LOGIN------ Naniniwala ka ba sa mga 'Angels?' Diba kasi sabi nila lahat daw tayo binigyan ni God ng kanya kanyang Guardian Angel para bantayan tayo. Naniniwala ba kayo dun? Ako kasi, Oo naniniwala ako. Ramdam ko na Andiyan lang siya. Lagi niya akong binabantayan, at panigurado rin na namomoblema rin siya dahil sa kapilyahan ko. Bakit ko nasabi?
View MoreChapter 38Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako. Grabe lang..Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko."Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko. "Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?" Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumal
Chapter 37Habang papalapit ay pinupunas-punasan ko ang pisnge ko. Tumayo lang ako sa may gilid niya. Humihikbi. Tinitigan ko lang siya habang nanonood siya ng tv.Ilang sandali lang ay napansin din niya ako. Napatayo siya."Abigail, bakit? Anong nangyari sayo, bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong na lalong nagpaluha sa akin. Kahit pa masama ang nagawa ko kaninang umaga sa kanya, ay kaya niya pa ring itanong sa akin 'yon."Sorry ate.." sabi ko at mabilis na siyang niyakap..Yun lang ang nasabi ko at hikbi na ako ng hikbi.. Alam kong nagtataka siya pero.."Sorry po..""Wala nga siyang tiwala sa akin e." sagot ko. "Hindi mo ba naisip na baka nag aadjust pa si ate chacha?" napabaling naman ako sa kanya."Ito ang unang pagakakataon na may kahati si ate chacha sa atensyon mo, bukod sa akin. Baka naninibago lang siya sa mga nangyayari sayo. At talaga naman na may tiwala siya sayo. pero bilang first time niya na makita na may pinaglalaanan ka ng panahon bukod sa kanya, Kaya ayun..hi
Chapter 36Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa aking buhok ng tawagin ako ni ate sa baba. Kakaligo ko lang kasi.Hindi naman din kasi kami nag tagal ni Cita sa mall, kumain kang kami pagkatapos nun ay inaya na niya akong umuwi. Himala nga dahil hindi siya nag aya mag shopping, pero naisip ko rin na baka napagod lang siya at isa pa.. Alam kog iniisip pa rin niya yung sinabi ni Erie.Sabi ko sa kanya na dito na lang siya matulog sa bahay para magkasama kami, pero ayaw naman niya. Gusto niyang mapag isa at irerespeto ko na lang 'yon. Alam kong maglilibang lang 'yon at mag iisip isip. "Opo..bababa na.." sagot ko kay ate at mabilis na sinampay muna ang tuwalya.Nang madaanan ko ang suklay sa table ko ay mabilis kong kinuha iyon. Para magsusuklay na lang ako habang pababa. "Ate, bakit po?" tanong ko kay ate pagkalapit ko. Nasa may baba siya ng hagdan at nakapameywang na hinhintay ako."May bisita ka." aniya at nginuso ang sala. Napangiti ako ng makita kung sino yun.Si Rogerr.. nak
Chapter 35Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Gusto ko kasing bumawi kay ate kahit papaano. Ipagluluto ko lang naman siya ng breakfast at papabaunan na rin.Gising na si ate at naliligo na, kaya minamadali ko itong pritong talong at manok na ilalagay ko sa baunan niya. At para naman sa almusal ay nag luto ako ng itlog at bacon. Paborito ni ate ang bacon e."Ang bango naman.." napalingon ako ng pumasok si ate sa may kusina. Nakabihis na siya at ready na sa pag alis."Ate kumain ka muna po.." aya ko sa kanya"Syempre kakain ako.. Suhol ba 'to?"Napatigil naman ako sa pgaglagay ng kanin sa plato niya."Ate naman..""Joke lang!" aniya at kinurot pa ako sa beywang.Kumain na rin ako kasabay ni ate ng almusal. Nagkukwentuhan at panay namang asar ni ate sa akin pero hinahayaan ko na lang. Naging maayos ang usap namin ni ate kagabi. Nagkalinawan na at sinermunan ako. Which is okay lang naman. Ayos lang sa akin.Nang paalis na si ate ay muntik pa niyang maiwan ang hinanda kong p






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.