MasukEmilyn's POV
Napaawang ang aking bibig nang pinapapasok na ang sasakyan ni sir Gabrielle sa guard ng mansyon. Akala ko sa mga palabas sa tv ko lang makikita ang totoong mansyon. Ngunit heto na ako masilayan ko na talaga ng personal ang totoong mansyon. Hindi ko akalain na may ganito pala talaga kalawak na bakuran at bahay. " Just wait here..." mabilis na sambit ni sir Gabrielle sa akin. Mabilis din siyang lumabas ng sasakyan at umikot sa harapan. Papunta sa pwesto ko ang direksyon niya. Nagulat nalang ako dahil kusa niya akong binibuksan ng pintuan. Hala siya...yaya po ako dito ni baby Luca hindi naman ako disney princess na kailangan pang pagbuksan. Aba masyado na akong paborito ni papa God dahil hindi lang malaki ang pasahod ang binigay sa akin ng mga amo ko. May nakilala pa ako ng ubod ng gwapo at gentleman pa. Noong una ko pa naman nakita si sir Gabrielle akala ko talaga mayabang siya at mahirap siyang pakisamahan. Pero heto ako sinunod niya talaga ang habilin ni sir Larry sa kanya na ihatid niya ako sa mansyon na maayos at buo iyong tipong walang ni kunting halos man lang. Bitbit ko ang aking bag na gusto pa sana ni sir Gabrielle ang magbitbit hanggang sa loob ng mansyon. Nakita ko na si sir Luke sa sala kalaro nito si baby Luca. Agad siyang ngumiti sa amin ni sir Gabrielle nang makita niya kami. Pero agad din napakunot-noo na tila nagtatanong ang mga mata nito kung bakit si sir Gabrielle ang naghatid sa akin dito. " Magandang umaga po, sir Luke." Magalang na bati ko sa gwapo kong amo. Bagay talaga sila ni ate Tanya parehong mga magaganda. " Hi, Amanda right?" " Yes po, sir Luke. Pwede din pong Emilyn kayo po bahala kung anong gusto n'yo pong itawag sa akin." Tumatango-tango lang siya at agad na binalingan si sir Gabrielle. " Bakit ikaw ang nagsundo sa kanya, dude? Where's Larry?" Nagkibit-balikat lang si sir Gabrielle." Well, tumawag lang naman siya sa akin na sira ang sasakyan niya at may ipapasabay siya sa akin na magbabantay kay baby Luca," Aniya na nakangiti pa sa akin nang binalingan niya ako. " Thank you, dude. For the first time, nakagawa ka ng mabuti sa kapwa mo ngayon." " Fuck! Don't believe him, Emilyn," nakabusangot niyang sabi. " Grabe ka naman, dude. Baka isipin ni Emilyn hindi siya sa safe sa akin kung ako ang kasama niya." Nagtatampo pa na sambit ni sir Gabrielle. Mahina naman tumawa si sir Luke na tila inaasar pa ang kaibigan niya. " Safe nga ba? By the way, thank you, Gab." Pasasalamat na ni sir Luke sa kaibigan niya. May tinawag siyang isang katulong sa tingin ko ay matanda pa sa akin. Inutusan niya itong samahan akong ituro sa akin ang magiging kwarto ko. " Excuse me po.Salamat po ulit sa pagpasakay sa akin, sir Gabrielle." Inangat lang ni sir Gabrielle ang isa niyang kamay. Narinig ko pa ang pagtikhim ni sir Luke. Mabilis na kaming tumalikod sa isang katulong para ituro niya sa akin ang kwarto ko. " Hi,anong pangalan mo po,Ate?" matipid kong tanong. " Tawagin mo nalang akong, Ate Jolly. Taga saan ka?" tanong din niya sa akin. " Taga Butuan po ako,Ate. Kaya pasensyahan n'yo na po kung minsan magkakabaliktad po ang mga salitang Tptagalog ko." Nahihiya ko pang sambit. " Ano ka ba! Okay lang 'yan ang importante magkaintindihan tayo.Akala ko nga girlfriend ka ni sir Gabrielle,eh." Biro niya sa akin pero agad naman nag-iinit ang magkabilaang pisngi ko. " Ho? Hindi po ah. Yaya po ako ni baby Luca." " Alam ko kaso nga lang first time kasi ni sir Gabrielle na pumunta dito sa mansyon na may kasamang babae." " Jusko naman po, Ate Jolly. Sa hitsura ko at sa ayos ko na 'to mapagkamalan mo pa akong girlfriend ni sir Gabrielle. Baka nga wala lang ako sa kalingkingan ng mga girlfriend niya. " Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa." Alam mo, beh. Maganda ka, sexy at Tama lang ang height mo sa isang dalagang pilipina. Kumbaga kulang ka lang ng mga apat na paligo siguro." Napaubo naman ako sa sinabi niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Kaya natawa nalang din sa akin si ate Jolly. Maya-maya pa ay may binuksan na siyang isang pintuan sa second floor. " Ito ang magiging kwarto mo. Binilin na sa akin ni sir Luke ito. Ano nga pala pangalan mo at ilang taon ka na, beh?" Ang daming tanong sa akin ni ate Jolly. Ngunit wala ni isa pa muna ang sinagot ko