Share

Chapter 6

"Pero bakit kailangan namin madamay! ni hindi nga namin kilala yung lalaki na yun!"  napatayo na sigaw ni Cita.

Nandito kasi kami ngayon sa office ng Dean. Pinatawag kami kasi nahagip at nakita sa cctv yung ginawa namin na pag tulong doon sa lalaki na siyang sumaksak kay Sir Diaz.

"Pero bakit niyo nga tinulungan?" napatingin ako dun sa isang nakatayong police na nagtanong. Medyo bata bata pa siyang tignan. Mga ka-edad lang siguro namin siya. Ang bata naman niyang Police, isip isip ko.

"Akala kasi namin, pinagtitripan lang siya. Hindi namin alam na police pala si Rogerr at hinuhuli lang yung lalaki." paliwanag ulit ni Cita. This time hinawakan ko na siya at pinaupo. Yung kamalditahan at katapangan kasi ni Cita, natatanaw ko na. Buti na lang wala dito si Dean. Jusko po! Baka pumutok na ang ugat nun sa stress dahil sa inaasal ni Cita, ngayon. Apat lang kasi kami na nandirito. Ako at si Cita at yung police na naka uniporme na nakaupo lang n para bang walang anngyayari na sagutan sa harapan niya. At yung police na nakatayo. Naka t shirt lang siya na puti at slack na itim at boots.  Medyo kalbo siya.

"Pasensya na po.." sabi ko. "Hindi naman po namin alam na magiging ganito yung kakalabasan ng ginawa namin. Pa--"

"Kung hindi niyo sana tinulunga na makatakas yung lalaki, edi hindi sana  nagpagala gala yun at nasaksak yung Professor niyo!" sigaw ulit ng police na nakatayo.

Mabilis na napatayo si Cita dahil sa narinig.

"Ano ka ba!?" Balik na sigaw ni Cita. Pati ako ay napatayo na rin. "Police ka ba talaga?! Bakit ganyan mga reasoning mo, Ang Bobo!"

"Bakit kami ng kaibigan ko yung sisisihin mo?! Diba trabaho niyong hulihin yun diba? O baka kasi, hindi ninyo lang kaya!"

"Huwag mo kong sabihang bobo! Hindi ako bobo! Baka gusto mong arrestu-"

"Oh bakit? Arestuhin mo! May warrant of arrest ka? Bobo!" wala naman akong ginawa kung hindi ang  ibaba yung kamay ni Cita sa pag duro sa police. Nagtataka naman ako bakit hindi nakikisali yung isang police. Yung tumawag kay Rogerr nung nakaraan. Nakaupo lang siya ngayon at hawak ang cellphone. Pangiti ngiti pa.

"Cita.. tama na yan.."

"Bastos talaga yang bunganga mo!" yung Police. "Kakasuhan kita ng Oral Defamation!"

"Edi go!" hiyaw ni Cita.

"Kakasuhan din kita ng falsification of evidence! Dahil bobo ka, sa amin mo pinupunta yung kaso! Imbes na hanapin niyo yung suspek para matapos na itong imbestigasyon niyo! Kami dito yung pinipiga ninyo, pinapaliko liko mo lang 'to siguro, para lang may masisi kayo!" nanlaki yung mata ko sa gulat sa sinabi ni Cita. Nakita ko rin na napangisi yung nakaupong police. Na pinaglalaruan ang sumbrero niya na nasa kandungan.

"Cita.. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" bulong ko sa kanya. ako kasi yung kinakabahan para sa mga sinasabi niya.

"Dami mong alam--"

"Oo, dahil nag aaral ako! Bobo ka kasi!"

"Sumusobra ka na!" lalapit na sana sa amin yung police ng biglang bumukas yung pinto.

Sabay sabay kaming napalingon don.

Si Rogerr.

Lahat kami napatigil at pinanood lang siya sa paglakad niya.

"Bok.." sa wakas ay nag salita na yung nakaupong police at nabasa ko na yung nasa dibdib niya na natatakpan kanina pa. 'VILLANUEVO' ang nakalagay. Tumayo ito at agad na sinalubong ng kamayan ang kapwa pulis.

