Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2025-02-04 17:18:22

"I'M glad you came, Chrissa. I thought you will ignore my invitation," malumanay na saad ni Victoria matapos makipagbeso sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Chrissa rito bago naupo na sa silyang laan para sa kanya. Katulad niya ay pumuwesto na rin sa silyang kaharap niya si Victoria, ang kanyang ina.

"Of course, I wouldn't decline it, Mama. How are you?"

Sukat sa naging tanong niya ay naging malamlam ang ekspresyon nito sa mukha. May malungkot na ngiti ring namutawi sa mga labi nito nang sagutin siya. "How am I?" pag-uulit nito sa kanyang tanong. "Here I am, missing my daughter so much..."

Chrissa swallowed hard. Napayuko siya sa tasa ng kapeng nasa harapan niya. Kararating niya lang sa cafeteria na iyon at nadatnang may mga na-order nang pagkain ang kanyang ina bago pa man siya dumating. Of course, as her mother, Victoria knew her favorites. Iyon na nga ang inorder ng ginang para sa kanya.

Tinawagan siya ni Victoria kagabi at humiling na magkita silang dalawa. Walang pagdadalawang-isip na pinaunlakan niya ito. Mula nang magpasya siyang bumukod ng tirahan ay lagi rin namang nakikipagkita sa kanya ang kanyang ina, na sa tuwina ay pinananabikan niyang makasama.

"I miss you too, Ma... kayo ni Papa, actually."

"Then, why don't you go home?" maagap nitong sabi. "Isang taon na mula nang humiwalay ka ng tirahan sa amin, Chrissa. And you know you don't have to do that. Umuwi ka na sa atin, anak."

"I really want to be with you always, Mama," masuyo niyang sabi rito. "Pero alam mo kung ano ang nangyari sa amin ni Papa. Lagi lang kaming magsasagutang dalawa kung magkasama kami sa iisang bubong. Mas maiging ganito... ang humiwalay muna ako."

"Dahil pa rin ba ito sa naging pagtatalo ninyo noon? Sa hindi niya pagsang-ayon sa trabahong pinasok mo?" magkasunod nitong tanong na kahit hindi niya sagutin ay alam nitong oo ang tugon niya. "Chrissa, nag-iisa ka naming anak ni Alfredo. You know na sa iyo lang mauuwi ang BCC," anito pa na ang tinutukoy ay ang Bonifacio Construction Company na pag-aari nila.

Hindi siya tumugon. Umiwas pa siya ng tingin dito at mas itinuon ang mga mata sa kanilang paligid. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Victoria.

"Your Papa just wants the best for you, Chrissa. Gusto ka lang niyang ihanda sa pamamahala ng kompanya. You know---"

"It's not what I want," mabilis niyang sansala sabay tingin ulit dito. "I love you both, Mama, you know that. Sinunod ko rin ang gusto ninyong kumuha at mag-aral ng kursong hindi ko gusto. Now that I already finished my studies, hindi ba puwedeng ang gusto ko naman ang sundin ko? I want to be a journalist. Hindi man iyon ang trabaho ko talaga ngayon pero masaya ako sa ginagawa ko."

"You've been working on that publishing house for almost a year now," hindi pa rin nagpapaawat na saad nito. "Ang kinikita mo sa kompanyang iyon ay---"

"Barya lang para sa inyo..." pagtatapos niya sa sinasabi nito. "I know, Mama. Wala pa iyon sa kalahati man lang ng kinikita ng BCC. But that's my hard-earned money. Mula sa sarili kong sahod, Mama. And I told you, I love my work."

"So, how's your days on that publishing house? How is it going? Hanggang kailan ka masusuportahan financially ng maliit na kompanyang iyon?"

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa niya dahil sa naging mga katanungan nito. How's the MC Press? It's struggling. Mababa ang kita at nanganganib na hindi na sila makapaglabas ng bagong issue ng magazine. In short, papalugi na ang kompanyang pinapasukan niya.

