Malamig ang hangin nang bumaba kami mula sa sasakyan ni Lucian. Napakalaki ng ancestral mansion ng pamilya Villafuerte—isang simbolo ng yaman, kapangyarihan, at impluwensiya. Ang malalaking haligi ng bahay, ang mala-palasyong disenyo, at ang napakalawak na hardin ay tila ba sumisigaw ng isang bagay—hindi ako nababagay rito. Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harapan ng pintuang magbubukas sa isang mundo kung saan hindi ako kailanman kabilang.
Ramdam ko ang mabigat na tingin ni Lucian sa akin habang inaayos ko ang sarili ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko—hindi niya ito mahigpit na hinigpitan, pero sapat lang upang ipaalam sa akin na hindi ako nag-iisa. “Handa ka na ba?” tanong niya, bahagyang bumaba ang boses. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano. Sa halip, tumango na lang ako at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. Pagkapasok namin sa loob ng mansion, bumungad sa akin ang isang engrandeng sala na parang nasa isang magazine cover. Mamahaling chandeliers, eleganteng furniture, at mamahaling obra ng mga sikat na pintor ang bumabalot sa buong silid. Pero higit sa lahat, ang presensya ng dalawang taong nakaupo sa gitna ng sala ang pinakamatinding bumungad sa akin. Si Dominic Villafuerte—ang ama ni Lucian. Matikas pa rin sa kabila ng edad, ang presensya niya ay tila bumibigat sa buong silid. Ang tingin niya sa akin ay puno ng pagsusuri, para bang sinusukat kung karapat-dapat ba akong huminga sa harapan niya. At si Margarita Villafuerte—ang ina ni Lucian. Isang babae na kahit may edad na, ay napanatili ang isang klasikal na kagandahan na nagpapakita ng kanyang mataas na estado sa lipunan. Pero ang malamig niyang mga mata na tumitig sa akin ay nagsasabing hindi siya nasisiyahan sa aking presensya. “Lucian.” Mababang boses ng kanyang ama. “Ano ang ibig sabihin nito?” Nagpalitan ng tingin ang mag-asawa bago bumaling sa akin, para bang pinagtatakhan kung anong klaseng kababalaghan ang ginawa ko para makapasok sa tahanan nila. Bago pa ako makapagsalita, si Margarita na ang unang sumalakay. “Saan mo naman napulot ang babaeng ito, Lucian?” Mariin ang kanyang boses, puno ng pang-iinsulto. “At bakit mo siya dinala rito?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam kong hindi ako magugustuhan ng pamilya ni Lucian, pero hindi ko inakalang magiging ganito sila ka-diretso sa pagpapakita ng kanilang paghamak. Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero alam kong anumang sabihin ko ay walang halaga para sa kanila. “Pinapakisamahan lang ba kita, o totoo bang pinakasalan mo siya?” Matalim na tanong ni Mr. Villafuerte, may halong panunuya sa kanyang tinig. Napalingon ako kay Lucian. Tahimik lang siya, pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. Alam kong nararamdaman niya ang panliliit ko, ang hindi ko kaginhawaan. Pero hindi ko inaasahan ang kanyang kasunod na ginawa. Lumapit siya sa harapan ng kanyang mga magulang, matikas at may kumpiyansa, saka seryosong nagsalita. “Pinakasalan ko siya.” Tahimik. Walang sinuman ang gumalaw. Kahit ako ay nanigas sa sinabi niya. Si Dominic at Margarita ay parehong tila nawalan ng salita sa ilang segundo bago tuluyang nag-iba ang ekspresyon nila—mula sa pagkagulat ay napalitan ito ng galit at hindi pagsang-ayon. “Lucian.” Muling nagsalita ang kanyang ina, ngunit sa pagkakataong ito, puno ng panunumbat ang boses. “Huwag mong sabihin sa akin na iniwan mo ang isang Del Valle para sa isang…” Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, kita sa kanyang mata ang matinding pangungutya. “Sa isang babae na hindi man lang marunong mamili ng disenteng pananamit.” Napalunok ako. Narinig ko ang matigas na pagtawa ng ama ni Lucian. “Diyos ko, Lucian,” aniya, umiling habang nakatawa nang mapakla. “Akala ko alam mo na kung paano pumili ng tamang babae. Pero ano ‘to? Isang hamak na babae mula sa lansangan?” Hindi ko na kinaya ang pang-iinsulto. Muli akong napatingin kay Lucian, umaasang sasabihin niyang hindi nila ako dapat tratuhin nang ganito. At hindi ako nabigo. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang mga magulang, ang malamig na tingin niya ay tila nagsisindihan ng apoy sa buong silid. “Ano man ang iniisip ninyo, wala akong pakialam,” matigas niyang sabi. “Ang totoo, kasal na kami. Legal. At wala nang makakapagbago pa roon.” Nanlaki ang mga mata ni Margarita. “K-Kasal?” “Kami na ang mag-asawa, at wala akong balak na pakasalan ang babaeng pinili ninyo para sa akin,” diretsong tugon ni Lucian. “Kaya kung iniisip ninyong may kapangyarihan pa kayong kontrolin ang buhay ko, nagkakamali kayo.” Nanahimik ang buong silid. Si Mr. Villafuerte ay seryosong nakatitig kay Lucian, habang si Margarita ay tila hindi pa rin matanggap ang rebelasyon. Muli akong napatingin kay Lucian. Sa kabila ng malamig niyang tono, ramdam ko ang determinasyon niya na ipaglaban ako. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, may kung anong uminit sa loob ng puso ko. Ngayon lang may nagtanggol sa akin nang ganito. Ngayon lang may nagsabi na ako ay may halaga. Pero kasabay ng init na iyon, alam kong ang pagpasok ko sa buhay ni Lucian ay hindi magiging madali. Nakita ko kung paano siya tingnan ng kanyang mga magulang—punong-puno ng galit, hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa akin. At sa puntong iyon, alam kong ginawa ko na ang isang bagay na hindi na mababawi. Isa akong hindi kanais-nais na manugang sa mata ng pamilyang ito at kahit pa si Lucian ang pumili sa akin, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang mundong ito.Good evening. Please support this book kahit sa oag-iwan lamg ng mga komento at rate. Kasali po kasi ito sa GoodNovel PH Contest. Maraming salamat po. 🫶
Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,
Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k
Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint
Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman
*Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.