This is the best day of my life, a beautiful wedding. Minsan ko na rin itong pangarap at ngayon nga ay natupad na.
Ramdam ko ang kabog ng aking puso habang ako ay naglalakad sa isle. Marami ang gumugulo sa aking isipan kaya hindi ako makapag-focus sa mga tao. Ni hindi ko sila naririnig dahil sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na rin aking singit. Letse.
What if mahalata nila na hindi ako si ate? Na ibang tao ako? Kahihiyan ito sa akin kung kasali. Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim.
Nang makapunta na ako sa unahan ay nagbeso-beso muna ako sa aking magulang pati na rin ang mga tao roon na sa tingin ko ay magulang ng aking mapapangasawa. Napangisi ako nang makita ko ang isang matipunong lalaki nan aka-tuxedo. Ang pogi niya, ito ba ang mapapangasawa ni ate? Napakaswerte naman ng kapatid ko, may kapatid kaya ito? Nginitian niya ako kaya agad akong kinilig. Makalaglag ba naman panty ang titig niya. Hinintay ko siya na akayin ako papunta sa harap ng pari ngunit napakunot ang aking noo dahil tumalikod na ito at umupo katabi ng aking mga magulang.
Wait, nakalimutan niya bang siya ang groom? Hello? Hindi ba ikakasal kaming dalawa? Aangal na sana ako nang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa likod ko ngunit wala namang tao.
“Are you insulting me?” tanong ng hindi pamilyar na boses ng lalaki.
Bumaba ang aking paningin, to my surprise it was a man. A handsome man, mas pogi pa roon doon sa lalaki kanina. He was sitting in a wheelchair kaya napakunot ako ng noo.
“Nakalimutan mo na bang ako ang groom mo?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa sinabi niya. What the actual fuck? Ikakasal ako sa baldadong katulad niya? Hindi pa rin ako maka-move on para bang natulos ako sa kinatatayuan ko.
“What are you doing? Come here, our wedding is about to start,” malamig niyang saad sa akin.
Sa sobrang gulat ko ay hindi man lang ako makapagsalita at tumango na lang.
“You may now kiss the bride,” saad ng pari sa aming dalawa.
Kanina pa ako naiilang, hindi ko alam kung paano ba ang posisyon ko. Yuyuko ba ako? Luluhod para lang makahalik siya sa akin? Tangina, hindi man lang ako na-inform na baldado pala itong jowa ng kapatid ko.
Wala akong choice kung ‘di ay tumuwad na lang, this was awkward. Kissing the man that I don’t love tapos ganito pa ang posisyon ko? Nakatuwad.
Hinawakan niya ang aking viel at tinaas iyon. Ang pogi pala ng boyfriend ni ate, para itong artistang napapanuod ko sa TV. Nakangiti akong tumingin sa kaniya ngunit nawala agad iyon nang makita ko ang seryoso niyang mukha. Agad nitong kinantilan ang aking labi pero mabilisan lang.
“Hindi mo naman kailangang tumuwad, puwede ka namang umupo sa upuan sa likod,” seryoso niyang saad sa akin.
W.T.F? Napalingon ako sa likod at mayro’n ngang upuan do’n. Nakakahiya!
Nagitla ako nang maghiyawan ang mga tao at tuwang-tuwa ang aking mga magulang dahil sa wakas ay kinasal na ang kanilang paboritong anak na si Kate Coleen. Hindi nila alam na ako ito ang kanilang itinakwil at kinalimutang anak na si Katelyn Louise. Napangisi nalang ako sa reaksiyon nila, kahit kailan talaga mas paborito nila si ate kaysa sa akin.
Nakakapagtataka lang si Calyx, hindi ba dapat ay masaya siya dahil ikinasal na siya sa mahal niya? Hindi ba ito ang gusto niya, ang maikasal ang ate sa kaniya? Ba’t parang galit siya?
Hanggang sa matapos ang reception ay hindi ako kinausap ni Calix, parang wala siya sa mood ngayon. May nagawa ba akong kasalanan? I mean si ate sa kaniya?
“Congratulations anak!” Gulat naman ang rumehistro sa aking mukha nang makita ko si mom na yumakap sa akin. Si dad naman ay nakangiti lang sa akin. This is the very first time na naramdaman ko ang init na yakap ng ina. Maluha-luha akong kumalas sa kaniya.