But she wouldn't tell it to her mother. Kapag sinabi niya rito ay nasisiguro niyang malalaman din iyon ng kanyang ama at kapag nangyari iyon, nahihinuha na niya ang iisipin ng mga ito--- walang pinatunguhan ang pagtatrabaho niya sa MC Press, na nag-aksaya siya ng oras sa maliit na kompanyang iyon at sa BCC na lamang sana niya itinuon ang kanyang panahon.

Iyon ang matindi nilang pinag-awayan ng kanyang ama. Ipinaalam niya ritong natanggap siya sa MC Press at gusto niyang subukang magtrabaho roon. Her father was so mad and even insulted the craft that she chose to do. Iyon ang naging dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan mag-isa at magtrabaho para sa kanyang sarili. Ngayon, halos isang taon na siyang hindi umaasa sa kanyang mga magulang. Kahit sentimo mula sa pera ng mga ito ay hindi siya tumanggap.

Pero paano ngayon? Paano kapag nalaman ng mga itong may tiyansang magsara na ang kompanyang pinapasukan niya? Hindi niya gustong isipin ng mga ito, lalo na ng kanyang ama, na mali ang pasyang ginawa niya.

She tried so hard to smile at her mother. Hinamig niya pa ang kanyang sarili at pilit na nagpakita rito ng kasiyahan.

"Everything is fine, Mama. MC Press is doing fine. A-Actually, we are about to release a new magazine issue," masigla niyang saad dito.

Victoria looked at her intently. Halos kabahan pa si Chrissa sapagkat baka mahalata nitong nagsisinungaling lamang siya. Hangga't maaari, gusto niyang ipakita sa mga itong walang problema sa buhay na mas pinili niyang tahakin.

After a while, her mother smiled at her lovingly. Masuyo ang tinig nito nang muling magwika. "Believe it or not, masaya akong makitang masaya ka sa ginagawa mo, Chrissa. I'm proud that you are trying so hard to do it on your own. Sana lang, hindi kami nagkamali ng Papa mo sa pangaral namin sa iyo."

Marahang kumilos si Chrissa at inabot ang kamay ng kanyang ina. Masuyo niya iyong ikinulong sa kanyang dalawang palad saka nagsalita. "I'm okay, Mama, I assure you that. W-Walang problema sa trabaho ko. Masaya ho ako sa ginagawa ko ngayon."

Hindi na tumugon pa si Victoria. Isang masuyong ngiti na lamang ang iginanti nito sa kanya saka iniba na ang usapan. Mas kinumusta na nito ang tinitirhan niya at inalam kung may kailangan ba siyang maaari nitong maibigay, bagay na tinanggihan niya. Katulad ng ipinangako niya sa kanyang sarili nang magpasya siyang bumukod, hindi na niya gusto pang iasa sa kanyang mga magulang ang mga pangangailangan niya.

She's okay. Isa na lang ang dapat niyang isipin ngayon--- ang makabawi ang MC Press para maipakita niya sa kanyang mga magulang na walang mali sa trabahong pinasok niya. At iisa lang ang nakikita nilang paraan para mangyari iyon, ang makuha ang kuwento ng buhay ng negosyanteng si Trace De la Serna.

*****

MATAMANG pinagmasdan ni Chrissa ang mataas na gate ng bahay na nasa harapan niya. Gawa iyon sa bakal at napipinturahan ng kulay itim. Mataas din ang bakod na nakapalibot sa naturang bahay dahilan para hindi niya man lang masilip ang bakuran niyon.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga kasabay ng marahan pang paghakbang palapit doon. Hindi niya pa nga maiwasang mapahawak nang mahigpit sa strap ng kanyang shoulder bag nang maglakad na siya.

Bahay ng mga De la Serna ang nasa harapan niya. Talagang sumadya siya roon upang subukang makakuha ng panayam sa negosyanteng si Trace De la Serna. It was their plan. Kailangan nila itong mapapayag na magpa-interview at nang mai-feature nila ang buhay nito sa kanilang next magazine issue.

