Baby Atlas 'yan na matapang hehehe
Andrea “Ugh!” isa pa ulit na suntok ang pinadapo ni Atlas kay Kier. Doon ako napakurap kasi namaluktot na si Kier, sapo ang tiyan na nasaktan. Inubo pa dahil sa lakas ng impact ng suntok ni Atlas. Ikaw pa na bigyan ng dalawang malakas na suntok good luck na lang kay gagong Kier. Sa laking tao ni Atlas. Wala talagang laban itong si Kier. Kahit na hindi nalalayo ang tangkad nito kay Atlas. Mas may muscle naman ang asawa ko. "I will bury you alive, asshole!" Atlas said angrily. Inisang hawak ng kamay nito ang panga ni Kier mariin na hinawakan. “Tama na iyan baka mapatay mo pa. Hindi pa siya bagay na madeds. Kailangan muna niyang makulong,” anang ko kay Atlas, niyakap ko sa baywang kaya hindi natuloy ang dapat n'yang pagsapak sana kay Kier. Sinamaan ako ng tingin ni Atlas. Napanguso ako, kasi napunta ang atensyon nito sa papulsuhan ko at malutong na napamura ng makita namumula at kita pa ang bakat nito galing sa daliri ni Kier. “Tang-na!” pagkatapos sinulyapan si Kier. “I will make
Andrea Physical harassment ang kaso ni Kier. Dahil sa pagkaladkad sa ‘kin at balak na pagtangkaan ako ng masama. Paano kung hindi agad dumating si Atlas. Baka naisagawa nito ang maitim na balak. “Ano ba! Saan n'yo ba ako dadalhin?! May relasyon kami ni Andrea Keth, kaya nag-selos at nagalit lang ako dahil nilloko niya ako. Wala akong kaalam-alam na pinagpalit na pala niya ako sa ibang lalaki habang kami pa. Kaya naman pala ayaw na niya sa ‘kin,” nagsisigaw ni Kier ng matapos ang ilang katanungan na reklamo ko dahil dinala na siya upang ikulong sa selda. “Hindi talaga ako nagkamali sa ugali n'yang ex mo,” bulong ni Vianca. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Nagkamali rin ako. Akala ko mabait si Kier isang kasinungalingan lang pala. “Shit!” narinig ko nagmura si Atlas sa muling nagpupumiglas ni Kier. “Nakita mo besh? Ako ang unang masaya hindi ka naniwala sa gagong lalaking ‘yan,” saad ni Vianca. “Hayop ka! May araw ka sa akin Martinez!” si Atlas naman ngayon ang binigyan ng tin
Andrea “Kusa n'yang binigay sa ‘ming mag-ina kaya wala akong naalalang kasalanan namin ng anak ko. Tigilan mo ang kakabintang Andrea, dahil hindi namin iyon hiningi. Kasalanan ba namin kung mapagbigay 'yang daddy mo?” “Wala talaga kayong delikadesa ng mag-ina. Sanay na sanay, kumapit sa lalaki para may mahuthutan n'yo. Sino kaya ang panibago n'yong mabibiktima. Ngayon pa lang good luck na lang kawawa ang taong mauuto n'yo,” hindi ako magpapatalo sa pang-iinis ni Erica at Olivia sa ‘kin. Parang kabuwanan na ni Olivia mababa na tiyan akala ko nanganak na ito. Nagagawa pang magkipagamok kahit sobrang laki na ng tiyan. “Kasal pa kami ng daddy mo? May karapatan pa ako sa bahay n'yo at dapat lang may makukuha pa akong sustento galing sa daddy mo. Antayin mo lang dahil susulpot ako sa bahay para kunin ang nararapat sa ‘kin.” “Wahaha…pareho kayong mag-ina. Sa hilig n'yo sa lalaki. Wala kayong alam sa batas. Sa tingin mo ba Olivia, may makukuha ka pa sa daddy ko gayong may kinakasama
Andrea “Senyorito. Tiyak ang gu-guwapo at ganda ng anak n'yo ni Andeng,” sabi pa ni ate Lucy na kinangisi ni Atlas. Uminit ang pisngi ko kasi kinindatan ako ni Atlas. Need ba talaga ng kindat parang pinuri lang siya ni ate Lucy tuwang-tuwa na. Lumapit si Atlas naging maliit ang espasyo namin, pagkatapos yumuko pa si Atlas at bumulong malapit sa tainga ko. “Gusto ko iyong sinasabi ni Lucy,"' anang Atlas na kinapatda ko. “Atlas, kailangan talaga sa tainga ko magsalita?” “Why baby?” at tinanong pa niya ako kung bakit. “Kahit nakikita ko sa mata mo gusto mo pilit tinagago misis," ganado talaga ang Martinez na ito buskahin ako. “Martinez isa!” tinulak ko ulo niya. Walanghiya. Ang saya lang ng tawa kasi hindi ako nagtagumpay na itulak siya dahil inaasar ako, kapag itutulak ko babalik ulit. Lumayo ako narinig ko maloko tumawa si Atlas hindi ko lang pinansin. Kay ate Lucy ako tumingin. “Sa meat section na tayo ate Lucy,” anang ko nauna rin na lumakad. Nakangiti pa rin naman ak
Andrea Pabiro akong tinusok ni ate Lucy sa tagiliran ko ng nakatitig ako kay Atlas, habang busy maglagay sa counter ng cashier ang pinamili namin. White t-shirt lang suot ni Atlas at maong pants Pero ang lakas pa rin ng appeal ng asawa ko. Patunay nga maraming tumitingin dito at kanina pagdating namin sa cashier saglit pa ito natulala tumikhim lang si Atlas, kaya mahimasmasan si cashier. “Matunaw naman si senyorito,” tudyo ng ate Lucy sa 'king tabi. “Ate Lucy ikaw rin naman kani ka pa cute sa bagger,” ganti kong tudyo sa kaniya. “Pogi kasi kaya lang bata pa, hindi na ako niyan papatusin. Kung mayaman ako, alukin ko ‘yan kunin n'ya akong sugar mommy. P'wede naman diba?” aniya na siyang kinaawang ng labi ko. “Seryoso naman ni Andrea, parang binibiro lang kita,” sabi nito ngumiti. “Ako na!” suway ko kay Atlas ng makipagunahan magbayad sa ‘kin. Binubuksan ko pa lang zipper ng slingbag ko. Si Atlas inabot na agad ang card niya hindi na tuloy ako naka porma. Nasa bulsa kasi p
Andrea Dumating kami ng condo unit alas siyete y medya na ng gabi. Inaantok na naghihikab na ako ngunit wala pa kaming pagkain kaya pinilit kong hindi muna makatulog. Kahit gusto ko ng pumasok sa kuwarto at niyaya ako ni Atlas magbihis daw muna ako. Hindi ako sumama. Kapag kasi pumasok ako ng k'warto. Tatamarin na akong lumabas, gusto kong tulungan si ate Lucy magluto para mabilis makatapos. “Ang galing natapos agad tayo ate Lucy,” masaya ko pang sabi rito at may kasama pang palakpak. Natawa na lang si ate Lucy sa reaksyon ko. Sabi pa niya, kay dali ko raw pasayahin. Para daw ako si mommy Brenda. Ang daling pakisamahan at mabait na amo. Naghain din agad kami ni ate. Nang matapos sumenyas ako sa ate Lucy lalabas ng kitchen. “Saan ka pupunta Andrea?” tanong pa nito akala siguro basta lang ako aalis at hindi na babalik. “Ate Lucy, tatawagin ko lang po si Atlas,” sagot ko sa kaniya. “Ah okay, Andeng,” tugon nito. Nang makarating ako sa kuwarto. Nadatnan ko si Atlas na abala ka
Andrea "H'wag kayo magtatagal lalamig ang pagkain," “Ate Lucy, opo susunod kami ni Atlas. Mayroon lang siyang pinakikita sa ‘kin,” tugon ko sa kaniya narinig ko pa napasinghap ito, kaya kumunot ang noo ko. Ano bang iniisip ni ate Lucy? Talaga naman iiling-iling ako. “Sorry, siya sa kitchen na ako mag-a-antay.” Nang sa tingnan ko nakalayo na ang ate Lucy. Bumalik ang atensyon ko kay Atlas. “Pinagsisintir mo r’yan ha, mister. Ayusin ko nga itong kilay mo magkasalubong eh nabawasan ang ka-pogian mo mister,” nakangiti kong sabi ngunit waley effect dahil lukot pa rin talaga ang mukha ni Atlas. Hinilot ko ang nag-isang linya na kilay ni Atlas. Habang pigil na pigil akong tumawa. Parang bata itong asawa ko na hindi binigyan ng kendi, kaya sinumpong ayun ang kilay nag-isang linya. Nakasimangot din. “Kumain na tayo please...gusto ko na rin matulog inaantok na rin ako,” ani ko kaya mabilis siyang kumilos. Humugot ito ng hanging at inalalayan pa rin akong tumayo kahit may toyo na
Andrea “Ate Lucy, hugasan mo lang po mga ginamit nating plato. Ipagpabukas mo na lang po maglinis dito,” saway ko sa kanya ng kukunin niya ang mop sa laundry area para mag-mop pa rito sa kitchen. “Ngayon na lang Andeng. Mabilis lang naman gawin ‘to,” ayaw papigil na tugon niya sa ‘kin. Lumingon ako ng marinig ko ang yabag na papalapit. Binalikan pala ako ni Atlas. Tumawag kasi sa kaniya si daddy Mattheus pagkatapos namin kumain. Mayroon yatang tinanong nagpaalam sa ‘kin si Atlas. Pupunta muna raw siya ng k'warto namin kasi naroon ang laptop. “Baby, hindi ka pa inaantok?” tanong nito nakahalukipkip pa palitan kami ni ate Lucy tiningnan. “Patungo na nga dapat ako sa k'warto ng dumating ka?” “Tara na kung gano'n,” tugon nito’t nilapitan ako. Nagpaalam ako kay ate Lucy. Hindi na ako tumutol ng umakbay si Atlas sa ‘kin iginiya niya na akong lumabas ng kitchen. Inaantok na rin talaga ako, patunay lang ang paghihikab ko ngayon ng sunod-sunod. Natawa si Atlas. “Inaantok ka na
Andrea “Maxine naiintindihan kita. Pero wala ka bang balak hiwalayan si Paul? Matagal ka na rin naman nagtitiis sa kaniya. Kapag kusang loob naman ang binigay n'yang tulong. Hindi mo kailangang makonsensya. Basta ‘wag kang mahihiya magsabi sa ‘kin ha? Dahil sa abot ng aking makakaya. Handa kitang tulungan. Lakasan mo ang loob mo. Nasaan ang mataray Maxine mukhang bahag na ang buntot ngayon,” wika ko pa at pareho na kaming kumalas sa isa't isa. “Woi!” natawa ako ng sumibi si Maxine. Kaya naman muli ko siyang niyakap upang pakalmahin. Mas lalong lumakas ang iyak kaya hinayaan ko munang nakayakap siya sa ‘kin. Dumaan ang katahimikan. Parang nahimasmasan na si Maxine. Wala ng tunog ang hikbi nito at dahan-dahan na kumalas sa yakap ko. “Okay ka na?” tanong ko at tumango siya at nakangiti na ngayon. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mata Maxine pilit lang nitong itinatago. “Gusto ko. Gustong-gusto ko makawala na sa kaniya, Andrea. Pero paano? Hindi lang basta lang si Paul. Natatakot
Andrea Nang bumalik si Atlas sa condo unit namin umahon ang tatlo. Sabi ko nahihiya lang sila kay Atlas. Kaya ayaw magsiahon ng tatlo kong kasama. “Kain na tayo,” niyaya ko sila sa dalang meryenda ni Atlas. Pinagsaluhan namin ang dalang pizza ni Atlas. Dalawang malaking box kaya naman hindi namin naubos binigay ko sa duty guard. Si ate Lucy, nagpalipas lang ng kabusugan maya-maya rin bumalik din agad sa pool dahil gusto pa raw n'ya lumangoy. Kaming tatlo ang naiwan nagkwentuhan na lamang kaming tatlo. “Kayong dalawa kasama sa entourage sa kasal namin ni Atlas, ha? Besh, maid of honor ka at Ikaw naman Maxine bridesmaid.' Nanlaki pa ang mata ni Maxine. Para bang hindi niya inaasahan na kukunin ko siya na abay sa aming kasal ni Atlas. “S-salamat A-Andrea. Ang bait mo talaga at ang ganda pa. No wonder maraming nagkakagusto sa ‘yo,” sabi nito biglang naging malungkot ito. “Parang hindi ako naniniwala na maganda ako. Kasi kapag tumabi ka sa ‘kin lalamunin lang ang kagandahan ko
Andrea The next morning, I woke up dizzy and felt like I was going to vomit. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama nagmamadaling tumakbo patungong CR sa takot naabutan ako sa kama. Naulinigan ko pa napamura si Atlas, baka raw ako madulas hindi lang ako sumagot. Narinig kong bumangon din siya at sinundan ako ni Atlas. Dahil bumukas ang pinto ng CR hindi ko lang pinagkakaabalahan lingunin dahil masakit ang sikmura ko dahil sa patuloy kong pagsusuka. Kaya rin hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na sumunod agad siya sa akin. Eh, kung magtatagal pa ako baka sa kama ako abutan. Dahil sakto lang din pagdating ko sa bathroom sink nilabas ko ang kanina pa pinigilan ko umiikot sa tiyan ko. Naiiyak na ako at pinagpapawisan ng malamig. Nanghihina rin ako dahil sa walang katapusan na pagsusuka kahit mapait na laway lang din naman ang sinusuka ko. Kumalma lang ako ng haplusin ni Atlas ang likuran ko nag-aalala ito sa ‘kin panay tanong kung ayos lang ako. Dahil wala akong lakas na
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
Andrea Nang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya. "Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga. "Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael. Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina. "Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko." "Edi wow na lang," Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na k
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”