Share

His Substitute Wife
His Substitute Wife
Author: iampammyimnida

Chapter 1

“Damn! ate, saan ka ba pupunta? Bakit mo naman ipapasa lahat sa akin? Gulo mo ito, kaya ayusin mo!” galit kong saad sa aking kakambal. 

“Katelyn Louise naman, ngayon lang ako humingi ng tulong sa’yo. Pagbigyan mo na ang ate, hindi ko pa talaga kayang magpakasal sa kaniya. Marami pa akong mga pangarap na kailangan kong tapusin, alam mo iyan. Hindi ko kayang talikuran ang career ko at ipagpalit iyon para lang maging isang housewife.” Maluha-luha niya akong tiningnan, alam kong nahihirapan siya pero hindi ko kaya ang ipapagawa niya. Lumambot naman ang aking mukha nang makitang tumulo ang kaniyang mga luha sa pisngi. 

“Louise, Ate,”pagtatama ko.

 Napabuntong hininga ako. Ayoko sa lahat ang tinatawag ako sa buong pangalan ko. 

“Hindi ko kaya ang ipagagawa mo. Sobrang hirap, lalo na’t hindi ko kilala ang boyfriend mo. Shit! Iniisip ko pa lang na magpakasal sa kaniya ay kinikilabutan na ako.” 

Hindi ko gustong maikasal sa taong hindi ko naman mahal, ngunit wala na talaga akong magagawa. Hindi ako titigilan ni ate Kate kung hindi ako papayag. She’ll get what she wants, ika nga niya. Marami na rin kasi akong utang kay Ate, lahat ng pag-aaruga na dapat ang magulang namin ang gumawa ay ginawa niya. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid ko dahil siya lang ang palaging nasa tabi ko kapag may problema at nalulungkot ako.

“Huwag kang mag-alala, mabait naman si Calyx. Mahal niya ako kaya hindi ka niya magagawang saktan. Basta mag panggap ka lang na ako, hindi naman niya mahahalata dahil magkapareho tayo ng mukha.” Napatango na lang ako sa kaniya at marahang napakagat ng labi. 

“Kailan ka babalik? Hindi ito panghabang-buhay, ate. May sariling buhay din akong dapat pagtuonan ng pansin. Hindi sa lahat ng oras ay anino mo lang ako palagi,” seryoso kong saad sa kaniya. Lumambot ang kaniyang mukha nang marinig niya iyon. 

“I’m sorry, Louise. Babalik naman ako, hindi ko nga lang alam kung kailan, pero kapag matapos na ang contract ko sa Paris ay agad akong papaplit sa’yo. You will get your life back again. Pumapayag ka na ba?” malungkot niyang saad. 

“I have no choice.” Napahangos siya ng maluwag at napangiti sa akin. 

“Thank you! Thank you talaga Louise, you’re my savior! I love you, kambal!" Napayakap siya sa akin at napahalik sa aking pisngi. 

“Ikaw lang naman ang pamilya ko eh at isa pa, bumyahe ka pa talaga rito sa Cebu para lang diyan,” saad ko sa kaniya. 

Siya lang ang pamilya ko dahil itinakwil ako nila mom at dad. Simula kasi noong desi-otso anyos pa ako ay pinatapon na ako rito sa Cebu kasama ang aming Lola, ngunit nang namatay ito ay ako nalang mag-isa. Pumunta silang lahat sa burol pero madalian lang at umalis na agad. Ni hindi nila ako pinansin at hindi sila makatingin. Nandidiri ito sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Ate Kate was there to comfort me, buti nalang nariyan siya. Kaya ngayon, ako naman ang tutulong sa kaniya.

“I’m sorry Louise, hindi ko alam kung bakit ba ayaw sa’yo nila mom, pilit kong tinatanong kung bakit ka nila kinamumuhian, ngunit pinapagalitan lang nila ako,” naiiyak niyang saad sa akin. 

“Don’t worry ate, hindi ko naman na sila itinuturing na magulang. I don’t care about them; I just care for you. Kaya nga tutulungan kita sa problema mo,” nakangiti kong sagot sa kaniya para hindi na siya maiyak. Ayokong makita ang mga taong mahal ko na umiiyak lalo na’t ang kambal ko dahil nasasaktan din ako.

“Salamat talaga sa tulong mo, huwag kang mag-alala kapag matapos ito ay babalik ako, aakuin ko na ang responsibilidad na dapat ako ang gumawa. Huwag ka lang maiinlove sa kaniya kambal ah, I know this is too much to ask pero ayaw lang kitang masaktan. Alam mo namang ako ang mahal niya.” Tumango ako sa kaniya at napangiti. 

Minsan hindi ko rin ma-gets ang aking kapatid. I mean, bakit pa siya lalayo pa? Puwede rin namang paki-usapan ang boyfriend niya na kung puwedeng kahit mag-asawa na sila ay hindi pa rin mawawala sa kaniya ang career niya. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. 

“Bukas na ang kasal kaya sumama ka na sa akin ngayon.” 

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. 

“Ang aga naman ate! Hindi ako prepared, ni hindi nga ako nakapaghanda ng damit ko,” nagpapanic kong sagot sa kaniya. 

“Relax, kambal. May mga gamit na ako roon, presensiya mo nalang ang kulang.” Napabuga ako sa hangin, iyon naman pala. 

