Share

Kabanata 1

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-30 21:20:26

Kabanata 1

"YOU KNOW the rules, honey. No clubbing, no smoking, no drugs, and most importantly, no boys."

Umikot ang mga mata ni Alea nang marinig ang mga sinabi ng kanyang ama. Nasa manibela ang isang kamay nito habang ang isa ay abalang bilangin ang mga bilin na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling gayong ni minsan ay hindi naman siya sumuway sa mga magulang niya. 

"Dad, mukha ba akong pinalaki ng mga kriminal?" She angled her body to face her father. "And bakit no boys? Akala ko pwede na? You said after senior high pwede na magpaligaw?"

Tumaas ang kilay nito at ang hawak sa manibela ay halatang humigpit dahil sa bumakat na ugat sa braso. "Kailan ko sinabing pwede na?"

"Uh, when I was fourteen, remember? When Areisso wanted to court me? Hmm? Remember, Daddy?" she said, leaning forward to make her point. 

Her daddy groaned. "Well, I have the right to make changes. Bata ka pa para sa boyfriend-boyfriend na 'yan."

"Eh, bakit sabi ni Lola pwede?"

"Am I your Lola?"

She smirked. "No, but you're grumpier than her."

Umismid ang kanyang ama at ginulo ang kanyang buhok. "I said what I said." He sighed and glanced at her. Ngunit kahit sandali lamang iyon ay hindi nakatakas kay Alea ang dumaang lungkot sa mga mata ng amang si Alec De Vera. "Just... just listen to Daddy for now, please? Wala ako sa tabi mo. Hindi pare-pareho ang mga lalake. Baka mamaya makatagpo ka ng barumbado na magaling lang magsalita pero kapag nagkaproblema na, basta na lang maglalaho. Ayaw kong makulong, Alea pero kapag may nagpaiyak sayo, makakapatay ako."

Napabuntong hininga na lamang si Alea saka niya mahinang sinuntok ang braso ng ama. "I was just teasing you, Daddy. I know my priorities, don't worry."

"That's my girl. Now call your mom. Tell her we're here." Pinarada nito ang kotse sa harap ng isang condominium building sa John Hay. Nang mapatay nito ang makina ay umikot muna ito patungo sa kabilang pinto para pagbuksan siya. 

That's the thing about her father. He's setting the bars so high that her standards are also getitng harder to reach. Kapag may nagpapalipad-hangin noon sa kanya at nakitaan niya ng hindi magandang ugali, iniiwasan na kaagad niya. 

She wants someone like her Dad and that's what she's going to settle with. Kung hindi kayang abutin ang nai-set ng kanyang daddy ay salamat na lamang.

She only carried her shoulder bag her lola gave her on her last birthday. Lahat ng gamit niya ay ang daddy niya ang nagbitbit kahit pa kaya naman niyang buhatin ang travel bag na maliit.

Binati sila ng nasa reception. Nang mapansin niyang nagpapa-cute ang babaeng naroon sa kanyang daddy ay napatiklop siya ng mga braso sa kanyang dibdib. She observed how her daddy dealt with the woman's flirtatious acts. Nang matipid na ngumisi ang daddy niya saka siya inakbayan ay napangiti na lamang siya. She knows what that means already.

"My daughter will be staying here on her own but my wife and I will visit often. Can I get an extra keycard for her, too?"

Umasim ang ngiti ng babae saka tumango. "O--Okay, Mr. De Vera."

"Thanks." Marahan nitong piniga ang kanyang balikat. "Let's go, Alea."

She waved at the receptionist. Nang magtungo sila sa elevator at ang pinindot ng kanyang ama ay ang top floor, nalukot ang kanyang noo. "You rented the highest unit, Daddy?"

"No, it's your lola's gift. She bought it for you, kasama ang roof deck. She didn't tell you?"

Umiling siya. "Hindi po."

"Si Mama talaga. Anyway, we'll just drop your things. Hahabol pa tayo sa admission."

Napakamot siya ng patilya nang lumabas sila ng elevator. "Daddy, kaya ko na siguro mag-isa sa university." Napaiwas siya ng tingin. "Na... nahihiya na kasi ako baka sabihin ang laki ko na may kasama pa akong parent."

Her dad paused and looked at her. Pinag-aralan nito ang kanyang ekspresyon at nang makitang seryoso siya ay sandaling nagpakawala ng buntong hininga. "Are you sure?"

She swallowed then looked at her dad again with an inward smile. "But you can wait for me in the parking lot so we can get some art mats after." She snatched the keycard. "You're paying, of course."