“T-thank you,” saad ko at umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ako sanay sa ganito. Ni minsan ay hindi nila ako pinansin at niyakap man lang.
“Isa ka nang Villareal, natutuwa ako dahil mas pinili mo pa rin kaming sundin kaysa sumama roon sa lalaking nakilala mo sa Paris!” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Ano raw? Akala ko ba career ang pinuntahan ni ate roon?
“Hindi mo kami binigo iha. Mabuti naman at natauhan ka na. Huwag mong kakalimutan ang plano natin kaya ka nagpakasal sa Villareal,” seryoso nilang saad sa akin na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
“Sige iha, aalis na kami. Mag-enjoy kayo sa honeymoon. Pupuntahan lang muna namin ng daddy mo sila balae.” Umalis na sila at ako naman ay nakatulala lang. What the heck? Ba’t hindi man lang sa akin naikwento ito ni ate?
Bigla namang may narinig akong tumikhim sa aking likuran. Napaharap ako at nakita kong si Calyx pala iyon. Letse, palagi na lang akong nagugulat ngayong araw.
“Umuwi na tayo,” malamig niyang saad sa akin.
“Pe-pero hindi pa tapos ang reception,” kinakabahan kong saad sa kaniya.
“I don’t care. Kung ayaw mong sumama eh ‘di hindi. Aalis na ako.” Tumalikod na ito sa akin at dali-dali akong iniwan. Nagmamadali ko namang inayos ang aking gown at sinundan siya. Ayoko rin namang makipagplastikan sa rito.
“Wait,” saad ko sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Nakakainis, akala ko ba mahal niya ang ate ko. Ba’t ang harsh niya naman ata. Nang makalabas kami sa hotel ay hindi ko na makita kung nasaan siya. Napabuntong-hininga na lamang ako, seryoso? Iniwan niya ako rito? Ang bilis niya naman?
Hindi par in talaga ako makapaniwala na baldado ang asawa ni ate.
Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada. Damn, ang sakit din ng paa ko dahil sa takong nasa suot ko. Bigla namang may kotseng huminto sa aking harapan. Binuksan nito ang pintuan ng kotse, nakita ko roon si Calix na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. Ang hot niya naman kapag seryoso. Naku! Hindi ko dapat ito naiisip!
“Tutunganga ka nalang ba riyan?” malamig niyang saad sa akin.
Nagmamadali naman akong tumayo at pumasok sa loob. “I’m sorry,” saad ko.
“Tsk!” Hindi na niya naman ako pinansin at nagmaneho na ng kaniyang kotse.
“Saan pala tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. Kanina pa ako kinakabahan dahil alam ko ang sunod na gagawin namin. That thing called Honeymoon.
“Sa bahay natin malamang. Huwag ka ngang magtanga-tangahan diyan Kate, hindi bagay sa’yo,” walang lingon-lingong saad niya.
“I’m sorry,” nahihiyang saad ko.
“Isa pa ‘yan you never said sorry to me. Hindi mo ugaling magsorry, nagbago ka na ba o act lang ito? May plano ka na naman bang masama sa akin?” tanong niya.
“What? No! Ba’t ko naman gagawin iyon sa’yo?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. He smirked at me.
“Nagka-amnesia ka na ba? Marami kang ginawa sa akin na hindi ko gusto, Kate Colleen at hindi kita mapapatawad.” Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya. Hindi dahil may kasalanan ako kung ‘di ang titig nitong matatalim sa akin.
“A-akala ko ba mahal mo ako?” tanong ko sa kaniya. Akala ko ba sabi ni ate ay mahal siya nito? Ba’t parang kinamumuhian siya ni Calyx? Ano ba ang nagawang kasalanan ni ate sa kaniya?
“Noon iyon, hindi na ngayon.” Mabilis niyang pinaandar ang kotse kaya napakapit ako sa seatbelt. Diyos ko! Parang hindi naman baldado itong taong ito kung makapag-drive ay wagas!
“Ba’t pinakasalan mo pa ako kung hindi mo naman na pala ako mahal?” tanong ko sa kaniya.
“Nakakalimutan mo na ba? Kaya kita pinakasalan dahil gagawin kong miserable ang buhay mo. Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo ng kabit mo. Kung lugmok ako ngayon dapat ay gano’n rin kayo.”
