“I’m done.”
Napalingon ako kay Calyx na kasalukuyang nagpupunas ng kaniyang labi. Napatingin ako sa kaniyang plato, simot na simot ito kaya napangiti ako ng malapad. Nangangahulugan lang na nagustuhan niya ang aking niluto sa kaniya.
“Kate Louise,” tawag n’ya sa akin. Napairap ako sa sinabi n’ya. Katelyn Louise ang pangalan ko, hindi Kate Louise. Ay ewan.
“B-Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“I said tapos na ako, maliligo na ako.” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
“Oh, tapos? Eh ‘di maligo ka na, bakit paliliguan pa ba kita?” tanong ko sa kaniya.
“Exactly! Pa
Labis ang aking tuwa nang maging okay kami ni Calyx. Masaya ako dahil naaayon na sa plano ang lahat. Kulang na lamang ang ate ko. Kailangan kong ibalita sa kan’ya na okay na sila ni Calyx kaya dapat ay bumalik na siya sa kaniya. Habang mas matatagalan ako sa puder niya ay mas mahirap sa akin ang umalis at dumistansya. Hindi ko alam pero alam kong may something na akong nararamdaman sa lalaking iyon at ayaw kong maging karibal ang ate ko. Alam kong little by little ay magiging okay na ang lahat kaya hangga’t maaari ay matawagan ko na si Ate Kate para ibalitang settled na rito sila ng asawa niya. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang number ng aking kapatid ngunit napasimangot ako dahil unattended ito. “Sino ang tinatawagan mo?” Napalingon ako kay Calyx, hindi ko pina halatang nagulat at kabado ako. I gave him a smile at nilapitan siya para asikasuhin ang kaniyang kurbata, kahit ang necktie niya ay hindi rin nakaayos. “Sina Mommy at Daddy, gusto ko
“Hello, Ate?” kinakabahang tanong ko sa aking kambal.“Hi, kambal kumusta ka riyan? Hindi ka naman ba binigyan ng sakit sa ulo ni Calyx?” tanong niya sa akin. Napapikit naman ako ng mariin nang maalala ang ginawa namin kanina.“Hello? Louise? Nariyan ka pa?” tanong ulit ni Ate dahil hindi ko nasagot ang tanong niya.“A-ano iyon, Kambal?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Napakagat ako ng labi dahil doon. Siguro nahalata niyang nawawala ako sa aking sarili.“Kumusta ka na kako?’”“Okay lang naman ako, ikaw ba? Kumusta ka na? Kailan ka uuwi?”
“Mukhang nagka-ayos na talaga kayo hija ni Sir Calyx, ah.”Napalingon ako kay Manang, kasalukuyan kaming nasa sala, ako ay nanunuod ng T.V. habang kumakain ng popcorn at siya naman ay nagtutupi ng mga damit. Kanina ko pa gustong tumulong sa kaniya ngunit hindi siya pumayag.Napangiti ako ng malapad sa kaniya at tumango. Masaya ako dahil okay na kami ni Calyx. Hindi na kami nagbabangayan o kung ano pa man.“Kaya nga po eh, masayang-masaya po ako dahil hindi na kami nagbabangayan.”“Mukha ngang magdadagdag na naman ang tao rito sa bahay,” ngisi niyang saad sa akin na ikinakunot ko ng noo.“What do you mean po, Manang?” tanong ko sa kaniya.
