Agad na napatayo nang tuwid si Lemuel nang makita niyang naglalakad na si Masha pabalik sa kanyang kinaroroonan. Tapos na itong gumamit ng banyo at agad pang napangiti nang makita siyang naghihintay dito. Mag-isa na lang siya at wala na ang doktor na nakausap niya kanina. Nagpaalam na ito dahil sa may kailangan pang gawin.Kahit nakaalis na ang naturang doktor ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Totoong ikinabigla niya ang mga nalaman. Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan ng kanyang kasintahan gayong isang buwan pa lang mula nang may namagitan sa kanila.He swallowed hard. His face hardened. Kung totoo man ang mga sinabi ng doktor, isa lang ang ibig sabihin niyon--- hindi siya ang ama ng pinagbubuntis ni Masha. Hindi niya anak ang nasa sinapupunan nito. She cheated! Napakalinaw na ganoon nga ang nangyari."Where do you want to eat? Gusto mo bang sa dati na lang nating kinakainan?" wika ni Masha nang makalapit sa kanya."Let's just go to your place. Ihahatid
Nakatiim ang mukha ni Masha habang naglalakad. Kasalukuyan siyang nasa isang hotel at tinatahak ang pasilyong patungo sa isang silid. Nang makita na ang numero ng hotel room na kanyang sadya ay napabuga pa muna siya ng isang malalim na buntong-hininga. Then, she reached for the doorknob. Agad na niya iyong binuksan at hindi na kumatok pa.Nang makapasok ay agad na niyang nakita ang lalaking katagpo niya sa lugar na iyon--- si Ryle. Naabutan niya pa itong abala sa cell phone nito. Nahinto lang ang binata sa kung ano mang ginagawa nang nakita ang kanyang pagdating. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay mabilis na itong napatayo at nilapitan siya. Basta na lang nitong inilapag ang cell phone sa ibabaw ng bedside table."You're on time," anito saka may pilyong idinagdag. "Did you miss me, Masha, kaya ikaw na ang humiling na magkita tayo? Sa tuwing ako ang tumatawag o text sa iyo ay halos ipagtabuyan mo ako, ah. Ano ang nangyari at malaking himala yatang ikaw ang may gustong magkita tayo
"You will make yourself ill, Jossa. Uminom ka muna ng tubig," nag-aalalang sabi ni Brix sabay haplos sa kanyang likod. Inilapit din nito sa kanya ang isang basong tubig ngunit hindi niya man lang iyon pinansin.Hindi maawat ni Jossa ang kanyang sarili sa pag-iyak magmula pa kaninang napansin nilang nawawala si Lianna. Nabalot siya ng kaba at takot. Hindi niya mapigilang labis na mag-alala para sa kalagayan ng kanyang anak. Kung may kinatatakutan man siyang mangyari ay ito iyon, ang posibilidad na baka mapahamak si Lianna ano mang oras.She was sitting on the sofa. Katabi niya si Brix na agad na dumating nang tawagan niya kanina para sabihing nawawala si Lianna. Malakas ang kutob niyang sakay ng kotseng nakita niya kanina ang kanyang anak. Kung sino man ang sapilitang nagpasakay roon kay Lianna ay hindi pa malinaw sa kanila.Sinubukan nila ni Lemuel na habulin ang mga ito. Sakay ng sariling sasakyan ng binata ay sinundan nila ang daang tinahak ng mga kumuha kay Lianna. Halos paliparin
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Jossa habang marahan siyang naglalakad palapit sa isang napakataas na gate. Sarado iyon at dahil mataas din ang bakod ng buong solar ay wala siyang masilip sa loob. She knew the place. Nang bata siya ay minsan na rin siyang nakapunta roon.It was one of the properties owned by her parents. Nang umalis sila ng Sta. Monica ay doon muna sila unang tumuloy bago nanirahan na sa Maynila. The house was located somewhere in Laguna. Malaki iyon at halos naging bakasyunan lamang nila noon.Matagal na siyang hindi nakapupunta sa naturang lugar. Nang lumipat na sila sa Maynila, lalo na noong nagkasakit na ang kanyang ina, ay inakala niyang naibenta na ang bahay na iyon. Hindi niya na rin kasi naririnig na pinag-uusapan iyon ng kanyang Daddy Eduardo at Mommy Lucille. Ikagulat niya pa nang malamang doon dinala ng kanyang amain si Lianna. Hindi niya alam na pag-aari pa nito ang lugar na kinaroroonan niya ngayon.Ilang hakbang bago tuluyang makalapit sa gate ay d
