Share

Chapter 8: Appreciate Your Efforts

Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel.

Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito.

“Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyang ang sports band lalo na kung mayroon siyang training ‘pag hapon. “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala na magreview nito sa kanila.” Dagdag pa niya na siya ang class president.

“Wala namang problema, Carlson,” tugon ko habang binubuklat ang lesson notebook ko. “Saan ka ba nahirapan?”

“Sa mga tinuro na ni Yuhan. Nahirapan lang talaga ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasaulo,” paliwanag niya.

Napagtanto ko na tungkol pala ito sa mga kritisismo ng topic namin. “Agham Panlipunan kasi itong topic namin, Carlson. Sa ganitong larangan, maraming iba’t ibang ginagamit na mga teorya. Itong AGIL Scheme ni Parsons nga ang topic pero hindi pwedeng iliban yung mga reviews o mga komento ng ibang social scientists sa kaniyang theory. Layon kasi na makakuha ng tamang theory na makapagdescribe sa mundong ginagalawan natin. Kaya kaakibat ng pag-aaral ng isang teorya ang alamin din ang mga criticism din tungkol dito.”

“Bale, para lang silang nagdebate through paper?”

“Not that simple,” tugon ko. Sa totoo lang, kahit ako ay nalilito na rin. Kung hindi ko pa kayang umilag sa kaniyang mga tanong ay baka ang kaunting kalaaman ko sa Social Science ang madale. “Accept or reject hypothesis kasi yan that would contribute to the theory. Yung madalas na kinalilituhan mo ay yung mga hypothesis lang nila at ang mga criticism tungkol diyan.”

Tumahimik lamang si Carlson sa paliwanag ko. Sa pag-aalala kong baka mas lalo lang siyang nalito ay inaya ko siyang samahan na ring iabot ang tanong niya kay Sir Kenneth.

“Exciting naman pala,” bigla niyang komento. “Kahit papano ay nakikita ko yung pattern. Mas matindi siguro yung kay Merton.”

Namangha ako sa sinabi niya at napatanong, “Naappreciate mo?”

“Oo, naapreciate ko yung paliwanag mo sa akin. Mas lalo ko nang naintindihan ang topic niyo. May kulang lang pala sa foundation ko para makasabay sa mas malalim na topics.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Ganoon na nga. Foundation talaga ang kailangan. Parang sa science at math ba,” pagsang-ayon ko.

Dulot ng nabanggit ko ay napatanong siya, “Bakit nga pala Social Science ang topic niyo? Magaling naman si Yuhan sa science at math ah?”

“Depende kasi sa section kung saan kami naka-assign. Hindi ba, specialized kayo sa Arts? Kaya yun, may bahagyang Social Science na rin,” paliwanag ko. “Baka sa susunod ay may magtuturo naman sa inyo ng ibang subject.”

Hindi pa natapos ang usapan namin ni Carlson ay dumating si Yuhan. Nakasilid ang mga kamay sa bulsa niya habang nakatitig sa aming dalawa.

"Tara na," pag-anyaya niya. Nakatingin lang siya sa aming dalawa kaya tumayo ako para mapakilala si Carlson sa kaniya.

"Alam mo, natutuwa ako na interesado ka pala sa topic namin," pagsisimula ni Yuhan. Parehong matangkad sina Yuhan at Carlson. Kaya nang umalis kami mula sa table ay para silang mga tore habang nag-uusap. Napapagitnaan ako ng dalawa. Minabuti ko nang lumipat sa gilid ni Yuhan dahil marami na rin ang nagtitinginan sa amin.

Abala lamang ang dalawa sa pag-uusap tungkol sa section na napasukan nila. Nagtataka si Yuhan kung bakit ang isang matalinong kagaya ni Carlson ay napunta sa Class C. Paliwanag naman ni Carlson ay minabuti ng parents niya na sa Class C siya ilagay lalo na at pareho silang nagtatrabaho sa admin office ng school.

Maraming bulong-bulongan ang namayagpag sa corridor. Sina Yuhan at Carlson na naman ang nagpapatingkad sa usapan nila.

"Nakakainis 'to. Bakit kasama na naman ni Amber ang mga kagaya nilang loser?" rinig kong bulongan nila.

Nagpatuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya lumingon ako sa mga estudyante. I sneered at them as they realized they were heard. Sa totoo lang, gusto kong malaman kung bakit nadamay na ang kagaya ni Carlson. Alam kong madalas nang usap-usapan si Yuhan. Pero ngayon ay si Carlson na naman. At ano raw? Loser? Sa anong paraan? At bakit nabanggit na naman ang pangalan ko?

Dapat bang maflatter ako sa sinabi nila? Hindi. Sila na itong minsan nang gustong makipag-kaibigan sa akin noong sophomore year. Nakisali naman ako pero pansin ko nang mahilig silang mag-usap tungkol sa ibang tao. Lagi nila itong ginagawa para may mapagkatuwaan. Babala sa akin ni mama na kung mahilig sa chismisan ang mga ito ay malamang laman din ako ng istorya nila. They are both flatterers and discouragers. Hindi ligtas sa kanilang pananaw ang mga kagaya nina Yuhan at Carlson. Paano na lang kaya ako na matagal nang hindi nagrepresent sa Lion FC? Matagal na yun at wala pang high school.

"Anong loser? Eh siya nga quitter. Iniwan niya pa ang Lion FC. Pareho lang silang tatlo."