Ilang oras akong naghintay kay Calyx hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kanina pa ako pabalik-balik sa labas para malaman kung naroon na siya't salubungin siya. Ilang tawag na rin ang aking nagawa ngunit ni isa ay hindi niya man lang ito sinasagot. Kanina pa ako nag-aalala kung ano nang nangyari sa kaniya.' Calyx naman, baldado ka na nga 'di ka pa rin nag-iingat sabi ko naman sa iyo samahan na lang kita sa trabaho.' bulong ko sa aking sarili. "Hija, wala pa ba ang iyong asawa? Anong oras na ah," saad ni Manang sa akin. Kanina pa rin ako tinatawagan ni Mommy subalit hindi ko siya sinasagot. Nakarinig ako ng tunog sa aking cellphone kaya agad akong napatingin doon. Napangiti ako nang makitang number iyon ng aking asawang si Calyx. Shit! Bakit kinikilig ako? Agad kong binasa ang text niya't napasimangot."Hindi ako makakasama sa iyo sa dinner marami pa kasing tatapusing paper works sa office. I'm sorry."'Yan ang nakapaloob sa message niya. Sobrang disappointed akong nakatingin kay
Nakaalis na lamang ako sa sa bahay ng aking mga magulang ngunit wala pa ring Calyx na dumating. Inis na inis siya sa lalaki dahil hindi man lang ito sumasagot sa kaniyang telepono. Nang makauwi siya sa mansyon ay agad niyang pinarada ang kotse niya’t pumasok sa labas. Lahat ng ilaw ay sarado na pati mga katulong ay tulog na rin. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kwarto expecting na naroon na ang kaniyang asawa’t mahimbing na natutulog ngunit na-disappoint lamang siya dahil wala man lang bakas sa kwarto na pumasok ang lalaki. Halos iyon pa rin ang ayos ng kanilang master bedroom. Nasaan na kaya iyong baldadong iyon? Nakakainis naman, patay siya sa akin pag-uwi niya! Mabilis siyang nagpalit ng kaniyang damit at isinuot ang red lingerie ng kaniyang kapatid. Hinding-hindi nga talaga siya masasanay sa mga damit ng kan’yang kapatid dahil masiyado itong revealing kung titingnan. Oo, sexy siya, makinis at namumula ang kaniyang balat subalit wala siyang lakas ng loob para ipakita iyon sa
Kahit na inis na inis ako ay nagawa ko pa ring paghandaan ng almusal ang aking magaling na asawa. Nagtimpla rin ako ng mainit na kape at kumuha ng gamot para sa kan'yang hangover. Hindi ko maiwasang sumimangot habang naghahanda ng kan'yang pagkain, sobrang disappointed at nalulungkot ako dahil sa ginawa niya kagabi. Kinuha ko ang tray na inihanda ko at pumunta sa taas. Breakfast in bed ang peg ko ngayon, ewan ko ba sa sarili ko hindi ko matiis ang lalaking iyon. Kahit nagtatampo at naiinis ako ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa kaniya. Bigla kong nasalubong si Manang sa hallway. Kakagising niya lang kaya napangiti ako. Mukhang puyat na puyat ito kaya napakunot ang aking noo. "Magandang umaga hija. Pasensya na at na-late ako ng gising, nanuod kasi ako ng paborito kong teleserye kagabi," kinikilig nitong wika sa akin kaya napailing ako. Mukhang may asim pa si Manang, kinikilig pa rin."Kaya ho pala, Manang.Gumawa po ako ng almusal natin sa baba, mauna na po kayo. Ihahatid ko
Hila-hila ko ang wheelchair ni Calyx habang nakatingin sa aming harapan. Kita ko ang dalawang malaking salita na nasa harapan namin ngayon. "ENCHANTED KINGDOM" Napangiti ako ng sobrang lawak, walang kasing saya ang nararamdaman ko sa totoo lang. Ngayon lamang ako nakapunta rito at ngayon ay natupad na. "Liking the view, Misis? Mas gaganda pa iyan kapag nasa loob. Let's go?" tanong sa akin ni Calyx kaya napangiti ako. Hinila ko ng dahan-dahan ang kan'yang wheelchair at agad na pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang mga naggagandahang rides, mga batang nagtatakbuhan, at mga pamilyang nagtatawanan. Gustuhin ko mang maiyak dahil sa sobrang tuwa ngunit pinigilan ko lamang. Ayaw kong masabihan ng OA ng aking asawa at hangga't maari hindi ko ipapahalatang first time ko ito baka kasi nakapunta na rin sila ni Ate Kate rito. Maganda na rin ang maging maingat. "Saan mo gustong sumakay, Misis?" tanong ni Calyx sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya. Nagpalinga-linga ako at nakita ko ang Merry-
Calyx woke up from the hospital looking for Louise. His mother was against it but Calyx was stubborn and persistent. He wanted his wife, that’s all he really wanted. “Calyx, wala si Louise narito si Nurse Kyla para alagaan ka. Don’t look for her,” nagmamakaawang saad ni Mrs. Villareal ang ina ni Calyx. Hindi man lang nagpatinag ang lalaki, sinamaan niya ng tingin ang kan’yang ina at may tinipa sa kan’yang cellphone. “Kung ayaw niyong hanapin ang asawa ko, ako ang maghahanap sa kan’ya. Ipapahanap ko s’ya kay Butler Winston,” malamig na sagot ni Calyx sa kanila. Rinig sa kwarto ang malalim na paghinga ni Mrs. Villareal at magsasalita na sana ngunit pinutol ito ng kan’yang asawa. “Naroon sa labas ang asawa mo, nakita ko. I’ll call her, don’t worry.” Malamig ang ipinukol na tingin ng ama ni Calyx at lumabas sa kwarto upang tawagin si Louise. Isa sa ugali na namana ni Calyx ay ang pagkasuplado at tahimik ng ama. Isa rin ito sa pinaka kinakatakutan ng mga empleyado sa kompaniyang pagm