"Okay, so hindi ka nagising sa sarili mong kama, kundi sa kama ng lalaking ‘di mo kilala, tapos wala kang suot na damit sa ilalim ng kumot, tapos nag-breakfast pa kayo ng pancakes?" ulit ni Cam, halos malaglag na sa upuan sa tawa.
"Hoy!" siniko ko siya habang binubuksan ang mini drawer ng office desk ko. "It wasn’t like that!" "Oh please," sabay inat niya habang sinubo ‘yung dalang croissant. "Don’t act innocent. Alam ko ‘yang muka mong nag-eenjoy kahit nahihiya." "I wasn’t enjoying it. I was surviving," irita kong sabi habang nag-spray ng perfume sa sarili kong wrist. "Teka, gaano ka kasigurado na wala ngang nangyare?" umusbong ang kuryusidad kay Cam. Napahinto si Erina at nagisip agad ng isasagot. Para hindi mahalata ni Cam na hindi siya sigurado. Dahil sa totoo ay hindi talaga siya sigurado kung walang nangyare. At kung paano niya malalaman na walang nangyare. Naisip niya na kaninang magpacheck sa doctor para lang matahimik ang isip niya. Dahil sa 29 years niya sa mundo wala pa siyang experience sa pakikipagniig. Lahat ng lalaki nagiging ilag sa kanya makita palang siya. "I'm sure nothing happened." Kalmadong sabi niya at nagkunware pa siyang may hinahanap para hindi mahalata ni Cam na may pagaalinlangan siya. Hindi sumagot si Cam. Bigla siyang kinabahan na baka mahalata ng kaibigan. Kaya dali dali siyang nagisip ng sasabihin. "Sigurado akong wala nangyari. I mean, wala talagang nangyari. Nagpahinga lang ako sa kama niya. At oo, baka konting breakfast. With syrup. And berries. And… coffee." Napahinto si Cam. "Tangina Erin, that sounds like a honeymoon." I rolled my eyes. "Sira. Hindi ako basta-basta nahuhulog sa mga ganyang lalake, okay? I was just… drunk. And tired. And… vulnerable." "Tapos?" udyok niya. "Gwapo ba siya?" Napatingin ako sa salamin sa side ng office. Tila nanumbalik sa isip ko ‘yung itsura niya—‘yung tikas ng postura, ‘yung ngiting parang laging nananalo sa debate, ‘yung boses niyang nakakainis pero nakakaadik. I cleared my throat. "Meh. Average." "Tingin mo ba, naniniwala ako sa ‘meh’ mo?" Cam narrowed her eyes. "Girl, ‘pag sinabing average mo na, ibig sabihin Greek god ‘yun sa paningin ng mortal." "I don't want to talk about this anymore," tanggi ko, habang inaayos ang buhok ko na ilang beses ko nang sinuklay kahit hindi naman sabog. "You like him," Cam said, smug. "Hindi. I'm just… shaken. It’s embarrassing. I vomited in his bed." "And he still fed you pancakes. Alam mo kung anong tawag dun?" "What?" "Boyfriend material." Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang office intercom. "Ma’am Erina," boses ni Marsha, ang ever-deadpan kong sekretarya. "Pinapatawag po kayo ni Sir Enrico sa executive floor. CEO office." Biglang nanlamig ang batok ko. Nakita ko ang mukha ni Cam na agad naging seryoso. "Uh-oh. Daddy time?" Tumayo ako agad. "Yes. At walang good reason ang tawag ni Papa, unless gusto niya akong ipako sa conference table." "Anong ginawa mo recently na pwedeng ikagalit niya?" "Mabuti pang itanong mo kung anong hindi ko pa ginagawa." Huminga ako nang malalim, inayos ang collar ng coat ko, at kinuha ang tablet ko. "Wish me luck," sabi ko kay Cam. "Bring holy water," sagot niya, sabay taas ng kanyang latte. "At kung magtatanong si Tito Enrico kung bakit ako nandito, sabihin mo may problema ako. Or kung nalaman agad ng radar niya na natulog ka sa room ng isang estranghero—sabihin mong PR stunt." "Or I was there for a deal. For the company." "Oo, basta huwag mong sabihing pancakes ang dahilan." Napangisi ako kahit kinakabahan. Then I walked out of my office, chin up, heels loud, heart pounding. The heiress was going to face the king.Pagbalik ni Erena sa opisina, dala-dala niya ang bigat ng pakiramdam pagkagaling niya sa opisina ng kanyang ama. Ano na naman kayang naisip ng pinsan niya na yun at kailangang bumalik pa siya dito sa Pinas. Last time na nasa US siya parang wala naman itong plano na umuwe. Alam kong magiging mahirap ang pagtatrabaho ko para sa project na pinaghirapan ko kung andito si Mikaela. For sure madami kaming bagay na hindi pagkakasunduan. And knowing dad.. hays.Umupo siya sa swivel chair at napa-exhale nang malalim. Inikot niya ang upuan paharap sa bintana, tinititigan ang view ng city habang nilalabanan ang paglalambot ng loob niya.Bukod sa laging nasa spotlight ang pinsan ko na yun. Grabe din ang pagprotekta ng ama dito. Tinuturing niya itong anak at gusto niya din na magturingan na kaming magkapatid. Napairap siya. Noong bata pa kami lagi itong nakabuntot sa kanya. Siguro dahil only child din ito at wala na ang mga magulang nito sa edad na walong taon. Naalala niya ang sinabi ng kanyang
