Dahlia POV
“Bakit hindi mo sinabi na pumunta pala kayo ni Emery ng club? Totoo ba iyon?” matapang na tanong ko sa kaniya.
Kanina ko pa gustong tanungin ito sa kaniya ngunit nagtitimpi lang ako. Kasalukuyan niyang iginilid ang bag namin sa gilid ng kama.
“Sagutin mo ako Travis,” patuloy ko pa at sinundan siya.
“Para ano pa? Kaibigan naman natin siya. Wala naman kaming ginawang masama. Ano bang problema mo?” tanong niya sa akin. Kita ko ang pagkakunot ng kaniyang noo.
“P-pero may asawa ka na, at alam mong may gusto saiyo dati si Emery. Hindi ba umiiwas ka naman palagi sa kaniya. Ayaw mo ngang dumidikit siya saiyo,” madamdamin kong saad sa kaniya.
“Sabi mo nga ay dati. Dati pa iyon iba na ngayon. Kaibigan natin si Emery at wala kang dapat ipagselos sa amin. We’re married after all, saiyo ako sa batas at sa papel.”
“Oo nga at asawa kita pero sa puso? Ako pa rin ba iyong tinitibok ng puso mo? Mahal mo pa rin ba ako?” na
Warning: This chapter contains strong language/sexually contents.
Dahlia POVMatapos naming mag ayos ay lumabas na kami para mag dinner.Magkahawak kaming naglakad papunta sa dining hall. Kaagad naman naming nahanap ang table dahil nakita namin si Emery na nakabusangot sa lamesa.“Ba’t ang tagal niyo?” tanong naman nito nang makalapit kami sa kaniya.“Nag ayos pa kasi kami ng aming mga damit,” paliwanag ko naman sa kaniya.Napabuntong hininga naman ito.“Okay. Let’s eat na kanina pa ako nagugutom,” sabi niya at nagsimulang kumain.Kami naman ni Travis ay kumain na rin.“Swimming na tayo mamaya ah,” pagbasag ng katahimikan ni Emery.“Sige ba! Let’s enjoy our outing! Minsan lang ito,” sabi ko naman sa kaniya.“Love oh.” Napalingon naman ako kay Travis at nakita kong nakatapat ang kutsara niya sa akin na parang susubuan niya ako. Napangiti naman ako roon. Namiss ko ang kasweetan ng aking asawa.
Dahlia POVKasalukuyang buhat-buhat ng aking asawa si Emery papunta sa kaniyang kwarto. Kita ko ang higpit ng yakap niya sa leeg ng aking asawa. Isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa leeg nito.Hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Emery at ibinaba naman ng aking asawa siya sa kaniyang kama.“Okay ka na ba Bes?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin at napapikit.Lumapit naman sa akin ang aking asawa.“Maiwan ka na muna namin Bes, pahinga ka na muna riyan. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka,” sabi ko sa kaniya at inakay na ang aking asawa palabas.“S-sige,” sabi niya sa akin.Nang makalabas na kami ng kwarto ni Emery ay pumasok naman kami ng aming kwarto. Napaupo naman ako sa aming kama at napabuntong hininga naman ako.“May problema ba ang aking asawa?” tanong naman ni Travis sa akin at umupo rin sa tabi ko.“W-wala naman. Nagtataka lang ako.