ALEA tapped her foot on the tiled floor as she waited in a corner to get her schedule. Puno pa ng estudyante ang harap ng bulletins kung saan nakapaskil ang mga available class para sa semestre. 

She glanced at her wrist watch and then looked at her empty schedule list. Wala pa siyang nakukuha ni isa kaya naman panay na ang chat ng Daddy niya. He even offered to check on her but she refused. Kolehiyala na siya kaya kailangang masanay na siyang gawin ang mga bagay-bagay nang hindi umaasa sa mga magulang niya.

She pulled the zipper of her jacket 'til the middle before she leaned on the wall. Siguro kung maghihintay pa siya kahit labing-limang minuto ay mababawasan na kahit papaano ang mga estudyante. 

Nilabas na lamang niya ang kanyang airpods at nagsimulang makinig ng kanta sa kanyang playlist. The university is really huge but she'd rather explore it some other time. Mahirap na. Mahina pa naman ang kanyang sense of direction at baka kung saan pa siya mapadpad.

Habang pinagmamasdan niya ang mga estudyanteng kasabayang kumuha ng schedule, napangiti siya nang bahagya sa ilalim ng kanyang itim na mask. Dapat yata niyang ipagpasalamat na hindi sila masyadong exposed sa media ng kapatid niya kahit pa sikat na pintor ang kanyang ina at kilalang piloto ang kanyang ama. Idagdag pang apo sila ng dating presidente. 

She didn't like the attention of the press people. Ayaw niya sa lahat ay kakaibiganin lamang siya dahil kilala siya o may mapapala sa kanya. She keeps her circle small and just like what her lola said, she must only trust those who had proven them worthy to be trusted. 

Minutes passed and still, people are still flooding the bulletin boards. Gusto na sana niyang i-chat ang daddy niya para magpatulong na ritong kumuha ng schedule, ngunit nang mapansin niya ang lalakeng naglalampaso ng sahig malapit sa kanya ay sandali siyang natigilan at napatitig dito.

Nakasuot ito ng mask gaya niya at uniporme na may tatak ng unibersidad habang may "utility staff" na nakasulat sa likod. When she noticed his familiar features, she couldn't help her forehead from creasing. Hindi ba iyon ang lalakeng nangahas na lagyan ng handprint ang painting nila ng mommy niya? Iyong idinamay pa siya sa kalokohan nito?

He straightened his back and placed the mop against the wall. Parang biglang kumabog ang dibdib ni Alea nang tumingin sa kanya ang malamig nitong mga mata. His expression didn't even change when he examined her. Napalunok tuloy siya. Nakilala kaya siya nito kahit halos anim na buwan na ang nakalipas?

Bumaba sa hawak niyang form ang tingin nito. Mayamaya ay sinulyapan nito ang dagat ng mga estudyante saka naglakad palapit sa kanya. Oh, God her knees suddenly trembled and she swears her eyes widened agianst her will. Iniwas niya kaagad ang tingin dito nang hindi mapansin ang kanyang naging reaksyon ngunit ganoon na lamang ang kanyang gulat nang biglang inagaw ng lalake ang kanyang form.

Her brows furrowed in disbelief when she looked at him. "Hey, akin 'yan!"

Sinulyapan lamang siya nito sandali saka nito inilahad ang palad na naka-gloves pa. "Pen."

Napakurap siya. "Huh?"

"Pen. Ballpen. Panulat. Bilisan mo," walang gana nitong sabi. His hand even gestured as if telling her to hurry.

Nagtataka man ay para siyang nahipnotismong sundin ang sinasabi nito. Binuksan niya ang kanyang shoulder bag at kinuha ang kanyang ballpen. Pagkaabot niya rito ay kaagad na kinuha ng lalake na kung hindi siya nagkakamali ay Kali ang pangalan. 

Pinagmasdan niya itong sumiksik sa mga estudyante para lang hanapin ang mga nakalistang subject sa kanyang form. Hindi tuloy niya napigilang punahin ang pisikal nitong anyo. Litaw na litaw ba naman ang tangkad at kisig nito kahit pa may iba namang matangkad din at may itsurang estudyante. 

Kali radiates a unique vibe that feels dangerous but irissitable. The first time their paths crossed, the guy remained in her head for several days. No. Halos inabot iyon ng linggo, o baka hanggang ngayon, hindi na talaga ito nawala sa kanyang isip. Sadyang tinabunan lamang niya dahil hindi niya naman inakalang magtatagpong muli ang kanilang mga landas. 

