LOGIN"You're seriously asking me how old I am?"
Tumuwid sya ng tayo at binulsa ulit ang kamay. Halos isumpa ko na ang tangkad nya sa akin gayung nagmumukha akong duwende sa harap nya. Isama mo pa ang brusko nyang pangangatawan. "This is a mistake, young lady. I'm twenty two, not some kid. Whatever you're thinking, you better rethink it." Oh, e, twenty two lang pala, e. Six years gap, hindi na masama. Humalukipkip ako at mataman ko syang tiningnan. Nakataas na ang baba ko, patunay na mas lalong tumaas ang kompiyansa ko sa sarili. "Does age even matter? I asked you a question first, so you should be the one answering. Don't you find me attractive?" Marahas syang suminghap, tila naubos ko ang kakaunti nyang pasensya sa akin. Inilingan nya ako pagkatapos. But his expression? It was the look of a man questioning his life choices, like he couldn't believe he was even having this conversation. "Why would I be attracted to a kid?" What the- A kid? Agad sumiklab ang matinding galit sa ulo ko. Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko. Hindi dahil sa kahihiyan. Dahil iyon sa walang mapaglagyan kong inis at irita. Nagdikit ang mga labi ko. Matalim ko syang tiningnan, ang mga bagang ko ay nagsimula na rin magtagis. Bago ko pa hindi mapigilan ang sarili na manapak, tinalikuran ko na sya at naglakad palayo sa kanya. "A kid? Ako, bata?!" I scoffed. The words tasting even more ridiculous out loud. "Wow, ha. Sa dibdib kong 'to, bata?" Diin na diin ang pagkakakuyom ko ng aking kamao, habang tinutungo ang likod ng aming bahay. Halos bumaon na rin ang mga paa ko sa malambot na lupa dahil sa mabibigat kong apak. "A kid?" tuloy kong rant. "Sobrang hot ko ta's sasabihin nyang kid? Hangal ba sya?" Sumandal ako sa sementong pader, inis na pinagsisipa ang maliliit na damo sa aking talampakan. Each strike doing little to soothe my irritation. Renzo and his stupid, judgmental face. A kid, my ass. With a huff, I pulled out a pack of cigarettes from my pocket, tapping one out with practiced ease. Ang pagsindi ko sa aking lighter ay ang bumasag sa katahimikan ng gabi sa aking paligid. Humithit ako at marahas na binuga ang naipong usok sa aking bibig. Umulit pa ako nang umulit hanggang sa sumama na sa usok ang kaunting iritasyon ko at galit sa nangyari. Okay, fine. Maybe I'd come off a little strong. Nawirduhan ata sya sa kinilos ko. I mean, normal girls didn't go around claiming random guys as their next boyfriend within minutes of meeting them. Pero ganoon naman talaga ako. Ganoon ako sa mga naging human ATM ko, at wala namang naging problema sa kanila. Unang kita pa lang, tapos hindi pa nag-iisang oras, kami na agad. Plus, hindi pa ako natawag na bata. So what was his deal? Bakla ba sya? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makarinig ako ng papalapit na mga yabag. Shit. Baka si Mama na 'yun. My heart stuttered, sa takot na baka mahuli nya akong naninigarilyo. Nagsimula na rin akong mag-panic. Handa ko na sanang itapon ang hawak kong sigarilyo, ngunit natigilan ako at hindi natuloy ang gagawin, nang makita kong hindi naman pala si Mama ang darating. Ang damuhong si Renzo. Kumalma na ang mga pulso ko sa katawan, pero ang iritasyon ko ay muli na naman bumalik dahil sa presensya nya. That same damn look. Like I was something unpleasant he'd stepped on. Napilitan akong ngitian sya, kahit gusto ko na syang ibalibag. "Did you finally realize that I'm actually attractive?" humakbang ako palapit sa kanya. Napatingin sya sa hawak kong stick ng sigarilyo nang itapat ko ito sa aking bibig. "No one's around. I could still put a mark on you," hithit ko at sa mukha nya mismo binuga ang usok. He didn't react. No scowl, no smirk, no sharp retort. Sya ang inaasar ko pero bakit ako ang naaasar? Mayamaya ay narinig ko ang pagbuntong hininga nya. At sa isang mabilis na galaw, nilapit niya lalo ang sarili sa akin, kinuha ang sigarilyo mula sa kamay ko, at saka walang atubiling tinapon ito sa tabi. Napatulala ako sa kanyang ginawa, ang bibig ko'y bahagyang umawang. Hindi pa ako lubos na nakakapag-react nang magsalita sya. "Hanap ka ng Mama mo." And just like that, he turned and walked off, leaving me standing here, breath caught, fingers twitching, and utterly, infuriatingly speechless. Sumunod agad ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito, hindi dahil gusto ko. Sa sobrang inis ko sa kanya, ayaw ko na syang makita pa. Sumunod ako dahil wala akong choice. Nasa hambaan sya ng pintuan, nakatayo, tila hinintay talaga ako. Siguro kung hindi lang ako naiinis sa kanya ngayon, ikakatuwa ko ito. Ang malala pa, baka nilandi ko na sya. Pero dahil wala ako sa mood, at mas naiinis pa lalo ako sa pagmumukha nya, lalagpasan ko sya, at ituturing na parang multo na hindi nag-e-exist sa mundo. Kaso ang hayop na brusko, hinarang sa akin ang mahaba nyang braso sa mismong harap ko, nang lalagpasan ko na sana sya. "What now?" inip kong lingon sa kanya. Swear, my patience was hanging by a thread. Kunti na lang talaga at masasapak ko na sya. "Akin na," seryoso nyang nilahad sa harap ko ang palad nya. Kunot noo ko naman tiningnan ito, pero hindi ako nagsalita. Sa mata na nya ako napatingin nang bigyang-diin pa nya ang pagkakalahad ng kanyang palad sa akin. Ano ba'ng hinihingi ng bruskong ito? "Yung kaha ng sigarilyo mo." I stared at him. Then, very slowly, a smirk curled at my lips. Crossing my arms, I tilted my head, my brow lifting in mock amusement. "Ohhh, I see," I drawled. "Ito na ba ang way mo para sabihing boyfriend na kita? Pasensya ka na, ha, pero ayoko sa strikto." Pinigilan kong ikutan sya ng mata. I didn't mean my words, obviously. Ekis na sya sa akin. Gusto ko lang sya inisin, pambawi man lang sa kanina. Pero katulad lang din kanina, imbes na sya ang mainis, mas lalo nadagdagan ang pagkairita ko sa kanya. "Akin na," ulit nya, nilahad pa lalo sa harap ko ang palad. "You need an ID to buy them, don't you? Must suck being too young to even make bad decisions properly." His next words came low, clipped, and laced with quiet finality. Literal na nalaglag ang panga ko sa gulat. Was there no limit to how hard he could insult me?! Nasa ganoong posisyon pa ako nang biglang syang lumapit sa akin at kusang kinuha ang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa. At sa unang pagkakataon, nakita ko syang ngumisi ng nakakaloko. I was too stunned to speak. "Smoking's bad for our health..." tumigil sya saglit upang ngisian ako lalo. There was a beat of silence as he stared at me, before he continued and said, "... Especially for a kid like you." I swear to God, I could feel my soul leave my body.Tumahan na rin ako nang maingat nya akong ibinaba, pahiga sa aking kama. Nakaalinsunod lang ang paningin ko sa kanya nang kumutan nya ako hanggang dibdib. Ganoon din nang pagkatapos ay itinapat nya sa akin ang bentilador."I'll be back later to give you a massage. Walang tao sa tindahan nyo. Baka manakawan. Call me if you need anything," he smiled softly.Inabot nya sa akin ang cellphone ko. Tipid ko syang nginitian at tinanguhan nang tanggapin ko ito mula sa kamay nya. Inayos nya pa lalo ang pagkakakumot sa akin bago lumabas na ng pintuan.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maiwan akong mag-isa sa kwarto. Tumitig ako sa kisame at inisip ang mga sinabi kanina ni Mama.Alam kong tototohanin ni Mama ang kanyang sinabi. Kung nagawa nga nya kay Kuya Riel, ano pa kaya kay Renzo na ang alam nya ay sya nga ang nakabuntis sa'kin.And knowing Renzo... he wouldn't deny it. Baka ipangalandakan pa sa mga pulis na sya ang ama ng pinagbubuntis ko. That alone could land him in jail f
Mas lalo lang ako napahikbi nang sa pag-angat ko ng tingin kay Mama ay nakitang tumutulo na pala ang luha nya."M-Ma..." halos pabulong ko ng tawag sa kanya. "Ikaw ang mas nakakatanda sa kanya, Renzo," dugtong pa nya. Kalmado na ang boses ngunit nabasag naman ito. Napayuko ulit ako nang hindi ko na nakayanang tingnan ang halos paiyak na nyang ekspresyon. "Sana nagpigil ka. Nagkamali ako sa'yo. Nagkamali ako na ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. May pa-scholar scholar ka pang nalalaman d'yan. Iyon pala, mamanyakin mo lang sya. Ang layo mo sa pinsan mong si Riel—""'Ma!" I stood up abruptly.She fell silent, shocked at my sudden outburst. Kahit ako ay nagulat sa sariling ginawa. Pero hindi ko hahayaan na maging masama si Renzo sa paningin nya. I was panting, tears still falling, but I had to speak."Hindi po ganyan si Renzo, Mama... Sobrang bait nya po katulad ni Kuya Riel. H-Huwag nyo naman po sya pagsalitaan ng masama."I quickly wiped my tears, trying to continue, but my throat
"Bago lumubo ang tyan mo, kailangan kasal na kayo.""P-Po?" Gulat kong tingin kay Mama. Ini-expect ko nang tungkol sa pagkakabuntis ko ang pag-usapan namin ngayon, pero hindi ko lubos maisip na sa kasal mapupunta ang usapan.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya pala masama ang pakiramdam ko tungkol sa pag-uusap na ito. Ito na pala ang rason. Nalipat sa katabi kong si Renzo ang atensyon ko nang marahan nya akong hinawakan sa kamay. Na kay Mama ang tingin nya. Kumpara sa akin na gulat na gulat, sya ay kalmadong ekspresyon ang nakaguhit sa kanyang mukha. Ngunit nang bumaba ang tingin ko sa tensyonadong pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple, doon ko nakumpirma na pati sya ay hindi rin inaasahan ang narinig. "Kung hindi nyo po mamasamain, Tita," aniya, kay Mama pa rin ang tingin. "Na kay Scar po ang desisyon tungkol sa bagay na 'yan."Agad namang napatingin sa akin si Mama. Bahagyang nakakunot ang noo nya, tila naghihintay sa sasabihin ko."Hindi pwedeng magbahay-bahayan lang kayo. Lumal
Tumagal ng ilang minuto bago sya sa akin sumunod sa hapag. Hindi ko ginalaw ang hinanda nyang almusal para sa'kin hangga't hindi sya nakaupo sa tabi ko. Nakakahiya naman kung mauna ako. Sya pa naman ang nagprito. Isa pa, nakasanayan na namin sa bahay nya na magsabay sa pagkain. We started eating in silence. At sa totoo lang, medyo awkward na ang katahimikan sa pagitan namin. Kung tutuusin, kanina pa awkward. Mas lalo lang lumalala kada lipas ng segundong katahimikan. I wanted to say something, anything, to break it. Lalo na ngayon na hindi na talaga sya nagsalita pagkatapos ng eksena namin kanina. Hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Usually, kapag nasa hapag kami, ang dami nyang bilin tungkol sa pagkain ko. "Are we good?" I asked casually, or at least I tried to sound that way. Nagkunwari pa akong kumagat sa hotdog na para sa akin, para hindi ipahalata ang pagkailang na nararamdaman ko. Saglit akong napatingin sa kanya nang iangat nya sa akin ang mata. It took him a few sec
Nang gabing iyon, hindi ko hinayaan si Renzo na matulog sa sahig. Baka lamigin sya kung nagkataon. Mabuti na lang talaga at nandito pa ang matagal ko ng hindi nagagamit na comforter bed. Napakinabangan din. Iyon kasi ang dinadala ko tuwing nagka-camping kami nina Luna. Noong nasa Grade school pa kami no'n. Matagal-tagal na ring hindi nagamit kaya kinailangan pang alisin ni Renzo ang alikabok bago gamitin sa pagtulog. Medyo natagalan sya sa paglilinis nun. Nakatulog na ako bago sya matapos. Nagising lang ako, kinabukasan, nang makaamoy ako ng mabangong pagkain galing sa baba. Siguro ay naghahanda na si Mama para sa pang-almusal namin. Instinctively, I turned to the side, expecting to see Renzo still asleep on the foldable comforter. Pero wala na sya roon. Nakatupi na ang higaan nya at nakalatag na ito sa gilid ng aking cabinet. Ang aga talaga nya gumising. Mag-a-alas sais pa lang, e. Sinipat ko muna ang ayos ng aking mukha bago lumabas ng kwarto, pababa sa kusina. Nakaramdam ako n
"G-Ganun ba 'yun?" I laughed awkwardly, scratching the back of my head. "Uhm... akala ko kasi bilin din ni Mama na magtabi tayo. Alam mo na... um, well, sige... ihahanda ko na ang pangtulog ko. 'Yung gatas ko, 'wag mong kalimutan, ha?"Umalis na ako sa harap nya at nagkukumahog na lumapit sa cabinet. Sa sobrang kahihiyang natamo ko, napapikit na lang akong humarap sa cabinet, sabay kagat ng matindi sa labi. Nakakahiya talaga, oh my God!"Pero maliligo pa rin ako kahit hindi tayo tabi matulog. 'Yung pantalon lang ang kaya kong suutin ulit. Ayos lang ba sa'yo na wala akong suot na t-shirt?"Halos iumpog ko na ang ulo ko sa kaharap na cabinet dahil sa tanong nya. Bakit may pagano'n? Kailangan talaga itanong pa iyon?"A-Ayos lang naman, ano ka ba!" Nanginginig kong sagot, sa cabinet pa rin ang tingin. "P-Parang bahay mo na rin naman 'to."Pasimple akong napabuga ng hangin nang mairaos ko ng mabuti ang panginginig ng aking labi. Hindi agad sya nagsalita kaya nagpanggap na lang akong may hi







