ANMELDENHindi ko sya nilingon. Binawi ko lang ang kamay ko at sa harap tinuon ang tingin."Sinundan mo ba ako?"Malamig at walang ka-emo-emosyon ang pagkakatanong ko, dahilan siguro ng malalim nyang pagbuntong hininga."Y-Yeah..." mahina nyang sagot. "I just made sure the police got Penny before I followed you."Tumango ako. "Bakit hindi ka dumiritso sa ospital?"Hindi agad sya nagsalita. Alam kong naintindihan nya ang tanong ko.Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala pa rin syang sagot kaya nilingon ko na sya.Naabutan ko syang nakatingin na sa akin. Agad din syang nag-iwas nang magtama ang aming mga mata. Nagtagis ang mga bagang ko dahil dun.Nakakainis.Dapat nasa sukdulan na ako ng galit. Kinamumuhian ko na dapat sya ngayon pagkatapos ng mga nalaman ko. After all the lies, all the betrayals, anger should be the only thing left inside me.Pero bakit?Bakit sa saglit na pagtama ng mga mata namin, agad kong nakita ang lungkot at pagsisisi na nakapaloob sa kanya?Ramdam ko lahat sa isang
Lumalim ang paghinga ko at ang magkabila kong balikat ay nanginig na rin. Isang impit na hikbi ang lumabas sa bibig ko. Kasabay din nun ay ang pagsalida muli ng mukha nya sa utak ko.Muli akong pumikit upang iwaksi iyon ngunit mas lalo lang naging klaro ang kabuuan ng mukha nya sa utak ko.Ang sakit. Sobrang sakit. Sobrang bigat sa puso ko na nasa ganitong sitwasyon na naman ako kung saan tatalikuran ko na naman sya.Kung saan lalayo na naman ako sa kanya.Galit ako, oo, pero alam ko sa sarili ko na hindi ako makakabangon pagkatapos nito.Pikit-mata akong lumingon sa pinanggalingan. At sa pagbukas muli ng mata ko, dahan-dahan at may kaakibat na takot, takot para sa sarili, sya ang bumungad sa akin.Pasuray-suray syang naglalakad patungo sa gawi ko. Ang mata nya ay wala sa akin, kun'di nakatuon sa binti nyang natamaan ng bala kanina.Napahawak ako sa bibig nang makita ang kumalat na dugo sa kanyang slacks. Bakas sa mukha nya ang iniindang sakit na dulot ng natamong sugat. Hindi na rin
For a moment, Penny's expression faltered, just a moment. Her lips trembled, as if his words struck something deep inside her.Pero kung anuman iyon, hindi pa rin iyon naging sapat para manahimik sya.Isang malamig na halakhak ang lumabas sa bibig nya. Ganoon na lang ang pagsigaw ko nang iputok nya ang baril sa amin."Riel!" tawag ko nang makita kong natamaan sya sa binti.Saglit syang napaupo sa lupa dahil sa natamo, ngunit..."Oh my God-" tili ko.Akmang hahawakan ko sya sa braso nang bigla syang tumayo at nakipag-agawan ng baril kay Penny.Sa isang mabilis na galaw, matagumpay nyang naagaw ang baril kay Penny, at naitutok ito sa noo ng babae."One wrong move, and you'll drop dead right here," seryoso ngunit mapanganib nyang usal sa gulat na gulat ngayon na si Penny.Sa talim ng tingin sa kanya ni Riel ay alam kong ikakasa talaga ng lalaki sa kanya ang hawak na baril kapag gumalaw sya ng kaunti.Naestatwa akong napatanga sa kanila. Gusto kong igalaw ang aking mga paa upang pigilan s
Punong puno ng sakit at pighati ang mata kong nakatingin ngayon kay Penny."At alam mo ba kung bakit nya ako sinunod?"Mahina akong napailing. Hindi ko alam kung bakit pero kahit sa mga sandaling ito, may kaunting piraso pa rin ng pag-asa ang nakapaloob sa akin, ang pag-asang nagsisinungaling lang sya.Ngunit agad din itong binasag ng sunod nyang sinabi."Because your boy, Riel, was so freaking in love with me!"My heart stopped.Everything came crashing down.Nagmistulang mabigat na bato ang salita nya na dinurog ako ng paulit-ulit. Sa sobrang pagsikip ng dibdib ko ay para itong tumigil sa pagtibok.The world around me blurred into a haze of betrayal and disbelief over and over again, but this time, the pain was even worse"Anong meron sayo na wala ako?!" she burst out in frustration. "Bakit laging ikaw?!"Hindi ako nakasagot. Hindi ko magawang makasagot kasi sa totoo lang, wala na akong natitirang lakas para ibuka pa ang bibig."Si David..." dahan-dahan siyang napailing. "Binigay ko
