NATHALIE’S POV
Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. At sa pagkakataon na ito'y hindi ako iniwan ng aking matalik na kaibigan. Si Trixie na rin ang kumontak sa Arlington Funeral upang ayusin ang burol ng aking mga magulang at pati ang pinaglagyan na ICU ng kapatid ko ay siya na rin ang nag-asikaso. Kaya napaka-swerte ko sa aking kaibigan. “Nathalie, papunta na ang funeral service para ayusin ang burol nina Tito Edmond at Tita Madeline,” ani ni Trixie na akin lang tinanguan. Patuloy lang sa pag-aalo ang aking kaibigan sa akin nang lumapit sa amin si Nick. “Excuse me, Ma’am Trixie, narito na po ‘yong pinabili n’yo sa aking sandwich at tubig.” Sabay abot niya ng mga pagkain na dala niya. “Thank you, Nick, umupo ka na diyan at kumain ka na rin,” mabilis na tugon ni Trixie sa aking driver. Tumango si Nick. “Sige po, ma’am,” pagsunod niya at pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Maya-maya ay inabot sa akin ni Trixie ang isang sandwich at tubig, ngunit tinanggihan ko ito dahil wala akong gana kumain. Huminga muna ng malalim si Trixie bago muling nagsalita. “Nathalie, please naman, oh! Kumain ka muna. Simula nang pumunta tayo rito kanina hindi ka pa kumakain. Baka naman kung mapano ka niyan.” Tumingin ako kay Trixie. “Hindi ako nagugutom,” walang buhay kong tugon. Hinawakan ni Trixie ang isang kamay ko. “Nathalie, I know what happened was painful for you. Even though I am hurting from the loss of your parents, they treated me like a daughter at naging magulang din sila sa akin,” mga salitang lumabas sa labi niya. “Trixie, ang sakit-sakit dito,” daing ko sa aking kaibigan habang tinatampal ko ang aking dibdib na naging dahilan upang yakapin niya ako nang mahigpit. “Sige ilabas mo lang ‘yan. Para gumaan ang loob mo,” pag-aalo sa akin ni Trixie. Sa pagkawala ng aking mga magulang ay marami akong dapat ayusin, ngunit hindi ko alam kung paano ko papatakbuhin ang Del Prado Corporation. Ang kapatid ko ang may alam kung paano patakbuhin ang negosyo namin. Pero under comatose ngayon ang kapatid ko. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nawalan agad ako ng magulang. Hindi man lang nila naranasan ang maging Lolo at lola, na palagi nilang hinihiling kay Kuya Gab na mag-asawa na at nang magkaroon na sila ng apo. Ngunit wala sa vocabulary ng kapatid ko ang magpatali sa isang babae dahil napaka-playboy niya. Habang magkayakap kami ng aking kaibigan nang may dumating na dalawang police na naging dahilan upang maghiwalay kaming magkaibigan. “Miss del Prado, I’m SPO2 Natividad at ako po ang may hawak sa kaso na nangyari sa magulang mo,” pagpapakilala sa akin ng isang police. Ngumiti ako nang bahagya at pinahid ko ang aking mga luha gamit ang aking mga daliri. “I'm Nathalie del Prado,” pagpapakilala ko kasabay nang pakikipagkamay ko sa kanya. Tumango si SPO2 Natividad at muling nagsalita. “Miss del Prado, ayon sa pag-iimbistiga namin sa nangyaring car accident hindi aksidente ang pagkawala ng preno sa kotseng minamaneho ng ‘yong kapatid,” pagtatapat ng police sa akin na nagpakunot ng aking noo. “What do you mean?” curious kong tanong. “May pumutol sa preno sa kotse ng mga magulang. Kaya po narito kami ngayon para ma-interview ka namin.” Tumingin siya kay Nick. “Pati na rin po ang mga kasama ninyo sa bahay,” paliwanag niya na ikinagulat ko. “So may pumatay sa mga magulang ko?!” paniniguro ko na may kasamang galit. “Opo, Miss del Prado, at malinis po ang pagkakatrabaho sa kotse ng mga magulang ninyo upang hindi mahalata ang pagkakaputol sa preno ng kotse,” muling pahayag ni SPO2 Natividad. Tumingin ako sa aking driver. “Nick, sino ang huling tumingin ng kotse ni daddy?” “Si Franco, Ma’am Nathalie. Siya po ang tumitingin sa mga kotse sa bahay, pati po sa kotse n’yo,” mabilis