LOGINSa isang iglap ay kinasal si Kaia Wynter. Hindi lubos maisip ni Kaia na maipambabayad siya ng sariling ama sa mga utang nito. Hindi lang iyon dahil napilitan siyang magpapakasal sa walang pusong CEO ng Sarmiento Holdings para mapagamot ang kapatid niya. Para kay Tristan Sarmiento, ang kasal nila ni Kaia ay isa lamang uri ng negosyo. Isang business deal kung saan kasama niya ito sa mga business gathering. Malayo ang loob niya sa babae dahil pwera doon ay wala naman na itong ibang rason para mapalapit dito. Sa kabilang banda si Kaia naman ay sinikap na intindihin si Tristan dahil pakiramdam niya ay may tinatago itong lihim na hindi pa nakikita ng iba. Sa mga oras na magkasama si Kaia at si Tristan. Nadiskubre ni Kaia ang mga sakit na tinatago ng binata at mga madilim na sikreto kung bakit siya kinatatakutan ng lahat. Natuklasan niya din kung gaano kalaki ang gulong pinasukan ng kanyang ama dahil lang sa utang. Sa mundong puno kasinungalingan, pagtataksil at kalaban. May pag-asa nga bang maging totoo ang pekeng kasalan? Can love survive in a world where trust is dangerous? Or will the truth behind their marriage destroy them before they even get a chance to choose each other?
View More"Tell me where she is."Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Tristan kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko iyon.Nag-iba talaga ang tono ng pagsasalita niya kanina nang pabalikin niya ako dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa telepono, pero sigurado akong nasira niya ang araw ni Tristan.Sigurado akong nakakita ako ng takot sa mga mata ni Tristan kanina.Takot.Sa isang taong tulad ni Tristan? Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang makita siyang galit o ang makita siyang natatakot.Sino ba siya?Bakit parang takot na takot si Tristan na may mangyaring masama sa kanya?Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Baka nag-iisip lang talaga ako masiyado. Maybe its about business or what? Saka dapat wala akong pakialam sa kanya, right? Kasi dapat nakafocus ako kung paano siya mababayaran at paano mapapagaling ang kapatid kong si Luna.Gusto kong mag-focus isipin iyon pero nilalamon ako ng kuryusidad kong si
Wala sa sariling napatango na lang ako saka tumingin sa sarili kong plato. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Ikaw kasi Kaia. Pabida ka pa kasi! Iyan ang napapala mo.Gusto mo pa kasi sinasampal ka ng katotohanan na kaya ginagamot ang kapatid mo ay dahil pumayag kang maging kasal sa papel at sa kontrata.Napakagat labi na lang ako habang pinipigilan a ng pagtulo lang luha ko.Mas mabuti pang pilitin ko nalang kumain at lunukin ang emosyon na lumalamon sa akin. Lunukin na din pati ang kahihiyan na nadarama ko ngayon.Ano ba kasing inaasahan mo, Kaia? A little humanity from him? Nahihibang ka na ba?That was too much to expect from a man everyone in this mansion seemed afraid of.Muli akong sumulyap kay Tristan. Nagbabasa na siyang muli ng kung ano mula sa kanyang tablet. Sa tingin ko… Para sa kanya lahat ay may kapalit.Huwag mong kalimutan na tinitiis mo ang lahat ng ito para kay Luna, Kaia.Kaya mong tiisin iyan. Habang napapagamot siya kaya ko ito. Makakayanan ko ito.Napatigil ak
Kinabukasan maaga akong nagising. Nanibago pa nga ako ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.“Oo nga pala. Dito na ako nakatira sa mansiyon ni Tristan,” naiiling na saad ko sa sarili saka bumangon.Yeah, right. Kasal na nga pala ako at pinambayad sa isang estranghero ng sarili kong ama. “Kamusta na kaya si Luna sa ospital?”Simula kasi ng sumam ako dito at pinitmahan ko ang kontrata ay hindi ko na napuntahan pa si Luna. Nakausap ko naman si Luna ng dalhin siya ng isa sa tauhan ni Tristan sa ospital pero hindi pa rin ako pinapayagan na puntahan siya.Marami pa daw kasi akong dapat malaman at ayaw niyang pumayag na ako lang mag-isa ang pumunta doon. Akala ata tatakasan ko siya. Na para bang my karapatan pa akong gawin iyon… Gayong siya ang susi para mapagamot ko si Luna.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maalala ko ang sinabi ng kasambahay kagabi.Mas mabuti po sigurong huwag kayong maglalakad sa mansion kapag gabi.Hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hind
Kaia's POV Matapos umalis ni Tristan at nang marinig ko iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Lalapit pa sana ako ng tawagin ako ng isa sa mga kasambahay ni Tristan. "Miss Wynter, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid." Sambit nito Marahan akong tumango. Wala na rin naman akong ibang pupuntahan. Tahimik akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng mansion. Bawat hakbang namin ay palayo nang palayo sa kwartong iyon, lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang lugar na ito. Everything looked expensive. From the paintings hanging on the walls, the polished wooden floors, hanggang sa mga malalaking vase na nakalagay sa bawat sulok. Pero kahit gaano kaganda ang lahat… Hindi ko pa rin maramdaman na kabilang ako rito. Huminto ang maid sa isang malaking pintuan. "Narito na po ang inyong silid." Binuksan niya ang p***o. Napahinto ako. Namanangha pa din ako sa kwarto na ito. Kung tutuusin, mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay namin ni Luna. May malaking kama s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.