Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-asikaso. Nag luto muna ako ng pagkain ni tatay at ng kambal bago naligo at nag bihis. Suot ko ngayon ang isang maong na palda na hanggang sa ilalim ng tuhod ang haba, Puting polo long sleeve na halos manilaw na sa kalumaan at isang puting sapatos na binili ko sa buraot kanina buti nga at nag kasya kahit medyo masikip sa akin ay ayos lang.
“Anak, Nakagayak ka na pala. Sana ay ginising mo ako para mapag baunan kita ng pagkain.” sabi ni tatay ng makita akong nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok.
“Opo tay, Hindi ko na kayo ginising para makapag pahinga pa po kayo nang matagal. Kayo na po muna bahala sa bahay 'tay ha? Pag sigurado na ako rito sa trabahong ito pwede na po kayong tumigil sa pag tatrabaho tutal naman ay malaki ang pasweldo ng boss ko.” sabi ko sabay ngiti. Totoo 'yung sinabi ko kay tatay. Medyo may edad na kasi siya at madami ng sakit sa katawan. Minsan kahit nakaupo lang siya ay nangangalay na agad ang balakang niya at mananakit kasama pati likuran. Matagal nang nag tra-trabaho si tatay sa linisan ng lata sa isang factory. Lagpas dalawang dekada na kaya gusto ko na rin siya makapag pahinga.
Pag dating ko sa Salazar building ay halos mahilo ako sa taas nito. Ngayon lang ako nakakita ng gusali na parang salamin ang kaniyang itsura ngunit hindi ko naman nakikita ang nasa loob, siguro ay ito ang tinatawag nilang one way mirror. Para akong taga ibang planeta na napadpad dito sa mundo ng mga tao. Madami ring tao na napapatingin sa akin, Siguro dahil sa mukha akong iniwan lang dito at napaka outcast ng suot ko na damit dahil ang mga nadaraanan ko ay magaganda ang mga kasuotan at alam kong mamahalin ang mga iyon.
“Magandang umaga po. Puwede pong mag tanong Manong guard?” Tanong ko sa isang security guard na nakabantay papasok ng gusali.
“Sige po ma'am, Ano pong maipag lilingkod ko sa inyo.” aniya sabay ngiti sa akin.
“Maaari ko po bang malaman kung nasaan ang opisina ni Mr. Salazar? nag-apply po kasi ako kahapon at nakapasa po ako. Tinext po sa akin 'yung address ng pupuntahan ko pero wala po kasing floor na nakalagay, eh.” sabi ko at kinuha ang flyer at telepono ko upang maipakita sa kaniya.
“Ito po 'yung flyer, Tapos ito po 'yung patunay ko na naka usap ko 'yung nag bigay ng address.” hinahawak naman ito ni Manong guard at binasa.
“Ma'am, pasensya na po pero wala naman po kasing apply-an na naganap dito para sa Personal Maid, eh. Baka po na scam ka.” aniya at napakamot pa ng ulo na tila problemado rin siya sa nangyayari.
“Hala, Nag kausap po kami kuya. Nag-apply po ako at ininterview po sa tawag, Nakapasa po ako tapos sinend niya po sa akin 'yung lugar.” sabi ko at bahagyang nag papanik na. Hindi pweding scam lang 'to. Ayaw kong biguin ang pamilya ko, Utang lang ang pinamasahe ko papunta rito at hindi madaling bayaran iyon. Siguradong maniningil kaagad si Aling Florida pag nalaman na nascam ako. Wala pa man ay parang naiiyak na ako.
“Kilala mo po ba ang nakausap mo sa telepono? Baka namali lang ng address ma'am.” hindi ako makasagot ng mapagtanto ko na hindi ko natanong ang kaniyang pangalan dahil sa sobrang kaba ko sa interview kahapon.
“What is happening here?” napaangat ako ng tingin sa lalaking nag lalakad papunta sa gawi namin ni Manong guard at halos mapahakbang ako paatras ng makita kung sino ito.
