Share

Chapter 29

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-06-18 23:57:54

Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.

Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.

“Sorry, busy ako ngayon.”

“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”

“Wala akong extra space sa condo, eh.”

Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.

Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.

Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 30

    Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 29

    Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 28

    *Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 27

    Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 26

    Pagbalik namin mula sa Bali, tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa bahay ni Lucian. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko, kahit pa paulit-ulit siyang sumusulyap sa akin, parang gustong kausapin pero hindi rin alam kung saan magsisimula. Ang init, ang ligaya, ang kakaibang katahimikang naranasan ko sa piling niya noong nasa Bali pa kami—lahat ‘yon, unti-unting nilamon ng kaba habang palapit kami nang palapit sa mansiyon. The moment I stepped into the house, para akong batang biglang nawalan ng lakas sa tuhod. Because there, waiting like wolves in expensive silk and pearls, were them—Lucia Villafuerte, ang kapatid niyang parang reyna kung makatingin, at si Margarita Villafuerte, ang inang matagal ko nang kinatatakutan. “You’re back,” mataray na bati ni Lucia, sabay baling ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “And you brought her back with you. How delightful.” Wala pa akong nasasabi pero para na akong hinusgahan. Tahimik lang si Lucian sa tabi ko.

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 25

    Dalawang araw na mula nang barilin si Lucian sa harap ko. Pero hanggang ngayon, parang ramdam ko pa rin sa balat ko ang init ng dugo niyang tumalsik sa damit ko. Parang naririnig ko pa rin ang sigaw ko sa mismong sandaling tumumba siya, at ang pag-ikot ng mundo sa paligid ko na parang gusto akong lamunin. Ngayon, nandito ako sa loob ng private room niya. Nasa hospital bed siya, tulog, mukhang payapa. Pero alam kong hindi. Hindi siya kailanman naging payapa, at lalong hindi naging ligtas ang mundo niya. Nakaupo ako sa tabi niya, nakasuot ng isang oversized white shirt na pagmamay-ari niya. Barefoot ako sa marble floor, basang-basa pa ang buhok ko mula sa shower. Gabi na, pero hindi ako makatulog. Hindi ko siya maiwan. Hindi ako makalayo sa kanya. He moved. Napasinghap ako nang dahan-dahan niyang imulat ang mata niya. Hinaplos ko agad ang kamay niya, marahan. "Hey," bulong ko. "You're awake." He blinked a few times before focusing on my face. "You stayed." "Of course, I did. I'm

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status