Share

Chapter 3

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-03-11 06:33:14

Kinagabihan, pagkauwi ko sa bahay namin, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit na nakaupo na ako sa gilid ng kama, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa pag-iisip.

Magsisinungaling ba ako ng isang buong taon? Paano kung malaman ni Mama ang totoo? Kakayanin ba niyang matanggap na ipinagbili ko ang sarili ko para lang mailigtas si Adrian?

Napaungol ako at tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko.

"Isang taon lang..." bulong ko sa sarili ko. "Pagkatapos nito, babalik din ang lahat sa dati."

***

Katatapos ko lang hugasan ang mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang screen.

Lucian Villafuerte

Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" mahina kong sabi, para bang nangangamba sa kung ano ang maririnig ko mula sa kabilang linya.

"Wala ka nang oras para umatras, Ysabelle," malamig ang tinig ni Lucian. "Susunduin kita sa loob ng tatlumpung minuto. Maghanda ka."

Napakagat ako sa labi ko. "Lucian, kailangan ba talagang—"

"Ysabelle," putol niya, mas mababa na ang tono ng boses. "Alam mo ang kasunduan natin. Simula ngayong gabi, ikaw na si Mrs. Villafuerte. At ang isang legal na asawa ay hindi nananatili sa dating bahay niya."

Napapikit ako nang mariin, pilit nilulunok ang bigat ng reyalidad.

"Huwag mo akong paasahin na mababago mo pa ang isip mo," dagdag niya, at bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.

Naiwan akong nakatulala sa cellphone ko, nanginginig ang mga kamay.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa maliit kong aparador at marahang binuksan ang lumang kahoy na pinto nito. Bumungad sa akin ang kakaunting damit na pag-aari ko—mga lumang uniporme sa trabaho, ilang bestidang bihira kong gamitin, at mga simpleng t-shirt na hindi kailanman babagay sa marangyang mundo ni Lucian.

Kinuha ko ang lumang maleta sa ilalim ng kama, pinapagpag ang alikabok bago sinimulang ilagay ang ilang piraso ng damit sa loob nito.

Isa-isang pumapasok sa isip ko ang mga alaala habang inaayos ko ang mga gamit ko—ang pag-aalaga ko kay Adrian, ang pagsusumikap ko sa trabaho, ang bawat gabing pagod akong umuuwi pero masaya dahil may pamilya akong uuwian. Pero ngayon... iiwan ko ang lahat ng ‘yon.

Napayuko ako at mariing pumikit, pilit pinipigilan ang pagluha.

Nang ibuka ko ang mga mata ko, napansin kong may isang lumang litrato sa ilalim ng mga damit ko—larawan naming tatlo ni Mama at Adrian noong bata pa siya. Nasa parke kami noon, nakangiti habang kumakain ng ice cream.

Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang sarili.

Ginagawa ko ‘to para kay Adrian. Para sa pamilya ko.

Huminga ako nang malalim, mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko namalayang pumatak.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng maleta. Ilang damit lang ang dinala ko—wala akong balak manatili sa mundo ni Lucian nang mas matagal. Nang matapos ako, isinara ko ang maleta at nilingon ang maliit kong kwarto. Ilang taon ko nang tahanan ang kwartong ito, pero ngayon, pakiramdam ko para akong bisita na aalis at hindi na babalik.

Isang malalim na hinga pa bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas..

Pagdating ko sa sala, nadatnan ko si Mama na nakaupo sa lumang sopa. Kararating niya lang galing sa ospital. May hawak siyang rosaryo at nakapikit habang mahigpit itong tinutupi sa kanyang mga palad. Alam kong hindi pa siya tuluyang kumakalma kahit na naibigay ko na ang perang kailangan para kay Adrian.

Bago pa ako makapagsalita, dumilat siya at tumingin sa akin. Agad niyang napansin ang maleta kong dala.

"Ysabelle... aalis ka?" nagtatakang tanong niya.

Napakagat ako sa labi. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso sa mata.

"Ma... may inaalok na bagong trabaho sa akin," pagsisinungaling ko. "Kailangan kong lumipat pansamantala."

Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Anak... anong klaseng trabaho? Hindi mo man lang nabanggit sa akin ‘to dati. Paano na ang kapatid mo? Hindi ba pwedeng makapaghintay ang trabaho na 'yan? Hindi pa naooperahan ang kapatid mo."

