It must be a whirlwind romance that happened to Jossa and Lemuel. Ilang araw na ang lumipas mula nang umamin ito ng nadarama sa kanya at tinotoo nga ng binata ang sinabi nito--- he courted her.Naging madalas ang pagpapalitan nila ng text messages, kung hindi man ay halos gabi-gabi ito kung tumawag sa kanya matapos nilang kunin ang cell phone number ng bawat isa. May mga pagkakataon ding pumupunta pa rin siya sa bahay ng binata at tumatambay sa shop habang kakuwentuhan ito at sina Tatay Simeon at Art. Kung wala ring pasok sa unibersidad si Lemuel ay namamasyal sila. Hindi na lang sa may dagat, maging sa ibang lugar ay nadala na siya nito.Jossa was happy, she could say that. Maaaring hindi pa nga natatagalan mula nang makilala niya si Lemuel pero masaya siyang kasama ito. Pakiramdam niya nga ay nahuhulog na rin ang damdamin niya para sa binata."Bakit ayaw mong ituloy ang pag-aaral mo ng medisina? Ayaw mo bang magdoktor?" magkasunod na usisa sa kanya ni Lemuel isang hapong magkasama u
Maya't maya ang sulyap ni Jossa sa kanyang ama habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Gabi at oras ng kanilang hapunan. Pang-sampuan ang mesa sa kanilang komedor pero sila lamang mag-ama ang naroon. Ilang putahe rin ang nakahain sa kanilang harapan na mistula bang may selebrasyong kailangang ipagdiwang.Sa tuwina ay ganoon ang senaryo kapag kakain sila. Kahit nang nabubuhay pa ang kanyang ina ay laging maramihan kung magluto ang mga katulong. And yes, money was never a problem for them. Nakakain nila kung ano man ang gustuhin nila. Kumpara sa ibang pamilya, hindi problema para sa kanila ang kakainin sa araw-araw.Ganoon pa man, masasabi niyang hindi siya masaya sa kung ano ang mayroon siya. Not that she was not thankful with all the blessings that they have. Of course, pinagpapasalamat niya ang lahat ng iyon. Ang hindi niya lang ikinakasaya ay ang mga pagkakataong katulad na lang ngayon. Napakaraming pagkain sa harap nila ng kanyang ama pero halos hindi naman sila nagkikibuang dalawa
Agad na binalot ng kakaibang kaba si Jossa nang basta na lamang may humila sa kanyang braso at dalhin siya sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa gulat na naramdam ay gusto niya pa sanang mapatili ngunit naging maagap ang may hawak sa kanya. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang palad nito.Tuluyan na sana siyang matatakot kung hindi niya lang nakilala ang boses nito nang magsalita."Huwag kang sisigaw, Jossa. Baka akalain ng iba, eh, dudukutin kita.""Lemuel!" gilalas niyang sabi nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig. Isinandal din siya ng binata sa kanilang sasakyan upang magkaharap silang dalawa."Did you miss me, love?" tanong nito nang may ngiti sa mga labi.She was stunned, at samu't sari ang naging dahilan kung bakit siya natigilan. Una, ang labis na pagka-miss sa lalaking kaharap. Dahil nga sa pagpunta niya sa Manila at pagiging abala sa kampanya ng kanyang ama ay naging bihira ang pagkikita nila. She missed him so much and seeing him now overwhe
Marahang isinara ni Jossa ang pinto sa may driver's seat nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa paligid bago dahan-dahan nang naglakad palapit sa bahay na kanyang sadya, ang kina Lemuel. Tulad nga ng sinabi niya sa kanyang kasintahan kahapon ay sinadya niya ang bahay ng mga ito. Sinamantala niyang hindi siya isinama ng kanyang ama sa lakad nito sa araw na iyon.She roamed her eyes around the shop of Tatay Simeon. Katulad ng karaniwang senaryo, nagkalat ang mga kahoy at iba pang kagamitang ginagamit nina Lemuel sa pagtatrabaho. Ang kaibahan lang, walang tao sa mismong shop.Her eyes darted on the entrance of their house. Walang tao sa may shop ngunit bukas naman ang pinto ng mismong kabahayan kaya nasisiguro niyang may tao roon. And it was when she started walking towards their house. Dahil sa nakabukas naman iyon ay nais niya na lang sanang dumiretso sa loob.Ngunit agad nang natigilan si Jossa nang sa paglapit niya sa pintuan ay siya namang pa
