"Sigurado ka ba ang anak kong si Alina ang tinutukoy mo?" tanong ni Mama sa lalaking nasa bandang kaliwa.
Actually, kanina pa nya 'yan tinanong sa lalaki, na Riel pala ang pangalan. At ganoon din ang paulit-ulit kong pagkunot ng aking noo sa sarili kong nanay. "Ma, naman," hindi ko na naiwasang mapasabat. "Wala ka bang tiwala sa beauty ni Ate?" Aanak anak sya ng mga dyosa, tapos ngayon, ayaw maniwala na may gwapong namamanhikan kay ate, tsk. Sinimangutan niya lang ako. Pagkatapos ay binalik ang tingin kay Riel, na kalmado pa ring nakaupo. "Opo," sagot naman ng lalaki. "Nandito po ako para hingin ang kamay niya. Nagkasundo na po kami na sa isang araw na gaganapin ang kasal." Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. Literal na gulat talaga. Ang kamay ko ay umakyat sa namimilog kong bibig. Namamanhikan tapos planado na pala ang kasal? E, paano kung humindi si Mama? Anong mangyayari? Napatingin ako sa nanay ko nang bigla itong tumayo. Kusa akong napaatras sa kinauupuan nang makita ang seryosong seryoso niyang ekspresyon. At kung nakakamatay ang isang tingin, baka kanina pa nakahandusay sa sahig itong Riel. Sa talim ba naman ng titig sa kanya ni Mama. A strange sense of unease settling in my chest. Mukhang hindi magiging maganda ang resulta ng pamamanhikan na ito. Buong buhay ko, hindi ko pa nakita si Mama na sumeryoso ng ganito. Lagi syang tahimik, oo, pero sobrang amo ng mukha nya, bagay na namana ni Ate. Sa sobrang amo, iisipin mo talaga na hindi ito marunong magalit. Iyon din naman talaga ang deskripsyon ko sa kanya. Sobrang bait at parang 'di marunong magalit. "Tayo ka d'yan," bigla nyang utos. Napatitig ako sa hindi ko na makilala na nanay ko. Madiin ang pagkakautos nya. Sa takot ay awtomatik akong napatayo. "Hindi ikaw, Scar." Ay. Napakamot ako sa ulo at mabilis na bumalik sa pagkakaupo. "Tayo ka d'yan," ulit nya. Riel obeyed without hesitation, moving with a calmness that made me wonder if he was used to situations like this. Doon ko lang din napagtanto na sya pala pinapatayo ni Mama, hindi ako. "Sumunod ka," ma-awtoridad na utos ulit ni Mama. Seryosong seryoso pa rin ang mukha nya nang umalis sya at nagtungo sa may bandang kusina. Agad din naman sumunod sa kanya si Riel. Ako nama'y natameme sa inasal ng sarili kong Mama. Napahawak ako sa dibdib nang mapagtantong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga. "What was that?" Tameme kong bulong sa sarili. Dumaan ng ilang segundo bago ko napagtanto na kami lang pala nung lalaking natipuhan ko ang natira dito sa sala. A slow grin crept onto my lips. Mula sa lumayong pigura ng dalawa, lumipat ang tingin nya sa akin. Kahit sya ay mukhang nagulat sa biglaang pagseryoso ni Mama, pero nang sa akin na ang tingin, nagsalubong ang kanyang mga kilay. Tila nagtataka sa pagngiti ko. Hindi ko pinansin ang suplado nyang mukha, tumayo ako at may kompiyansang naupo sa tabi nya, kung saan nakaupo kanina si Riel. "Hi," malambing kong bati. Sandaling pagtabi ko sa kanya, naamoy ko na ang panglalaki nyang pabango. At dahil bihasa na ako sa amoy ng mayayamang lalaki, sigurado na akong pasok sya sa standard ko. Ang manly nya, sa totoo lang. Mahal ang papuri ko. Kapag sinabi kong manly ang isang lalaki, para sa akin, sya na ang gusto kong susunod na human ATM ko. Bye bye, Azi, na talaga. "Hi," bati ko ulit nang hindi nya ako pinansin. He didn't acknowledge me again. No reaction, no reply. Saglit lang nya ako tinapunan ng tingin. Mayamaya ay tumayo ito at dire-diretsong naglakad palabas. I let out a quiet scoff. Ang rude, ha. Sandali ko muna pinakalma ang sarili bago nagdesisyon na sundan sya sa labas. Natagpuan ko syang nakatayo sa gilid ng nakasarado naming sari-sari store. Ang kamay nya ay nasa magkabilang bulsa, habang seryoso syang nakatanaw sa malayo. Agad kumunot ang noo nya nang makita ang pagsunod ko. Saglit akong napakagat sa labi bago lumapit sa kanya, at tumayo sa kanyang gilid. Pigil na pigil ko ang aking ngiti nang tinabingi ko ang aking ulo upang silipin ang suplado nyang mukha. Hanggang dibdib nya lang ang taas ko. He was annoyingly tall. Next to him, I probably looked like some kid gawking up at a towering streetlamp. Blangko ang kanyang ekspresyon nang dungawin nya ako. Tumuwid ako ng tayo at nginitian sya. "Did you not hear my hi?" I asked, arching a brow. Tiningnan nya ulit ako. Then, just as quickly, he dismissed me with silence. Hindi ko na naiwasang ikutan sya ng mata. "Bingi ata," I muttered under my breath. "I can hear you." Agad akong napatingin sa kanya nang marinig syang nagsalita. His voice was deep and effortlessly smooth. Ugh! Pati boses, ang yaman! Dahil nabuhayan ako sa boses nya, mabilis akong pumwesto sa harap nya, dala ang ngiti kong kinahuhumalingan ng mga lalaki. "So..." Saglit akong tumigil. Mariin ko syang tinitigan sa mata. "What's your name?" "Renzo," tipid nyang sagot, ta's nag-iwas ulit ng tingin. Pa-hard to get pa. "Renzo, what?" nanunuya kong boses. "Full name, please?" "Alcantara." His tone was flat, uninterested. Still cold, but at least he answered. Napasinghap sya nang humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. "Renzo Alcantara, hm.." Nasa kanya pa rin ang tingin ko. Nagtataka naman nya akong tinitingnan, lalo na nang ilapit ko pa masyado ang katawan ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa labi nang bumaba ang tingin ko sa leeg nya. Ito na. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang magkabilang balikat. Sa gulat nya ay hindi sya agad nakapag-react. Tumiyad ako at siniguradong abot ng aking labi ang ilalim ng kanyang panga. Bumalot ang init sa buong katawan ko nang tumama ang dibdib ko sa katawan nya. Pero bago ko pa mailapat ang aking labi sa kanyang leeg ay naitulak na nya ako, dahilan ng pag-atras ko at muntikang pagkawala ng balanse. "The hell do you think you're doing?" His voice was low, edged with something sharp, annoyance, maybe. Or something else entirely. Imbes na mainis ako, nginitian ko na lang sya. "Oh, come on," umayos ako ng tayo. "I just wanted to mark you," sunod kong pinilig ang ulo, habang may nanunuya pa ring ngiti sa labi ko. "You should be grateful. It means you're my next boyfriend." Tinitigan nya lang ako. Ang kanyang mga kilay ay lalong nagsalubong, para bang galing sa ibang planeta ang mga sinabi ko. "You're insane," bigo nyang iling. I scoffed, placing a hand on my hip. "Don't tell me you don't find me attractive?" To prove my point, I struck a pose. I arched my back just enough to emphasize my curves. Nakatulong din ang suot kong crop top upang mas lalong madipina ang kurba ng aking katawan. And I made sure he noticed everything. Nakipagtitigan muna sya sa'kin, bago sinuri ang buong ayos ko. Mula ulo, bumaba ang tingin nya hanggang sa aking paa, pagkatapos ay bumalik ulit sa mata ko. "How old are you?" he asked with a straight face. Napakurap ako. "Wait, w-what?" Hindi sya sumagot, pero nanatili ang blangko nyang tingin sa akin. For the first time in my life, a guy had actually asked me that. Ilan taon ako? Seryoso? I didn't even know why, but damn it, I felt insulted.Lumapit sa akin si Renzo pagkatapos nyang i-distribute ang pagkain sa mga bata. Ganoon pa rin, iwas na iwas ang mata ko sa kanya kahit nung iginiya ako sa may upuang monoblock sa gilid. May inutos sya kay Yumi kanina, dahilan kaya lumabas na ang babae. Hindi ko alam kung anong klaseng utos iyon dahil hindi ko naman ugali makinig sa usapang mag-asawa. “What do you want for lunch? Are you hungry?” He asked, sitting beside me.Nginitian ko sya, sabay inilingan bilang sagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong nya ngayon ng ganito, kung pwede namang kay Yumi na lang. “Fruits? I can buy them. May malapit na palengke dito.”Muli ko syang inilingan, sunod na nagpanggap na busy sa panonood sa kumakain ng mga bata. They were sitting in a circle, cross-legged on the floor, laughing and eating like it was the best meal of their lives.Magkasalubong ang kilay kong napatingin kay Renzo nang basta na lang nya hinigit ang inuupuan kong monoblock palapit sa kanya. “I didn’t
Tahimik ko na lang pinagmasdan ang nakaluhod ng si Renzo, Napapalibutan ng mga bata habang may tuwa at galak sa kanya-kanyang mukha. Nagmistula syang parang bata kung makipaghalubilo sa kanila. I never thought I’d see someone like him, who always looked so strict, laugh like that. Like a kid himself.May iba sa ngiti nya, e. Hindi ko lang matukoy pero nakakatuwa syang panoorin. It made me glad I came here with him. "Time out muna tayo!" Anunsyo nya sa mga bata.Tumayo na sya mula sa pagkakaluhod, sa gitna nila. Medyo na-alarma pa ako dahil akala ko ay aalis na agad kami. Hindi pala. "May dala akong Jollibee buckets para sa inyong lahat. Luminya na kayo. Find your height dapat, ha?"Ang maingay na mga bata ay mas lalo pang naghiyawan sa tuwa. Wala sa sarili akong napangiti nang luminya na sila habang may ngiti sa labi at kislap sa kanya-kanyang mata. Ang saya nila tignan. Nakakahawa. The excitement was contagious. Bright eyes, wide grins, the pure kind of happiness you don’t get to
Papunta kami ngayon sa isang Bahay ampunan. Dito nya ako dadalhin dahil isa ito sa binibigyan nya ng suporta. Kung tutuusin, hindi ko talaga trip ang ganitong bagay. Ayaw ko sa maiingay na bata. Lalo na kung sobrang makukulit. Siguro, ang nagtulak sa akin para sumama sa kanya ay sa kadahilanang doon sya nanggaling. I wanted to see where he came from... before he became an Alcantara. Siguro gusto ko rin maintindihan ang pinanggagalingan nya, kung bakit pakiramdam nya ay responsibilidad nya ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya. I just wanted to understand the part of him that wasn’t polished and presented. The part that made him him.Sana nga, bago matapos ang araw na ito, may madiskubre ako tungkol sa kanya na hindi ko alam. “Good morning, Sir. Napasyal ho kayo?” a woman’s voice greeted us just as we stepped out of the car.Inalalayan ako ni Renzo palabas ng kotse, saka iginiya sa harap ng babae. Agad lumanding ang mata ko sa kabuuan ng babae nang hindi man lang nya ako tinapun
Umuulan pa rin makaraan ang dalawa pang araw. At sa loob ng dalawang araw na iyan, kating-kati na akong makita muli si Mama. Iyon bang halos hindi na ako makatulog simula nang sabihin sa akin ni Renzo na kakausapin nya si Mama para sumama sa aming dalawa sa Manila. I couldn’t even explain how much that meant to me. Miss na miss ko na talaga ang nanay kong ubod ng bait. Kailanma'y hindi sumagi sa isip ko na malalayo ako sa kanya nang ganito katagal. Nasasaktan pa rin ako kasi alam ko na ako ang rason kung bakit nangyari ito sa amin. Hinihiling ko lang na sana, kahit papaano, bumuti na ang pakiramdam nya sa akin. Na kaya na nya akong tanggapin ulit. Wala akong ideya kung paano bumawi sa kanya, o kung kailan darating ang panahon na makakabawi ako sa kanya, pero sana makabawi nga ako sa kanya kapag magkasama na ulit kami. Na-e-excite ako na kinakabahan. Sana bumuti na rin ang panahon. Hindi na ako makapaghintay. “Ano ba gusto mo maging? Like dream course sa college?” Mula sa tv ay b
I let out a half-laugh. “May nilabhan lang sa banyo,” medyo nahihiya kong tugon.“Nilabhan?” Sinimangutan nya ako. “You should’ve told me. I have people for that.”Agad kong iniling ang ulo, lihim na natatawa sa kanya. I knew this would be his reaction. Ito talaga ang rason kaya ko binilisan ang paglalaba. “Undies kasi 'yun. Ayaw kong pinapalaba iyon sa iba. Nakakahiya.”Napabuntong hininga na lang sya, tila nakuha ang gusto kong ipahiwatig. Sa huli ay napatango din."Wala bang masakit sayo?"Natigilan ako saglit. Ngayon na naitanong nga nya, napahawak ako sa aking balakang at napa-i-stretch nang maramdaman ang kaunting pananakit ng aking likod. Dulot ata ng matagal na pagkakayuko habang nagkukuskos.“Wala naman... masyado,” tanging sagot ko, kahit nakita naman nya ang pagngiwi ko sa sakit. “Next time, I’ll do your laundry.” Matagal nya akong pinagmasdan sa mata, bago dinampot ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Napatanga ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya nang mari
Hilaw ko syang nginisian. “Of course,” sabi ko. “You’re her boyfriend, right? Or should I say, ex?”Kasi 'di naman ata nya ako o-offeran ng kasal kung sila pa rin, 'di ba?Ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya. Nandoon na 'yung dahilan nya sa pag-ako sa pinagbubuntis ko. Kung anong nangyari sa kanila ni Sab sa US. Reaksyon ng sugar daddy nito. Basta, ang dami. At sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinabi nyang 'to ngayon. Kaso pakiramdam ko, may tamang oras para d'yan. Hindi ko lang alam kung kailan pero hindi pa ito ang tamang oras para itanong ang mga 'yan sa kanya. “Hmm... yeah,” sagot nya sa tanong ko. Tila wala pang kasiguraduhan ang paraan ng pagkakasabi nya, dahilan kung bakit mas hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya. Natapos ang usapan namin sa pinapanood naming romance movie. Wala akong napiga sa kanya dahil hanggang doon lang din naman ang sinabi nya. Hindi na rin nabuksan ulit ang usapang kasal sa mga sumunod pang araw. Mabuti naman dahil nakakaram