Share

Chapter 39

Nang matapos silang kumain ay nakiramdam ako kung nasa kusina pa sila. Kanina pa ako gutom na gutom ngunit pinipigilan ko lang ito, dahil ayaw kong makita silang dalawa. Masasaktan lang ako. Nang narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Travis ay lumabas na ako. Dahan-dahan lang ang aking ginawang paglakad para hindi sila maisturbo.

Nang makababa ako ng hagdan ay laking gulat ko na naandoon pa pala sa sala ang aking asawa, nanunuod. Siya lang mag-isa, nakapatong ang kaniyang paa sa mesa at nakasandal sa sofa. Hindi ko naman siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa kusina. Alam kong nakita niya ako dahil nakita ko ang paglingon niya sa peripheral vision ko.

Naghalungkat ako ng makakain sa kusina pero napasimangot ako nang makitang walang laman ang kaserola. Grabe naman naubos nila lahat ng niluto ko? Gano’n katakaw si Emery? Napailing-iling naman ako at hinugusan nalang muna ang mga pinggan habang nagpapakulo ako ng tubig. Magluluto nalang sigu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristina Benito
sana matauhan kn Hinde n Tama ang ginagawa Ng asawa mo syo dapat ay umalis kn para Makita nya kahalagahan mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status