Nabalik ang atensyon ko kay Penny nang marahan syang tumawa. Her finger casually brushed the trigger, as if savoring the tension."What's wrong, Riel? Bakit parang natahimik ka d'yan?" tunog nanunuya nitong tanong sa lalaki. "Why don't you tell her the truth? Or should I do it for you?"Riel didn't answer. Naghintay ako ng sagot nya ngunit dumaan ang ilang segundo at wala pa rin.That tiny pause was enough to make my blood turn cold.Buong katawan ko syang nilingon. Doble-doble ang kaba ko nang sinubukan kong maghanap ng sagot mula sa kanyang mukha. Tanging iling lang ang nakuha ko sa kanya, tila pinapahiwatig na huwag akong makinig sa kahit anong sasabihin pa ni Penny.Lalong nanikip ang dibdib ko nang nanatiling tikom ang bibig nya.Umalingawngaw ang tawa ni Penny sa ere. She shifted the gun between us, like she couldn't decide which one of us deserved the bullet more. Tumigil ang mata nya sa akin, ganoon din ang pagtigil ng tutok ng baril sa akin.The mockery on her face faded. Wha
Humugot ako ng isang nanginginig na hininga, saka sya tinalikuran. Ayaw kong makaramdam ng matinding awa sa kanya. Siguro mapapatawad ko sya, pero hindi sa ngayon.Kailangan kong makaalis bago ko pa sya mapatulan. She looked so hopeless and broken, and the last thing I wanted to do was make her feel even more pitiful.Pinagdaanan ko na ang pakiramdam na iyon. Hindi ako kasing demonyo ng iba para iparanas pa iyon sa ibang tao, kahit naging kaaway ko pa ito dati.Kaso nasa pangalawang hakbang pa lang ako palayo sa kanya ay nakarinig ako ng isang pagkasa ng baril mula sa kanya. Agad akong natigilan at mabilis syang nilingon.Ngunit para akong sinabuyan ng malamig na tubig nang pagharap ko ay nakatutok sa akin ang hawak nyang baril.My body turned cold. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan.Kasabay ng pagngisi nya ng nakakaloko ay ang pagtanto ko sa suot nya.Hindi lang basta isang simpleng puting damit ang suot nya. Damit iyon ng isang pasyente mula sa isang mental hospital."W-What...
Sa sumunod na anim na buwan ay iginugol ko ito sa mandatory rehabilitation ko. Malaki ang naitulong nito sa akin kasi hindi lang ang isipan ko ang ginamot; parang bawat sesyon ay isang dahan-dahang pagpapakawala sa mga kadenang bakal na ilang taon ding gumapos sa buong pagkatao ko. Ang bawat nagi
Nagkaroon kami ng kaunting salu-salo pagkatapos ng mahabang yakapan namin ni Raz. Gusto sana ng pamilya nila na bonggahan ito bilang selebrasyon na rin namin kaso alam naman namin lahat na pagod kami kaya pinili na lang namin matulog at magpahinga. Sa iisang kuwarto kami nahiga ni Raz. Sa sobrang
Ang biyahe mula sa airport patungo sa tinutukoy ng Mommy ni Raz na safehouse nila ay binalot ng isang uri ng katahimikan na hindi nakakabingi, kundi nakakapagpatahimik ng kaluluwa. Habang binabaybay namin ang paakyat na kalsada, ramdam ko ang unti-unting paglamig ng simoy ng hangin, kaakibat ang am
Ang ilang oras na biyahe patungong Pilipinas ay nilaan namin sa matinding paghahanda. Habang ang karamihan sa mga pasahero ng ibang eroplano ay natutulog o nanonood ng pelikula, kami nina Raz at Lando ay nakapaligid sa isang malawak na touch-screen table, nirerepaso ang bawat anggulo ng aming pagla