Sinasabi ko na nga ba at sa mga ganitong usapan naman ang pangalan ko ang nabibingwit. Umiling na lang ako at binilisan ang bawat hakbang. Tinawag naman ako ng dalawa nang napansin nilang nahuhuli ako sa paglalakad. Ngumiti lang ako at humabol sa kanila.

Matapos ang tagpong iyon ay dumiretso kami ni Yuhan sa curriculum office. Habang naglalakad ay napatanong siya kung ganoon na ba kakomplikado ang tinuro niya sa Class C.

"Hindi naman masyado. Mabilis lang, at saka magulo." Napatigil ako sa sarili kong sagot. Did I just make Yuhan feel bad?

"Ganoon ba? Hindi ko kasi mapigilan na ganoon magpaliwanag."

"Malawak lang siguro ang scope of understanding mo," bawi ko sabay gawa na naman ng espesyal na termino. "Kasi nagpapaliwanag ka sa isang topic pero nabanggit mo na naman ang isa. It's a good thing na may ginagamit kang ibang perspective to compare. Kaso lang, mostly sa mga nakikinig eh hindi rin nila alam ang ibang theory na binanggit mo. Imbes na maliwanagan eh mas lalong nalito."

"Na-outline ko naman nang maayos ah?" pagtataka ni Yuhan.

"Nasobrahan lang siguro sa sub-topics," tugon ko. Humakbang ako papalapit sa pintuan at sinenyasan si Yuhan na ako ang kakatok at siya naman ang magsasalita.

Nalito siya sa sinabi ko. Bago ko pa naulit ay bumukas na ang pintuan sa office at lumabas si Sir Kenneth na may dalang isang milk tea holder.

"Tamang tama, nandito na pala kayo," sabi ni Sir Kenneth at inaya kaming pumasok sa office. Nasa loob na si Ian at abalang nakikiprint sa project niya.

"Okay na ba ang pagrereview niyo ni Carlson?" tanong ni Ian habang nagre-refill ng papel.

"Oo. Pero ba't ang dami nito?" tanong ko habang sinusubukan hawakan ang mga pahina ng proyekto niya. Tinapik niya naman ang kamay ko sabay saway. "Para saan ba 'yan?"

"Naalala mo ba yung project natin sa AP? Yung tungkol sa demand and supply?" Tumango ako at minadali siyang sabihin na. "Hindi pa kasi ako nakapasa."

"Ano? Mamayang hapon na ang deadline nun!"

"Alam ko. Muntik ko nang matapos. Pero dapat pala realistic na mga scenarios. Anecdotal ang sa akin. Kaya kailangan kong ulitin."

Mabuti na lang at matulungin ang mga teachers ng curriculum namin. Libre lang ang magpaprint sa office basta mayroon lang papel. Nilibrehan pa talaga kami ni Sir Kenneth ng milk tea kaya masaya akong hinihigop ito habang pinapanood si Ian.

"Ayos lang ba ang pagtuturo niyo sa Class C?" tanong ni Sir Kenneth.

Ngumiti ako at tumango. "Thank you po sir sa pag-orient sa kanila. Akala ko ay mahihirapan kami sa pagtuturo doon." Ang mga kagaya talaga ni Sir Kenneth ang nagpapabuti ng high school experience namin. Sa pagkakaalam ko ay batchmate sina Ma'am Sally at Sir Kenneth. Ganoon na rin siguro na malapit ako sa kanila.

"Hindi ko naman hahayaan na mahirapan kayo, ano? Isa pa, mababait ang Class C students. Naasahan ko nang magiging maayos ang unang araw niyo sa Peer Lecture."

"Ganoon na nga sir. May new friend na rin kami," tugon ko.

Sa pagpasok ng isa pang guro na master sa quiz bee, ay naiwan naman akong walang pinagkakaabalahan sa office. Lumapit ako kay Ian at malapit na siyang matapos sa pagpiprint. Front cover na lang ang kulang.

Pero bigla na lang nag-error ang printer at nagnotify na wala na itong ink. Nagsitinginan kami ni Ian. Nagmadali kami sa paglinis sa kalat at pagtago ng mga printed copies sa envelope. Hindi na namin pinalaam na kami ang nakaubos sa ink. Nakasambit pa kami ng pagpapasalamat bago umalis sa office.

"Lagot na, Ian. Naubos yung ink!" natatawa kong sambit habang naglalakad palayo. "Paano na 'yan?"

"Papalitan ko na lang siguro ng bagong ink. Pero kulang yung baon ko. May sobra ka ba?"

Dumukot ako ng pera mula sa bulsa ko at sinabing, "Bente, kasyang pamasahe."

"Hayaan na lang siguro natin? Saka na lang tayo babalik sa office kapag may dala na tayong ink."

Ayun nga at kami na mismo ang nagban sa mga sarili namin. But little did we know, kung hindi pa binanggit ni Sir Kenneth kung bakit natagalan siya pagpunta sa class namin, ay hindi ko malalaman na si Yuhan pala ang nagresolba sa iniwan naming kalat. Siya ang nagrefill sa ink at ang nagsabing nakaubos rin nito.

Sa sobrang pagbida-bida ko na ako ang tutulong sa kaniya ay siya pala itong sasagot sa mga mali namin. Mula sa bintana ay tanaw ko siyang maiging nakikinig sa guro nila.

I really appreciate him.

Ane Daniels

A friend like Yuhan? Add this to your library and see more of their friendships going on in their time of youth. Please add your review na rin and share this to you co-goodnovelist. Maraming Salamat!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status