Hanggang ngayon ay naririnig ko pa sa aking isipan ang sorry ng aking asawa. Hindi pa rin ako nakakamove on sa sinabi niya, isang sorry lang iyon pero tumatak iyon sa aking isipan.
“Isang sorry lang ay bibigay ka na agad, Dahlia? Napakarupok mo naman!” sabi ng aking isipan.
Bumaba ako para uminom ng tubig, nakaramdam kasi ako ng uhaw.
Nakita kong nanunuod ng TV si Emery, alas nuebe na ng gabi at gising na gising pa siya. Masama ang magpuyat sa buntis. Lumapit naman ako rito at napalingon siya sa akin.
“Hindi ka pa ba matutulog? Masama ang magpuyat lalo na at buntis ka,” sabi ko sa kaniya.
“Pakialam mo ba? Hinihintay ko si Travis,” sabi nito at inirapan ako.
“May pakialam ako dahil kung may mangyaring masama saiyo ay mas lalong magagalit sa akin ang aking asawa,” sabi ko sa kaniya at umalis na. Bahala siya riyan. Pinagsabihan ko naman na siya.
Nang umakyat na ako sa h
Matapos kaming mag-usap ni Mommy ay umalis na rin agad siya. Buti nalang ay hindi bumaba si Emery dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kay Mommy kung sakaling magtanong ito sa akin. Baka nga ay sabihin pa ni Emery ang totoo. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanila, hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin akong maaayos pa namin ni Travis ito.Masakit man para sa akin ang sitwasyon namin pero tama si Mommy, na kahit anong mangyari ay huwag kong susukuan ang aking asawa. Kahit na maubos ako, hinding-hindi ako susuko. Pipiliin kong mahalin siya higit pa sa sarili ko dahil iyon ang aking nararamdaman.Pero ang tanong hanggang kailan ko titiisin ang sakit? Hanggang kailangan nga ba ito hahantong? Ang kahibangan ko? Hindi ko rin alam kung kailan basta ang alam ko lang ay hindi dapat ako susuko, kasi alam ko sa puso ko na magbabago siya at babalik kami sa dati na masaya at puno ng pagmamahal sa isa’t-isa.Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner nam
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari iyong pananakit ni Travis sa akin. Ni hindi niya ako pinapansin, ang tanging pinapansin niya lang ay si Emery. Isang linggo na rin akong nammroblema dahil palaging tumatawag si Mommy sa akin upang tanungin kung kailan kami available ng aking asawa para pumunta sa wedding designer upang sukatan.Hinawakan ko ang aking singsing sa aking daliri at napangiti ng mapakla. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga nangyayari ngayon. Sobrang sakit ang mga binitawan niyang salita, sagad na sagad ito sa aking buto. Bigla nalang tumulo ang aking luha habang tinitingnan at hinihimas ang aking singsing. Singsing na sumisimblo ng aming pagmamahalan. Pinahiran ko naman ang luhang tumutulo sa aking pisngi, hinayaan ko lang na umiyak ako ng umiyak dahil ito lang ang paraan upang maging okay ang aking pakiramdam.Hindi ko na makilala ngayon ang aking asawa, ito na siguro ang kinakatakutan ko. Nakalimutan na niyang mahal niya ako at kung sino ako. Ang
Sobrang sakit ng aking katawan. Marami rin akong mga pasa kung saan-saan. Hindi ko alam kung paano itatago ito pero nakikita ko sa TV na nilalagyan nila ito ng concealer para hindi mahalata kaya iyon ang aking ginawa. Umepekto rin naman ito.Hindi ko mapigilang mapahikbi habang nilalagyan ko ng concealer ang aking katawan, naalala ko kasi ang sinapit ko sa kamay ng aking asawa. Sobrang naaawa ako sa sarili ko. Gusto ko mang lumayo na pero hindi ko magawa, lintik kasing puso ko ayaw makisabay.Makasarili man kung iisipin pero anong magagawa ko? nagmahal lang naman ako. Hindi naman siguro masama na ipagsiksikan ang aking sarili sa taong mahal mo. Isa pa ako ang legal na asawa kaya ako ang may mas karapatan sa kaniya, hindi ang kabit niya.Binaling ko nalang ang aking atensiyon sa paglilinis ng aking kwarto. Medyo maalikabok na kasi ito at hindi ko na rin naasikaso simula nang lumipat ako rito. Nang matapos ako
Dumiretso ako sa kusina namin para ilagay ang aking mga pinamili. Hindi ko nakita si Emery sa sofa siguro ay nasa kwarto na iyon.Habang inaayos ang mga groceries sa cabinet ay nagulat ako nang may humila sa aking braso. Sobrang sakit iyon kaya napalingon ako. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang aking asawa."Ang lakas naman ng apog mong magpahatid sa haciendero natin sa mansion. Gano'n ka na ba kacheap dahil sa isang katulad pa niya mo ako ipinagpalit?" tanong nito sa akin.Matapang kong tiningnan siya. Sumusobra na siya, ni hindi ko nga pinansin iyong pagpunta nila ni Emery sa mall!"Bitawan mo ako, Travis." Seryoso kong sagot sa kaniya at nagpupumiglas sa hawak niya."Napakalandi mo! Mas baleng maghiwalay nalang tayo para malaya na tayo sa isa't-isa. Total may Ethan ka naman na at ako ay may anak na kay Emery."