“Pe-pero––” Bigla niyang pinutol ang aking sasabihin.
“Stop acting like you don’t know what I mean, Kate. Hindi ka tanga, hindi ba ay matalino ka? Nagawa mo nga akong lokohin eh,” saad niya nakita kong may dumaan na lungkot sa kaniyang mga mata. Bigla akong nakonsensiya. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Nagsisinungaling lang ba sa akin si ate?
Nanahimik nalang ako sa buong byahe, mas magandang itikom ko nalang ang aking bibig baka makahalata pa niya na hindi ako ang asawa niyang si Kate Colleen.
“Nandito na tayo,” saad niya. Kaagad naman akong lumabas ng kotse para sana alalayan ko siya dahil baldado nga ito. Papa’no siya makakalabas ng kotse hindi ba? Hindi siya makapaglakad.Kaagad kong binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse at dahan-dahang kinuha ang wheelchair sa backseat. Sabay naming kinuha iyon kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ako na lamang ang nag-iwas ng tingin.“Ako na,” malamig na saad niya sa akin.“Ako na! Hindi mo kaya!” singhal ko sa kaniya.“Fuck, Kate! Huwag nang matigas ang ulo, kaya ko na! Stop acting like you care about me dahil hindi iyan totoo,” sigaw niya sa akin.“Bakit ka sumisigaw? Gago ka ba?” singhal ko rin sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang matang tumingin sa akin.“D-did you just fucking shouted in front of my face?” tanong niya sa akin ng madiin. I acted tough in front of him. Aba! Hindi ako magpapatalo sa kaniya!&ldq
MAAGA akong nagising dahil hindi ako mapakali na nasa tabi ko si Calix. May unan sa gitna naming dalawa para hindi kami magkadikit o kung ano man. Ako ang naglagay ng unan sa gitna naiinis pa nga siya kagabi dahil sa hindi ko malamang dahilan. Naniniguro lang baka may gawin siyang kababahalaghan sa akin. Napainat-inat naman ako at tiningnan ang aking katabi.Napangiti ako nang makita siyang nakaharap sa akin. Sobrang amo ng mukha niya habang natutulog. Ang cute niyang titigan, para siyang bata kung tingnan. Napapikit ako ng mariin at napaiwas ng tingin.“Stop it, Louise, asawa ‘yan ng kakambal mo,” piping saad ko sa aking isip.Kaagad akong bumangon sa kama at bumaba para maghanda ng makakain. Kahit papaano ay gusto kong paghandaan at pagsilbihan din siya. Kahit naman nagpapanggap ako ay responsibilidad ko paring pagsilbihan siya dahil nga asawa niya ako.Marunong ako sa lahat, ako na kasi ang nag-aalaga kay lola. Ako ang tiga laba, tiga
HINDI ko alam kung bakit nagbago ang ugali sa akin ni Calyx. Akala ko magiging mahirap ang buhay ko sa kamay niya at magiging battered wife dahil sabi nga niya he will get revenge from what my sister did to him pero kabaliktaran ang ginagawa niya ngayon.He spoiled me to rotten.Need a new car? He bought me a Lamborghini.Need a fancy dresses?He bought branded bags, shoes and clothes.Wanna got to mall to shop? No need, he owns an entire Supermarket!He even bought me a resort! Heavenly gracious! Kaya pala nagawang magnakaw ng kapatid ko dahil ang yaman naman pala ng kaniyang asawa. Mapapa-sign of the cross ka na lang dahil sa sobrang gara ng kaniyang lifestyle. Sana all na lang talaga, Kate Collen. Naiinggit tuloy ako sa kaniya. She didn't need to go to Paris para lang magtrabaho narito na ang solusiyon oh. Si poging pilay na ang solusiyon, bakit pumunta pa siya ng Paris para makaipon ng pera to save our family business? N
