Pa wait na lang po ang two chapter pa. Kapag talaga po school days. Hapon or gabi ako usually nag-a-update mga labs readers. Kasi busy ang author sa paghatid sundo sa junakis ko. Kapag minsan maaga ako nakalalapag ng update kapag may naka stock na akong chapter. Kasi on the spot po ako nagsusulat mga, ma'am. Kaya po talaga minsan ginagabi. Anyways maraming salamat po sa inyo
Andrea Kakilala mo pala iyon pare? Bakit kita ko may gusto ka kay Ms. ganda. Pare nakita mo buntis na though maganda talaga pre. Naulinigan ko pa ang sinabi ng lalaki sumundo kay Paul. Hindi lang nag-isip na malakas ang boses at naririnig ko ang usapan nila o, baka naman sinadya na iparinig sa akin. Pero para saan naman? Bakit kailangan niyang iparinig sa akin. Kumunot ang noo ko ng lumingon pa si Paul at sa paraan ng titig at ngiti niya para bang humingi siya ng paumanhin dahil sa katabilan ng dila ng kasama niya. I nodded. Nag-apir naman sila ng lalaki sumundo sa kaniya. Kaya nagsalubong ang kilay ko. Gago, may nakatutuwa ba sa akin bakit masaya sila ni Paul? Tss ano iyon? May pinag-uusapan ba sila tungkol sa akin? Nang maisip iyon ay nilukuban ako ng konting kaba. Sinundan ko ng tingin hanggang sa pinto. Pagkalabas nila Paul ng pinto may tumigil na magarang kotse. Sumakay ng kasama n'yang lalaki sa huminto na kotse. Ibang kotse na naman ang nakita ko. Andeng car dealer si
Andrea Nagulat pa si Atlas pag-uwi niya ng makita niya si ate Lucy. Kakamot sa buhok niya si ate Lucy habang kinakausap ni Atlas. Bakit sabi ko raw hapon pa siya darating. “Akala ko dinadaya ako ng mata ko pagkakita kay Lucy kanina," ani pa Atlas. Nasa hapagkainan na kami at malapit na rin matapos kumain. Ako ang nagluto ng ulam katulong ko si ate Bituin dahil mabilis siyang natapos maglaba. Nagising din naman agad si ate Lucy pagkalipas ng isang oras sadyang idlip lang talaga ang ginawa niya tulad sa paalam niya sa ‘kin. Ngunit pinagpahinga ko na kahit sinabi sa akin siya na ang magluto. “Ayan ate Lucy. Lagot ka kay boss Atlas na prank mo siya,” biro ko pa sa kaniya. “Gusto ko lang i-surprised si senyorita hehe,” sagot niya kay Atlas. Hinatid ko sa pinto si Atlas ng papasok na. Alas-una na nga ng hapon at kung tutuusin ay late na nga siya papasok ayaw umalis. Ganun pa rin kapag aalis after tanghalian hirap nito lumayas. Nakadikit lang sa akin akala mo hindi kami nagkiki
Andrea “Sabi mo aalis ka na bakit narito ka pa sa living room?” natatawa ako kay Atlas ng maabutan ko paglabas ko ng kuwarto namin na parang babalik siya sa kuwarto. Mabuti na lang sumunod ako lumabas sa kaniya nahuli ko hindi pa umalis. “Gusto pa kitang makita baby,” honest n'yang sagot hinapit niya ako sa baywang humalik sa gilid ng ulo ko. “Tara na nga ihahatid na kita sa pinto baka abot ka pa ng tanghali sa pagdadalawang-isip na umalis. Kahit sa pinto ayaw pa akong bitiwan. Talaga naman hindi na nagsawa humalik itong asawa ko. Akala mo kung umasta hindi niya ako palaging nahahalikan. “Labas na,” tinulak ko na siya sa dibdib. Nakatawa naman ito at hinuli ang kamay ko hinalikan niya. Nagkatawanan kami dahil matagal ako bago bitiwan. Napapalilng na lamang ako ng sa wakas binitiwan ako at tuluyan siyang lumabas sa pinto. Dahil nasa living room naman ako hindi muna ako bumalik sa k'warto namin. Lumabas si ate Bituin galing sa silid. Niyaya ko siyang tumambay kami sa sofa ng
