Share

Kabanata 46:

Author: KYOCHIEE
last update Huling Na-update: 2025-09-14 16:14:13

Pagkatapos ng gabing 'yun, kung saan tinanong ako ni Renzo tungkol sa nangyari, hindi na kami nabigyan ng pagkakataong mag-usap na kami lang. Tuloy, hindi ko na nasabi sa kanya ang tungkol kay Sab.

Naging busy sya masyado. Hindi ko alam pero nag-expect talaga ako na maglalaan sya ng kahit ilang minuto para makausap ako tungkol doon, pero hindi nya ginawa.

Kahit si Mama, na galit na galit nun dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong ni Renzo, nakakapagtataka na hindi nya rin ako kinulit kinabukasan.

Parang bigla na lang nila nakalimutan ang tungkol doon.

Maybe Renzo found out what happened from someone else. He had his ways, after all. People talked. Word spread. But still... it didn’t sit right with me.

Noong nangyari ang muntik ng pagdakip sa akin ng mga pulis, nanatili sa bahay si Renzo ng isang linggo. Sabi ni Mama, kaya raw nandoon si Renzo dahil may tinitingnan syang lupa sa malapit. Kaya imbes na sa hotel tumuloy, pinili nyang sa amin.

Sinubukan ko syang kausapin tungkol sa nas
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 75:

    Napapadyak ako sa inis, sabay balik sa harap nya. Gamit ang nabuong irita sa katigasan ng ulo nya, pinagtutulak ko ulit sya sa dibdib, paulit ulit hanggang magsawa ako. “Kasalanan mo 'to, e!” I cried out, my voice cracking as fresh tears blurred my vision.Hindi man lang sya nagalaw nang umulit pa ako ng tulak sa kanya. Nakatayo lang sya sa harap ko, hinahayaan akong pagdiskitahan ang malapad nyang dibdib. “Kasalanan mo kaya ako nalagay sa sitwasyong ito! Dahil sa'yo 'to!”Gusto ko syang saktan katulad kung paano nya ako saktan nitong nakaraang mga buwan. My fists pounded against him, but they were weak now, just desperate taps against the warmth of his body."Bigla-bigla ka na lang nawawala nang hindi man lang nagpapaalam sa'kin!" I sobbed, slamming my fists weakly against his chest. "Ikaw ang rason kaya ako nauwi sa gan'tong sitwasyon!"Nagdikit lang ang mga labi nya, habang nanatiling nakatayo sa harap ko. Hindi ko na binigyan-pansin ang pagdaan ng sakit sa mga mata nya nang mat

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 74:

    Mabilis akong napaahon at napatayo ng tuwid nang marinig ko ang boses nya sa aking likuran. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang kunot na kunot nyang mukha. Malalalim ang paghinga nya habang nilulusong ang daan palapit sa akin. “Bakit ka nandito—Renzo!”Napasigaw ako nang bigla nya akong binuhat. “Renzo, ibaba mo 'ko!” Gumalaw galaw ako para mabitawan nya ako, pero sadyang mahigpit ang pagkakakarga nya sa akin. “Renzo, isa!”Saka nya lang ako ibinaba nang nasa pampang na kami. “Hindi solusyon ang pagpapakamatay, Scarlet!” his voice thundered. Hinabol ko muna ang aking hininga, ganoon din sya, bago ko sya tingnan ng sobrang sama.“Ano bang alam mo sa nararamdaman ko para sabihin ‘yan? Wala! Bakit ka ba nandito?!”Ang kaninang akala ko'y naubos na luha, muli na naman nag-unahan sa paghulog. “That asshole...” inis syang nag-iwas ng tingin saglit. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, tila nagpipigil ng galit. Naikuyom ko ang aking mga kamao, saka sya lalo pinanlisikan ng m

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 73:

    Paano pa ako niyan uuwi kung wala akong maihaharap na lalaki kay Mama? Kung wala ng balak na manindigan si Marco?Wala na. Kahit si Mama, malabong matanggap pa ako. At naiintindihan ko sya. Kahit naman sinong ina, magagalit kung ang bunsong babae ay basta na lang uuwi at sasabihing buntis na. Bukod sa malaking kahihiyan iyon sa kanya bilang ina, isa rin itong malaking kabiguan sa kanya. Kaya naiintindihan ko si Mama. Hindi pa man ako nagiging ina, ayaw kong magaya sa akin ang anak ko.At ayaw ko rin na maging kahihiyan ako sa magiging anak ko. Hindi ko kakayanin. Napayakap ako sa sarili nang yumakap ang hangin sa akin. The wind was getting colder tonight. Sa paraan ng pagyakap ng lamig nito sa akin, tila pinapaalala na buhay pa ako. It was like a final warning and a last attempt to remind me that I still have feelings. Na hindi talaga ako tuluyang namanhid.Napangiti ako nang umalon ang kaharap kong tubig. It was dark, endless, and still a mirror of the emptiness clawing inside

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 72:

    “Sigurado ka bang akin ‘yan? We both know you’re not exactly the innocent type.”Gulat akong natameme kay Marco. The words hit me like a slap, cold and accusing. Ni hindi ko napigilang kunutan sya ng noo dahil sa inis na umakyat sa aking ulo. How dare he? After everything?I bit my lip, trying to keep the tremor in my voice at bay. “Alam mong ikaw ang nakauna sa'kin,” hindi makapaniwalang iling ko. “Oo't malandi ako at papalit palit ng boyfriend, pero ikaw palang ang nakaunang gumalaw sa'kin. It was you who took my first time. Saan ba yan nanggagaling?”Nginisian lang ako na parang gago. The nerve of him.It had been a week since I last saw him after he disappeared from the hospital. Ngayon ko lang sya nahanap pagkatapos ng buong linggong paghihirap na mahanap sya. Dito ko sya natagpuan sa condo ng bago nyang girlfriend. Oo, bagong girlfriend. Ang kapal din. Kanina pa ako dito halos nagmakaawa sa kanya na panagutan ako at samahan kay Mama na sabihin na buntis ako at sya ang ama,

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 71:

    Nilagpasan ko na si Renzo at dali-dali kong pinuntahan ang kawawang si Marco. I dropped my knees in front of him, leveling myself with his slumped figure. Sinubukan kong hawakan ang mukha nya ngunit hindi ko rin itinuloy, sa takot na baka ikasama pa nya ang simpleng paghawak. Mas lalong bumigat ang dibdib ko ngayon na nakikita ko sa malapitan ang sinapit ng kanyang mukha. Yes, I hated him. God knows how I hated him. Kinasusuklaman ko ang kabuuan nya pero ang makita sya sa ganitong kalagayan, para akong dinudurog. Sya pa rin ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. At kahit paulit-ulit kong hiniling ang kamatayan nya, sa loob ko, ayaw ko pa rin mawalan ng ama ang walang kamuwang muwang na bata sa tyan ko. I stared at him, struggling to breathe past the weight in my lungs.“Sinong gumawa nito sa kanya?” Tiim bagang kong tanong kay Renzo, nanatili kay Marco ang aking tingin. “Don’t worry,” Renzo replied coolly behind me. “He’s still alive. Tulog lang 'yan kaya nakapikit.”“He's still

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 70:

    I shook my head, gripping the handle tighter.“I-I told you, I’m not pregnant!” I snapped, my voice started cracking. “Why are you acting like you know more about me than I do?!”I know it sounded defensive. Desperate. And honestly? Pathetic.Kahit ako, ayaw na rin maniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko ngayon. “Renzo!”Napasigaw ulit ako nang bigla nyang niliko ang sasakyan. Tahimik lang sya at hindi pinansin ang sigaw ko. Ramdam ko na ang pamamawis sa noo ko, sa takot na baka mabangga na talaga kami. Matalim pa rin ang mata nya nang saglit ulit nya akong nilingon. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero nakitaan ko ng panlalambot ang ekspresyon nya pagkakita sa namimilog kong mata. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan, hanggang sa itinigil na nya ito sa may gilid. Nakasunod lang ang mata ko sa kanya nang ipatong nya sa ibabaw ng manibela ang kanyang noo. Mayamaya ay nagsimula nyang iuntog ang noo sa manibela, marahan l

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status