“Ako na lang kasi ang mag-aalaga sa iyo,” pangungulit ko kay Calyx.“I don’t want you to be my nanny, Kate. You are my wife, you are supposed to be here at my house cleaning, cooking, and shopping,” malamig na saad niya sa akin. Napa-irap ako sa kaniya, bakit kasi ayaw niya ako ang mag-alaga sa kaniya? “Yes! I am your wife and my responsibility to you is to take care of you. Nanumpa tayo sa harap ng altar na aalagaan at mamahalin natin ang isa’t-isa sa hirap at ginhawa. Huwag na ‘yang si Nurse Kyla kasi, kaya ko naman eh,” saad ko sa kaniya. Kanina pa ako nangungulit sa kaniya. He’s currently wearing his pajama at ako naman ay lingerie pero nasa loob ng robe ko iyon. Wala kasi akong available na pantulog dahil lahat ng damit ng aking kambal ay narito, ni isa wala akong dalang damit naroon lahat sa Cebu. Kasalukuyan siyang nagtitipa sa kaniyang laptop at ako naman ay nagpapahid ng lotion sa katawan. Naka
“Good morning, manang!”“Sus maryusep naman, iha! Nakakagulat ka naman,” saad nito at napahawak siya ng kaniyang dibdib. Napalingon siya sa akin at nagtataka akong tinitigan.“Ang aga pa, iha. Bakit gising ka na?” dagdag na tanong niya sa akin.“Eh kasi may maganda akong balita sa iyo, manang!” excited na saad ko sa kaniya.“Ano iyon? Hindi na mapalis ang ngiti mo sa mukha ah,” saad niya sa akin na ikinangiti ko pa ng malapad.“Simula po ngayon ako na ang mag-aasikaso sa asawa ko hindi na si Nurse Kyla. Kaya naman ay maaga akong nagising ngayon para paghandaan siya ng almusal,” masiglang wika ko sa kaniya.“Mabuti naman, nagkaayos na ba kayo ng asawa mo?” tanong niya.“Hmm. Malapit na po kunting lambing lang ay magiging maayos na rin kami manang,” sagot ko sa tanong niya.“Maigi iyan, iha. Masaya ako para sa inyong mag-as
“I’m done.”Napalingon ako kay Calyx na kasalukuyang nagpupunas ng kaniyang labi. Napatingin ako sa kaniyang plato, simot na simot ito kaya napangiti ako ng malapad. Nangangahulugan lang na nagustuhan niya ang aking niluto sa kaniya.“Kate Louise,” tawag n’ya sa akin. Napairap ako sa sinabi n’ya. Katelyn Louise ang pangalan ko, hindi Kate Louise. Ay ewan.“B-Bakit?” tanong ko sa kaniya.“I said tapos na ako, maliligo na ako.” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.“Oh, tapos? Eh ‘di maligo ka na, bakit paliliguan pa ba kita?” tanong ko sa kaniya.“Exactly! Pa
Labis ang aking tuwa nang maging okay kami ni Calyx. Masaya ako dahil naaayon na sa plano ang lahat. Kulang na lamang ang ate ko. Kailangan kong ibalita sa kan’ya na okay na sila ni Calyx kaya dapat ay bumalik na siya sa kaniya. Habang mas matatagalan ako sa puder niya ay mas mahirap sa akin ang umalis at dumistansya. Hindi ko alam pero alam kong may something na akong nararamdaman sa lalaking iyon at ayaw kong maging karibal ang ate ko. Alam kong little by little ay magiging okay na ang lahat kaya hangga’t maaari ay matawagan ko na si Ate Kate para ibalitang settled na rito sila ng asawa niya. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang number ng aking kapatid ngunit napasimangot ako dahil unattended ito. “Sino ang tinatawagan mo?” Napalingon ako kay Calyx, hindi ko pina halatang nagulat at kabado ako. I gave him a smile at nilapitan siya para asikasuhin ang kaniyang kurbata, kahit ang necktie niya ay hindi rin nakaayos. “Sina Mommy at Daddy, gusto ko
“Hello, Ate?” kinakabahang tanong ko sa aking kambal.“Hi, kambal kumusta ka riyan? Hindi ka naman ba binigyan ng sakit sa ulo ni Calyx?” tanong niya sa akin. Napapikit naman ako ng mariin nang maalala ang ginawa namin kanina.“Hello? Louise? Nariyan ka pa?” tanong ulit ni Ate dahil hindi ko nasagot ang tanong niya.“A-ano iyon, Kambal?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Napakagat ako ng labi dahil doon. Siguro nahalata niyang nawawala ako sa aking sarili.“Kumusta ka na kako?’”“Okay lang naman ako, ikaw ba? Kumusta ka na? Kailan ka uuwi?”