Nang matapos itong kumuha ng schedule niya ay nakipagsisikan itong muli paalis sa dagat ng mga estudyante. She suddenly felt uneasy again as she watched him walk towards her. Napaiwas siya ng tingin at ang mga tuhod niya ay pinagdikit niya nang maramdaman na naman niya ang nakakikiliting kuryenteng nadarama kapag nakatitig ito sa kanya. 

He stopped a few inch away from her. He handed her the form and her pen before he spoke. "Puro after lunch ang simula ng klaseng nakuha ko. Iyon na lang ang bakante. Pinaka-late ay alas otso ng gabi. May sundo ka ba kapag papasok?" seryoso nitong tanong matapos niyang tanggapin ang kanyang form at ballpen.

Sinubukan niyang salubungin ang tingin nito ngunit nang parang natutunaw siya ay mabilis siyang umiwas ulit ng tingin. Lumunok siya sandali at iniling ang kanyang ulo. "W--Wala."

"Kotse, meron?" he asked again, making her wonder why.

"I don't know how to drive."

"Pag-aralan mo, mayaman ka naman. Hindi palaging ligtas ang masasakyang taxi." Tuluyan siya nitong tinalikuran para balikan ang mop, ngunit nang akmang aalis na ito para siguro maglinis sa ibang bahagi ng building ay tinawag niya ito.

"Sandali lang." She took in some air when he looked at her over his shoulder. "Sa--Salamat... Kali."

Napansin niyang tila umaliwalas ang mukha nito, pero imbes na sagutin ang sinabi niya ay simpleng tango lamang ang tinugon nito sa kanya. Akala tuloy niya ay talagang hindi na ito magsasalita ulit nang magsimulang maglakad pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay muling tumigil at bumuntong hininga.

He leaned the mop against the wall again and stormed back towards her. Napaawang tuloy ang mga labi ni Alea nang hablutin nito ang kanyang ballpen saka nito hinawakan ang palapulsuhan niya. Para siyang kinuryente nang maramdaman ang may kahigpitang hawak ng binata. Her heart was in total chaos and her knees felt like it's going to betray her any moment now. Ni hindi niya napansin na sinusulatan na nito ang kanyang palad. Nakatutok masyado ang kanyang atensyon sa malamig na mga mata ng binata kaya nang bitiwan nito ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata, halos mahigit niya ang kanyang hininga. 

"Huwag kang tatanga-tanga rito o kaya lalamya-lamya. Number ko 'yan. Kapag may tumarantado sayo, tawagan mo ko." He hooked her pen on her shirt's collar. When she felt its tip touched the valley of her breast, her cheeks burned and a different kind of sensation thrummed under her skin. 

Pinanood niya itong umalis at mawala sa sunod na pasilyo, ngunit kahit hindi na niya ito tanaw ay dama pa rin niya ang kakaibang epekto ni Kali sa kanyang sistema. Her eyes drifted towards her hand. When she noticed his good hand writing, she found herself smiling inwardly as she whispered his name. 

"Kali..."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nhor Guilly
bilis pogi points agad Kali.........️...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Wrathful Heart   Kabanata 11

    Kabanata 11BAHAGYANG humigpit ang pagkakahawak ni Alea sa throw pillow nang sa pagbalik ni Dos sa loob ng unit ni Alea ay hindi na nito kasama si Kali. Alam niya namang may kagaspangan minsan ang ugali ng kapatid niya kaya nag-aalala tuloy siya na kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi nito kay Kali kaya hindi na sumama pabalik.Alea took a breath then spoke. "Nasaan na si Kali, Dos?"Malamig siyang tinignan ng kapatid na akala mo ay kuya niya kung umasta. "Umuwi na keysa mabugbog ko.""Dos!" Sinimangutan niya ang kapatid. "Bakit ka naman ganyan do'n sa tao? Mabait naman 'yon?"Tumaas ang masungit na kilay ng kapatid niya. "May mabait bang lalakeng pagsasamantalahan ang kawalan mo ng karanasan sa mga bagay-bagay, ate?"Their father sighed. "That's enough." Bumaling ito sa kanya. "Alea, it's not okay to just invite guys at your place, tapos gano'n pa ang dadatnan namin. Of course, Dos is concern about you. Kapatid ka niy

  • His Wrathful Heart   Kabanata 10

    Kabanata 10MATAAS na ang araw nang magising si Kali kinabukasan. He has no idea what time they slept and what time it is already. Pero nang maramdaman niya ang braso ni Alea na nakayakap sa kanya, nawalan siya ng pakialam sa oras at naituon sa maamo nitong mukha ang kanyang buong atensyon.He still feels weak but Alea's presence seems to heal him. Hinawi niya nang may pag-iingat ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha saka siya matipid na ngiti. He took advantage of the moment and kept her closer before he buried his face on her fragrant hair.Sumara ang mga mata ni Kali nang maglaro sa kanyang ilong ang mabangong buhok ni Alea. She smells like shea butter and strawberry. Tila kahit buong araw niya yata itong amuyin ay hinding-hindi siya magsasawa.He remembered when Alea left him at the park. Sa unang pagkakataon ay natakot siya na hindi na kausapin ng isang tao. Pak

