Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon.
Nasa loob kami ng sasakyan ni Lucian, pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Malamig ang ekspresyon niya, nakatutok ang mga mata sa daan habang hinahawakan ng mahigpit ang manibela. Samantalang ako, panay ang lingon sa bintana, pilit na itinatago ang bumabagabag sa isip ko. Alam kong galit siya. Hindi man niya sabihin nang diretso, nararamdaman ko ito sa bigat ng hangin sa pagitan namin. Pero wala akong pagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko kayang tiisin na hindi makita si Adrian. Napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada, pero mahigpit ang pagkaka-clench ng panga niya, para bang may gusto siyang pigilan. "Lucian..." mahina kong tawag. Hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga ako. "Alam kong galit ka dahil lumabas ako nang hindi nagpapaalam, pero hindi ko gustong itago sa 'yo—" Napahinto ako nang bigla siyang lumingon sa akin, ang mga mata niya malamig at puno ng frustration. "Hindi mo gustong itago sa 'kin?" ulit niya, puno ng sarcasm ang boses. "Ysabelle, umalis ka sa bahay ko nang hindi ko alam, sumakay ng taxi mag-isa, at dumiretso sa ospital kung saan ang buong seguridad ay hawak ko. At iniisip mo pa rin na hindi mo ako nilihim?" Napasinghap ako. Gusto kong magsalita, pero wala akong maisagot. May punto siya. Bumaling siya ulit sa daan, pero nararamdaman ko pa rin ang tensyon sa kanya. "Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon mo, Ysabelle," patuloy niya. "Ang mundong ginagalawan ko ay hindi katulad ng nakasanayan mo. Hindi ito simpleng trabaho kung saan puwede kang umalis anumang oras. Ngayon, ikaw na ang asawa ko sa mata ng publiko. Ang bawat kilos mo, ang bawat galaw mo, may epekto sa akin." Napakuyom ako ng kamao. "Asawa sa papel, Lucian," mahinahon kong paalala. "Huwag mong kalimutan na kasunduan lang ‘to." "Bakit hindi mo rin ipaalala ‘yan sa sarili mo?" mabilis niyang sagot, ang tingin niya ay parang tinatagos ang kaluluwa ko. "Dahil kung iniisip mo na may choice ka pa, nagkakamali ka." Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko sa narinig ko. May kung anong klaseng panganib sa boses niya. Hindi ko mawari kung iyon ba ay pagbabanta o babala. Pero isang bagay ang malinaw—wala na akong kontrol sa buhay ko. Pagpasok namin sa mansion, agad akong naglakad papunta sa hagdan para dumiretso sa kwarto ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makalanghap ng hangin, makapag-isip. Pero bago pa ako makaabot sa unang baitang ng hagdan, nagsalita ulit si Lucian. "Sa kwarto ko ka matutulog." Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "Ano?" Nakatayo siya sa tabi ng pinto, nakasandal ang isang kamay sa kanyang bulsa, habang ang mga mata ay nakatingin sa akin na parang sinusubok ang magiging reaksyon ko. "Hindi mo sineryoso ang kasunduan natin, Ysabelle," aniya, isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Akala mo siguro wala akong kakayahang sundan ka. Pero ngayon, gusto kong ipaalala sa 'yo na ako ang may hawak ng buhay mo." Napasinghap ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko. Naglakad siya palapit sa akin, bawat hakbang niya ay nagdadala ng tensyon sa pagitan namin. "Simula ngayon, magkasama tayong matutulog sa iisang kwarto," aniya, bumaba ang boses niya, halos parang isang bulong. "Sa mata ng publiko, mag-asawa tayo. At gusto kong siguruhin na kahit dito sa bahay, hindi ka makakalimot sa papel mo." Napaatras ako. "L-Lucian..." Napatigil siya sa harapan ko, isang dangkal lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang presensya niya, ang init ng katawan niyang bahagyang lumalapit sa akin. Pero ang mas lalong bumagabag sa akin ay ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba siya, o may gusto siyang patunayan. "Hindi kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo," bigla niyang sinabi, malamlam ang boses. "Pero gusto kong tandaan mo ito, Ysabelle—hindi ako ang taong puwede mong takasan." Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi kita tinatakasan," bulong ko. Napangisi siya, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan. "Lahat ng taong gustong lumayo sa akin, palaging bumabalik," aniya, may bahid ng pait sa boses. "Tingnan natin kung hanggang kailan mo kayang umiwas sa akin, Ysabelle." Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa loob ng kwarto niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at bago ko pa namalayan, nakatayo na ako sa gitna ng isang marangyang silid na higit pa sa inaasahan ko. Ang buong kwarto ay may modernong disenyo—may malalawak na salamin, mamahaling chandelier, at isang malaking king-sized bed sa gitna. May sariling balkonahe, isang napakalaking closet, at isang study area na punong-puno ng mahahalagang dokumento. Lumunok ako, pilit pinapanatili ang normal na paghinga. Hindi ko dapat hinahayaan na kontrolin ako ng sitwasyon. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko, halos pabulong. Lumapit si Lucian sa akin, pero sa halip na sagutin ako, dumiretso siya sa gilid ng kama at hinubad ang kanyang coat, isinampay ito sa isang upuan. "Matulog," sagot niya, diretso. Napasinghap ako. "A-Anong—" "Huwag kang mag-alala, Ysabelle." Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, may bakas ng pagod sa mukha niya. "Hindi kita gagalawin." Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi niya. Para bang… may lungkot sa tono niya. "Hindi kita pinapagalitan dahil lang sa gusto kong kontrolin ka," patuloy niya, mas mahina ang boses. "Pero hindi mo pa naiintindihan kung anong mundo ang pinasok mo." Tahimik lang ako. "Maraming taong gustong pabagsakin ako, Ysabelle," aniya, may bahid ng seryosong babala sa boses niya. "At ngayon na nasa tabi kita, kasama ka na rin sa gulong ito." Napalunok ako. "Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya at bahagyang yumuko, ang mga mata niya ay diretsong tumitig sa akin. "Ibig sabihin, kung may gusto mang sumira sa akin, puwede nilang gamitin ka."Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,
Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k
Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint
Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman
*Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.