Tara na't maghabulan sa airport. See you on Feb 2!
“Sigurado ka ba sa gagawin mo? Paano kung magkita kayo roon? Alam mo namang sobrang liit lang ng mundo para sa inyong dalawa,” saad ni April.I looked at her and smiled. “Hindi maliit ang mundo namin, April. It just happened that we live in the same country. Maliit lamang ang Pilipinas kaya nagkikita kami kahit anong pag-iiwas ko. But then now what? It’s been a year. Hindi kami nagkikita.”“Hello?” Tinaasan ako nito ng kilay. “Nahihilo ka na ba? Of course, it’s just been a year! Pitong taon bago kayo nagkita. Nauntog ba ‘yang utak mo sa semento o ako?”Hindi ako nagsalita. Napaisip ako sa sinabi nito. She’s right, though. Pero hindi ko na masyadong iniisip ‘yan ngayon. Fox is already married. Kinasal na siya at isang taon na ang nakalipas. At sa tingin ko ay naka-move on na rin naman ako kaya pwede na akong umuwi.May isang malaking kliyente kasi akong na sa Manila at katulad ni Floryn noon, buntis din ang bride. Sinubukan kong padalhan sila ng ibang wedding planner ngunit hindi nila
The plane landed at exact eight in the evening. Dumiretso kami ni Finn sa dating bahay ko. Hindi naman na nagtanong si Finn kung kaninong bahay ito o ano dahil pagod ito kaya nang igiya ko siya sa kanyang magiging silid dito sa bahay ay agad itong umidlip. Ganoon pa rin naman ang bahay. Ngunit pansin na talagang nalilipasan na ito ng panahon kung kaya’t kailangan na ng renovation at repaint. Mabuti na lang at may pinadalang tao rito si April para malinisan araw-araw ang bahay at hindi gaanong maalikabok ang paligid, pati na rin ang aking silid ay hindi masyadong maalikabok. Nandito ako ngayon sa aming hardin at nakatingala sa langit. Maraming bituin ang nagkalat sa kalangitan at sobrang ganda nito sa paningin. Kahit na may jet lag ako ay hindi ko pa rin magawang matulog kaya na naisipan kong dito na lamang ako magpapalipas ng oras hanggang sa makaramdam ako ng tulog. Hindi mawala-wala sa ‘king isipan ang naging usapan namin ni April bago kami lumipad patungo rito. Ang tungkol sa kun
“May Mommy ka po, Love?” tanong ni Finn habang nilalagyan ko siya ng pulbo sa likod.I hummed and turned his shoulders to face me. Pinatingala ko ito at pinulbuhan din ang kanyang leeg. Matapos ay hinalikan ko ito sa noo at saka ko pinisil ang kanyang pisngi.“Yes, Love. May mommy rin ako and today, we’ll go and visit them. Ipapakilala kita sa kanila,” I said and smiled.Tumango lamang si Finn at muling tumitig sa kanyang phone. Matapos akong maglagay sa kanya ang kanyang perfume ay saka pa lamang ako tumayo para makapagbihis dahil tanging bra at panty pa lang ang suot ko sa ilalim ng bathrobe na nakapalibot sa ‘king katawan.Nagtungo ako sa ‘king silid at naghanap ng pwedeng suotin na damit. Nahagip ng aking paningin ang dress kong nakasabit sa loob ng aking drawer. Agad ko namang itong tinignan at hindi ko maiwasang bumuntong hininga.It’s an old dress. Suot ko ito noong anniversary nila Mommy at Daddy. Nung mga panahong sinupresa pa namin si Mommy dahil nagtatampo ito kay Daddy dah
He keep knocking on the door and I just sit there, completely frozen as fvck. Hindi ko man lang magawang ikurap ang aking mga mata dahil sobra akong nagulat sa aking nakikita. Nagising na lamang ako sa reyalidad nang magpakawala ng mahinang ungol si Finn. Nilingon ko ito at ang kaba ko dahil sa taong na sa labas ay mas nadagdagan pa nang masilayan ko ang unti-unting pag-agos ng dugo sa noo ni Finn.Saka ko lamang napagtantong nabasag ang salamin at sa tingin ko ay doon galing ang sugat ng anak ko. Agad ko itong nilapitan at kinapa ang kanyang pisngi. Namuo ang luha sa ‘king mga mata dahil sa kaba at dahil na rin tila nagbalik sa ‘king alaala ang mga nangyari nang mawala sa ‘kin sila Mommy.“Jesus,” I blurted.Nagmamadali ang mga kamay kong tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt nito at agad siyang binuhat. May kabigatan na si Finn ngunit hindi ko ito halos mapansin sa sobrang pagkataranta. Tinulak ko pabukas ang pintong na sa aking tabi.Nawala na sa isip kong mabubunyag ang sekreto k