“Ikaw na naman!? Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” paratang ko habang nakatitig nang masama sa kaniya. Potek kaya siguro ako minamalas ngayon dahil nandirito 'tong lalake na'to.
Tila pinag lalaruan ako ng tadhana dahil si Kuyang gwapo na modus ang nakita ko. Tumawa lamang ito sa paratang ko at nag taas ng kamay.
“Chill, Miss. kung maka react ka naman parang 'di ka natutuwa na makita ako.” Aniya na nang-aasar.
“At bakit naman ako matutuwa? Ikaw ang malas sa buhay ko.” ani ko at inirapan siya.
“Uhmm. Miss, ka--” nag sasalita pa si Manong guard ng pinutol ko ito.
“Salamat po manong. Alis na po ako baka mas lalo pa akong malasin.” Sabi ko sabay talikod. Hays, malas.
“Miss, wait lang. Kaibigan po siya ni Mr. Salazar.” Pahabol ni Manong guard at awtomatikong napabaling ulit ako sa kanila ng tingin habang nanlalaki ang mga mata. O-M-G!!
“Bakit parang nakakita ka ng multo sa laki ng mata mo?” pang-aasar ni Mr. Modus.
“A–ano,” 'di ko alam papaano ako mag sisimulang mag salita.
Tinitigan ko ang lalaking kaharap ko at ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng suit na kulay itim, puting polo na panloob at asul na necktie.
“Cut your tongue, Miss?” Mas lumaki ang ngisi niya noong nakita niyang pinag mamasdan ko ang suot niyang damit. Shit nakakahiya.
“Sir. Alexzus, hinahanap niya po si Mr. Salazar.” sabat ni Manong guard.
“Oh, Bakit hinahanap mo ang kaibigan ko?” Napayuko ako ng wala sa oras. Potek baka mag sumbong ito sa boss ko at mapag-initan ako.
“Guard ako na bahala sa kaniya. Ms. Villanueva follow me.” Utos niya at naunang mag lakad. Sinundan ko siya habang hindi pa rin ako maka-angat nang tingin dahil sa kahihiyan. Natatakot ako na baka bigla akong masibak sa trabahong hindi ko pa man nasisimulan. Gusto ko man tanungin kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay nanatili na lamang akong tahimik.
“Para sa 50k a month, Calixta.” bulong ko sa sarili ko habang nakapikit. Please Lord, sana hindi bawiin 'yung pag tanggap sa akin dahil lang sa inaway ko ang kaibigan ng boss ko.
Sumakay kami sa isang gold elevator at pinindot niya ito sa 23th floor. Halos malula ako nang makita ko ang nasa labas ng building. Potek! One way mirror nga. Nakikita ko lahat ng nasa labas, lahat ng tao, traffic at ang kalinisan ng lugar. Sigurado akong mas maganda ito pag sapit ng gabi.
“Are you ready to start your work today?” He suddenly asked kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
“Lagi po akong handa.” Agap na sagot ko. “Pasensya na po pala sa mga nagawa ko. Akala ko po talaga modus kayo.” Pag hingi ko ng tawad at napakamot ng kilay.
“Takot ka sa sarili mong multo.” sabi niya sabay ngisi na naman. Ba't ba ang hilig nito ngumisi, pakiramdam ko tuloy ay ginagago niya lang ako.
Pag katunog ng elevator ay lumabas na kaming dalawa.
“Good morning.” bati ng babae na kanina lang ay nakaupo ngayon ay nakatayo na ito at nakayuko.
“Morning, Where is your boss?” Tanong ng kasama ko na seryoso na ang boses ngayon.
“In his office, Sir. He is waiting for you since you have an appointment to him today.” she said. Hindi ba siya napapagod kakayuko? Sakit sa batok niyan, girl.