Pinilit kong ngumiti, pero pakiramdam ko ay mas halata lang ang bigat sa puso ko. "Biglaan din lang po, Ma. Pero malaking tulong ang sahod para sa gastusin natin kay Adrian."

Tinitigan niya ako nang matagal, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. "Hindi mo kailangang gawin ‘to, Ysabelle," mahina niyang sabi at punong-puno ng emosyon ang tinig niya. "Hindi kita pinalaki para magsakripisyo ng ganito para sa amin."

Naramdaman ko ang paghina ng tuhod ko.

"Ma..." Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Ginagawa ko ‘to dahil mahal ko kayo. Kapag gumaling na si Adrian, babalik din ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago niya ako hinaplos sa buhok, para bang hinahaplos ang isang batang nawawala.

"Mag-iingat ka, anak," pabulong niyang sabi. "At kahit anong mangyari, tandaan mong may pamilya kang babalikan."

Mas lalo akong napaluha sa sinabi niya.

Naputol ang sandaling ‘yon nang marinig namin ang tunog ng isang bumubusina sa labas ng bahay.

Nagmadali akong pinunasan ang luha ko at dinala ang maleta ko.

"Huwag mong kakalimutan ang sinabi ko, Ysabelle," paalala ni Mama bago ako lumabas ng bahay.

Tumango ako, pero hindi ko kayang mangako dahil hindi ko na alam kung paano pa babalik ang dating ako matapos ang lahat ng ‘to.

Isang itim na luxury car ang nakaparada sa harapan sa labas ng aming bahay, masyadong elegante para sa simpleng neighborhood namin.

Dahan-dahan akong lumapit at nakita ko si Lucian na nakasandal sa gilid ng kotse, nakapamulsa habang nakatingin sa akin.

Kalmado siya, parang walang nangyari. Pero sa likod ng ekspresyon niyang ‘yon, alam kong alam niya kung anong bigat ang dinadala ko ngayon.

"Handa ka na?" tanong niya, walang anumang emosyon.

Hindi ako sumagot. Lumapit lang ako at tumayo sa harap niya, hawak ang maleta ko.

Ngumisi siya nang bahagya bago lumingon sa driver. "Ilagay mo ‘yan sa likod," utos niya, at agad na kinuha ng driver ang maleta ko.

Pagkatapos, binuksan ni Lucian ang pinto ng sasakyan at tumingin sa akin.

"Wala nang atrasan, Mrs. Villafuerte."

Muli akong napalunok.

Nang sumakay ako sa kotse at sumara ang pinto, alam kong iniwan ko na ang lumang mundo ko sa likod, at sa puntong ito, wala na akong ibang magagawa kung 'di tahakin ang daang pinili ko.

Tahimik akong nakaupo sa loob ng mamahaling sasakyan ni Lucian habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa bahay niya—o mas tamang sabihin, sa magiging "bahay ko" sa loob ng isang taon.

Pakiramdam ko ay napakalayo na ng mundong ito sa nakasanayan ko. Mula sa simpleng bahay at masikip na lansangan na madalas kong nilalakad papunta sa trabaho, ngayon ay nasa loob ako ng isang marangyang kotse, patungo sa isang lugar na hindi ko man lang pinangarap.

Napatingin ako kay Lucian na nasa tabi ko, walang imik, at nakatutok sa cellphone niya. Walang bahid ng emosyon ang mukha niya, para bang isa lang itong normal na gabi para sa kanya. Samantalang ako? Pakiramdam ko ay para akong itinatapon sa isang reyalidad na hindi ko alam kung paano pakikisamahan.

Matapos ang halos kalahating oras, biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Napatingin ako sa labas, at halos lumaki ang mga mata ko nang makita ang napakalawak na gate na unti-unting bumukas.

Ang mahabang driveway ay napapalibutan ng maayos na trimmed na mga halaman, may fountain sa gitna, at ang mismong bahay ay tila isang modernong palasyo na gawa sa puting marmol at malalaking glass panels.

Napalunok ako.

Sa loob ng isang taon, dito ako titira kasama si Lucian Villafuerte bilang temporary wife niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Wintermelon
highly recommended 🩷🩷
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Ang Ganda ng kwento, nakakalungkot naman, but happy reading author,sa kwento
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 32

    Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 31

    Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 30

    Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 29

    Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 28

    *Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 27

    Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status