Share

Chapter 2

Auteur: Deigratiamimi
last update Dernière mise à jour: 2025-03-11 06:10:04

Wala akong ideya kung bakit ako sumama. Wala akong ideya kung bakit ako nasa loob ng isang mamahaling sasakyan sa kaniya.

Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.

Maya-maya, tumikhim siya. "Ilang milyon ang kailangan mo?"

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Ilang milyon ang kailangan mo para mailigtas ang kapatid mo?"

Napasinghap ako. "P-Paano mo nalaman?" Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. "Bakit mo ako tinatanong n'yan?" nag-aalangan kong sabi.

"Bibigyan kita ng pera," sagot niya. Para bang hindi lang iyon isang maliit na halaga para sa kanya.

Napakurap ako. "H-Hindi ako namamalimos—"

"Hindi mo kailangan mamalimos," putol niya. "Pero hindi libre ang pera. May kapalit."

Napalunok ako. Alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Niyakap ko ang sarili ko.

"Kailangan kong magpakasal," diretsong sabi niya.

Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"May panggigipit mula sa pamilya ko. Gusto nilang ipakasal ako sa babaeng hindi ko mahal, isang babaeng pipiliin nila para lang mapalakas ang negosyo namin. Pero hindi ako papayag na kontrolin nila ang buhay ko."

Tahimik lang ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Kaya gusto kong maghanap ng ibang babae. Isang walang koneksyon sa mundo ko, isang hindi ko kailangang pakisamahan pagkatapos ng kasunduan." Nagtagpo ang mga mata namin. "At ikaw ang napili ko."

Halos hindi ako makahinga. "Gusto mo akong pakasalan?"

"Peke lang," dagdag niya. "Pero legal."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ang sinabi niya.

"Kapag pumayag ka, bibigyan kita ng sapat na pera para mapagamot ang kapatid mo," malamig na sabi niya. "Kailangan mo ng pera. Kailangan ko ng asawa. Kapag natapos na ang kasal, puwede na tayong maghiwalay."

***

Nakaharap ako ngayon sa isang puting papel na may nakaimprentang mga salitang hindi ko lubusang maintindihan.

Tumingala ako, tinitigan siya. Tahimik lang si Lucian, nakaupo sa swivel chair sa likod ng mamahaling lamesa niya, at matamang nakatingin sa akin.

"Kapag pinirmahan mo 'yan, Ysabelle, wala nang atrasan," malamig niyang sabi.

Napalunok ako.

"Ang nakasaad dito," tinapik niya ang papel, "ay magiging mag-asawa tayo sa mata ng publiko sa loob ng isang taon. Sa panahong 'yon, mananatili kang nakatira sa bahay ko, sasama sa mga public appearances, at ipapakita sa mundo na isang lehitimong kasal ito."

Hindi ko alam kung paano ko nagawang manatiling kalmado sa kabila ng bigat ng sitwasyon. "At pagkatapos ng isang taon?"

"Wala na tayong koneksyon," sagot niya. "Magpapakasal tayo sa harap ng batas, pero hindi sa puso. Walang intimacy. Walang totoong relasyon. At higit sa lahat," tumitig siya nang matalim, "hindi ka dapat magka-ideya na maaari itong maging totoo."

Napakuyom ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo," dugtong ni Lucian. "Pero kung tatanggihan mo 'to, siguraduhin mong kaya mong makahanap ng kalahating milyong piso sa ibang paraan lalo na't nanganganib ang buhay ng iyong kapatid."

Napatingin ako sa papel, at sa kabila ng kaba, isang imahe ang bumalik sa isip ko—ang payat na katawan ni Adrian na nakahiga sa ospital, ang malamlam niyang mga mata, ang kahinaan ng boses niya tuwing tinatawag ang pangalan ko.

Wala na akong ibang pagpipilian. Kinuha ko ang ballpen at dahan-dahang lumagda sa dokumento.

Nang matapos akong pumirma, agad kong ibinalik ang ballpen sa ibabaw ng papel. Hindi ko magawang tingnan si Lucian.

Kinuha niya ang papel, tiningnan ito, at walang pag-aalinlangang inilagay ang pirma niya sa tabi ng pangalan ko.

"Good," aniya, sabay isinaayos ang kontrata. "Mula ngayon, ikaw ay si Mrs. Ysabelle Villafuerte."

Napapikit ako nang sumagi sa isipan ko sina Mama at Adrian. Wala silang ideya na pumirma ako ng kontrata bilang isang temporary wife ni Lucian Villafuerte. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama ang naging desisyon ko. Sa ngayon, ang iniisip ko ay ang kapakanan ni Adrian.

Matapos ang pagpirma sa kontrata, sumunod akong dinala ni Lucian sa isang marangyang hotel kung saan inihanda ang isang press conference.