Mabilis na kumilos si Lemuel. Agad niyang niyuko ang baril na kanina ay inilapag niya sa sahig. Kinuha niya iyon saka itinutok kay Eduardo. Gustuhin niya man itong gantihan dahil sa ginawang pamamaril kay Brix ay hindi niya agad nagawa. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang makitang itinutok din ng matandang lalaki ang baril na hawak-hawak nito kay Lianna na nang mga oras na iyon ay wala nang humpay sa kaiiyak."No!" malakas niyang sigaw kasabay ng pag-alpas ng takot mula sa kanyang dibdib. Isipin pa lang kung ano ang maaari nitong gawin sa kanyang anak ay labis nang nagpakaba sa kanya.Hindi niya naman magawang patamaan si Eduardo sapagkat sinadya ng matandang lalaki na iharang sa harapan nito si Lianna. Waring nahuhulaan nitong kukunin niya ang baril at gaganti ng putok kaya mabilis nitong hinatak ang kanyang anak.For the first time in his life, Lemuel felt that kind of fear as he saw Eduardo pointed the tip of the gun to Lianna's head. Nanlamig ang kanyang buong katawan nang
"Kumusta ka na, Jossa? Halos isang dekada rin tayong hindi nagkita," masiglang bati ni Art kay Jossa isang umagang dumating sila sa bahay ng mga ito. Pagkarating na pagkarating sa Sta. Monica ay doon na sila dumiretso.Halos aligaga pa ang kaibigan ni Lemuel nang makita ang kanilang pagdating. Mabilisan nitong niligpit ang mga damit at laruang pambata na nagkalat sa pahabang upuan na gawa sa matibay na kahoy. Nang masigurong maayos na roon ay saka sila nito inayang maupo."Maupo kayo. Pagpasensiyahan niyo na dahil makalat," nahihiya pa nitong saad.Si Darlene ang unang pumuwesto sa upuan na sinundan naman ni Lianna. Lumingon pa muna siya kay Lemuel na tinanguan lang siya. Wari bang nag-uudyok itong maupo na siya katabi ng dalawang bata habang ito naman ay nanatiling nakatayo sa may hamba ng pintuan.Tulad ng napag-usapan nila ni Lemuel ay muli nga silang umuwi ng Sta. Monica. Kasama nila sina Lianna at Darlene na kapwa nasabik sa kaalamang babalik sila sa naturang bayan. Kahit kasi ma
"What do you mean? Wala na rito si Masha? Hindi na siya rito nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Lemuel sa matandang babaeng kapitbahay lang ng dati niyang kasintahan.Sinadya niya ang bahay ni Masha upang komprontahin ito tungkol sa ginawang pakikipagtulungan kay Eduardo na muntik pang ikapahamak nina Jossa at Lianna. Bago malagutan ng hininga ang kinilalang ama ni Jossa ay nabanggit nito na si Masha ang dahilan kung bakit nito nalaman ang kinaroroonan ng kanyang mag-ina. At hindi iyon pupuwedeng palampasin ni Lemuel. Gusto niyang makaharap si Masha at papanagutin din ito sa ginawa.Kasama si Trace at dalawa sa mga tauhan ng kanyang kapatid ay pinuntahan nila ang apartment na tinutuluyan ni Masha. But sadly, wala silang dinatnan doon. Naka-lock na ang naturang bahay patunay na walang tao sa loob. Doon na siya nagtanong sa matandang babaeng saktong dumaan sa harap nila. Namumukhaan niya ito at alam niyang kapitbahay ito ng dati niyang kasintahan."Nang isang araw pa umalis si Masha da
Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte