Pagkatapos ng very traumatic CEO encounter na parang muntik nang maging dahilan ng maagang resignation ko kahit wala pang lunch break, sinamahan ako ng HR papunta sa magiging “office” ko, at habang naglalakad kami sa hallway, sobrang kampante ko pa kasi iniisip ko, ah okay, may sarili akong cubicle or maliit na room, tahimik, professional, walang multo ng one-night-bad-decision, ganon.“Here’s your workspace,” sabi ng HR sabay bukas ng pinto.Pagbukas pa lang, alam ko na agad na may mali.Very mali.Hindi ito office.Ito ay… isang malaking opisina.Isang opisina na may floor-to-ceiling windows, mamahaling carpet, minimalist na aesthetic, at sa gitna ng isang malaking executive desk na sobrang familiar.At sa gilid no’n…May isa pang desk.Mas maliit.Mas simple.At… katabi.As in katabi.As in kung mag-uunat siya ng braso, kaya niyang itulak ang ballpen ko.Napatingin ako sa HR, tapos sa desk, tapos sa kabilang desk, tapos ulit sa HR na parang may glitch ang utak ko.“Wait,” sabi ko,
Last Updated : 2026-02-06 Read more