LOGINDalawang taon ang lumipas nang hindi ko halos namalayan kung paano kami napunta mula sa magulong simula hanggang sa tila maayos na pagsasama, dahil sa loob ng dalawang taon na iyon ay unti-unti naming inayos ang lahat ang tiwala, ang komunikasyon, at pati na rin ang sarili naming mga ugali hanggang sa dumating sa punto na naging normal na lang sa amin ang pagiging mag-asawa na may halong asaran, lambingan, at paminsan-minsang away na kadalasan ay nauuwi rin sa bati.Pero gaya ng lahat ng bagay…hindi pala laging masaya.Lalo na kapag unti-unting may nagbabago.Sa simula ay hindi ko agad napansin, dahil sanay naman na ako na busy si Alexander sa trabaho niya bilang CEO, at kahit noong bago pa lang kami ay ganon na talaga siya laging may meeting, laging may calls, laging may responsibilities, kaya hindi na bago sa akin ang makita siyang hawak ang phone niya kahit gabi na o kaya ay biglang aalis dahil may emergency sa kumpanya.Pero ngayon...iba na.Mas madalas na.Isang gabi, habang magk
Dalawang taon ang lumipas nang hindi ko halos namalayan kung paano kami napunta mula sa magulong simula hanggang sa tila maayos na pagsasama, dahil sa loob ng dalawang taon na iyon ay unti-unti naming inayos ang lahat ang tiwala, ang komunikasyon, at pati na rin ang sarili naming mga ugali hanggang sa dumating sa punto na naging normal na lang sa amin ang pagiging mag-asawa na may halong asaran, lambingan, at paminsan-minsang away na kadalasan ay nauuwi rin sa bati.Pero gaya ng lahat ng bagay…hindi pala laging masaya.Lalo na kapag unti-unting may nagbabago.Sa simula ay hindi ko agad napansin, dahil sanay naman na ako na busy si Alexander sa trabaho niya bilang CEO, at kahit noong bago pa lang kami ay ganon na talaga siya laging may meeting, laging may calls, laging may responsibilities, kaya hindi na bago sa akin ang makita siyang hawak ang phone niya kahit gabi na o kaya ay biglang aalis dahil may emergency sa kumpanya.Pero ngayon...iba na.Mas madalas na.Isang gabi, habang magk
Sa mga sumunod na araw ay napansin ko na hindi na lang basta effort ang ginagawa ni Alexander kundi parang sineryoso niya talaga ang pagiging asawa ko, dahil sa bawat galaw niya ay may kasamang pag-iingat, na para bang takot siyang magkamali ulit at tuluyan ko siyang itulak palayo sa buhay ko, at kahit pilit kong pinapanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa ay unti-unti ko ring napapansin na hindi na kasing tigas ng dati ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang tahimik na nag-aantay ng kahit kaunting pansin mula sa akin.Isang hapon habang nasa sala kami ay bigla akong natawa sa pinapanood namin ni Mama sa TV, at hindi ko namalayan na napalingon pala si Alexander sa akin, titig na titig na parang matagal na niyang hinihintay marinig ulit ang tawa ko, at nang magtama ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin pero hindi ko na napigilan ang maliit na ngiti na sumilip sa labi ko.“Do that again,” sabi niya nang mahina pero malinaw ang boses.Napakunot ang noo ko. “Ano?”“Sm
Hindi ko inaasahan na babalik agad si Alexander sa Pilipinas, lalo na’t malinaw na sinabi niya na may importante siyang business meeting sa Russia na hindi puwedeng ipagpaliban, pero mukhang may mga bagay talaga na kahit gaano kaimportante ay kayang talikuran kapag may mas mahalaga at sa pagkakataong iyon, ako iyon, kahit huli na.Dumating siya sa bahay namin isang hapon na parang walang pahinga ang itsura, suot pa rin ang coat niya na halatang galing pa sa biyahe, at habang hawak niya ang maliit na luggage ay diretso siyang pumasok sa gate na parang wala nang pakialam kung paano siya titingnan ng ibang tao.Ako naman ay nasa sala, tahimik na umiinom ng tubig habang si Mama ay nasa kusina at si Lora ay nakaupo sa tabi ko na parang bodyguard na handang manapak anumang oras.“Dera,” tawag niya agad pagkapasok pa lang niya ng bahay.Hindi ako tumingin.Parang wala akong narinig.Pero si Lora?Ay, ibang usapan na iyon.Bigla siyang tumayo at hinarang si Alexander na parang siya ang offici
Paglapag ko sa Pilipinas ay hindi ko na halos maalala kung paano ako nakauwi mula airport papunta sa bahay dahil pakiramdam ko ay naka-auto pilot lang ang katawan ko habang ang isip ko ay paulit-ulit na bumabalik sa eksenang iniwan ko sa Russia si Alexander na hindi man lang ako sinundan, si Anna na nakatayo sa tabi niya na parang walang mali, at ang sarili ko na tahimik na lang umalis na parang ako pa ang walang karapatan magalit.Pagdating ko sa bahay ay agad na bumukas ang pinto bago pa man ako kumatok.“Dera?” gulat na sabi ni Mama habang nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala. “Anak? Ba’t ka nandito? Akala ko nasa Russia ka pa?”Ngumiti ako nang pilit habang hinahawakan ang handle ng maleta ko.“Umuwi na po ako,” sagot ko nang mahina.Napakunot ang noo niya. “Mag-isa?”Hindi ako agad sumagot, at doon na siya lalong nag-alala.“Nasaan si Alexander?”“May work po siya,” sagot ko nang mabilis, “Important meeting.”Parang hindi siya kumbinsido pero hindi na siya nagtanong pa
Kinabukasan ay nagising ako sa malamig na umaga ng Russia na tahimik ang buong bahay ng mga grandparents ni Alexander, at habang nakahiga pa ako sa kama ay malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi kung paano ako tumayo sa harap ni Anna at sinabi ko na respetuhin niya ako bilang asawa, at kung paano ko buong gabi na halos hindi pinansin si Alexander kahit na ilang beses siyang lumapit sa akin na parang may gustong ipaliwanag.Pero kahit ganoon…hindi pa rin nawawala ang inis ko.Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Alexander sa sala na parang kanina pa naghihintay dahil agad siyang tumayo nang makita niya ako.“Dera,” tawag niya agad.Hindi ako tumingin sa kanya at dumiretso lang ako sa kusina para kumuha ng tubig.“Dera please,” sabi niya habang sumusunod sa likod ko. “Don’t ignore me.”Tahimik lang ako habang nagbubukas ng cabinet na parang wala akong naririnig.“Dera.”Mas malapit na siya ngayon.“I said I’m sorry if you felt uncomfortable yesterday.”Doon ako bahagyang tumigi







