MasukMapapatawad pa kaya ni Hunter ang kanyang ina? Marami pang pagsubok na haharapin sina Hunter at Nathalie..🥰🥰🥰
HUNTER’S POV “Bakit kailangan natin mag_motel?!” galit na tanong sa akin ni Nathalie Tumingin ako kay Nathalie. “Wala na tayong choice, Nathalie! Baha na sa Marikina kaya kailangan natin bumalik at maghanap ng lugar kung saan tayo p’wede matulog,” paliwanag ko kay Nathalie. “As in dito pa talaga sa motel tayo magpapalipas ng gabi?!” muling tutol ni Nathalie. Ngumiti ako ng pilyo. “What is wrong na pumasok tayo ng motel? Mag-asawa pa rin naman tayong dalawa sa mata ng Diyos!” katwiran ko na may kasamang inis. Minsan ay hindi ko na rin mapigilan ang mainis kay Nathalie kapag sobra siyang mag-isip ng masama tungkol sa akin. Katulad na lang ngayon na ang akala ata niya ay gagalawin ko siya. Kahit naman sobrang tigang na ako sa kanya ay hindi ko siya pipilitin na gawin namin ang isang bagay na ayaw niya. Hindi na nakapagsalita pa si Nathalie at wala na siyang nagawa pa kung ‘di ang sumunod sa akin papasok sa room na kinuha ko. Halos mapalunok si Nathalie nang makita niya puro salami
HUNTER’S POV Habang nag-uusap kami ni Detective John ay natapos nang um-order ang secretary kong si David. “Sir Hunter, may goodnews din po ako sa ‘yo,” sabi ni David sa akin. “Then tell me your goodnews,” mabilis kong tugon kay David. “Sir, pumayag na po ang mga board member ng Brown Corporation na ibenta ang share nila sa ‘yo sa amount na offer ninyo. Except kina Mr.Chua and Mr. Tan na talagang matigas,” seryosong sabi ni David. “Kahit doblehin mo ang offer natin?” tanong ko kay David. “Yes, sir, dahil based on the information I got about Mr. Chua and Mr. Tan, I learned that they have real families in Hong Kong that their families here in the Philippines don't know about. And that's what they're most worried about happening so we can use it to get them to agree to sell their shares in Brown Corporation.” Sabay ngiti sa akin ni David na labis kong ikinatuwa. “So, what are we waiting for? Set up a meeting with them so I can get their share and make Brown Corporation mine.” Sa
HUNTER’S POV Dahil naipit kami ni Nathalie sa traffic ay nagkaroon ako nang pagkakataon upang i-seduce siya at halatang-halata ko sa kanya na nadadala siya sa ginawa kong pagtanggal ng button ng polo ko. “Wala na bang ibang way na p’wede tayong daanan?” tanong sa akin ni Nathalie nang halos isang oras na kami rito sa kahabaan ng Ortigas Avenue papuntang Antipolo City kung saan naghihintay sina Detective John at David. “Ito na ‘yong last route na alam kong p’wede nating daanan. At kita mo naman sa Edsa pa lang sobrang haba na ng traffic,” mabilis kong tugon kay Nathalie. “Sana pala umikot na lang tayo Laguna papuntang Antipolo,” muling sabi ni Nathalie. “Don’t worry, makakarating din tayo ng Antipolo,” tanging sagot ko kay Nathalie at nag-focus na akong mag-drive kasabay nang pagtanggal ko pa ng mga butones ng aking polo upang tuluyang lumantad ang mga pande-pandesal sa aking katawan. Lumipas pa ang halos isang oras ay nakarating na kami ng Sumulong Highway papuntang Antipolo. Sa
NATHALIE’S POV Hindi ko alam kung ang ginagawa pa ba ngayon ni Hunter ay bahagi pa ng isang palabas upang makatulong sa paggaling ni Daddy Matteo. Kaya nang makita ko ang singsing na hinubad ko noon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak, dahil hindi ko sukat akalain na itinago pala ito ni Hunter at ngayon ay muling ibinibigay sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang muli ang singsing na minsan ko nang itinapon. Nang patuloy akong umiiyak ay narinig kong umungol si Daddy Matteo. “Naaa,” ungol ni Daddy Matteo na naging dahilan upang tingnan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang kasiyahan na tila nakikiusap na tanggapin ko ang singsing mula kay Hunter. Ngumiti ako kay Daddy Matteo at tumango na naging dahilan nang kanyang pagngiti kasabay nang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na muling tanggapin ang singsing mula kay Hunter. Pero gagawin ko lang ito para sa ikakabuti ng kondisyon ni Daddy Matteo. Tum
HUNTER’S POV Ilang araw ang lumipas simula nang malaman namin ang result ay wala naman nagbago sa pagtingin namin kay Leila kahit alam namin na hindi siya galing sa amin ni Nathalie. Naiuwi na rin namin sa mansion si Leila. At ngayon nga na nakalabas na sa hospital si Leila ay mabibigyan ko na ng oras si daddy na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin dahil sa radiotheraphy niya. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni daddy at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagsalita nang maayos. Katulad nang napag-usapan namin ni Nathalie ay sumama siya sa akin sa hospital upang bisitahin si daddy. Pagkapasok na pagkapasok namin sa private room ni daddy ay nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nathalie nang makita niya si daddy na ang laki nang ibinagsak ng katawan. “Daddy!” sambit ni Nathalie sa malungkot niyang boses habang papalapit kami kay daddy. Nakita ko sa mga mata ni Nathalie ang pagmamahal niya kay daddy dahil tinuring niya si daddy na parang tunay niyang ama. Kaya ganon na lang
NATHALIE’S POV Hindi ako makapaniwala nang basahin ni Dra. Laredo ang results ng DNA test na ginawa sa amin. Kung hindi pa nangailangan ng dugo si Leila ay hindi ko malalaman na hindi ko siya anak. Sobrang sakit sa akin na tanggapin ang katotohanan lalo na’t hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang anak ko. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Tita Victoria na patay na siya, dahil ramdam ko na buhay ang anak ko. Lumapit sa akin si Kuya Gabriel at niyakap ako. “Nathalie, please don’t cry. Ako ang nahihirapan kapag nakikita kang umiiyak. Andito si Kuya sa tabi mo at hahanapin natin ang anak mo,” Sabay pahid niya sa mga luha ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Kuya Gabriel, kaya laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya tuluyan na kinuha sa akin si Kuya Gabriel. At ngayon naman ay wala akong ibang hiling sa Panginoon kung ‘di ang makita ang tunay kong anak. Nang mahimasmasan na ako ay nagpaalam na sa amin si Dra. Laredo ganon din si Tita Victoria na nagpaalam sa amin na uuwi