Nagising ako na nanlalamig ang aking katawan. Hindi ako makamulat dahil sobrang hapdi ng aking mga mata. In-off ko agad ang electric fan at nagkumot.Sobrang sama ng aking pakiramdam. Kinapa ko ang aking leeg at naramdaman kong mainit ako.Bigla namang may kumatok sa aking kwarto, hinayaan ko nalang muna ito at pumikit ulit. Wala akong lakas upang pagbuksan siya."Dahlia?" tawag ng aking asawa sa akin. Hindi ko siya maaninag dahil sobrang dilim ng aking kwarto. Gabi na kasi. Napaungol ako nang maramdaman kong sumakit ang aking ulo. Para akong pinupukpok ng malakas gamit ang martilyo.Naramdaman kong umupo siya sa aking kama at kinapa ang aking noo."Mainit ka ah," sabi niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimulang pumikit."Kumain ka muna, dinalhan kita ng sopas at gamot. Kailangan mo ito para bumalik ang lakas mo,"
Lumipas ang araw ay mas naging malapit pa kami ni Ethan sa isa’t-isa. Minsan ay nakakachat o kaya nakakatext ko siya kapag wala kaming ginagawa. Ngayon ay kagagaling lang naming sa mall, sinamahan kasi niya akong mag grocery. Nagabihan na rin kami kasi naglaro pa kami ng arcade.“Salamat, Ethan.” Tumango naman siya sa akin at binigay ang groceries sa akin.“Sige, mauuna na ako,” paalam niya sa akin at sumakay na sa taxi.“Mag-iingat ka!” Kaway ko sa kaniya.Nang makapasok na ako sa aming bahay ay laking gulat ko na nakaupo ang aking asawa sa sofa at madilim niya akong tiningnan. Kinabahan ako sa titig niya sa akin.“Saan ka galing!?” sigaw na tanong niya. Napasinghap ako dahil hinila niya ang aking braso at inilapit sa kaniya. Nabitawan ko ang groceries na aking binili sa sahig.“Puwede ba pakibitawan ako, alam mong nag grocery ako. Ikaw pa nga ang nag-utos sa akin na mamili eh. Nak
Chapter 47Napagpasiyahan ko na hindi ko na papansin ang aking asawa. Minsan ay pinapansin niya ako kapag may iuutos lang siya sa akin. Wala na rin akong pakialam kay Emery, kung maglampungan pa sila sa harap ko, I don’t care.Wala rin naman akong magagawa eh. Tanging magagawa ko lang ay pagsilbihan sila at maging alalay nila. Ewan ko ba kung bakit pa ako naandito sa bahay namin. Hindi ko rin alam kung saan pa ako uuwi. Ayaw ko namang pumunta sa mansion dahil magtataka lang ang mga tao roon.Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil mamaya ay pupunta ako ng birthday party ni Daddy. Alam ko rin na balak nilang sabihin ngayon na buntis si Emery at ang asawa ko ang ama. Gustuhin ko mang magreact ay pinabayaan ko nalang. Ayaw kong maging hadlang pa sa kanila. Kung ano ang gusto nila eh di go. Naging manhid na ako sa paligid ko. I have to distant myself para iwas sakit at kirot sa puso.Naalala ko tuloy iyong pag-uusap nila ni Emery kaninag umaga
Kinabukasan ay nagising na rin si Mommy. Pakakita niya sa akin ay umiyak lang ito ng umiyak. Pauli-ulit itong humingi sa akin ng tawad dahil sa ginawa ng kaniyang anak sa akin. Hindi niya lubos maisip na gagawin ito ni Travis sa akin kaya labis ang pagdadalamhati niya rito.“I’m so sorry, anak. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Travis. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya ito saiyo. Saksi ako sa pagmamahal niya sa iyo, ni hindi ka nga nito maiwan-iwan.” Hagulhol ni Mommy sa akin. Niyakap ko ito at inaalo siya.“Calm down, Mommy. Ako rin ay hindi ko alam kung bakit nagbago si Travis.” Naiiyak kong sagot sa kaniya.“Matagal na bai to, iha? Bakit hindi ka man lang nagsalita? Sabi ko sa iyo, hindi ba na tumawag ka lang sa akin kapag may nangyaring masama sa bahay ninyo?” Hinawakan niya ang aking pisngi at pinunasan ang nagbabadyang luha ko.“I’m sorry, mommy. Hindi ko rin po alam kung saan ako magsisi