Mag-log in
Emilyn's POV
" Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yaya ni baby Luca na anak nila ate Tanya at sa ex fiancè daw niyang bilyonaryo at gwapo. Pinili ko na din lumuwas sa probinsya namin para matakasan ang sakit nang naramdaman ko. Excited na din akong pumunta sa Maynila dahil na rin sa mga naririnig ko na sinasabi sa akin ng mga kapitbahay namin dito sa probinsya na nagtatrabaho sa nasabing syudad. Maganda daw kasi ang syudad na ito. Sa katanuyan nga may mga wish list na akong sinulat sa maliit ko na notebook para pagdating ko doon kapag may sahod na ako mapupuntahan ko ang mga lugar na 'yon. KALALAPAG lang ng eroplano na sinasakyan ko kaya medyo may jetlag pa ako. Para pa ngang nabingi ang dalawang tainga ko dahil sa malakas na ingay kanina sa eroplano. Turbulence daw tawag n'on. First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya medyo naninibago pa ako. Napangiti pa ako dahil may kasamahan akong pasahero na nagsasalita ng bisaya. Kaya may kasabayan ako sa paglabas ng eroplano hanggang sa loob ng terminal ng NAIA airport. " Bisaya ka? Unsay trabaho nimo diri?" tanong niya sa akin. Na ang ibig sabihin ng tanong niya, kung bisaya ba ako at anong trabaho ko dito sa Maynila. First year college lang ang natapos ko dahil pinili ko huminto para magbigay daan nalang sa nakakabata kong kapatid na babae din. Ako ang panganay sa aming anim na magkapatid. Sa probinsya kasi pag sapit palang ng alas sais ng gabi kakain na kami ng hapunan tapos matutulog na. Iyon pala sabi nila kaya daw sinadya ng mga magulang namin 'yon para makagawa pa ng bago kong kapatid. Natatawa nalang ako sa biro ng mga kapitbahay ko baka nga naman kasi totoo dahil naging anim na kaming magkapatid. Ang sipag nila mama at papa gumawa ng mga kapatid ko noh? " Pila na edad nimo? Bata pa man ka tan-awon," dagdag na tanong ng bago kong kaibigan na dito ko lang nakilala sa airport. Tinanong lang naman niya ako kung ilan taon na ako dahil bata pa daw ako tingnan. " Ahm, twenty-one na ako, beh." Nakangiti kong bulalas. " Ow? Hindi halata para ka lang nineteen at ang ganda mo," Aniya na hindi talaga makapaniwala sa edad ko. " Salamat,beh, pinabata mo ako ng dalawang taon." " Pangalan mo pala,beh." Tanong niya sa akin. " Emilyn Rollan or kaya Amanda hehe..." " Dalawa talaga pangalan mo?" Tanong niya ulit. Imbes na sagutin ko siya, tinanong ko din siya kung anong pangalan niya. " Ikaw anong pangalan mo? Huwag kang gagaya sa akin na dalawa pangalan ko.Dapat isa lang." Natawa siya at mahina pa niya akong hinampas sa balikat," Betchay Dimalanta..." Ako naman ngayon ang natawa sa apelyido niya," Ang galing naman Dimalanta ang flower mo..." napahagikhik pa ako. " Buo ka pa ba?" pabulong niyang tanong. " Hala siya... walang personalan,okay? Pero buo pa ako..." pabitin kong sabi," Iyong ilong buo pa..." Nagtawanan tuloy kaming dalawa na para bang kami lang ang tao sa loob ng airport. Agad kaming tumigil nang may dumaan na mga afam. Takot lang namin baka matanong kami at dudugo pa ilong namin. Nang makita ko na si ate Tanya ay kumaway agad ako. Nagpalitan nalang kami ng numero ni Betchay para kung sakaling day-off namin dalawa magkikita kami. Agad na kaming naghiwalay ni Betchay. " Hello po,ate..." masayang bati ko kay ate Tanya. Sinundo niya ako kasama ang kanyang kaibigan na si ate Michelle.Nakilala ko na siya dahil pumunta din siya sa probinsya namin. Ang ganda ng mga ate ko kaya hindi nakapagtataka mga gwapo din ang mga kasintahan ng mga ito. " Kumusta ang biyahe?" nakangiting tanong sa akin ni ate Tanya. " Okay naman,ate. Kaso lang nalipong na ko," na ang tinutukoy ko ay nahilo na ako. Nagtawanan naman ang magandang mga ate ko. " Okay ka lang 'yan atleast nakasakay ka na ng eroplano na ikaw lang mag-isa." Aniya. Niyaya na akong sumakay na kami sa sasakyan. Nakasunod lang sa amin si ate Michelle. Madaldal din siya kaya magkasundo kami sa loob palang ng sasakyan. Diretso kami sa inuupahan nilang apartment. " Okay ka lang ba, Emilyn? Mukhang malungkot ka?" tanong sa akin ni ate Tanya nang mapansin niyang tahimik lang ako. " Oo naman