Dahlia POV "Nagenjoy ka ba?" tanong ng aking asawa. "Super! Thank you, love." Binigyan ko naman siya ng isang matamis na halik. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa dalampasigan. Kita ko rin ang papalubog na araw. Kumulas naman ako sa pagkakahawak niya at tumakbo sa papuntang duyan. Umupo ako roon at pinanuod ang sunset. Umupo rin ang aking asawa sa tabi ko. Pinulupot naman niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. Napangiti naman ako roon. Sana ay dito nalang kami. Sana pagbalik namin sa Manila ay magkaka-anak na kami. Sana hindi na magbago ang lahat. Nawala naman ang aking ngiti ng may naalala ko ang nagpapabagabag sa akin. "Love," tawag ko sa kaniya. "Hm," "May itatanong sana ako. Huwag ka sanang magagalit." Tiningnan ko siya at napuyoko agad. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya. "K-kung, kung sakali na wala pa rin tayong mabuo pag-uwi natin sa Manila sana ay kaya mo pa ring maghintay. Sana ay hindi na ulit mangyari iyong malamig na trato mo sa akin." Napapikit
Kasalukuyan akong nagbibihis ng isusuot papunta sa bar. Magbibikini pa rin sana ako at knitted blazer kaso hindi ako pinayagan ng aking asawa. Imbis na ako ang pumili ng aking maisusuot eh siya na ang nagdesisyon.I am wearing a dark turquiose high-neck linen dress. May Mahaba itong slit sa kanang hita at backless."So hot misis," sabi naman niya sa akin.He's wearing an open shirt with shorts. Ang gwapo niya sa outfit niya. Pareho rin kami ng color ng damit kaya matchy-matchy kami."Thank you. Ikaw rin, mister."Napangiti naman ako ng malapad sa kaniya."Come here. Let me hug you."Lumapit naman ako sa kaniya at binigyan siya ng napakahigpit na yakap.Maya-maya ay may kumatok sa aming kwarto. Baka si Emery na iyon. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya at pinagbuksan n
This is the last day of our outing.Nagising ako ng maaga kita kong tulog pa ang aking asawa sa tabi ko. Nakayakap ito sa akin at humihilik pa.Sa totoo lang, hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kagabi. Labis akong nasasaktan sa pagtataksil ng aking asawa sa akin. Gustuhin ko mang magtanong pero ayokong gawin dahil baka magsimula na naman ang hindi pagkakaintindihan namin.Naiiyak ako kaya naman ay pumunta muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha at mag-ayos na rin. Ayokong makita ako ng aking asawa na gan'to.Napatingin naman ako sa salamin at napangiti. Kita ko ang isang nakangiwing babae sa salamin. Hindi ko rin kayang ngumiti ng totoo. Napabuntong hininga naman ako. Sana pala ay hindi na ako lumabas ng gabing iyon, sana hindi ko nalang hinanap ang aking asawa nang sa gano'n ay hindi na ako nasasaktan ng ganito."Wife?," tawag naman sa akin ng aking asawa."Y-yes? I'm here. Maliligo lang ako jus
Dahlia POVIsang napakagandang gate ang bumungad sa amin. Binuksan naman ito ni Tristan para makapasok kami."This is our secret place, exclusive lang ito sa mga taong pumupunta rito like the VIP's. Ayaw naming ipakita sa lahat dahil iniingatan namin ito," sabi niya habang binubuksan ang gate.Halata ngang iniingatan nila ito dahil lahat ay pulido at malinis. Isang napakalaking garden park ang nakikita ko. It was like a greenhouse.Pumasok kami at kita ko ang isang mataas na puno sa gitna."What'sh the name of that tree?" tanong naman ni Emery.The tree was stunning, it was like a glorious evening sky with dashes of pink and purple."Old Wisteria," sabi naman ni Travis."Yes. Its an Old Wisteria," sabi naman ni TristanNapangiti naman si Trista
"Nakakainis ka naman Tristan! Sabi kong mine eh, meaning sa akin iyon! Bakit mo tinira?" sigaw ni Emery sa kaniya.Kita kong nagpapapadyak si Emery sa inis habang tumatawa naman si Tristan. kasalukuyan kasi kaming naglalaro ng volleyball. Kami ang magkateam ng aking asawa, si Emery naman at si Tristan.Natatawa nalang ako sa tuwing nagaagawan silang dalawa. Actually, si Emery lang iyong nangaagaw parang hindi nito pinapatiran si Tristan. Kaya naman imbis na matira nila iyong bola ay naiilagan nila ito."Mine!" sabi naman ni Emery pero parang tumira lang ito sa hangin dahil hindi lumanding sa kaniya ang bola dahil inagaw ito ni Tristan sa kaniya."Tangina naman Tristan! How many times do I have to tell you na if I say mine. Ako 'yong titira at hindi ikaw! Ang pangit mo namang kabonding! " naiinis na sabi ni Emery sa kaniya.
Pinilit kong kumawala sa pagkakasabunot ni Emery pero nahihirapan ako. Nakakalmot na rin niya ang aking mukha."Stop it Emery. Bakit ka ba nagkakaganiyan!" sigaw ko sa kaniya"Sa akin lang si Travis! Akin lang siya!" sigaw nito"Emery! Anong ginagawa mo?Napalingon naman ako at si Travis pala iyon kasama si TristanAgad na lumapit si Travis sa amin at hinila si Emery paalis sa akin. Nang makalaya na ako ay iniwan niya ito at ako naman ay niyakap."Tristan, awatin mo muna si Emery, please." sabi ni Travis. Lumapit naman si Tristan kay Emery at inawat siya"Travis sa akin ka nalang! May gusto ko naman sa akin 'di ba? Naghalikan pa nga tayo sa bar eh! Alam naman na ni Dahlia kaya wala na tayong dapat itago pa," sabi nito sa akinNapalingon naman si Travis sa akin at napaiwas ako ng tingi"Stop it Emery