na sagot sa akin ni Nick. Si Franco ang hardinero namin sa bahay at siya rin ang pinaka-mekaniko namin. Ngunit malabong gawin ‘yon ni Franco, dahil matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya namin at halos sabay na kaming lumaki dahil anak siya ng mayordoma namin at driver ni daddy. “Sigurado ka ba?” paniniguro ko kay Nick na mabilis nitong tinanguan. Tumingin ako sa police. “SPO2 Natividad, gawin n’yo po lahat matukoy lang kung sino ang pumatay sa mga magulang ko,” mga salitang lumabas sa labi ko. “Makakaasa po kayo.” Muli siyang tumingin kay Nick. “P’wede po ba namin isama sa headquarters si Mr…” Hindi naituloy ni SPO2 Natividad ang kanyang sasabihin nang muli akong nagsalita. “Siya po si Nick Villamayor ang driver ko. P'wede n’yo po siyang imbestigahan.” Tumango si SPO2 Natividad. “Thank you po, Miss del Prado,” mabilis niyang tugon. “Sasama po ako,” wika naman ni Nick at pagkatapos ay tumayo na ito. “Sige po, Miss del Prado, alis na po muna kami. Sa ibang araw ka na lang po namin isasama sa headquarters para sa imbestigasyon na ginagawa namin. For the meantime, lahat po ng nakatira sa bahay n’yo ay suspect sa nangyaring car accident,” pagpapaalam sa akin ni SPO2 Natividad na tinanguan ko na lang. Nang dahil sa nalaman ko’y hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa mga kasama namin sa bahay. Hindi pa man naaayos ang burol ng mga magulang ko’y sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko. Ngunit malakas ang kutob ko na may konektado sa mga kasambahay namin ang nagpadala ng death threat sa aking ama.NATHALIE’S POV “Tiffany, kung ano man ang sasabihin mo huwag mo nang ituloy!” galit na wika ni Tristan habang hawak niya ang kanyang phone. Ngumiti si Tiffany. “Who are you, Tristan? Para pagbawalan ako sa sasabihin ko? Kaya lang naman ako narito dahil si Hunter mismo ang nag-utos sa akin para sabihin kay Nathalie na wala ng kasal ang magaganap ngayon!” Sabay tingin niya ulet sa mga tao. “Ladies and Gentlemen, p'wede na kayong umuwi lahat, dahil pinasasabi ni Hunter na umuurong na siya sa kanilang kasal ni Nathalie!” Sabay halakhak ni Tiffany na parang demonyo dahil ang lahat ng tao ay magbulungan habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Tiffany. Hindi ako Basta maniniwala sa kanya kung hindi si Hunter ang magsasabi sa akin. Nagdilim ang paningin ni Daddy Matteo habang naglalakad siya palapit kay Tiffany. “Who the hell are you?! Para sirain ang araw ng kasal ng anak ko?! What did you do to my son?!” sunod-sunod na tanong ni Daddy Matteo kay Tiff
NATHALIE'S POV KINABUKASAN Dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw ng kasal namin ni Hunter, kung saan masasaksihan ng mga pamilya namin. “Ang ganda mo talaga, Nathalie,” puri sa akin ni Trixie habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. “Trixie, kahit kailan bolera ka talaga. Eh, nagsisimula na ngang lumapad ang ilong ko, eh!” sabi ko sa aking kaibigan nang mapansin ko na medyo lumalapad ang ilong ko. Napailing si Trixie. “Anong lumalapad ang ilong ka diyan? Eh, mas lalo ka ngang nag-blooming ngayon,” seryosong wika ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Trixie sa akin. Dahil sinabi sa akin ng OB ko na may mga pagbabago talagang mangyayari sa akin habang nabubuntis ako, pero babalik din daw ulet sa dati ang lahat. Katulad na lang ng ilong ko na medyo lumalapad na. At napapansin ko rin na ang kili-kili ko ay may pagbabago na rin ang kulay. “Trixie, alam mo naman na buntis ako ‘di ba. Kaya hindi malabo na pumangit na a