Halos nahirapan pa si Chrissa na makapasok sa naturang subdivision. Mahigpit ang seguridad at kung walang abiso mula sa taong sadya sa loob ay hindi papapasukin. Hindi niya lang maunawaan kung bakit nang banggitin niyang sa mga De la Serna ang sadya niya ay agad nang pinapasok ng guwardiya ang taxi na sinasakyan niya. Hanggang ng mga sandaling iyon ay nagtataka rin siya.

Hinamig niya na ang kanyang sarili at tuluyan nang lumapit sa gate. Tama sina Arthur. Kung sakali nga namang maikuwento nila ang tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng mga De la Serna dalawang taon na ang nakalipas ay baka sakaling makuha nila ang atensiyon ng mga tao. At isa lang ang magiging epekto niyon sa MC Press--- tataas ang benta nila at maaaring makabawi ang nasabing kompanya.

And so she did the initiative to go to De la Serna's address. Susubukan niyang makakuha ng interview kay Trace De la Serna. Actually, she was thinking to go to their company. Pagmamay-ari ng pamilya ng mga ito ng isa sa pinakamalaking telecommunication companies sa bansa--- ang DLS Corporation.

But Chrissa changed her mind in the last minute. Sa halip, inalam niya ang address ng mga De la Serna at iyon ang sinadya. Hindi naman mahirap alamin kung saan nakatira ang mga ito. Dahil nga sa kontrobersiyang nangyari noon ay maraming media ang naging buntot ni Trace dahilan para halos maging bukas na aklat ang address ng mga ito. At dahil isa ang MC Press sa mga naghabol dito noon, sa mga kasamahan na niya nalaman kung saan matatagpuan ang tinitirhan ng mga De la Serna.

"This is it! You need to do this, Chrissa..." pagpapalakas-loob niya sa kanyang sarili. Narito na siya sa harap ng bahay ng mga ito, hindi na siya dapat pang umatras.

Akmang lalapit na siya sa kinaroroonan ng doorbell upang pindutin na iyon nang siyang pagbukas naman ng gate. Iyong maliit na bahagi na laan para sa tao lamang ang bumukas at iniluwa ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay matanda lamang sa kanya ng ilang taon. Nakasuot ito ng ternong damit na isang tingin pa lamang ay masasabi niyang kasambahay ito sa bahay na iyon.

Mataman itong napatitig sa kanya nang mapansing magdo-doorbell siya.

Chrissa smiled and greeted her. "G-Good afternoon---"

"Ay sus, maryosep! Dumating ka rin!" halos eksaherada nitong sabi sa kanya. "Kanina pa umuusok ang bunbunan ni Sir Trace kakahintay sa iyo."

Halos magusot ang kanyang noo dahil sa mga narinig. "A-Ano---"

Ano mang gusto niyang sabihin ay hindi na niya natapos pa nang biglang lumapit na ito at hawakan siya sa kanang kamay. Sa laking gulat niya ay agad na siyang iginiya ng babae papasok ng gate. Ni hindi na siya nakapagprotesta pa dahil sa nagtataka siya sa ikinikilos nito.

"Tumawag ako sa guard ng subdivision at sinabing kapag dumating na 'yong babysitter na kinuha ni Sir Trace ay patuluyin na niya rito sa bahay. Buti na lang dumating ka na, kanina pa ako sinasabon ni Sir Trace. Bakit ba ngayon ka lang?"

"T-Teka lang, hindi ako---"

"Ako nga pala si Kakay. Ano ang pangalan mo?" tuloy-tuloy nitong daldal at hindi man lang pinansin ang sasabihin niya sana.

"C-Chrissa..." tipid niyang saad.

Nakarating na sila sa may sala ng bahay. Naigala pa ni Chrissa ang kanyang paningin sa paligid at halos mamangha sa karangyaang nakikita niya.

Lumaki rin naman siya sa maalwan na buhay at hindi na bago sa kanya ang makakita ng naglalakihang bahay. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang mamangha sa bawat detalyeng nakikita niya sa bahay na kanyang kinaroroonan.

