로그인Emilyn's POV
Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman si sir Larry. " Huwag mo ng isipin iyon, Emilyn. Maraming mga bakante pa dito. At isa pa kailangan magkatabi lang kayo ng kwarto at sa nursery room ni baby Luca." Aniya. " How's, Gabrielle?" pag-iba niyang tanong. Hindi ko naman makuha ang tanong niya. Bakit niya sa akin kinumusta si sir Gabrielle. " I mean hindi ka ba niya pinagloloko? Maloko kasi ang kaibitni kuya Luke na 'yon eh." Dagdag pa niya nang wala siyang makuha na sagot sa akin. Lihim naman akong nasaktan sa sinabi ni si Larry. Dahil pinalabas niya talaga na maloko si sir Gabrielle. Hindi ko lang masabi sa kanya na binilhan pa ako kanina ni sir Gab ng paborito kong pagkain sa fast food chain. Tinatanong niya pa ako kanina kung okay lang ba ako na magpatugtog siya. At higit sa lahat pinagbuksan pa ako ng pintuan ni sir Gab. " Okay, I'm sorry kung naging puzzled ka sa sinabi ko, Emilyn. Actually hindi naman talaga as in maloko si Gabrielle. Kaso lang mag-ingat ka doon masyadong matinik 'yon sa mga babae.That’s why I’m here to remind you to guard yourself against him." Seryoso niyang sabi. Mabilis nalang akong tumango dahil hindi ko naman talaga maintindihan ang sinasabi niya. Dalawa lang naman kasi ang gustong palabasin ni sir Larry.Mag-ingat ako kay si Gabrielle dahil alam niyang hindi magkalayo na magkagusto ako kay sir Gabrielle at ayaw lang ni sir Larry na masaktan ako. O di kaya ayaw lang niyang mainvolved ako sa pangalan ni sir Gabrielle dahil alam ni sir Larry na galing lang ako sa mahirap na pamilya pero sagana naman kami sa pagmamahal kaming magpamilya. " Anyway magpahinga ka muna dahil alam namin na may jetlag ka pa kahapon sa biyahe mo. Isang linggo lang dito sa mansyon si baby Luca. Hanggang hindi pa nagkaayos sila kuya Luke at Tanya gan'on muna ang set-up nila." Tahimik lang akong tumango. Agad naman nagpaalam si sir Larry sa akin na baba na siya dahil aalis na sila sir Gabrielle. May date daw si sir Gabrielle mamayang dinner sa girlfriend niya. " Sige po, sir Larry. Thank you po." Mabilis na bulalas ko. Agad ko naman sinara at nilock ang kwarto ko baka may biglang papasok na naman ulit sa kwarto ko. Mabilis akong humiga sa malambot na kama. Hindi ko alam kung anong kadramahan na naman itong naramdaman ko. Bigla nalang kasing sumikip ang dibdib ko nang sinabi ni sir Larry sa akin na may dinner date mamaya si sir Gabrielle at ang girlfriend niya. Agad akong nagtext sa kapatid ko na nasa kolehiyo na kung kumusta na sila. Mabilis din akong nagpicture sa loob ng kwarto at nakaposing pa ako. May bigla na naman kumatok sa kwarto ko. Mabigat ang katawan ko na pagbuksan ang pintuan dahil kung gustuhin ko man ay ayaw ko sanang buksan ang pìntuan dahil gusto ko mag-emote muna. " Hi, Emilyn..." malapad na ngiti ni sir Gabrielle ang bumungad sa akin sa harapan ng pintuan.Nakahawak pa ang isa niyang kamay sa pinto. " Dumaan lang ako para magpaalam na aalis na ako. Thank you for this day, Emilyn and the friendship." Aniya. Ngumiti lang ako dahil mas Lalo tuloy akong nasaktan sa sinabi ni sir Gabrielle sa akin. Pakiramdam ko kasi ito na ang huli naming pagkikita. Ito na ang huli kong pagkakataon na masilayan man lang ang gwapo niyang mukha. " Don't be sad, Emilyn. Lagi naman akong pumapasyal sa mansyon nila Luke. So that's mean we're looking to each other again." Hinawakan pa niya ang kamay ko na may makapal na kalyo. Kaya dahan-dahan ko naman tanggalin ang kamay ko na ngayon ay mahigpit niyang hinawakan. "Bye, Emilyn..." nakangiti niyang paalam ulit. Hinintay ko lang na makaalis siya tsaka ako patakbong lumundag sa malambot na kama. Pagulong-gulong ba ako dahil kinilig lang naman ako. Hindi ko na naisip na may ka dinner date si sir Gabrielle mamaya. Ang lambot ng kamay niya grabe. Hiyang-hiya ako dahil ang kapal ng kalyo ko talaga. Matagal