Naglalakad ako sa tabi niya, suot ang isang eleganteng cream-colored dress na binili ng personal assistant niya para sa akin. Hindi ko alam kung paano ako dapat kumilos, kaya sumunod na lang ako sa bawat hakbang ni Lucian.

Nang makarating kami sa harap ng malaking conference room, huminto siya at tumingin sa akin.

"Hawakan mo ang braso ko," aniya, na parang isang utos.

Nanuyo ang laway ko sa lalamunan. "Ano?"

"Bilang mag-asawa, dapat natural ang kilos natin. Hawakan mo ang braso ko at huwag kang magpahalata na hindi mo gusto 'to."

Wala akong nagawa kung 'di ang sundin siya. Dahan-dahan kong hinawakan ang matigas at matipunong braso niya. Ang init ng katawan niya ay tumagos sa balat ko, at hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig ang mga daliri ko.

Bago pa ako makapag-isip ng iba pang dahilan para umatras, binuksan na ng isang staff ang pinto ng conference room.

Pagpasok namin, bumungad sa amin ang nakakasilaw na mga flash ng camera at ang mahihinang bulungan ng mga reporters.

Parang naglaho ang hininga ko.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, saka ngumiti—isang peke, ngunit perpektong ngiti.

"Magandang gabi sa inyong lahat," wika niya, malakas at punong-puno ng kumpiyansa. "Gusto kong ipakilala sa inyo ang asawa ko—si Ysabelle Villafuerte."

***

Dahan-dahan akong humakbang papasok sa ospital, bitbit ang isang brown envelope na naglalaman ng kalahating milyong piso—ang perang magliligtas kay Adrian.

Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Ilang oras lang ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontratang itinali ako kay Lucian Villafuerte. Hanggang ngayon, parang panaginip lang ang lahat.

Huminga ako nang malalim bago marahang itinulak ang pinto ng kwarto niya. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng malamlam na tinig ng aking ina.

"Ysabelle! Anak, anong oras ka na naman nakauwi kagabi? Nag-aalala ako sa 'yo."

Nasa tabi ng kama si Mama, hawak ang kamay ni Adrian na mahimbing na natutulog. Namumugto ang mga mata niya, halatang hindi pa rin siya nakakakuha ng maayos na tulog mula nang lumala ang sakit ng bunso naming kapatid.

Ngumiti ako, pilit na itinago ang lahat ng sakit at bigat sa puso ko. "Ma, may dala akong pera para sa operasyon ni Adrian," mahinahon kong sabi habang inaabot sa kanya ang brown envelope.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Napapitlag siya, agad na kinuha ang sobre at binuksan ito gamit ang nanginginig na mga kamay.

"H-Hija... ano ‘to?" Nahihintakutan siyang tumingin sa akin. "Saan mo nakuha ang ganitong kalaking halaga?"

Napakagat ako sa labi ko. Inaasahan ko na ang tanong na ‘yon.

"Ano ka ba, Ma? Sabi ko naman sa 'yo, matagal na akong nag-iipon," pagsisinungaling ko. "At nakahiram din ako sa ibang tao."

Nanatiling nakatingin sa akin si Mama, para bang sinusubukang basahin kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Hindi kita pinalaki para umutang ng ganito kalaki, Ysabelle. Baon na tayo sa utang. Ayaw kong dagdagan pa ang mga 'yon," mahina niyang sabi. Nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

"Ma, wala na akong ibang magawa," pabulong kong sagot. "Kailangan ni Adrian ng pera para operasyon, ‘di ba? Hindi na natin puwedeng patagalin pa ‘to."

Pinunasan ni Mama ang kanyang luha at muling tinitigan ang perang nasa harapan niya.

"Salamat, anak..." emosiyonal na sabi ni Mama.

Mabilis kong nilapitan si Adrian at hinaplos ang manipis niyang buhok. "Adrian, lilipas din ‘to, ha?" Mahina kong sinabi, kahit alam kong mahimbing pa rin siyang natutulog. "Magiging maayos ka rin..."

Hinawakan ko ang kamay niya at mas hinigpitan pa ang pagkapit. Ito ang dahilan kung bakit ako pumayag sa kasal na ‘yon.

Papalabas na ako ng kwarto nang muling magsalita si Mama.

"Ysabelle," tawag niya, dahilan para huminto ako sa may pinto.

Tumalikod ako at nakita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.

"Sigurado ka bang wala kang ginagawang masama?" tanong niya, punong-puno ng pag-aalala ang boses.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Yes, Ma," sagot ko, pinipilit manatiling matatag. "Wala akong ginagawang masama."

Nginitian ko siya, kahit ang totoo, pakiramdam ko ay itinatago ko ang pinakamalaking kasinungalingan sa buhay ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 32

    Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 31

    Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 30

    Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 29

    Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 28

    *Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 27

    Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status