"Tatawagin ko lang si Sir Trace. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo, haharap ka sa leon. Kanina pa iyon galit dahil sa tagal ng pagdating mo," maya-maya ay saad ni Kakay. Para bang may pagbabanta pa sa tinig nito.

Hindi na nito hinintay na makasagot siya. Mabilis na itong tumalikod at iniwan siya sa gitna ng sala. Marahil ay pupuntahan nito si Trace De la Serna upang ipaalam ang presensiya niya.

Mariing napalunok si Chrissa. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit kaydaling pinapasok ng guwardiya ng subdivision ang taxi na sinasakyan niya. Inakala ng mga itong siya ang babysitter na kinuha ni Trace.

"Babysitter..." marahan niyang sambit sa kanyang sarili. "Seriously?"

She exhaled an air. Muli niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti. Kaydali siyang nakapasok sa bahay ng mga De la Serna. Isa na lang ang kailangan niyang gawin at iyon ay ang makausap si Trace at makapanayam.

Chrissa was busy roaming her eyes around when suddenly, an authoritative voice got her attention.

"Finally, you came. I needed to cancel my appointment this afternoon because you kept me waiting. What took you so long, lady?"

Marahas ang ginawang paglingon ni Chrissa. Ihahanda niya sana ang isang ngiti sa kanyang mga labi ngunit ano mang balak niyang gawin ay agad nang naudlot nang makita ang lalaking bagong dating.

Halos maang siyang napatitig dito. The man was just standing few steps away from her. Yes, just standing, yet his aura was almost screaming with authority. Nakasuot lamang ito ng maong na pantalon na pinaresan ng puting cotton na t-shirt. Halos bumakat na sa suot nitong damit ang maskulado nitong pangangatawan.

And his face...

Chrissa swallowed hard. Gusot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Ganoon pa man, pakiramdam niya ay nakadagdag iyon sa karakter ng lalaki. May maiitim itong mga mata na para bang mapanganib tumitig. He also has pointed nose and prominent jaws.

The man in front of her was oozing with sex appeal. Ano na nga ba iyong madalas niyang marinig sa mga kaibigan niya? Iyong titig pa lang ay makalaglag panty na? Why, she wanted to believe now that man like that really exist!

"What? Lost your tongue now?" paasik na saad ng lalaki nang lumipas na ang ilang saglit ay hindi pa rin siya nakaimik. "I waited for how many hours. Pati ba naman sagot mo ay matagal kong hihintayin?"

Her eyebrow arched upwardly. Mala-Greek God ang kagwapuhan, pero antipatiko ang pag-uugali!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
unang sagupaan pa lng yan hahaha buti di tumulo laway muh bat kc m nanaginip ka ng gising
goodnovel comment avatar
mycaptain❤️
buset ka Chrissa nagdaydreaming kana agad paktay ka HB na ang Leon...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 50

    Nakasunod pa rin ng tingin si Chrissa sa lalaki kahit tumalikod na ito at pumasok sa grocery store na pinanggalingan nila ni Mat-Mat. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang kanyang paningin dito. At dahil nga nakatutok pa sa estranghero ang kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkuha nito ng cell phone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon saka may tinawagan. Ginagawa iyon ng lalaki hanggang sa tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.Hanggang sa maya-maya ay naging mas marahas na ang paghila ni Mat-Mat sa laylayan ng kanyang damit sanhi para mapabaling na rito ang kanyang atensyon. Niyuko niya ang bata at halos makadama ng pag-aalala nang makitang hindi na lang basta takot ang nakarehistro sa mukha nito. Basa na rin ang magkabilang pisngi ni Mat-Mat dahil sa ginagawa nitong pag-iyak.“Why are you crying?” nababahala niyang tanong sabay upo sa harapan nito. “Are you in pain? What---”“Let’s go home. Let’s go home now!”Mat-Mat started to be hysterical. It was t