Tumango lang si Sir. Modus ngunit ngayong napatunayan ko na na hindi talaga siya nang momodus 'di ko na tuloy alam ang itatawag sa kaniya. Humarap siya sa akin at sinenyasan niya akong sumama sa kaniya. May pinindot siyang napakaliit na button at kusang bumukas ang pinto. Halos manlaki ang mga mata ko sa nasaksihan, sobrang hightech pala nito. Wala siyang kahit na anong hawakan na parang doorknob pero pag pinindot mo iyon ay kusang bubukas ang pintuan. Nahahati iyon sa dalawa na parang elevator. Pag pasok namin ay mas lalo akong kinabahan nang matagpuan ang isang lalake na tila parang hari sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya kami nilingon ngunit bigla akong nakaramdam ng takot nang marinig ang napaka lamig na boses nito.
“What brought you here?” Iyon ang unang salita na lumabas sa kaniyang bibig.
“Tss. As far as I know. You asked me to do something, Right?” Ngising sagot niya at nag lakad papalapit sa lalaking hanggang ngayon ay nag babasa ng mga papeles na nasa lamesa. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya nilibot ko na lamang ang aking paningin sa paligid. Konti lang ang gamit at karamihan ay puro libro, puti ang pintura ng dingding at itim naman ang mga kurtina. Malaki ang opisina niya ngunit kakaunti lamang ng kaniyang kagamitan.
“Come here, Ms. Villanueva. Let me introduce you to your boss.” Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong tinawag ng makaupo siya sa pang-isahang sofa. Lumapit ako sa kaniya kahit nanginginig ang aking tuhod, Yumuko ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa presensya ng lalaking amo ko raw.
“H–hello. G–good morning po.” Bati ko sabay angat ng tingin. Halos mapaatras ako nang nag kasalubong ang aming mga mata. Kulay asul ang bilugan niyang mga mata, makapal ang magkasalubong na kilay, matangos ang ilong at manipis ang labi. Akala ko si Mr. Modus na ang pinaka gwapong nilalang na makikita ko rito sa mundong ibabaw ngunit hindi pala. Parehas silang may ibubuga pero kung tititigan nang mabuti ay mas maamo ang mukha ni Mr. Modus kumpara sa kaniya at isa rin sa napansin ko ay ang kaputlaan ng kaniyang labi at balat na tila wala na itong dugo sa katawan.
“Ms. Villanueva, si Mr. Tyler Khuaqin Salazar ang magiging amo mo. Ibig sabihin siya ang aalagaan mo. Magiging personal maid ka niya o personal assistant. Depende sa gusto niya.” paliwanag ni Mr. Modus na tatawa-tawa pa na akala mo ay biro sa kaniya ang lahat.
“Introduce yourself.” He said in a lower tone of voice. He bow his head again to read some papers.
“Hello. I am Calixta Villanueva, 23 years old and I am your Personal Maid.” pag papakilala ko habang may matamis na ngiti sa mga labi ngunit agad din iyong napawi at napalitan ng pag kakatulala nang mula sa mga papel na binabasa niya ay umangat sa akin ang kaniyang paningin. Para akong nalunod sa lalim ng kaniyang asul na mata at tila nag slow motion ang buong paligid noong umangat ang kaniyang kaliwang labi. Nablangko ang lahat at ang tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na kabog ng aking dibdib.
