Share

CHAPTER 55

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-23 20:43:36

Chrissa swallowed hard as she tried her best to hold her tears. Ngunit kahit anong pigil niya na huwag nang umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha habang nakatitig kay Trace. Nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ang binata. Nakatiim ang mukha nito dahil sa labis na galit na alam niyang laan para kay Daniel.

Hindi niya inaasahang agad itong pupunta. Tama ang mga sinabi ni Daniel kanina. Sadyang mabilis ang pagdating ni Trace. Nahihinuha niyang dahil iyon sa labis na pag-aalala nito para kay Mat-Mat at marahil ay dahil na rin sa kanya at sa dinadala niya.

Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Chrissa ang mas pagdilim ng mukha ni Trace nang mapatitig sa kanya. Alam niyang nakita nito ang bakas ng pananakit sa kanya ni Daniel. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para masabi niyang may pasa ang sulok ng kanyang bibig. Nakadarama siya pananakit sa bahaging iyon kaya alam niyang nag-iwan ng bakas doon ang ginawa ng lalaki.

“D-Daddy...!” malakas na bulalas ni Mat-Mat nan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
oh em gee c Chrissa ...
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
hayst v Alvaro pasulpot sulpot tlga.... don't cha worry ikaw na dw sususnod kay Trace hahaha malalaman na nmin ang love of your life nagbibigay din ng ' ikaw n ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko hahaha
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
ohhh emm geee chrissa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 55

    Chrissa swallowed hard as she tried her best to hold her tears. Ngunit kahit anong pigil niya na huwag nang umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha habang nakatitig kay Trace. Nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ang binata. Nakatiim ang mukha nito dahil sa labis na galit na alam niyang laan para kay Daniel.Hindi niya inaasahang agad itong pupunta. Tama ang mga sinabi ni Daniel kanina. Sadyang mabilis ang pagdating ni Trace. Nahihinuha niyang dahil iyon sa labis na pag-aalala nito para kay Mat-Mat at marahil ay dahil na rin sa kanya at sa dinadala niya.Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Chrissa ang mas pagdilim ng mukha ni Trace nang mapatitig sa kanya. Alam niyang nakita nito ang bakas ng pananakit sa kanya ni Daniel. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para masabi niyang may pasa ang sulok ng kanyang bibig. Nakadarama siya pananakit sa bahaging iyon kaya alam niyang nag-iwan ng bakas doon ang ginawa ng lalaki.“D-Daddy...!” malakas na bulalas ni Mat-Mat nan

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 54

    Kabadong napatitig si Chrissa kay Daniel na ngayon ay nakatiim-bagang na nakatunghay din sa kanya. Hawak nito sa kanang kamay ang pag-aaring cell phone na kung bakit kaydaling natapos ang tawag na natanggap kanina ay hindi niya alam. Hindi niya inaasahang babalik din ito agad sanhi para hindi siya nangambang saguting ang tanong ni Mat-Mat.Definitely, she was not coming with him. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para magpahinuhod sa gusto nito. Sadyang hindi lang siya nagbigay ng ano mang negatibong reaksyon sa mga sinabi nito kanina dahil gusto niyang makita si Mat-Mat. Sa kabila ng sitwasyong mayroon sila nang mga oras na iyon ay mas mapapanatag ang loob niya kung kasama niya ang bata.Kanina pa siya nangangamba sa kung ano ang kalagayan ni Mat-Mat. Hindi lingid sa kanya ang pagnanais ni Daniel na saktan ito sanhi para hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang dibdib. It was the reason why she thought of playing a trick. Baka sakaling mapaniwala niya si Daniel upang kahit si Mat-Mat ma