Napapangiti si Erena habang papasok sa kanyang opisina. Kahit kita niya ang pagtataka sa mga taong nakakasalubong niya mula sa baba hanggang pagakyat niya sa floor kung nasaan ang opisina niya, tuloy tuloy lang siya at walang pakialam sa paligid.Kahit ang sekretarya niya ay gulat na gulat na parang nakakita ng multo. Pero lahat yun ay iwinaksi niya at patuloy lang siya sa paglalakad. Para na siya nababaliw dahil nakangiti siya sa buong paglalakad. Hindi niya maintindihan bakit ngiting ngiti siya. Well, masaya naman talagang sa wakas ay she got the deal with the Kingson group. Pero bukod dun ang sarap ng almusal niya kanina. Para siyang nasa alapaap. Bigla siyang napahinto ng maisip kung in love na ba siya sa lalaki. Halos gusto niya ng batukan ang sarili dahil ilang araw pa lang sila nagkatagpo in love agad?Ganun na ba ako karupok? Makakita lang ng gwapo, in love na? Hindi nga naging maganda ang tagpo nila. Inihilig niya ang ulo sa sandalan ng kanyang upuan. Sino ba namang mag-aak
Napadilat si Erena.Dahan dahang nag angat ng tingin at saglit na tumitig sa kisame. Sinilip ang oras sa maliit at bilog na alarm clock sa bedside table. Maaga pa, pero gising na ako. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Of course. Sino ba naman ang makakatulog nang mahimbing pagkatapos ng nangyare kagabi?Putangina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Isipin pa lang na makikita ko na naman siya ngayong araw, nagwawala na ang dibdib ko sa kaba at hiya. Nakatitig pa din ako sa kisame habang pilit nilalabanan ang mga flashbacks na nagsisiksikan sa isip. ‘Yung ngisi nung Aki na yun. Yung boses niya. At higit sa lahat, ‘yung moment na tinawanan siya ni Cam habang nanginginig na siya sa hiya.She groaned and pulled the blanket over her head. “Ahhhhhh! Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na.”Pero kahit magtago pa ako sa ilalim ng kumot, hindi ako makakatakas sa lalaki dahil contract signing today. At he confirmed last night that I'll see him there today, sa Kingson Group HQ. Siya na sinukahan ko. At inaad
(Erena's POV)Nakalabas na siya ng Kingson Group building, ramdam pa din niya ang kaba at gulat sa nangyare. Habang naglalakad nararamdaman niyang nanghihina ang tuhod niya. Parang anytime bibigay ito. Parang naiwan ang kaluluwa niya sa conference room kung saan siya nag-present kanina. Hindi siya makapaniwalang... siya ‘yon. Si Aki.“That freakin' guy,” bulong niya habang naglalakad sa sidewalk, bitbit ang tablet at folder. Inaantay niya ang kanyang assistant na dala ang sasakyan para sunduin siya sa labas ng building. Makalipas ang ilang minuto at nakasakay na sila sa kotse pabalik sa opisina. Tahimik si Erena habang nakatingin sa labas ng bintana. Sa utak niya, parang may mini fire drill. *What the hell just happened?*“Ma’am, tumawag po sila kanina. They accepted our proposal and they want to do the contract signing tomorrow sa office nila. They are preparing the terms and contract today.” ulat ng isa sa mga staff na kasama niya na nagmamaneho.Napatingin siya sa harap ng sasaky
(Joaquin's POV)Nakaupo ako sa opisina habang inaantay ang oras ng presentation ng isang project ng Empressa Group sa kanilang kompanya.Habang nakaupo at nagiisip, kumatok ng marahan ang sekretarya ko. "Sir, nasa boardroom na po sila." Dali dali akong tumayo na parang may emergency akong gagawin. "Masyado ba akong obvious na excited akong makita siya?" Wika ko sa aking sarili.Kalmahan ko lang para hindi niya isipin na inaabangan ko siya.Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong siya ang magpepresenta ngayong araw. Erena Lopez. Ang babaeng nanggulo at sumuka sa kwarto ko noong nakaraang araw.Napangiti ako. "Ano kaya magiging reaksyon niya pag nakita ako?"Pagbukas ng pinto ng boardroom sumensya agad ako sa mga tao na huwag na mag-abalang tumayo. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng projector—mataas ang noo, kampante, confident na confident—halos mapahinto ako sa lakad.Erena.The drunk girl. The hurricane in heels.At ngayon, ang babae nagpi-pitch ng project gal
Paguwe ko galing opisina, umuwe ako diretso na sa aking bahay. Pero kahit nakauwe na, plano ko pa ring ituloy ang trabaho.Makalipas lamang ng isang oras ay dumating si Cam para manggulo. Narinig ko ang mga hakbang niya sa hagdan papunta sa opisina ko dito sa bahay."Nakabalik na pala galing bakasyon si ate Tessa? Saad ni Cam habang palinga linga na parang naghahanap ng pagkakaabalahan. "Yeah. At alam mo namang I rely on her a lot sa gawaing bahay. I probably still be staying sa hotel na yun kung hanggang ngayon nasa bakasyon pa siya" sagot ko habang abala sa pagcheck ng mga dokumento."Ayaw mo bang magdagdag ng kasama dito sa bahay mo para may kapalitan si ate Tessa?" Na tila wala sa sariling sabi ni Cam dahil abala na ito sa nakitang paglalaruan sa opisina ko. "Iniiwasan ko na baka spy ni Dad ang mahire ko. Alam mo namang lahat na lang gusto niyang pakiaalaman sa buhay ko. Tiwala na ako kay ate Tessa ilang taon na din kaming magkasama. Alam ko kung saan ang loyalty niya." Sagot ko