Share

CHAPTER 7

Ilang minuto muna ang pinalipas ni Lemuel bago siya sumunod sa paglabas ng kanyang Tatay Simeon. Nanatili muna siya sa kusina habang hindi pa rin naaalis ang ilang katanungang nabuo sa kanyang isipan. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano nga ba ang ugnayan ng kanyang amain sa mga magulang ni Jossa.

Nang magpasya nang lumabas ay sa may shop na siya dumiretso. Nasa may entrada pa lang ay rinig na rinig na niya ang masayang pagkukuwento ni Art tungkol sa ilang kasangkapang nagawa na nila para sa kanilang mga kliyente. Naabutan niya pang binabanggit nito kung gaano kagaling ang kanyang Tatay Simeon sa ganoong gawain.

"Kapag ganitong mga kagamitan talaga ay rekomendado ng mga taga-rito si Tatay Simeon. Kahit saan ka magtanong ay dito ka ituturo ng mga tao," pagbibida pa ng kaibigan niya.

"Magaganda nga ho ang mga gawa ninyo," narinig niyang sabi ni Jossa.

Nakatayo na siya ilang hakbang mula sa mga ito kaya kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga habang nagsasalita. The smile was authentic.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status