NATHALIE'S POV Ilang araw din akong nag-stay sa hospital pero ni hindi ko man lang nakita si Hunter sa hospital. Sinabi naman sa kanya nina Trixie at Tristan na napa-admit ako sa hospital pero hindi man lang niya ako pinuntahan. At simula nang lumabas ako sa hospital ay palagi na lang gabi dumadating si Hunter galing sa opisina. Kasalukuyan na pinagtitimpla ko ng kape si Hunter nang lumabas siya ng aming silid at may dala siyang isang luggage na maliit. “Babe, breakfast ka muna,” sabi kay Hunter. Nilingon ako ni Hunter at ang mga mata niya'y matalim na tumingin sa akin. Binitiwan niya ang luggage na dala niya at pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin. “What breakfast did you make?” walang buhay na tanong sa akin ni Hunter. Ngumiti ako. “I make some sandwiches for you and your favorite coffee, Babe” mabilis kong tugon kay Hunter. Huminga muna nang malalim si Hunter bago siya umupo sa kanyang upuan. Naninibago ako sa ikinikilos ni Hunter ngayon. Parang ibang Hunte
NATHALIE'S POV “Nick, anong ginagawa mo rito? At paanong nakapasok ka sa pamamahay ko nang walang pahintulot mula sa akin na hindi ako timatanong ng mga security guard namin?” tanong ko sa dati kong driver-bodyguard nang basta na lang siyang pumasok sa kwarto namin ni Hunter. Tumingin muna sa paligid si Nick bago magsalita. “Siya ba ang naging asawa mo?” Sabay kuha niya sa picture namin ni Hunter. “Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo!” muling sabi ko na may kasamang galit at takot. “Pinapasok ako ng mga security guard mo dahil nagpakilala ako sa kanila na dati mo akong driver-bodyguard.” Lumapit sa akin si Nick at hinaplos niya ang aking pisngi. “Alam mo, Nathalie, matagal na kasi kitang gustong tikman. Pero sagabal ang mga magulang at kapatid mo. Kaya siguro naman p’wede mo na akong pagbigyan.” Sabay dikit niya ng labi niya sa aking tenga na naging dahilan upang mas lalo akong matakot sa kanya. Itinulak ko nang bahagya si Nick upang makalayo ako sa kanya. “Anong ib
HUNTER’S POV Hindi ko na nagugustuhan ang mga pagtanggi ni Nathalie na makipag-s*x sa akin. May feeling ako na may inililihim siya sa akin. Ibang-iba siya sa Nathalie na iniwan ko bago ako pumunta sa Singapore. “Why are you so silent, p’re? May problema ka ba?” tanong sa akin ni Tristan. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, when I was in Singapore. Umaalis ba si Nathalie na hindi kayo kasama?” tugon ko sa aking kaibigan na nagpamulat sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman naitanong ‘yan, p’re?” muling tanong sa akin ni Tristan. “I feel there's something wrong with Nathalie. She has changed a lot since I came back from Singapore. And imagine palagi siyang wala sa mood na makipag-sex sa akin,” pagtatapat ko sa aking kaibigan na ikinatahimik niya. “P’re, baka naman nag-o-overthink ka lang. Kasi hindi ka nakaka-score sa asawa mo. At minsan naman talaga dumadating sa isang tao ang nawawalan ng mood sa s*x. Lalo na kung ina-araw-araw mo siya,” mga salitang lumabas sa labi ni
NATHALIE'S POV AFTER TWO WEEKS Until now ay hindi pa rin alam ni Hunter na buntis ako, although naninibago siya sa eating habit ko na hindi ko naman maiitanggi na lumakas talaga akong kumain. Excited na rin ako sa nalalapit na church wedding namin ni Hunter. At narito kami ngayon sa shop ni Totoy Madriaga upang kunin ang aking wedding gown na ako mismo ang nag-design. “Wow, you're fabulous!” puri sa akin ni Hunter nang makita niyang isinukat ko ang aking wedding gown. “Hijo, hindi mo siya dapat tinitingnan habang sinusulat niya ang wedding gown!” sabi ng isang matandang babae na nagngangalang Gina. Napakunot ang noo ni Hunter nang dahil sa sinabi ng matandang babae. “Bakit naman po bawal ko siyang tingnan, Aling Gina?” curious na tanong ni Hunter sa matandang babae. “Hindi n’yo ba alam ang kasabihan na bawal isukat ang damit pangkasal at lalong bawal makita ng groom ang bride ilang araw bago ang kanilang kasal. Pagkatapos tiningnan mo pa ang bride mo habang suot niya