Share

Kabanata 7

Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Binilang niya talaga. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Halos masuka siya. Napahawak siya nang mariin sa upuan at naipikit nang mariin ang natatabingang mga mata. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasa-sama kay Margaux kahit anong pangungulit nito na isama siya sa mga bakasyon nito sa ibang bansa. Kapag lumuluwas siya ng Manila, barko ang sinasakyan niya. Ang pressure, ang pagod, ang kaba, naghahalo sa sistema niya. Hinihila na siyang matulog pero hindi niya ginawa.

Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon. Tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Naninibago siya sa nakakasilaw na liwanag na tumambad sa kanyang mga mata. Ilang oras ding may tabing ang paningin niya. Napapikit siyang muli
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
ginawang kriminal si Eli..grabe naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status