Pag katapos kong mag pakilala ay tumunog ang kaniyang telepono at dali-dali naman siyang umalis ng hindi kami nililingon.“Hmm, Puwede mag tanong?” Tanong ko kay Mr. Modus. Nandito pa rin kami sa opisina ni Sir. Salazar at hinihintay siya para mapag-usapan na namin ang aming kontrata.“Sure what is it? You can ask me anything. By the way, I am Alexzus Montero. You can call me Ajax.” Sabi niya at nag lahad ng kamay.“I'm Calixta.” kinuha ko ang kamay niya upang makipag shake hands.“Can I call you Calix?” he suggested. I shaked my head before I answer his question. “Pangalan ng kapatid ko iyon. You can call me ganda na lang.” sabi ko at natawa noong umarte siya na parang nasusuka.“Kapal ng mukha mo. May kasalanan ka pa sa akin. Aarte ka pang ayaw mo sa ganitong trabaho pero rito rin pala bagsak mo.” he directly said habang nakataas an
“Galit ka ba sa akin?” Tanong ko kay Ajax dahil napapansin kong hindi niya ako masyadong kinikibo at parang iritado rin siya sa akin mula pa kahapon.“Ano sa tingin mo?” Walang gana niyang sagot.Napabugtong hininga ako. “Alam kong galit ka.” Wika ko at malungkot siyang tinignan.“Alam mo naman pala bakit ka pa nag tatanong?” Iritadong usal niya.Alam kong galit si Ajax sa akin dahil sa ginawa kong pag takbo nung nakaraang araw. Oo, dalawang araw na ang lumipas mula nang nakita ko si Khuaqin at tinakbuhan. Kasalanan ko ba? Natakot lang naman ako at idagdag mo pa ang kakaibang kabog ng dibdib ko.“Pasensya na Ajax, Nabigla lang talaga ako. Hindi ko naman sinasadya.” Mahinang usal ko. Ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya dahil ginagalang ko pa rin naman siya bilang kaibigan ng amo ko. Hindi porket maayos niya akong kinausap at pinakisamahan nung nakaraang araw ay may ka
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas mula ng nag punta ako sa loob ng palikuran upang mag buhos ng malamig na tubig. “Hays, Kainis naman.” Sambit ko habang nakaharap sa salamin. “Wala akong pamalit,” Ani ko habang tinititigan ang sarili. Basang-basa ang bandang dibdib ng suot kong damit at amoy sinigang ito. Gusto sanang labhan ngunit baka abutin pa ito ng tatlong oras para lang matuyo kaya sinuot ko na lamang ulit pag katapos kong mag buhos. Napabugtong hininga ako. “Kaya mo iyan Calixta. Lalabas ka lang naman at lilinisin ang kalat.” Pampalakas loob ko sa sarili. Pag labas ko ay naabutang ko si Mr. Salazar na nakaupo sa dulo ng kama patalikod sa aking gawi. Nakayuko siya habang hawak ang kaniyang sintido at hinahaplos iyon nang dahan-dahan. “Ahm... Mr. Salazar ayos lang po ba kayo?” tanong ko at lumapit sa kaniya ng kaunti. Hindi naman siya kumibo kaya nag-alala ako. “May masakit po ba sa inyo?” tanong ko ulit at sa pag kakataong ito ay bumaling siya sa akin
“Oh, Bakit ka lumabas ng kuwarto? Ayos ka na ba?” Tanong ni Ajax na akala mo ay kasintahan niya ito na dapat alam niya ang kinikilos at nararamdaman nito.“I'm perfectly fine.” Aniya ngunit sa akin pa rin nakabaling ang nag susungit niyang mga mata.“Good to know. You want something?” Tanong ni Ajax tsaka inabot sa akin ang paper bag. “Binili kita ng damit. I hope you like it.” Mahinang sambit niya.“Where's my food?” Putol ni Mr. Salazar sa aming usapan bago siya padabog na naupo sa hapagkainan.“Chill bro, Bakit ba ang sungit mo?” Natatawang tanong ni Ajax at naupo na rin sa tabi nito.“Ah.. Iinitin ko pa lang po.” Mahinang sambit ko.“That is shit! Nagawa mong makipag landian pero hindi mo ko magawang pag handaan?” Galit na saad nito na kinayuko ko.“Tyler, It's not flirting, stop your shit right now.” Paliwanag