"What's happening here?" agad na tanong nito pagkalapit sa amin. "Pinagpipiyestahan kayo don sa labas." napatingin ito sa akin.

"Ang ingay niyo." dagdag pa nito.

"Eh siya e!" duro ulit ni Cita dun sa kanina pa niya kaaway. Ako naman ay binaba ulit ang kamay niya.  "Kami yung sinisisi! Tapos yung reasoning niya, hindi pang police!"

Mabilis na sinulyapan lang iyon ni Rogerr para matignan lang ulit kami. Akala ko may sasabihin siya pero hindi siya nagsalita.

"Kakasuhan ko siya!" hindi pa rin matigil si Cita

"No need for that." si Rogerr. "Alcaraz bumalik ka na sa Post mo."

Agad na tumalima ito. "Yes, Sir!" at sumaludo pa.

"Kayong dalawa, maupo kayo." mabilis naman akong umupo pero si Cita..

"Hindi!" hiyaw ni Cita.

"Cita, umupo ka na.. uupo lang naman e." pilit ko siyang hinihila paupo. Pero matigas siya e. Napasulyap ako dun kay Rogerr. Nakatingin din pala ito sa akin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

"May ilang katanungan lang kami sa inyo." sabi nung Villanuevo.

"Pero-"

"May choices kayo. kung sasagutin niyo o hindi. Hindi namin kayo pipilitin. Karapatan niyo yun, Miss." nakangiting sabi ulit ni Villanuevo.

Saglit nag isip si Cita. Tinitimbang pa ata niya kung nagsasabi ng totoo ito. Pero, bakit kanina yung isang Police..

"Eh bakit kanina yung isang Police, kung makapagtanong!"

"He's not a Police officer, yet. estudyante pa siya." sagot naman ni Rogerr.

"Bwisit pala yun e! Kapal ng mukha niya mag-" napatigil si Cita ng bumukas ulit ang Pinto at si Dean na ang pumasok.

"-Goodmorning po, Dean.." magalang na bati nito.  Nagulat ata yung dalawa naming kaharap sa bilis ng pag babago ng katauhan ni Cita kaya napailing sila.

"Good morning po!" sabi ko.

"Goodmorning, Maam, Pacaigue." bati nung dalawa.

"Goodmorning din. Maupo na kayong lahat."

Nag umpisa na silang mag tanong sa amin ng kung ano ano. Hindi nag sasalita si Cita, kaya ako ang nagsalita.

"Hindi po talaga namin kakilala yung lalaki na yun, pasensya na.." sabi ko nang tinanong nila kami kung kakilala ba namin yung lalaki. "Nag kataon lang siguro na nangyari yung nangyari. Kung alam lang namin na masamang tao pala iyon, sana ay hindi na lang kami nakielam."

"Bakit ka ba nag papaliwanag sa kanila? May karapatan kang hindi sumagot, Abi!"

"Alam ko. Pero wala namang masama kung sasagutin natin sila ngayon para matapos na ito. Para hindi na tayo madawit."

"Tama siya, Miss.. Mas mad--"

"Huwag mo nga akong kausapin!" nakairap na sabi ni Cita kay Mr. Villanuevo.

"Miss Sanchez, huwag mong kausapin ng ganyan ang isang police.." ani ni Dean Pacaigue.

Mabilis namang tumalima si Cita. "Sorry, Maam." nakayukong sabi ni Cita. Nakita ko namang titig na titig si Mr. Villanueva kay Cita.

"Sorry, Sir." sabi ko na lang para kay Cita.

"Bakit ka nag sosorry?" seryosong tanong nito.

"Ah.. kase.." hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Dapat ba.. may 'po' ano ba..

Tumayo si Rogerr sa kalagitnaan ng paghihirap ko. "That would be all, Maam. Thank you for your cooperation." magalang na sabi nito at nakipag kamay pa kay Dean.

"Salamat din. Sana'y ma solve niyo na ang kaso at mahanap na ang salarin, para mabigyan na ng hustisya ang nangyari kay Propessor Diaz." ani ni Dean na tumayo rin.

"Pwede na po ba kaming umalis din, Maam?" agap ni Cita.

"I guess? Ask Inspector's."