dahil hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na bakit ganito kalaki ang aking kwarto. Ang buong akala ko ay sa maid's quarter din ako. " Sigurado po ba kayo na ito talaga ang sinabi ni sir Luke po sa inyo,Ate? Ito talaga ang kwarto ko? Bakit ang laki naman yata. Parang limang beses ang laki nito kaysa sa kwarto ko sa probinsya." Hindi makapaniwalang sambit ko. Tumawa naman siya. " Ano ka ba, ang daming mga bakanteng kwarto dito, beh. Ano nga pangalan mo ulit?" tila naiinip na itong malaman ang pangalan ko. " Sorry po, Ate. Emilyn ang pangalan ko. Pero iyong iba tinatawag din akong Amanda. Kaya Ikaw nalang bahala kung alin diyan sa dalawang pangalan ko ang gusto mong itawag sa akin. " " Emilyn nalang bagay sa'yo maganda at sexy." Nakangiti niyang bulalas. Ngumiti nalang ako at dahan-dahan nilapag sa sahig ang bitbit ko na bag na naglalaman na mga damit ko at personal belongings ko. Kaunti lang ang dinala kong damit dahil karamihan sa damit ko sa probinsya ay may butas-butas na. Dalawa lang ang dinala ko na may butas iyong sando at isa kong bestida. Paborito ko kasi iyon at presko sa pakiramdam. " Sige, Emilyn. Maiwan muna kita at may gagawin pa ako. Ang sabi sa akin bukas ka pa daw magsimulang magtrabaho. Hindi muna pumasok si sir Luke sa trabaho dahil siya muna ang mag-alaga kay baby Luca. Alam mo naman siguro ang kwento diba?" mahina pa niyang sabi. Kahit alam ko ang kwento nila ate Tanya at si Luke pero hindi nalang ako nagkomento pa. Hindi na din bago sa akin si ate Tanya dahil tatlong taon din siyang nanirahan sa lugar namin. At ako minsan ang taga-bantay din baby Luca doon kapag may ginagawa siyang gawaing bahay. Kaya kinuwento niya sa akin simula sa una hanggang dulo kung bakit siya napadpad sa lugar namin. Matagal ng umalis si ate Jolly sa kwarto ko pero nanatili parin akong nakaupo sa malambot na kama. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko dito. Nakakahiya naman na dito ako magbuhay prinsesa sa kwarto.Samantalang si sir Luke ang nagbabantay kay Luca dahil buaks pa daw ang simula ng trabaho ko bilang yaya ni baby Luca. Napaayos ang upo ko nang may biglang pumasok sa kwarto.Emily's POV "Alam mo, Emilyn. Ang tagal naming pinag-isipan ng papa mo kung kailan kami makakabisita rito. Hindi namin alam na si Gabrielle pala ang mag-aayos ng lahat." Ngumiti ako. "Nagulat nga din po ako,ma." "Pero masaya ako dahil may taong nag-iisip din para sa kasiyahan mo," dagdag ulit na sabi ni mama Napatingin ako kay Gabrielle. Nakatuon lamang ang mga mata niya sa kalsada ngunit napansin kong bahagya siyang ngumiti. "Salamat, iho," dagdag ni Mama. "Wala pong anuman. Gusto ko lang pong maging masaya si Emilyn." Napangiti ako at marahang hinawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa gear shift. Saglit siyang napatingin sa akin at ngumiti. Sa araw na ito, hindi lamang simpleng sorpresa ang ibinigay sa akin ni Gabrielle. Ibinigay niya sa akin ang pagkakataong mayakap muli ang dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Ang mama at papa ko. At habang pinagmamasdan ko ang masayang pag-uusap nila sa loob ng sasakyan, isang bagay ang tahimik kong ipinagpapasala
Emilyn's POV Maaga akong nagising nang maramdaman kong marahang hinahaplos ang aking buhok. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gabrielle. "Good morning, my sleepyhead." Napangiti ako habang inaayos ang pagkakahiga. "Anong oras na?" tanong ko. "Alas-siyete pa lang." "Ang aga mo namang gumising." "Matagal na akong gising. Ayokong istorbohin ang tulog mo." Naks! Ang sweet talaga ng Gabmon ko.Kasalanan din naman niya kung bakit napagod ako ngayon. Inaararo lang naman niya ako ng maigi kagabi.Kasarap! Umupo ako sa kama at inayos ang aking buhok. "May pasok ka ba ngayon?" Umiling siya. "Wala. Pero may pupuntahan tayo." Napakunot ang noo ko. "Saan naman?" "Malalaman mo rin." "Gabrielle!" Tumawa siya nang mahina habang inilapit ang mukha sa akin. "Surpresa, love." "Alam mo, hindi ako mahilig sa mga sorpresa na hindi ko alam kung saan ako dadalhin."Ani ko. " Basta siguraduhin kong matutuwa ka sorpres