  • His Wrathful Heart   Kabanata 9

    Kabanata 9HALOS madaling araw na nang makarating si Alea sa Baguio sakay ng UV. Talagang nagmakaawa na siya sa mga taong nasa pila para lamang makasakay kaagad dahi sa tindi ng pag-aalala niya kay Kali.Nang maibaba sila sa istasyon ay kaagad niyang sinagot ang tawag ng kanyang mommy. Kinakabahan siya dahil hindi siya nakapagpaalam sa Lola niya at kay Dos na hinatid ang mga kaibigan nila."Alea naman, anak! Masyadong delikado ang ginawa mo!""Mommy, I'm okay. Nandito na po ako. Emergency lang po talaga. Sabihin mo po kina Daddy I'm safe. Ayos lang po talaga ako."Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang ina. "Ano ba kasing emergency 'yan, anak?"She bit her lower lip for a moment before she decided to confess the truth. "Si... si Kali, mommy. Kaibigan ko siya at wala siyang pamilya sa Baguio. He doesn't have mu

  • His Wrathful Heart   Kabanata 8

    Kabanata 8MAGHAPON na wala sa mood si Alea mula nang makauwi siya ng Cagayan. Kahit panay ang chat sa kanya ni Kali ay hindi talaga niya ito pinansin. She's so mad that all she did the whole day was eat ice cream, hoping it would ease away her anger. Ngunit makakaubos na siya ng isang tub ay mainit pa rin ang ulo niya kay Kali.Nang akmang kukuha na naman siya ng ice cream ay sinara ni Dos ang pinto ng fridge saka nito tiniklop ang mga braso sa tapat ng dibdib. Her brother is way taller than her now, making it look like he's the older child."Buntis ka ba, ate?" nakakunot ang noo nitong tanong."What?! Of course not!""Eh bakit para kang naglilihi? Ikaw na umubos ng ice cream."Inirapan niya ito. "Nag-stress eating lang ako.""Stress eating your face." Hinawakan siya nito sa ulo saka inagaw ang bowl na hawak niy

  • His Wrathful Heart   Kabanata 7

    Kabanata 7THERE was a long weekend for the UCians. Mayroong regional holiday sa Cordillera kaya walang klase mula Huwebes hanggang Sabado.Susunduin si Alea ng kanyang ama nang makapagpahinga muna siya sa Cagayan gaya ng nais ng mga magulang niya, pero bago siya umuwi, nagkita pa sila ni Kali."Baka gala ka ng gala diyan," masungit na sita ni Dos nang makita ang background niya.Sinimangutan niya ang kapatid na abalang mag-ehersisyo. Bakit ba parang masyado nang nagiging conscious ang kapatid niya sa katawan at itsura nito?"May bibilihin lang ako, 'no." Inirapan niya ito. "Ikaw nga ang panay daw ang labas sabi nina Mommy."Dos put the weights down and focused on his phone. "Practice lang ang dahilan bakit ako lumalabas, ate. Sige na bilisan mo na diyan at baka magkasalisi kayo ni Daddy."Hindi niya na lan

  • His Wrathful Heart   Kabanata 6

    Kabanata 6PAUWI na at lahat si Kali galing sa isa niya pang trabaho ngunit hindi pa rin napapawi ang ngisi sa kanyang labi tuwing naaalala kung gaanong namula ang mukha ni Alea kanina nang sabihin niyang gusto niya ito. Well, that should be a good sign that his plan was working, right? Ngunit kapag pumapasok sa kanyang isip ang plano, tila may bahagi ng kanyang puso na bigla na lamang tinatadyakan.Napahugot siya ng malalim na hininga saka ito pinakawalan nang marahas. He needed to get his mind straight or he would fuck it all up. Kasangkapan lamang si Alea nang makalaya ang tatay niya. He wasn't supposed to fall for her innocent eyes and angelic smile. Baka sa huli ay siya lamang din ang mamroblema kung magkataon.Dumaan si Kali sa tindahan at bumili ng sigarilyo. Nagpaload na rin siya para matawagan ang kanyang nanay. Nang makamusta na ito, binisita niya ang social media account ni Alea.He suddenly stopped walking when

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status