“Kumusta siya?” Tanong ko kay Ajax ng nakita ko siyang lumabas ng kuwarto ni Mr. Salazar. Dinala niya roon si Khuaqin dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Gusto ko mang sumama sa loob ay pinigilan ako ni Ajax at sinabing linisan ko na lamang ang naiwang kalat sa kusina. “Pinainom ko ng pampatulog.” Tila walang buhay na sagot nito. “Ligtas ba sa kaniya iyon?” Nag-aalalang tanong ko. Sabi kasi sa akin ni Tatay ay mayroong pagkakataon na iyong mga taong umiinom ng pampatulog ay hindi na nagigising. “Yeah, prescribed by his doctor.” Muling naghari ang katahimikan. “Ajax, gusto sana kitang makausap.” kinakabahang sabi ko sa kanina. Nakapag desisyon na ako. Sa nangyari kanina ay hindi ko na gugustuhin pang ipag patuloy itong trabaho na ito. “Let's talk inside his office. Kuha lang akong maiinom.” Aniya. Sumama ako sa kaniya papuntang kusina. Dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng dalawang beer. “Let's go.”&nb
Ang tao ay may iba't ibang paraan upang ilabas ang kanilang saloobin. Iyong iba ay nagiging matalino sa pag buo ng isang maayos na komunikasyon at ang iba naman ay nagiging padalos-dalos sa kanilang binibitawang salita at kilos, at sa pag kakataong ito ay masasabi kong ako iyong pangalawa.Naalala ko pa noong bata ako, sabi sa akin ng aking lola ay dapat daw tayong matutong iugnay ang ating nararamdaman sa kalikasan na nilikha ng panginoon at iyon ang nakaugalian kong gawin tuwing malungkot ako. Lumaki akong walang matatawag na kaibigan dahil sa murang edad ay kinakailangan ko ng kumayod upang hindi mapasabay sa agos ng buhay. Kung mahirap ka kailangan mong mag sumikap hindi iyong magkakaroon ka ng isiping ‘Pinanganak kang mahirap kaya mamatay kang mahirap’. Matuto tayong mag sumikap at mag tiyaga. Huwag tayong mag pasabay sa agos ng sirang daan kundi dapat tayo mismo ang gumawa ng ating bagong daraanan.“Malungkot ka rin ba tala? Bakit ti
“Anak, kalabitin mo nga ang ate Calixta mo dahil tila tulala na naman.”“Tay, bakit po laging ganiyan si Ate? Para tuloy siyang nakakatakot na monster.” Nag hagikgikan pa ang mag-ama na akala mo ay hindi nila ako katabi para pag-usapan ng ganiyan kalakas.“Salbahe ka Calix, baka pagod lang si ate kaya ganoon.” Pag tatanggol sa akin ni Calixus at tinulak pa nang bahagya ang kapatid.“Oh, masama iyang mag-away, ha. Kayong dalawa talaga ay kay titigas ng ulo ninyo.” sermon ni tatay bago tumayo at umalis para kumuha ng maiinom sa kusina.“Alam mo ba Calix, pakiramdam ko mayaman na tayo.” Binigyan ko ng pansin ang usapan ng mag kambal. Saan kaya nang galing iyang chismis na 'yan ni Calixus, Anong mayaman? kung alam lang nila kung papaano namin ginagapang ang kahirapan para sa kanila.“Paano mo naman nasabi? Dahil ba itlog at sinangag na ang ulam natin kanina at hindi na tuyo na may bagoon
“Calixta! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” Hinihingal na sabi ni Aling Lina.Nandito ako ngayon sa palengke at bumibili ng itlog para mas makamura.“Bakit po? May problema po ba?” Kunot noong tanong ko.“Iyong bahay ninyo, pinagkakaguluhan ng mga kapit-bahay!” Kapos hiningang sabi nito bago humawak sa aking balikat bilang suporta.“Huh? Bakit, anong nangyayari?” Nag-aalalang tanong ko.“Kasi ano..ano kasi..” tila nag dadalawang isip pa ito kung sasagutin ang aking tanong.Nang napansin kong wala akong makukuhang impormasyon sa kaniya ay dali-dali akong naglakad ng may mabibilis at malalaking hakbang papuntang bahay.Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang mga kabit-bahay naming nag-uumpukan habang nakatingin sa gawi ng aming bahay.“Nandiyan na si Calixta! Paraanin ninyo,dali!” Natatarandang sigaw ng lalaking nakaupo sa may inu