Hindi malaman ni Jossa kung ano ang nag-udyok sa kanya para magpahinuhod sa nais mangyari ni Lemuel. Nang akayin siya ng binata patungo sa silid nito ay hindi na siya nagprotesta. May agam-agam sa simula ngunit nang mailapat ni Lemuel pasara ang pinto ng kwarto nito at agad siyang hinalikan ulit ay tinangay na ng hangin ang ano mang matinong katwirang mayroon siya sa kanyang isipan.Malalim, mapang-angkin at agresibo ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Magkalapat pa ang kanilang mga labi nang dahan-dahan siyang igiya ni Lemuel palapit sa pang-isahang papag nito. The moment her legs touched the edge of his bed, it should have been a wake up call for her. Dapat ay naalarma na siya sapagkat alam niyang oras na maihiga siya roon ng binata, hindi na niya mapipigilan ang nais nitong mangyari.But Jossa became submissive. Nagpadala siya sa init na nadarama at hinayaan si Lemuel na tuluyan siyang maihiga roon. Sumunod sa kanya ang binata at halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan n
Naging mabagal ang paglalakad ni Jossa papasok sa kanilang bahay nang maulinigan niya ang masayang kuwentuhan sa may sala. Hindi niya pa man nakikita ngunit nakilala na niya ang tinig ng mga kausap ng kanyang Daddy Eduardo--- sina Brix at ang ama nitong si Danilo.Kung tutuusin ay sanay siyang naroon ang mag-ama. Dahil sa malapit na malapit sina Danilo at Eduardo ay madalas na magkasama ang mga ito. Pero nitong mga nakalipas na araw ay iba na ang pakiramdam ni Jossa sa tuwing nadadatnan niya sa kanilang bahay ang mag-amang Santiago. Alam niya kasi na may iba nang motibo ang dalawang matandang lalaki kung bakit nais lagi ng mga itong magkakasama-sama sila. Iyon ay ang mas ipaglapit pa sila ni Brix.She heaved out a deep sigh before she continued walking. Tulad ng inaasahan, natigil sa usapan ang mga ito nang bumungad siya sa may sala. Si Eduardo ang unang gumawa ng kilos. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at nilapitan siya."Narito na pala si Jossa. We can now start talking, pare,
Hindi na mabilang ni Jossa kung makailang ulit na niyang sinubukang pihitin ang doorknob ng pinto sa kanyang kwarto. Sa muli ay bumagsak ang kanyang mga balikat nang mapagtantong naka-lock pa rin iyon mula sa labas.Tears suddenly formed in her eyes as the realization hit her. Talagang ikinulong siya ng kanyang ama sa sarili niyang silid!Matapos ng naging sagutan nila kahapon ay agad siyang umakyat. Hindi na niya alam kung anong oras umalis ang mag-amang Santiago. Hindi na siya nag-abala pang bumaba at hinayaan na lang ang sariling ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng pag-iyak.Ang akala ni Jossa ay hinayaan muna siya ni Eduardo na magpalipas ng hinanakit kaya hindi siya nito sinundan pero nagkamali siya. Nakarinig na lang siya ng ingay mula sa labas na wari ay may inilalagay sa may pintuan. She hurriedly stood up from her bed to know what was going on. Doon niya lang napagtantong naglalagay ng kandado sa labas ng kanyang kwarto upang mai-lock siya sa loob.Sinubuk
Dumiretso si Lemuel sa isang exit gate ng eskuwelahang kinaroroonan nila. Maliit lang iyon na tanging mga tao lamang ang puwedeng dumaan at hindi naman maraanan ng mga sasakyan. Tuloy-tuloy doong lumabas ang binata habang hawak pa rin siya nito sa kanyang kamay. Hindi na nagtanong ng ano pa si Jossa. Hinayaan niyang ito na ang mag-akay sa kanya paalis. Ang mahalaga para sa kanya ay makapag-usap sila ni Lemuel na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit.Mula sa gate na kanilang nilabasan ay tinahak nila ang patungo sa kabilang kalsada. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang eskinitang patungo pa yata sa maraming kabahayan. Bahagyang may kalayuan na rin iyon mula sa pinanggalingan nila. Doon na huminto si Lemuel at agad siyang hinarap. Puno ng maraming katanungan ang mukha nito pero kasabay niyon ay nasilip niya rin ang pag-alala."Ano ang nangyari, Jossa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka na muling pumunta sa bahay namin