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 49

    “Kailangan ba talagang may kasama kaming bantay, Trace?” tanong ni Chrissa habang matamang nakatitig dito. Bawat galaw ng binata ay sinusundan niya ng tingin habang nag-uusap silang dalawa.Pasado alas-siyete na ng umaga at naghahanda na si Trace sa pagpasok sa trabaho. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nang nagbibihis nang kausapin niya. Ipinaalam niyang dadalaw siya sa bahay ng kanyang mga magulang at kung maaari ay isasama niya si Mat-Mat para maipakilala sa kanyang ama’t ina.Trace agreed. Agad din naman itong pumayag na labis niyang ikinatuwa. Ang hindi niya lang nagustuhan ay ang sinabi nitong kailangan silang samahan ng dalawa sa mga tao nitong nagbabantay sa bahay na iyon. Bagay iyon na hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan pa. She has her own car and she could surely drive. Hindi naman siya reckless driver para matakot itong ipasama sa kanya ang anak nito.“Just to be sure that both of you will be safe, baby. Mas mapapanatag ako kapag alam kong may kasama kayon

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 48

    Hindi pa sana gustong magmulat ng mga mata ni Chrissa. Dama niya pa ang paghila ng antok sa kanya at kung maaari lang ay nanaisin niya pa sanang matulog. Ngunit ang kagustuhang gawin iyon ay hindi na niya nagawa pa dahil sa naramdaman niyang paglundo ng kama sa kanyang tabi kasabay ng marahang pagpapaikot ng isang braso sa kanyang baywang.Chrissa groaned softly as she opened her eyes. “T-Trace,” sambit niya sa mahinang tinig. “Don’t tell me you’re waking me up now? Pakiramdam ko’y isang oras pa lang mula nang hinayaan mo akong makatulog matapos ng mga ginawa natin kagabi.”She heard him chuckled. Wari bang aliw na aliw ito sa mga sinabi niya. “You’re exaggerating, baby. I let you sleep before eleven PM. And it’s almost twelve hours since then.”Dahil sa mga sinabi nito ay tuluyan nang nagising ang diwa niya. Lumingon siya kay Trace na nakahiga sa kanyang tabi habang yakap-yakap pa rin siya. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi nang mapansing nakapaligo na ito at bihis na bihis

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 47

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa nang marinig niya ang mga sinabi ni Trace. Mataman pa itong nakatitig sa kanya na wari bang hinihintay na siyang humakbang palapit dito.And Chrissa did. Slowly, she walked towards Trace’s room. Nang marating niya ang hamba ng pintuan ay agad pa itong tumabi upang bigyan siya ng daraanan. Tuluyan nga siyang pumasok sa loob saka marahang iginala ang kanyang paningin sa loob.Hindi iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid ni Trace. Ni hindi niya na nga alam kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila sa mismong kama nito. Pero ganoon pa man, hindi niya maunawaan kung bakit naiilang pa rin siya sa tuwing napapag-isa silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon dito nang marinig niya ang pagsara ng pinto sabay ng pag-lock niyon. She swallowed hard again and asked him.“A-Ang... ang mga gamit ko, Trace?”“Nasa walk-in closet,” mabilis nitong sagot habang humahakbang palapit sa kanya. “Bukas ay maaar

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 46

    “Good morning, Sir Trace,” agad na bati ni Becca kay Trace naglalakad pa lamang siya papasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumayo mula sa puwesto nito ang kanyang sekretarya at sinundan siya. Ni hindi niya sinagot ang pagbati nito at tanging tango lamang ang itinugon sa dalaga.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa opisina niya sabay lapit sa kanyang executive desk. Doon ay inilapag niya ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan saka nilingon si Becca na nasa loob na rin ng opisina niya. Lumapit din ito sa mesa at inilagay doon ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento.“What are those?” tanong niya.“Documents that you need to sign, Sir. Nariyan na rin po ang ipinagawa mo sa aking summary ng monthly activities ng DLS Corporation.”“Good job,” puri niya rito sabay upo sa kanyang swivel chair. Inabot niya ang dalawang folder na dala nito saka binuksan ang isa at pinasadahan ng basa.Ilang taon na ring nagtatrabaho sa kanya si Becca at masasabi niyang gamay na talaga n

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 45

    Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status