po,ate. Namiss ko lang siguro ang mga kapatid at magulang ko. Namiss ko iyong bangka namin at iyong aso ko na si bogart," malungkot man pero natawa ako nang maalala ko ang aso ko na si bogart. Naramdaman siguro n'on na paalis na ako kaya panay palambing sa akin. " Huwag kang mag-alala, tutuparin natin ang pangarap mo na mapaayos mo ang bahay ninyo at mapaaral mo ang iyong kapatid." Seryosong wika ni ate Tanya sa akin. Bukod sa maganda siya ay napakabait niya sa akin. Iniisip talaga niya ako na nakakabatang kapatid. Sumang-ayon din si ate Michelle. " Emilyn... may kasalanan ako. Hindi ko nasabi sa'yo na hiniram ng mga magulang ni Luke si baby Luca. Kaya bukas okay lang ba na doon ka na sa mansyon ng mga Sebastian. Susunduin ka ng kapatid ni Luke na si Larry." Mahabang paliwanag ni ate Tanya sa akin. " Makakita ka na ng tunay na gwapo, Emilyn. Iyong tipong sa libro mo lang mababasa pero kusa silang lumalabas." Singit ni ate Michelle.Nakita ko pa na siniko ni ate Tanya si ate Michelle. " Huwag mo ngang dumihan ang utak ng dalaga natin, bestie. Wala pang boyfriend iyan si Emilyn. " " Seryoso? Sa gandang mo 'yan wala ka pang boyfriend?" hindi na naman makapaniwalang tanong ni ate Michelle. " Hindi ko alam kung matatawag na na boyfriend kasi marami naman akong naging crush at ka mutual understanding..." napakagat pa ako sa aking labi. " Mutual understanding..." sabay-sabay pa nilang sambit. " Not valid...iyong boyfriend na mag-I love you sa'yo at nag-I love you back ka din." Ani ni ate Michelle. Ngumiti nalang ako dahil nag-I love you naman ako sa ka M.U ko kaso din naman yata nag-I love you too sa akin. Kaya durog na naman ang puso ko. Mapaaray ko nalang ako...Emilyn's POV Lord, pakitanggal naman po ang pagiging gwapo ng lalaking ito kahit limang minuto lang. "Why are you staring?" tanong niya. Umiling ako. "Nothing." Ngumisi siya. "Admit it. You're checking me out." "Feeling mo!" Tumawa siya at hinalikan ang pisngi ko. "Let's go, beautiful." Paglabas namin ng kwarto wala pa sila mama at papa sa sala.Kaya tinungo ko na naman ang guest room.Baka nahiya na naman lumabas ang mga ito. "Ma! Pa!" Lumabas si Mama mula sa pintuan at sinalubong ako ng ngiti. "Anak! Ready na kami." Sumunod naman si Papa na may malawak na ngiti.Sabay na kaming naglakad papuntang sala.Kung saan nakangiting labi ni Gabrielle ang sumalubong sa mga magulang ko. "Gabrielle!" "Good morning, pa." Nakipagkamay si Gabrielle kay Papa bago magalang na bumati kay Mama. "Good morning po, Ma. Good morning, Pa." "Good morning, iho," masayang sagot ni Mama. "Halika na po kayo aalis na tayo." Masaya kaming lumabas ng condominium ni Gabriell
Emilyn's POV "Gabrielle, hindi ko naman ipinagbabawal sa'yo na tulungan ang mga kaibigan mo." "I know." "Kung may problema si sir Ashton, naiintindihan ko. Pero sana naisip mo rin na may taong naghihintay sa'yo." "I should have." Napatingin ako sa kanya. Hindi naman siguro ako demanding diba? Simple lang naman ang gusto ko. "Alam mo ba kung ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko kagabi? Bawat may naririnig akong tunog, umaasa akong ikaw na 'yon." Hindi siya sumagot. "Tinawagan kita nang paulit-ulit. Nag-message ako. Kahit isang simpleng update lang sana, Gabrielle. Hindi ko naman kailangang malaman ang lahat ng detalye ng ginagawa mo. Gusto ko lang malaman kung ligtas ka." Marahan siyang tumango. "I'm sorry, love.I'm really sorry." Napahinga ako nang malalim. "At pag-uwi mo kagabi, imbes na magpaliwanag ka, sinabi mo pang pagod ka at bukas na lang tayo mag-usap." Nakita kong bahagyang sumikip ang panga niya. "I know. I shouldn't have said that." "