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 53

    “You, son of a bitch!” nangangalaiting saad ni Trace kay Daniel. Halos maikuyom niya ang kanyang kamay na may hawak ng cell phone dahil sa labis na galit.“Did I hear worries and fear on your voice, Trace?” nakaloloko pang tanong ni Daniel sa kanya. Hindi niya man ito kaharap pero nahuhulaan na niyang may isang malademonyong ngiti ito sa mga labi.“I can kill you for this,” he said, his teeth were almost gritting. “I swear, Daniel. I will kill you for doing this to Matthew again... at sa pagdamay mo kay Chrissa. She has nothing to do with us. Fvck you!”“Diyan ka nagkakamali, Trace,” tugon nito. Ni hindi pa nakaligtas sa kanyang pandinig ang nakaiinsulto nitong pag-ismid. “Chrissa has something to do with us. Parte siya ng buhay mo kaya parte rin siya ng galit ko sa iyo.”“Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit mo,” anito sa mariing tinig. “I’m not part of the Lebedev’s organization anymore. Kung dahil lang sa negosyo---”“I would admit, that was the reason before, Trace,” mab

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 52

    Sunod-sunod ang marahang pag-iling ni Chrissa nang unti-unting naging malinaw na sa isipan niya ang mga sinabi ni Daniel. Hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang ganoong kuwento tungkol kay Trace. Bago pa man siya mamasukan bilang babysitter ni Mat-Mat ay iyon na ang mga sinabi nina Daisy sa kanya.But she tried ignoring what they said especially when she was already living in his house. Totoong may kakaiba sa pagkatao ni Trace. Maging ang mga kilos nito ay hirap siyang intindihin minsan. Ni hindi niya pa maunawaan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga armadong bantay sa bahay nito. Ipinagpalagay niya na lamang na proteksiyon iyon ng binata matapos ng nangyari noon na ikinamatay nga ni Liezel.At ipinagpalagay niya rin na ang nangyari noon ay dahil lamang sa kalaban ng mga ito sa negosyo--- ang DLS Corporation. Iyon lang. Hindi gustong tanggapin ng isipan niya ang posibilidad na may katotohanan ang mga pinag-usapan nila noon nina Daisy. Unti-unti niyang nakilala si Trace.

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 51

    Dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Chrissa kasabay ng pagdaing ng pananakit ng kanyang ulo. Agad pa nga siyang napasapo ng kanyang sentido dahil hindi niya maiwasang makadama ng pagkahilo. Slowly, she moved to look at her right side. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang makitang madilim na sa labas ng salaming bintanang naroon.“Oh, God,” sambit niya saka marahang naupo sa kabila ng nadaramang sakit ng ulo. Iginala niya ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya at hindi niya pa nga maawat ang kabang umusbong sa kanyang dibdib matapos maalala ang mga nangyari kanina.She was talking to Trace over the phone. Matapos nilang malaman mula kay Mat-Mat kung sino ang lalaking nakabungguan niya noon at nakausap niya sa may grocery store kanina, nasisiguro ni Chrissa na may nakaambang panganib sa kanilang dalawa ng bata. It was the reason why she wanted so much to go home at once. Kaligtasan ni Mat-Mat ang laman ng isipan niya kanina.Tama si Trace. Dapat ay sumunod siya s

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 50

    Nakasunod pa rin ng tingin si Chrissa sa lalaki kahit tumalikod na ito at pumasok sa grocery store na pinanggalingan nila ni Mat-Mat. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang kanyang paningin dito. At dahil nga nakatutok pa sa estranghero ang kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkuha nito ng cell phone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon saka may tinawagan. Ginagawa iyon ng lalaki hanggang sa tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.Hanggang sa maya-maya ay naging mas marahas na ang paghila ni Mat-Mat sa laylayan ng kanyang damit sanhi para mapabaling na rito ang kanyang atensyon. Niyuko niya ang bata at halos makadama ng pag-aalala nang makitang hindi na lang basta takot ang nakarehistro sa mukha nito. Basa na rin ang magkabilang pisngi ni Mat-Mat dahil sa ginagawa nitong pag-iyak.“Why are you crying?” nababahala niyang tanong sabay upo sa harapan nito. “Are you in pain? What---”“Let’s go home. Let’s go home now!”Mat-Mat started to be hysterical. It was t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status