Share

Chapter 9: Evidence

"Can you stop making fun with me? Hindi na ako natutuwa sa'yo." Iritableng singhal ni Kaiden kay Dreams nang tuluyan na silang makarating sa parking lot. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa braso ni Dreams at napahilot ito sa kanyang sentido.

"Hindi naman ako nakikipagbiruan ah." Tugon ni Dreams sa agresibong tinig. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa lagay kong 'to? Nagmumukha na nga akong aso kakahabol sa'yo e. Puro ka naman dedma palagi, e kung tulungan mo na lang kaya ako? Hindi naman mahirap sumagot ng oo e."

Napahilot siya sa kanyang braso na bahagyang kumirot at namula sa pagkakahigpit ng yakap ni Kaiden sa kanya. Kung ilalarawan niya, kinaladkad siya ng lalaki kanina. Pinagkakaguluhan na kasi sila ng tao kanina sa loob ng ospital. Nakita niya kung paano nagulat si Kaiden sa pagdating niya kanina na may dalang banner.

"Malaki ka na, kaya mo na 'yang solusyonan ng mag-isa." Tugon ni Kaiden saka pinagdilatan niya ang dalaga. Napansin niya na nanonood ang kanyang mga kaibig
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status