Andrea “Dahan-dahan sa pagmamaneho hijo,” bilin ng Tita Magda ng ihatid sa kotse ni Atlas, kasama ni Vianca. “Tita magi-ingat po ako. Kasama ko ang mag-ina ko kaya alalay lang sa maneho,” magalang na sagot ni Atlas sa kaniya. Kinuhit ko sa braso niya si Vianca. “Ingat sa biyahe n'yo ha?” ani ko. May regalo kasi sa kanila pa Boracay ng isa nilang Ninong. Aalis sila bukas ng madaling araw at one weeks sila roon na mag-asawa. Inantay pa kami nila tita makalabas ng gate ni Atlas bago sila bumalik ni Vianca sa loob. Ako naman panay ko rin tanong kay Atlas kung okay lang siya. Alalay lang naman si Atlas sa pagmamaneho ngunit maganda ng makasigurado. Pinayagan ko kasi sumali si Atlas sa Tatay at kuya ni Vianca na mag-inom. Hindi siya maka enjoy sa amin sa loob dahil mga babae kaya pinalabas ko para maka jamming sa Tatay at kuya ni Vianca. Maging nga ang asawa ni Vianca. Nakainom na rin pero tingin ko naman kay Atlas hindi gaano'ng uminom. Namumula lang talaga ang pisngi nito dahi
Andrea “Baby, sure ka kaya mong umalis?” nag-aalala tanong ni Atlas ng ibaba niya ako sa kama. Paggising ko masama na ang pakiramdam ko. Katatapos ko lang sumuka kaya galing kami ng CR ni, Atlas. “Oo naman kaya ko. Diba tuwing umaga lang naman ganito ako. Malala lang talaga ngayon dahil paulit-ulit hindi ka pa nasanay,” sagot ko at saglit akong pumikit. Dapat magpapahinga lang ako kasi nanghihina ako sa katatapos na pagduduwal. Nakatulog naman ako. Tumabi rin pala si Atlas sa akin nagising kami alas-diyes na ng umaga. "Okay ka ba talaga?" anang Atlas pinasadahan ako ng tingin hinalikan din ako sa buhok ko. "Oo ayos na ako. Saglit lang kailangan kong i-text si Vianca baka tapos na sila sa city hall," Bumangon si Atlas upang kunin ang phone ko. Naiwan ko pala sa couch kagabi dinala ni Atlas sa akin. “Marami ng text si Vianca,” sabi ko kay Atlas kaya tumawa ito. Biniro pa ako lagot daw ako magtatampo si Vianca. Binasa ko lahat ang mga text ni Vianca. Habang binabasa ko nai-im
Andrea Pagdating sa k'warto. Nag-shower muna si Atlas. Nagbihis na rin ako ng pantulog at kinuhaan ko na rin si Atlas ng bihisan niyang damit at dinala ko na rin sa kama. Sumampa na rin ako sa kama ngunit hindi pa maaayos ang higa ko dahil sumandal pa ako sa headboard ng kama kasi tatawagan ko pa si daddy para kumustahin sila ni Alvina. Nakita ko sa messenger ng mag-open ako online si dad saktong-sakto ang naisip ko tawagan siya ngayon. Si daddy kasi bihira kung mag-online. Swerte na kung tatlong beses sa isang linggo kaya ngayon naka tsamba ako pagbukas ng messenger ko online si dad. Video call kasi ang gusto ko para makita ko ang cute kong kapatid na si Alvina. Sana lang gising pa ngayon minsan kasi ay maagang natutulog si Alvina. Tss tagal ni daddy sumagot aba. Busy ba o tulog na? Wala pa naman alas-nueve ng gabi ganitong oras gising pa si daddy ngunit nasa silid na niya ito nagpapaantok. “Hello daddy, ang tagal mong sagutin,” reklamo ko kandahaba pa ang nguso ko. Napansi