"Pwede na rin ba kaming umalis?" ani ni Cita na napakabait lang talaga sa panlabas.

"Miss Abad can go, Pero si Miss Sanchez hindi." si Villanuevo. Na mariin ang pagkakatitig kay Cita.

"Pero.. Bakit?" agad na tanong ko. "Sabay po kaming pumasok dito, dapat po sabay din kaming lumabas."

Napabaling ito sa akin. "Yeah. Pero kanina sabay ko kayong tinanong pero, hindi kayo sabay sumagot." paliwanag nito. "Bok, ilabas mo na si Miss Abad."

"At sino may sabing papayag ako?!" si Cita.

Bumaling naman si Villanuevo kay Dean at hindi pinansin si Cita. "Pwede ko po ba na hiramin ang office niyo Madam, kahit saglit?"

"Ofcourse." tango ni maam. "Kailangan ko na rin umalis kaya hindi ko na kayo masasamahan okay?" bumaling naman si Maam kay Cita. "Be good, Miss Sanchez." yun lang at binitbit na nito ang maliit nitong bag tsaka lumabas. Nakita kong nakamasid lang si Rogerr sa amin.

"Hindi ako papayag!" protesta pa rin ni Cita.

"Hindi din ako lalabas.." sabi ko rin. Hinawakan ko sa likod si Cita bilang suporta sa kanya.

"Bok.." rinig kong tawag ni Villanuevo. Nakita ko namang tumango lang si Rogerr. At pagtapos nun ay hinawakan niya ang braso ko at inalalayan palabas.

"Abi!" tawag ni Cita.

"Hindi sabi ako lalabas.. Hihintayin ko na lang silang matapos mag usap." sabi ko.

"Hindi tayo aalis. Dun lang tayo sa labas mag hihintay." si Rogerr.

"Ayoko pa rin iwan si Cita dito."

"Hindi naman ilolock ang pinto." sabi nito. Pero ayoko pa rin. Mukha pa namang sangganong malinis yung kasama niyang police.

"Sige na Abi, Sumama ka na.." si Cita. Nilingon ko siya at nakikipag tagisan siya ng titig kay Villanuevo.

"Sure ka?" tanong ko pa.

Tumango lang siya at hindi nag salita. Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas. Tulad ng sinabi kanina. Hindi namin sinara yung pinto at nanatili iyong nakabukas. Nanatili lang ako sa tabi ng pintuan. Nag aabang.

Ano naman kayang sasabihin nung Villanuevo na iyon kay Cita, at bakit kailangan pa namin lumabas? May kinalaman ba iyon sa kaso?

Nag aalala kasi ako, sa bunganga pa naman na meron si Cita, hindi ko matanggal sa isip ko na baka mapikon yung Police na iyon. Tulad na lang nung lalaki kanina na nakaaway ni Cita. Matabil kasi talaga yung dila nun. Kaya madalas may kaalitan. Pero ibang usapan kasi ito kasi Police e. Baka mapikon tapos.. Arestuhin tapos... Ay nako! Huwag naman po..

"Bakit ka nakatingin?" nang napansin kong matagal na siyang nakatitig sa akin.

Umiling lang at hindi nag salita.

Napatingin ako sa relos ko.. 15 minutes na silang nasa loob ah?

"Ano bang pinag uusapan nila?" di makatiis na tanong ko. Nag aalala na kasi ako.

Nagkibit balikat lang siya.

Napakunot ang noo ko. Ayaw ba niya akong kausap? Bakit hindi siya nag sasalita?

"Hindi naman siguro sasaktan ng kasama mo yung kaibigan ko diba?" subok ko pa ulit.

"Matias, is not like that." yun oh! Nag salita rin. Matias pala yung name nun

"Sa ti--" hindi ko na natapos yung salita ko ng biglang bumukas ng pinto at nakita ko ang nakangising si Cita.

"Ano ang nangyari?" tanong ko. "Sinaktan ka ba? Bakit namumula yang labi mo?" tinignan ko si Villanuevo pero seryoso lang ang mukha nito nakatitig kay Cita.

"Wala! Basta Abi, tara na!" ani ni Cita at walang sabi sabi na hinila ako paalis doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status