Tahimik ang buong silid at tanging tunong lamang ng air conditioner ang maririnig sa buong paligid. Pasulyap-sulyap ako sa pwesto ni Fox dahil hindi ako mapakali sa katahimikan nito.“Why didn’t you tell me?” mahinang tanong nito.“For what?” I chuckled nonchalantly. “You’re getting married that time. Alam mo, hindi ko naman talaga sinadyang sirain ang kasal niyo, e. Kung alam ko lang na ikaw ang groom ang kasal na ‘yon, hindi ako tutuloy. I won’t ruin the wedding.”“Pero tinuloy mo pa rin,” he said and his jaw clenched.“Kasi wala na akong ibang choice,” I replied. “Nasira ko na ang kasal. I made the wedding stopped. It’s was too late for me to back out. Mahirap itigil ang mga bagay na nasimulan na, Fox. Mahirap.”He clenched his jaw. “I know.”Napalunok ako at mariing kinagat ang aking ibabang labi. “So please… Hindi ko ipagdadamot si F-Finn. Kung gusto mo, ipapakilala ko kayo sa isa’t isa.”“You should.”“But don’t take him away from me. Ayokong… ayokong mawalan ulit ng anak, Fox.
“Love, are you crying?” Wala sa sarili akong napaangat ng tingin. Saka ko lamang napansin ang anak kong gising na pala. Agad kong pinunasan ang mga natuyong luha sa ‘king pisngi. I cleared my throat before forcing myself to smile. Tumayo ako at nilapitan siya. “You’re awake. Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo? Ano?” Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bigla nitong kinapa ang pisngi ko. “You’re crying. Who made you cry, Love?” Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at umiling. “No. I’m just… I’m so worried about you.” “I’m fine,” he said. “I’m just worried about you. I heard someone crying in my sleep. I thought that it was you.” Napipilan ako sa naging sagot nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Laking pasalamat ko na lang na nauuna nang umalis si Fox sa hindi ko malamang dahilan ngunit nag-iwan siya ng dalawang gwardiya sa labas at isang driver na maghahatid sa amin pauwi. “Love?” Muling hinawakan ni Finn ang pisngi ko dahilan para maala ako sa ‘ki
Tinitigan ko si Finn at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Abala ito sa paglalaro ng kung anong mobile game na hindi ko maintidihan pero hindi ko pa naman narinig ang pagmumura nito habang naglalaro kaya hindi ko alam kung mahaba ba ang pasensya niya o sadyang magaling lang siyang makipaglaro.“Love?” I asked. “Maaari ba kitang makausap?”Nag-angat ito ng tingin sa ‘kin at binaba ang kanyang phone. Napangiti naman ako rito at bumuntong hininga. Lumapit siya sa ‘kin kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti ako rito.“Anong pag-uusapan natin, Love?” he asked.“Di ba’t sinabi mo sa ‘king na gusto mong makita ang D-daddy mo?” mahinang tanong ko.Nangunot ang noo nito at nagtanong, “Why, Love? Alam niyo na po ba kung nasaan ang Daddy ko?”Bahagya akong tumango at pilit na ngumiti. “Yes, Love. Alam ko na kung nasaan ang… kung nasaan ang Daddy mo.”Sa sinabi kong iyon ay parang naging interesado siya sa narinig. Umayos ito ng upo at tinitigan ako. “Who is he? Are we gonna see each o
“Fox, you can’t sleep here.”Umiling ito. “I want to sleep here.”Huh? “Fox, hindi pwede. Baka sugurin ako ng asawa mo rito. Ayoko ng gulo. Kung gusto mong makita si Finn, pwedeng bukas na lang. Ayokong mag-away na naman kami ng asawa mo.”Umiling ito. “Can we talk?”Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at inilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi ko alam kung papayagan ko siya dahil malaki ang tiyansang magkita sila ni Finn sa gabing ito at hindi ko pa nahahanda ang speech ko para sa pagkikita nilang dalawa!“Uhm, can we talk it over tomorrow? Please, Fox. Umalis ka muna ngayon. Let’s just talk tomorrow…”Before I could even continue my sentence, I felt his weight on me and I took a step back. Hindi ko alam kung inaasa niya ba ang kanyang kabigatan sa ‘kin o ano. Tinapik ko ang kanyang balikat ngunit mas lalo lang nitong pinabigatan ang sarili.“I want to rest here. Please?”Hindi ko alam kung ano na ang kasunod na nangyari. Basta ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong g