LOGIN3RD PERSON'S POV“Whooohhh! Doble wedding na 'to!!!” masayang bulalas ni Troy.“Pwede-pwede!” sang-ayon naman ni Clyde habang pumapalakpak.“Ano? Payag ka ba?” baling naman ni Von kay Hunter.“Dipende kung kung papayag ang Inday ko...” tugon naman niya saka bumaling kay Amara at hinalikan ito sa noo.“Okay lang naman sa 'kin, pero si Shaina, okay lang ba sa kaniya?” sagot naman niya saka bumaling dito.“Okay lang naman...” nakangiti naman nitong tugon.“Great! Bukas, pag-usapan na natin kung kailan ang kasal n'yo. Pero ang hiling ko lang, H'wag n'yo naman akong i-rush! Ilang taon na rin akong ngarag sa tuwing mag-aayos ng shotgun wedding ng pamilyang 'to, eh!” reklamo ni Beatrice na ikinatawa naman nila.“Sige Tita. Mga three months preparation naman this time.” sagot ni Hunter.Napapakamot na lang sa kaniyang noong ngumiti ng alanganin si Beatrice. “Dapat ba akong magpasalamat?”“Hahaha! At least hindi one month...” biro naman ni Von.“Haist! Oo na... Nakakaloka talaga kayo ma-inlove
3RD PERSON'S POV“Everyone, lika kayo... Magsayaw tayo!” aya ni Denese sa lahat matapos i-set up ang sound system.“Wuy! 'lina kayong dalawa... Sumayaw din kayo!” lapit ni Serina kay Jamaicah at Amara. Hinawakan niya ang kanilang kamay at hinila papunta sa gitna kung saan naroon na ang iba.Sinimulang magpatugtog ni Denese ng party music gaya ng B. O. T. A at APT na nagustohan naman ng mga bata na nauna nang sumayaw sa gitna. Aliw na aliw sila habang pinapanood ang bibo nilang mga anak na sumayaw. Ang iba ay kinuhanan sila ng video at pictures.Lumapit naman si Hunter kay Amara. “Let's dance, my Queen.” aya nito sa kaniya.Tumango naman siya at sinimulang ikendeng ang kaniyang bewang sa harapan nito.Hindi naman ito ang first time niyang sumayaw. Noong dalaga pa siya ay palagi siyang laman ng bar at nagpaparty-party.May kapilyahang pumasok sa isip ni Amara. Mapangakit niyang sinayawan si Hunter. Itinaas niya ang isang kamay habang ang isa ay inilagay niya sa kaniyang leeg na dahan-d
3RD PERSON'S POVAgad nag-init ang pisngi ni Amara nang purihin siya ng babaeng morena na maikli ang buhok. Nakaupo ito katabi ng lalaking bumbayin ang hitsura. Sa palagay niya ay mag-asawa ang dalawa dahil nakalingkis ang braso ng lalaki sa bewang ng babaeng iyon.“Loyal lang po talaga kaming mga Montefalco, Ninang. Once na nagmahal kami, isang babae lang hanggang dulo...” tugon naman ni Hunter dahilan para lihim siyang kiligin.“Tama ka d'yan, anak!” proud namang segunda ni Troy.“Asus!!!” natatawa namang tudyo ng babaeng lumapit sa kanila.Si Melay iyon na isa rin sa kaibigan ng mga magulang nila Hunter. Kasunod nito si Nurse Lian na ninang ni Amara. May bitbit silang tray na naglalaman ng pagkain.Ipinatong ni Melai sa ibabaw ng center table ang dalang tray na naglalaman ng mga baso at pitsel na may orange juice, habang sunod namang inilapag ni Lhian tray na naglalaman ng bacon sandwich bilang kanilang snack.“Kainin na muna ninyo ito... Hindi pa kasi sila tapos magluto sa kusina.
3RD PERSON'S POVHindi man buo ang kaniyang loob na humarap sa mga elite na nasa kanilang unahan ay kailangan niyang harapin ang kaniyang pag-aalangan.Ginusto niya si Hunter kaya naman kinakailangan niyang kilalanin at pakitinguhan ang mga taong malapit dito kahit pa nag-aalinlangan siya na makakapalagayang loob niya ang tulad nilang elite.Dati rin naman siyang may gintong kutsara sa bibig ngunit dati iyon! Naging malaki ang epekto sa kaniyang self confidence ang pagkawala ng kanilang kumpanya. Ipinamukha nang pangyayaring iyon sa kaniya na hindi natin kontrolado ang panahon.Hindi natin alam kung kailan mawawala ang lahat sa atin kaya dapat tayong manatiling mapagkumbaba.“Everyone, I'd like you to meet my girlfriend, Amara.” agaw ni Hunter sa atensyon nila Denese, Daniela, Aaliyah, Serina, Jamaicah, Via, Freiah, Frix, Frio, Emman at Claud na noon ay nagtutumpukan at pinagtutulungan ang pagtutuhog ng mga karne sa sticks habang nagkukwentuhan.Sabay-sabay naman silang napalingon kin
3RD PERSON'S POV“Wow!” bulalas ng kambal.Ang kanilang mga kamay ay nakatukod sa salamin ng bintana ng kanilang sinasakyan habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Manghang-manga sila sa malawak at nagliliwanag na bakuran ng Hacienda Crawford!“OMG! Parang palasyo naman sa laki ang bahay nila...” napapatakip ng kaniyang kamay sa bibig na bulalas ni Mina.Halos lumuwa ang mga mata nila sa pagkamangha sa sobrang lawak ng bakuran ng mga Crawford!Sa loob ay may mga punong maayos ang pgkakahelera na puno ng mga solar lantern. Ang mansyon ay triple ang laki kumpara sa mansyon ng mga San Fabian!Halos manliit sa kaniyang sarili si Amara. Ito ba ang bahay nila Shaina? Para siyang sinampal ng realidad ng kahirapan. Pakiramdam niya, bigla siyang naging dayuhan o intruder sa harap ng dalawang makapangyarihang pamilya. Sa tingin niya, mas karapat‑dapat si Shaina para kay Hunter dahil parehong mayaman ang dalawang angkan. Walang‑wala ang pamilya nila kumpara sa mga Crawford na patuloy na lumalago a
3RD PERSON'S POV“Senyorita, may gwapo kang bisita sa ibaba.” imporma ni Mina kay Amara nang pumasok sa kaniyang silid.Katatapos lang niyang maligo at nakasuot lang ng bathrobe. Nasa harapan siya ng vanity mirror at sinusuklay ang kaniyang buhok. Mula sa salamin ay tinignan niya si Mina na nakatayo na sa kaniyang likuran.“Sino naman?” si Hunter lang kasi ang gwapo sa paningin niya.“H-Hindi ko na naitanong kung anong pangalan niya, eh! Basta, mahaba yung kulay red niyang buhok. Matangos ang ilong at may Tattoo sa isang braso. Ang hot n'ya, Senyorita!” bulalas ni Mina habang nagkukorteng puso ang kaniyang mata.Dahil sa pagka-aligaga nang makita ang gwapong lalaki na kausap ni Donya Maria sa living room ay hindi na niya nagawang itanong kung anong pangalan nito. Basta na lang siyang nagkukumahog na umakyat sa hagdanan para ipaalam kay Amara ang pagdating sa kanilang mansyon ng gwapong anghel na may pulang buhok!Kumunot naman ang noo ni Amara. “Si Chase?”Ito agad ang unang taong pum
[Continuation...] Gosh! Why he's so hot and gwapo? His jawline is very naggagalawan which only added to his handsomeness. He looked like a Greek God who had descended to earth!! My own body started to burn with an unfamiliar warmth that I couldn't understand, despite the cold air conditioning ins
[Continuation...] I hurried down the hallway patungo sa restroom and rushed inside. Sa sink ako dumiretso. Yumuko ako and I opened the faucet saka inilabas ang liquid na kanina pa gustong lumabas sa 'king lalamunan. Natriggered ang sikmura ko ng bad breath ni kuya! I got goosebumps all over ag
[Continuation...] Assistant Secretary talaga siya in our company, but because matagal na ang kaniyang mga parents na naninilbihan sa amin, that's why pinakiusapan siya ni Daddy na maging Personal Assistant ko. I cringed while looking at how she looked. She's Manileña naman but she looks promdi
AMARA'S POV “Ms. Amara, ano ba kasing ginagawa natin sa ganitong lugar? Tiyak na mapapagalitan tayo ng Daddy mo, kapag nalaman niyang nagpupunta ka sa ganito...” Mabel rants with an annoyed expression on her face while looking around inside the bar. She's so reklamdor talaga! Like Duh! Ang sakit