“How about our honeymoon? Hindi ako papayag na angkinin niya ako, hindi ko naman siya mahal. Damn!” 

“Please stop cursing Katelyn Louise,” striktang sagot niya. 

“I’m sorry, pero paano? I mean ayokong may mangyari sa amin.” 

“It’s okay, mag-alibi ka nalang o kaya–– by the way virgin ka pa ba?” tanong niya. 

“Hindi na ate, may naka-one night stand ako matagal na, tangina hindi ko na maalala ang kaniyang mukha buti na lamang ay hindi niya ako nabuntis. I was so drunk that time at hindi ko alam ang nangyayari,” naiiyak kong saad sa kaniya. 

Ilang weeks din akong na-depress at inaalala kung sino iyon pero wala. Minasahe ko ang aking ulo dahil nananakit ito. 

“Hindi ka naman na pala virgin eh, hindi na niya iyon malalaman. If you want to have sex sa kan’ya ay okay lang. I don’t care, hindi mo naman napipigilan ang desire eh, pero paalala ko ulit sa’yo huwag kang ma-iinlove sa kaniya. Huwag mo na lang muna isipin iyong naka-one night stand mo, baka pagnakita mo ulit siya ay maalala mo na.” Hinimas-himas niya ang aking likod para pakalmahin ako. Napatango nalang ako sa kaniya. Kapag magkita kami ay wala na akong pakialam sa kaniya, tutal one night stand lang naman iyong nangyari. Pero seryoso ba siya? Okay lang sa kaniya na may mangyari sa amin ng boyfriend niya? Medyo na-we-weirdo-han na talaga ako sa kambal ko ngayon. 

“So, ano? Halika na?” tanong sa akin ni ate at napatango nalang. 

Kasalukuyan kaming nasa byahe papuntang Maynila. Habang nasa byahe kami ay panay habilin na niya ng kung ano-ano sa akin.

“Ito ang plano natin, act ka lang as me syempre. Huwag kang magiging pasaway o gumawa ng problema sa kaniya dahil hindi mo alam kung paano magalit ‘yon. Just be careful na rin kasi he’s a beast.” 

“Hindi ba sabi mo mabait siya?” tanong ko sa kaniya. 

“Yes, mabait naman siya ng slight. Don’t worry, okay?” Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Bahala na nga. 

“Sigurado ka ba sa gagawin natin? Papaano kung nahuli niya tayo? Paano kung ipakulong niya ako?” nagaalalang tanong ko sa kaniya. 

“Oo naman siguradong-sigurado. Hindi niya malalaman iyon, maingat kong pinlano ito. Matalino tayo ‘di ba? Just be careful and huwag kang magpapadala sa emosyon,” seryoso niyang saad sa akin na ikinatango ko nalang. 

“I trust you, Louise.” Biglang tumibok ng malakas ang aking puso na para bang kinakakabahan. I can do this!

“May tiwala rin ako sa’yo ate, mahal na mahal kita kaya gagawin ko ito para sa’yo, para sa pangarap mo.” Napangiti ito sa akin maluha-luhang tinitigan ako. 

“Mahal na mahal din kita, sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang kapatid mo. I’m sorry if I put you to my mess, but I’ll assure you na last na ito.” Hinawakan niya at pinisil ang aking kamay habang ang isa ay nagmamaneho.

Ilang oras pa ang aming binyahe nang makarating kami sa hotel na ibinook niya for the bride and bride’s maid. Isinuot ko ang aking sunglass at cap para hindi ako makilala ng mga tao roon. Binati naman ni ate ang mga staff na halatang kilala siya. Binigay na sa amin ang key at pumasok na agad kami sa room. 

“Aalis na ako, kambal.” Niyakap ako ni ate at hinalikan ang pisngi. Ginantihan ko naman siya at napangiti. 

“Mag-iingat ka ate,” saad ko. 

“Ikaw rin, mag-iingat ka. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, okay?”

“Ikaw rin, if you need something else tawagan mo rin ako.” Mas lalong humigpit ang yakap ni ate sa akin. Bigla akong nalungkot at naiiyak sa kalagayan niya. She’s choosing her career over her love, sobrang sakit naman talaga no’n. 

“I will miss you, kambal,” naiiyak niyang sabi sa akin. 

“I will miss you too, ate. Huwag ka nang umiyak diyan, nandito na ako ‘di ba? I will help you.” 

“Pasensiya ka na kung dinamay pa kita. Don’t worry babawi ako sa’yo.” Isang mahigpit ulit na yakap at halik sa pisngi ang ibinigay sa akin ng ate. Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi at napangiti. 

“I’m so sorry, kambal.” Makahulugang saad niya sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. 

Napangiti nalang ako sa kaniya. “No worries ate basta ikaw.” 

“Sige na, aalis na ako. Let’s change our clothes na.” Matapos kaming magpalit ng damit ay agad na umalis ito. 

Ngiti akong kumaway sa kaniya pero sa kaloob-looban ay kanina pa talaga ako kinakabahan at nanginginig. Bukas na ang kasal at hindi pa handa ang aking sarili.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Basahin niyo po sa ang buong kwento naroon po ang sagot hahaha salamat sa pagbabasa hihi
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda ang story pero medyo naguluhan lang ako paanong ayaw kay louise ng mga magulang nila ei magkakambal naman sila louise at kate
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status