niya kasing hinawakan ang kamay ko. Hala siya... dalawang araw palang ako dito sa Maynila bakit may ganito nang pumasok sa isipan ko. PAGSAPIT ng gabi, bago ako kumain ng hapunan ako na ang nagpresenta kay sir Luke na ako na muna magbabantay kay baby Luca . Tumango lang naman si sir Luke bilang sang-ayon. Nilalaro ko an si baby Luca. Pero hindi ko parin maiwasan na sumingit sa isipan ko ngayon na may ka date na si sir Gabrielle iyon ang girlfriend niya. " Ate..." nagulat naman ako dahil tinawag ako ni baby Luca, marunong na pala itong magsasalita kung ano-ano. Agad ko itong binuhat at nilagay sa playpen niya. Sumali din akong pumasok dahil ang laki din ng playpen. " Good evening, Sir Gabrielle..." agad akong napalingon sa entrance na papasok mansyon. Napakunot-noo ako dahil ang buong akala ko ay may ka date ito ngayon. Agad naman tumìbok ng puso ko nang magtama ang aming paningin. Hala siya...ang gwapo niya talaga at bukod pa doon ang ganda ng mata nito nakakaakit din.Kulang nalang hihigupin ka niya papalapit sa kanya. " Hi, Emilyn... where is , Luke?" nakapamulsa niyang tanong sa akin. Nakatingala ako sa kanya dahil nakaupo ako sa loob ng playpen na kalaro ko si baby Luca. " Good evening po, sir Gabrielle. Na sa dining area na po kasalukuyan na silang naghahapunan." Mabilis na sagot ko. " Okay, thank you, Emilyn. " Nakangiti niyang sabi. Nilalaro pa niya saglit si baby Luca. " Hay, how I wish someday magkaroon din ako ng baby boy." Bulalas niya na sa akin pa nakatingin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil nagsimula na naman nag-iinit ang magkabilaang pisngi ko. Sinundan ko pa ng tingin si sir Gabrielle na tinungo na ang dining area. Nagtataka naman ako kung bakit nandito ulit ito sa mansyon eh gabi na kaya. Natigil lang ang pag-iisip ko nang bigla akong binato ni baby Luca na medyo maliit na bola na plastic. "Emilyn's POV Nandito na kami ngayon sa malaking sala sa bagong bahay na pinapagawa ni sir Luke . Dream house daw ito ni ate Tanya. Ang swerte talaga ni ate Tanya, bukod sa gwapo, mayaman ay mahal na mahal siya ng amo kong lalaki. Minsan din talaga hindi rin maganda kapag pride ang pinairal. Isipin mo iyon tatlong taon din ang nakalipas bago sila sir Luke at ate Tanya na nagkaayos. Nakakaiyak man ang story nila pero atleast sa wakas sila parin ang endgame. Ako kaya? May endgame din kaya akong katulad kay ate Tanya na kahit hindi na mayaman basta gwapo naman siyempre at responsable. Gusto ko din na hindi din masyadong mahilig sa kama baka kasi sunod-sunod ang magiging anak namin. " Emilyn...okay ka lang? Kanina ka pa diyan tahimik tapos kumikibot din iyang labi mo.May sinasabi ka ba?" Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sunod-sunod din ang tanong sa akin ni ate Michelle, Na kay sir Larry kasi si baby Luca kaya nandito lang ako sa medyo gilid na hindi masyadong pansinin. Kas
Emilyn's POV Tapik sa balikat ang nakapagpagising sa akin. Agad akong napadilat ng mata nabungaran ko agad ang gwapong mukha ni sir Larry. " Ang cute mo palang matulog, Emilyn. Kahit naglalaway ka." Humagalpak pa ito ng tawa. Mabilis ko naman pinunasan ang bibig ko sa pag-akalang baka nga may laway ako. Kaya mas lalong natawa si sir Larry. Kainis! Pinagtripan lang pala ako nito. Sarap piktusan kung hindi lang sana gwapo makatikim sana siya ng sapak galing sa akin. Pero siyempre joke lang 'yon baka makauwi ako sa probinsya namin ng wala sa oras. " Nandito na tayo sa Tagaytay." Aniya. Nilingon ko si Luca wala na siya sa baby car seat. Kinuha na pala si baby Luca sa mag-asawang Sebastian. Nakakahiya naman akala mo naman talaga pagod na pagod ako. Well, sabagay pagod talaga ako kagabi at medyo puyat may iniisip lang kasi ako kagabi. Lalo na kaninang madaling araw bago ako tuluyan nagising nandiri lang naman ako sa panaginip ko. Kaloka talaga! " Emilyn...kumusta?" masa
