(Erena’s POV)
Pagkapasok ko sa sarili kong suite, I kicked off my heels, threw my bag on the couch, and face-planted into the bed feeling tired from all that happens. What. The. Hell. Was. That. Sobrang daming nangyare kagabi at ngayong umaga. Sinubakan kong isipin ang mga nangyare. Nasukahan ko ang isang lalaki. Mali ako ng room na napasukan. Worst part. Nagising akong hubad. At hindi pa ako nakaramdam ng hiya, pumayag akong magbreakfast kasama siya. Lumabas ako ng suite niya na parang hindi magulo ang mga nangyare sakin simula pa kagabi. Kahit tinatamaan na talaga ako ng hiya kanina, hindi ko pinahalata na naghuhurimentado na ang kaloob looban ko kanina. Diniin ko ang ulo ko sa unan at sumigaw. After a while, narinig ko na tumunog ang cellphone ko. Iniangat ko ang ulo para tingnan kung sino ang tumatawag. Cam. Oh god. Nag-alangan akong sagutin ang tawag. Pilit kong pinapakalma ang sarili at hinihiling na hindi niya mahalata na marami akong ganap kagabi. “What?” “Hoy!” Cam practically yelled. “Kamusta naman ang pakiramdam ng munting princess?” “I was very much alive,” I muttered. “Just… mildly intoxicated.” “Mildly? Girl, you were drinking like there's no tomorrow last night. Ihahatid pa dapat kita sa suite mo kaya lang I really have to go back. I'm just checking if you get into your room with no problem." Susunod sunod na salita ni Cam. I hesitated. “Speaking of.. room. There's quite some mess happened last night.” She went quiet. “No.. WAY... Tell me it's not what I'm thinking Erena” “Uhmm.. it's not like that. I'll explain to you all later. I have to get ready to go to the office” “I feel like I can no longer wait to hear the story. I have to see you Erena.” Tahimik akong nagiisip. "I'll see you after work—” "No! No! Pupuntahan kita sa office. Kelangan ko marinig ang kwento mo." "Mag aayos na ako. I'll bring snacks too. Hihihi." Excited na usal ni Cam. Akala mo magpupunta ng girl's night out. Natawa ako sa isiping iyon. Pero biglang bumalik sa isip ko ang mga pinagagawa ko. Kailangan ko talagang makausap din si Cam. Tumayo na ako sa higaan kahit nakakaramdam pa din ako ng hilo. Hindi ako pwedeng lumiban sa opisina ngayon lalo at naka monitor ang ama sa kilos ko sa opisina ngayon. Mabilisan akong naligo at nagbihis. By 9:52 a.m., Nasa opisina na ako at nakaupo. Ayos na ayos ang buhok at wearing my favorite red lipstick. I'm wearing a black suit and white pants. I need to show them that I had my life together. Fake it until you destroy everyone in the boardroom. Pero habang binabasa ang mga dokumento sa lamesa sumagi na naman sa isip ko ang mga nangyare kaninang umaga. Pilit ko din inaalala mga nangyare kagabi bago nangyare ang lahat ng nangyare. Hindi ko rin mapigilang isipin ang mukha niya. That stupid smirk. Ang kalmadong boses niya. At ang tawa niya na nakakapagkalma ng kaloob looban ko. Hindi. Hindi to pwede! Nababaliw na ba ako? At ang damn pancake niya. Pakiramdam ko ang tagal na namin magkakilala sa sobrang komportable ko. What was that feeling? I wasn’t the type to let my guard down. Especially not with strangers. And yet… Nagbreakfast ako na para bang normal namin yung ginagawa. Na parang belong ako sa lugar na yun. “No. Nope. Hindi. Ayoko.” I leaned forward, elbows on my desk, then grabbed my head with both hands and let out a strangled, whispered scream. “What is wrong with me?” I hissed, stomping my heel on the marble floor in frustration. Once. Twice. Thrice. The sound echoed in the room. My head dropped down onto the desk, hair falling like a curtain around my face. Then—knock knock. I froze. Great. Witnesses. Bumukas ang pinto at pumasok si Marsha, ang sobrang loyal ko na sekretarya na may bitbit na mga dokumento. “Ma’am,” ani niya, na hindi nakikitaan ng katiting na reaksiyon sa naabutan niyang itsura ko ngayon.“Documents for signature.” Unti unti kong inangat ang ulo ko. "Ms. Cameron, your friend, is also waiting outside the lobby, papasukin ko na po ba?" Bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ang pangalan ni Cam. "Yeah, let her in" usal ko pagkatapos ko pirmahan ang mga dokumento. Maya maya pumasok ulit si Marsha kasama si Cam. "Let's begin." Excited na saad ni Cam. Na kulang na lang sumigaw. "I'll you know Marsh if we need anything. Thank you." Sabi ko sa aking sekretarya. Pagkatapos maisara ni Marsha ang pinto, nilabas ni Cam ang mga bitbit niyang pagkain at inumin. "Magpipicnic ka ba? Ang dami mo namang bitbit." usal ko sa kanya. "Mukhang mahaba haba ang paguusapan natin. Hihihi" Hindi pa rin nawawala ang excitement sa kanya. Naupo siya at nagsimula na siyang pakwentuhin ako."We need to find her as soon as possible. Hanggat hindi tayo nakakasigurong wala na siya, we can't proceed with our next plan." patuloy ng lalaki. Tinitigan ng mariin ni Erena ang dalawang tao na naguusap. Pilit inaaninag kung sino ang mga ito. Abala si Erena sa pagtanaw ng biglang may lalaking tumakbo papunta sa dalawang naguusap. Hingal at mabilis itong tumakbo sa kanila. "Nakita na raw po siya pero nakatakas. Nahirapan silang habulin dahil po sa sukal ng kagubatan at dilim ng gabi." paliwanag ng lalaki. "Huwag niyo akong bigyan ng ganyang dahilan! Hindi maaring mahinto ang paghahanap. Halughugin ang buong kagubatan!" galit na saad ng lalaki. Muling napaisip si Erena kung saan niya narinig ang boses na iyon ng mahinuha niyang pamilyar din ang tinig nito gaya ng kausap nitong babae. Kumikirot man ang sugat sa kanyang braso, maingat ang bawat paggalaw at paghinga ni Erena upang hindi siya mapansin ng mga taong naroroon. Nang akmang haharap siya sa kanyang likuran, is
Matagal bago muling nagsalita si Julian. Nanatiling nakatanaw ito kung saan nagtungo si Mikhaela. Makalipas ang ilang minuto, nilingon nito si Joaquin sa ginagawa nito. "We've got some progress. After hours of questioning, we got something from him. And I also need to discuss something with you." seryosong saad nito kay Joaquin. Nagbalik ng tingin si Joaquin dito. Saglit niyang tinitigan ito bago tumango. "Sabay na tayong pumunta dun. We'll discuss it on the road." sagot ni Joaquin. Agad naglakad palabas si Julian upang ipahanda ang sasakyan. Sumunod naman si Joaquin sa kaibigan. Maya maya pa ay naulinagan na sa kalaliman ng gabi ang pag-alis ng sasakyang lulan ni Joaquin at Julian. ---- Nagising si Erena na hinahabol ang kanyang paghinga. Ramdam ng katawan niya ang pagod at tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha. Paglibot ng kanyang paningin sa paligid, nasa isang madilim at masukal na kagubatan siya. 'Paano ako nakarating dito?' Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso.
Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad
Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun
'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na
Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo