Share

KABANATA 10

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-07-01 20:59:15
MEGAN

Nang makabalik na ako sa mesa namin, saka palang medyo kumalma ang tibok ng aking puso. Akala ko katapusan ko na. Isa talagang malaking kahihiyan kung naabutan ako ng mga empleyado sa loob ng men's room na kasama si Brix.

Gago talaga 'yong lalaking 'yon! At ginamit pa talaga ang sitwasyon para maamin ko sa kanya na nagseselos ako kay Carla. Pucha. Yon pala, wala namang sense ang pagseselos ko, dahil pinsan lang pala niya 'yon. Pero honestly, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib, k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 27

    MEGANNapakurap ako at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit tila kailangan ko pang isipin nang mabuti ang isasagot ko. Tutal, wala naman akong boyfriend at wala ring masama kung tatanggap ako ng imbitasyon mula sa isang lalaking gustong makilala ako.“That's very thoughtful of you, Alexander. I—”“She's not available.”Muntik akong mapalingon nang marinig ang malamig na boses ni Brix. Alexander chuckled. “Really? May prior commitment ba siya?"“Yes. She does.”“May I know what it is?”Bago pa makasagot si Brix, agad akong sumingit. “Actually, I don't think I have any plans yet, sir.”Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya, halatang hindi niya nagustuhan ang sinasabi ko. Pero wala naman siyang karapatang pagbawalan ako kung sinong idi-date ko.“Then perhaps I can get your number, Megan.” Nakangiting sabi ni Alexander. "Okay lang ba sa 'yo?"“Sure. That would be—”“Megan.”Napalingon ako kay Brix. Diretso ang tingin niya sa akin, at may kung anong babala sa mga mata nito.“Yes, s

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 26

    MEGANAlas-sais y medya na ng gabi nang tuluyan kong maisara ang huling folder na kailangan kong ayusin para sa meeting ni Brix kinabukasan. Halos buong araw akong nakatutok sa mga dokumento, nag-aasikaso ng kanyang mga appointment, at nakikipag-ugnayan sa iba't ibang departamento. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng iyon, makakahinga na ako nang maluwag. Pero hindi pa pala kasi kailangan ko pang samahan si Brix sa business dinner niya. “Megan.”Napalingon ako sa may pintuan ng opisina ko.Nakatayo roon si Brix, nakasuot ng charcoal-gray suit na bumagay sa malapad niyang balikat. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng puting polo niya, at walang suot na kurbata. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, ngunit may ilang hiblang bahagyang nakalaylay sa noo niya na lalo lamang nakadagdag sa sex appeal niya. Damn him. Bakit kailangan pa niyang magmukhang gwapo?“Yes, sir?” mahinahon kong sagot.“Are you ready?”Kinuha ko ang bag ko at tumayo. “Yes, sir. Naipadala ko na rin ang confirmation

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 25

    MEGANPagkalabas ko ng opisina ni Brix, agad akong napabuntong-hininga. Saka pa lang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina para akong nakasalang sa apoy kahit malamig naman ang aircon sa loob. Hindi ko maiwasang maapektuhan sa presensya niya. Bwesit.“Gago ka talaga, Brix,” bulong ko habang naglalakad papunta sa opisina ko.Katabi lamang ng executive office ang bago kong workplace. Isa itong medium-sized na silid na may malawak na salaming dingding na naghihiwalay rito sa opisina ni Brix. Mula sa loob, malinaw kong natatanaw ang halos kabuuan ng kanyang opisina—mula sa malaking executive desk, sa mga estanteng puno ng makakapal na folders, hanggang sa malalawak na bintanang nagbibigay-tanaw sa malaking lungsod.Ngunit ang pinakanapansin ko ay ang maliit na pintuan sa gilid ng salaming dingding. Dahil magkadikit lamang ang dalawang opisina, may nakalaang pintuang nagdurugtong sa lugar ko at sa executive office ni Brix. Hindi ko na kailangang lumabas sa main door para puntahan siya sa tuwing

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 24

    MEGANHabang papalapit ako sa executive office, mas lalo akong kinakabahan. Pero tama naman si Rica. Trabaho lang walang personalan. Ilang sandali pa'y nasa harap na ako ng opisina ni Brix.It's just work, Megan. You can do this. Huminga ako ng malalim. Dalawang beses akong kumatok bago marinig ang pamilyar na boses niya.“Come in.”Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok. Nasa likod siya ng malaking mesa, abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved polo na bahagyang nakatupi ang manggas hanggang siko. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang may sinusuri sa laptop, kaya hindi niya agad napansin ang pagdating ko.“Good morning, sir.”Nang marinig ang boses ko, agad siyang nag-angat ng tingin. Sandali siyang natigilan bago isinara ang laptop niya. “Miss Castillo,” aniya, tila sinasadya ang paggamit ng apelyido ko. “You're here.”“Yes, sir. I was instructed by Mrs. Reyes to report to your office today. I'm ready to begin my duties as your persona

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 23

    MEGANNagdaan pa ang mga araw at nakalabas na rin si Nanay ng ospital. Pero sabi ng doktor, maselan pa rin ang kalagayan niya. Anytime, pwede pa ring bumalik ang emotional breakdown niya lalo na kung may mga masasakit na bagay na makakapagpaalala sa kanya.Isang umaga, habang nasa sa office desk ako, bigla akong pinapatawag ng manager namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka may nagawa akong pagkakamali."Good morning, Ma'am," magalang kong bati nang makapasok ako sa opisina niya.Tumango lang si Mrs. Reyes, hindi man lang ngumiti. Well, sanay na kami ni Rica sa kanya, laging seryoso pero hindi naman galit. "Ma'am pinapatawag niyo raw po ako?"Nag-angat siya ng tingin at saka inabot sa akin ang isang pirasong papel. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ang nakasulat, "Notice for Promotion."Promotion?Ako?“Ma'am, ano po ito?” hindi ko napigilang itanong.“Hindi ba malinaw ang nakasulat diyan, Miss Castillo?” malamig niyang sagot. “You're being promoted.”Parang biglang na

  • A Mistaken Night with the Billionaire CEO   KABANATA 22

    MEGAN"Girl, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Rica nang makabalik na ako sa opisina. Marahan lang akong tumango at umupo sa office cubicle ko. "Teka lang, ba't namumula 'yang mata mo?" muli niyang tanong at dahan-dahang tinulak ang office chair niya palapit sa akin. "Hmm. Parang alam ko na kung bakit."Hindi ako sumagot, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Ayaw ko munang magkwento sa kanya at baka muli na naman akong maiyak. "Alam mo bang nagtanong si sir Brix kung 'asan ka? Siguro nagtaka dahil ako ang pumunta sa office niya para kunin ang mga dokumento. Eh kaso, hindi pa raw siya tapos pumirma eh. Babalikan ko pa mamaya."Hindi pa rin ako umimik. Nakatutok lang ang mata ko sa screen ng computer. Hindi na rin niya ako kinulit pa at bumalik na siya sa mesa niya. Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang intercom sa gilid ng table ni Rica. "Yes, sir." Narinig kong sabi niya. "I'm sure si Brix ang kausap niya. Baka pinapakuha na ang mga dokumento. Nang maibaba ang telepono tumingi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status