Emilyn's POV Ilang minuto lang ang nakalipas bumalik na si sir Luke sa sala para siya naman ang magbantay kay baby Luca. Pero hindi na niya kasama si sir Gabrielle. Bigla naman akong nalungkot sa isipin na baka umalis na ito na hindi ko namalayan. " Thank you, Amanda... kumain ka na." Amanda ang ang tawag ni sir Luke sa akin minsan naman Emilyn wala naman problema 'yon dahil kahit dalawa ang pangalan ko atleast wala naman akong kapareho na pangalan dito sa mansyon. " Sige po, sir Luke." Mabilis na akong umahon sa playpen. Agad na din akong pumunta sa kusina para sasabay nang kumain sa kanila ate Jolly. Pero nagulat nalang ako dahil nandito si sir Gabrielle nakaupo na sa mesa ng mga kasambahay. Anong ginagawa niya dito? " Ayan, nandito na si, Emilyn. Halika na kumain na tayo at sasabay daw si, sir Gab, sa atin." Wika ni ate Jolly na may nakaloko pang ngiti na binigay sa akin. Agad naman tumikhim si sir Gabrielle," Okay lang ba na sasabay ako sa inyo? Parang ayaw yata
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman si sir Larry. " Huwag mo ng isipin iyon, Emilyn. Maraming mga bakante pa dito. At isa pa kailangan magkatabi lang kayo ng kwarto at sa nursery room ni baby Luca." Aniya. " How's, Gabrielle?" pag-iba niyang tanong. Hindi ko naman makuha ang tanong niya. Bakit niya sa akin kinumusta si sir Gabrielle. " I mean hindi ka ba niya pinagloloko? Maloko kasi ang kaibitni kuya Luke na 'yon eh." Dagdag pa niya nang wala siyang makuha na sagot sa akin. Lihim naman akong nasaktan sa sinabi ni si Larry. Dahil pinalabas niya talaga na maloko si sir Gabrielle. Hindi ko lang masabi sa kanya na binilhan pa ako kanina ni sir Gab ng paborito kong pagkain sa fast food chain. Tinatanong niya pa ako kanin
Emilyn's POV Napaawang ang aking bibig nang pinapapasok na ang sasakyan ni sir Gabrielle sa guard ng mansyon. Akala ko sa mga palabas sa tv ko lang makikita ang totoong mansyon. Ngunit heto na ako masilayan ko na talaga ng personal ang totoong mansyon. Hindi ko akalain na may ganito pala talaga kalawak na bakuran at bahay. " Just wait here..." mabilis na sambit ni sir Gabrielle sa akin. Mabilis din siyang lumabas ng sasakyan at umikot sa harapan. Papunta sa pwesto ko ang direksyon niya. Nagulat nalang ako dahil kusa niya akong binibuksan ng pintuan. Hala siya...yaya po ako dito ni baby Luca hindi naman ako disney princess na kailangan pang pagbuksan. Aba masyado na akong paborito ni papa God dahil hindi lang malaki ang pasahod ang binigay sa akin ng mga amo ko. May nakilala pa ako ng ubod ng gwapo at gentleman pa. Noong una ko pa naman nakita si sir Gabrielle akala ko talaga mayabang siya at mahirap siyang pakisamahan. Pero heto ako sinunod niya talaga ang habilin ni sir L
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. " May problema ba?" tanong niya, pati boses nito ang ganda. Pinatay na niya ang tugtog para magkaringgan kami ng maayos. Tahimik lang akong umiiling ulit. Para na kasing may bumabara sa lalamunan ko. " Pipi ka ba?" kalmado niyang tanong." Ha? May pepe po talaga ako,sir." Ani ko, dahil may pempem naman talaga ako dahil babae ako. " W-What are you talking about? I ask you, kung pipi ka ba dahil kanina ka pa hindi nagsasalita. Ang layo ng sagot mo,miss..." Hala siya... iyon pala iyon. Sorry na agad, ang pagkarinig ko kasi tinatanong niya ako kung may pepe ba ako. Bakit kasi nasira pa ang sasakyan ni sir Larry, kaya tuloy kung ano-ano nalang ang nagagawa ko sa buhay. Masisi n'yo ba ako d
Emilyn's POVAlas syete palang ng umaga nakahanda na ako lahat-lahat. Dahil ngayon ako susunduin ng kapatid ni sir Luke daw na nangangalang Larry. Kahit hindi ko pa nakita alam ko na gwapo ito dahil kapatid ito ni sir Luke. Maya-maya pamay may sasakyan nang bumubusina sa labas ng apartment nila at
Emilyn's POV " Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yay







