa at napatitig dito. "Kung pag-uusap man ngang matatawag iyong halos paasik niyang pakikitungo sa akin, then yes, we talked.""What do you mean paasik?"Nabitawan ni Jossa ang kutsaritang hawak niya saka nanghihinang napaupo sa silyang katabi. Hindi niya itinago kay Brix ang sakit na lumarawan sa kanyang mukha nang maalala niya kung
Marahas na napalingon si Masha kay Lemuel nang marinig nito ang sinabi ng binata. Bakas pa sa mukha ng babae ang pagkagulat dahil doon. "You know her, hon?" she asked in amazement.Matagal bago sumagot si Lemuel. For a moment, he just stared at Jossa's face. Hindi man siguro napansin ni Masha, pero sa kanya ay hindi nakaligtas ang malamig na pagtitig nito. Wala pa man sinasabi ang binata ay parang damang-dama na ni Jossa ang galit na mayroon ito para sa kanya.Hanggang sa disimuladong hinamig ni Lemuel ang sarili. Tumayo ito nang tuwid at hinawakan ang isang kamay ni Masha. Awtomatiko pa ngang napatuon doon ang mga mata ni Jossa. Halos hindi na niya kayang ilarawan ang kanyang nadarama nang makita ang ginawa ng binata. Masuyong ikinulong ni Lemuel sa mga palad nito ang isang kamay ni Masha. And for Jossa, that was a very sweet gesture."Yes. Taga-Santa Monica rin siya, hon," seryosong sagot ng binata na naging dahilan para mapatitig ulit siya sa mukha nito."Oh, really? Kaya pala magaa