Emilyn's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ilang segundo akong nanatiling nakahiga habang pilit inaalala kung nasaan ako. Hanggang sa napansin kong hindi pamilyar ang kisame na nakikita ko. Napakunot ang noo ko.Wait... Agad akong napabangon nang mapagtanto kong nasa kama ako. Nasa kama? Napalingon ako sa paligid. Pamilyar ang silid, pati ang malaking aparador at ang mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng bedside table. Ito ang kwarto namin ni Gabrielle.Pero paano ako napunta rito? Ang huli kong naaalala ay nakahiga ako sa sofa ng sala habang yakap ang unan at kumot. Hindi ko na rin namalayan kung anong oras ako nakatulog dahil sa sobrang pagod at sama ng loob. Napahawak ako sa sentido.Huwag mong sabihing binuhat niya ako.Napatingin ako sa kabilang bahagi ng kama. Walang tao.Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Maayos ang pagkakaayos ng kumot sa tabi ko, samantalang wala rin ang mga unan na ka
Emilyn's POV Pagkatapos kong mag-almusal, tinulungan ko muna si Mama sa pag-aayos ng ilang gamit sa kusina. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Paulit-ulit kong naaalala ang mga tawag ko kay Gabrielle na hindi niya sinagot. Ang mga mensaheng hindi niya pinansin. At ang pag-uwi niyang walang kahit anong paliwanag. "Anak?" Napalingon ako kay Mama. "Bakit po?" "Kanina ka pa nakatulala. May iniisip ka ba?" Napangiti ako nang pilit. "Wala po, Ma." Lumapit siya at hinaplos ang aking balikat. "Alam mo, Emilyn, hindi masama ang magtampo. Pero huwag mong hayaang lumaki ang isang bagay dahil lamang hindi kayo nag-uusap." Napayuko ako. "Ma, hindi ko naman po gustong mag-away kami." "Kung gano'n, kausapin mo siya. Hindi naman pwedeng pareho kayong tahimik." Napabuntong-hininga ako. "Sinubukan ko naman po siyang intindihin. Pero kagabi, buong gabi akong naghintay. Hindi ko alam kung nasaan siya. Tinawagan ko siya pero hindi
Emilyn's POV Nagising ako kinabukasan nang maramdaman kong may bahagyang gumalaw sa kama.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame bago ko napagtantong may nakahiga sa tabi ko. Nang lingunin ko iyon, halos mapatayo ako sa gulat. Si Gabrielle Montenegro pala... Nakahiga siya sa tabi ko, nakadapa at walang suot na pang-itaas. Nakabalandra ang isang braso niya sa unan habang nakatagilid nang bahagya ang mukha. Magulo ang kaniyang buhok at halatang pagod na pagod ang katawan. Napatingin ako sa mukha niya.Mahimbing ang tulog nito. Napakunot ang noo ko.Anong oras ba siya nakauwi? Bahagya akong bumangon at tiningnan ang orasan sa bedside table. Alas-siyete y medya na ng umaga. Napabuntong-hininga ako.Buong gabi akong naghintay sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi man lamang nag-ring ang cellphone niya. Wala rin siyang kahit isang mensaheng ipinadala para ipaalam kung nasaan siya. At ngayon, heto siya.Mahimbing
Emilyn's POV Alas-sais medya ng hapon nang dumating si Gabrielle. Na iwan ko ba kung saan galing dahil wala naman sinabi sa akin kanina nang umalis siya. Basta naniwala nalang ako kay Betchay na galing siya doon sa kanila sir Lawrence sa kapatid ni Jessica. Dahil may pinadala lang naman ang kaibigan ko na litrato.Lihim niyang kinunan ng larawan sila sir Lawrence at Gabrielle.Mabuti naman nakarating siya bago kami maghapunan.Kung hindi magtampo na ako. " Are you okay,love? Humabol talaga ako para makasama kita pati mga magulang mo sa hapunan." " E di wow..." sagot ko na pabalang. " Emilyn, anong klaseng sagot ba iyan?" " Sino si Che?" agad na tanong ko. Natigilan siya at tinitigan ako. " Che? Sino siya?" tanong din niya. " Ah, loko-loko ka,Gabmon! Ikaw nga ang tinatanong ko eh.Kasi meron nagpunta dito na babae hinahanap ka at Che daw ang pangalan niya." Mabilis siyang umiling. " I don't remember meeting anyone named Che."Aniya. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil nandit
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman
Emilyn's POV Napaawang ang aking bibig nang pinapapasok na ang sasakyan ni sir Gabrielle sa guard ng mansyon. Akala ko sa mga palabas sa tv ko lang makikita ang totoong mansyon. Ngunit heto na ako masilayan ko na talaga ng personal ang totoong mansyon. Hindi ko akalain na may ganito pala talaga
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. "
Emilyn's POVAlas syete palang ng umaga nakahanda na ako lahat-lahat. Dahil ngayon ako susunduin ng kapatid ni sir Luke daw na nangangalang Larry. Kahit hindi ko pa nakita alam ko na gwapo ito dahil kapatid ito ni sir Luke. Maya-maya pamay may sasakyan nang bumubusina sa labas ng apartment nila at