Emilyn's POV Samantalang si Jessica ay komportableng naupo sa sofa na para bang matagal na siyang bahagi ng lugar na ito. Napaisip tuloy ako baka nga laging pumupunta dito si Jessica sa condo unit ni Gabrielle. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang inis. "Here you go." Inilapag ni Gabrielle ang isang basong tubig sa coffee table sa harap ni Jessica. "Thank you, Gab." "You're welcome." Naupo ako sa tabi ni Gabrielle at sadyang inilapit ang sarili sa kaniya. Ngumiti lang si Jessica nang makita niya ang ayos namin ni Gabrielle. "By the way, Gab, do you remember the restaurant we visited last time? The one I told you about?" "Which restaurant?" "The Italian restaurant near the business district. You promised you'd take me there again." Napalingon ako kay Gabrielle. "Really?" Tumingin siya sa akin. "I think she's talking about the dinner with our friends." "Yes!" masayang singit ni Jessica. "I remember that night. We had so much fun together." Napansi
Emilyn's POV At sa simpleng yakap na iyon, mas lalo kong naunawaan ang isang bagay. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa presyo ng mga regalong ibinibigay sa iyo, sa laki ng bahay na tinitirhan mo, o sa dami ng perang kayang gastusin ng taong nagmamahal sa iyo. Minsan, makikita mo ito sa isang lalaking handang maglaan ng oras para samahan ka sa pamimili. Sa isang taong nakikinig kapag sinasabi mong hindi ka komportable. At sa isang bilyonaryong nakatayo sa kusina, nagluluto ng steak kasama ang babaeng mahal niya, kahit may kakayahan naman siyang ipagawa ang lahat sa iba. Hoy...ang drama ko ngayon. Gi atay na talaga para akong maiiyak sa ganap sa araw na ito. Sana tuloy-tuloy na itong kaligayahan namin. Nang matapos kaming kumain, sabay naming niligpit ang mga plato at nilinis ang kusina. Siyempre, hindi rin nakaligtas ang mukha ko sa kaunting halik na ninakaw niya habang naghuhugas ako ng pinggan. “Gabmon!” “What, love?” “Last na iyan!” Ngumisi siy
Emilyn's POV Makalipas ang ilang sandali, nakapamili rin ako ng mga bagong panloob na damit. May mga komportable para sa pang-araw-araw na gamit at mayroon ding mas magaganda para sa mga espesyal na pagkakataon. Habang inilalagay ko ang mga pinamili sa shopping bag, napailing ako sa sarili. Sa wakas, magkakaroon na rin ng bagong buhay ang aking drawer! Hindi ko na kailangang isuot ang mga luma kong panty na halos ilang taon ko nang ginagamit. Puwede ko nang ipahinga ang mga iyon nang tuluyan. Napangiti ako sa naisip. Goodbye, old panty. Hello, new life! “Bakit ka nakangiti?” tanong ni Gabrielle nang mapansin niya ako. Mabilis kong niyakap ang shopping bag. “Wala!” “Are you hiding something from me?” “Wala nga!” Kumunot ang noo niya bago ngumisi. “Hmm. Interesting.” “Gabmon, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano!” Tumawa siya at hinila ako palapit sa kaniya. “Okay, love. Whatever you say.” Pero sa tingin niya, alam kong hindi pa roon nagtatapos ang pang
Emilyn's POV Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa lalaking katabi ko habang abala siyang nagmamaneho.Kanina pa kasi nakangiti si Gabrielle na para bang may napakalaking sikreto siyang hindi na makapaghintay na ibahagi sa akin. “Bakit ka nakangiti nang ganyan, Gabmon?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Saglit siyang lumingon sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Wala naman, love. Masaya lang ako.” “Masaya saan? Sa pagmamaneho?” “Masaya dahil kasama kita.” Ngumisi siya. “May problema ba roon?” Napailing ako at napatingin sa labas ng bintana upang itago ang ngiting kusang sumilay sa aking mga labi. Napakagaling talaga ng lalaking ito sa pagpapatíbok ng puso ko. Minsan, gusto ko na lang siyang batuhin ng unan para mabawasan ang kapal ng mukha niya. Pero paano ko naman gagawin iyon kung sa simpleng pagngiti pa lang niya ay parang gusto ko nang kalimutan ang lahat? “By the way, saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko. “Sa mall.”“Mall?” Napalingon ako sa kan
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. "
Emilyn's POVAlas syete palang ng umaga nakahanda na ako lahat-lahat. Dahil ngayon ako susunduin ng kapatid ni sir Luke daw na nangangalang Larry. Kahit hindi ko pa nakita alam ko na gwapo ito dahil kapatid ito ni sir Luke. Maya-maya pamay may sasakyan nang bumubusina sa labas ng apartment nila at
Emilyn's POV " Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yay
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman







